You are on page 1of 2

itwasyong Pangwika sa Panahon ng Hapon

PAGLINANG NG ARALIN
      Noong panahon ng mga Hapones nagkaroon ng pagsulong ang wikang pambansa. Sa
pagnanais na burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagbawal ang
paggamit ng Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Taong 1942 ay
sinakop tayo ng mga hapon at lumaya noong 1946.
Mahahalagang Pangyayari
1. Layunin maitaguyod at mapalakas ang Batas Militar upang tuluyan nang mabura ang
malawakang implwensya ng mga mananakop na Amerikano sa lahat ng aspeto ng
pamumuhay ng mga Pilipino.
2. Binigyan ng pagkakataon ng pamahalaan ang mga Pilipino subalit ang Pilipinas ay nasa
ilalim pa rin ng patnubay ng mga Hapong Militar.
3. Itinaguyod nila ang tinatawag na “ Greatest East Asia Co-Prosperity Sphere upang
malasap daw ang sariling kaunlaran at kultura ng mga bansang Asyano (Agoncillo, 1990)
4. Higit na naging maka-Pilipino sa larangan ng paggamit ng wika. Ipinagbawal ang
paggamit ng wikang Ingles maging sa mga aklat at peryodiko. Ipinagamit ang wikang
katutubo, partikular ang wikang Tagalog sa pagsusulat ng akdang pampanitikan.
5. Ang wikang Tagalog at wikang Hapones (Nihonggo) ang naging opisyal na wika.
Hindi maikakailang sa panahon ng mga Hapones nagkaroon ng masiglang talakayan tungkol
sa wika. Marahil  ay dahil na rin  sa pagbabawal ng mga Hapones na tangkilikin ang wikang
Ingles.Noong mga panahon ito napilitan ang mga bihasa sa wikang Ingles na matuto ng Tagalog
at sumulat gamit ang wikang ito.
Kaya nga masasabing  ito ang Panahon ng Gintong Panitkan sapagkat nabigyan ng
pagkakataon  na linangin ang ating wika sa pamamagitan ng paglikha ng mga akdang
pampanitikan.
 

Sitwasyong Pangwika sa Panahon ng Republika


Hanggang Kasalukuyan
 
PANAHON NG PAGSASARILI HANGGANG SA KASALUKUYAN
            Ito ang panahon ng liberasyon hanggang sa tayo ay magsarili simula noong Hulyo 4,
1946. Pinagtibay rin na ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa  ng Batas 
Komonwelt Bilang 570. Kalayaan na naging daang hindi lamang sa pisikal na paglaya kundi
higit sa lahat ay kalayaan sa pagsasalita gamit ang ating sariling wika. Ang pokus ng atensyon ng
pamahalaan sa panahong ito ay ang pagpapaangat ng ekonomiya o kabuhayaan ng bansa. Muli
nagpamalas ng malasakit ang mga Amerikanong dayuhan sa bansa. Naging masigla ang
pamumuhunan ng mga negosyante at karamihan ay mga Amerikano. Nagkaroon ng pagdududa
sa kakayahan ng wikang  Pilipino bilang wikang pambansa.
Naging usapin ng ang wikang Pilipino ay purista raw at ang pagtuturo nito sa mga paaralan
ay nakatuon lamang sa mga aralin at usaping gramatikal kaya nahihirapan itong pag-aralan ng
mga katutubo.
Nang umupo si Corazon Aquino bilang unang babaeng pangulo ng Pilipinas ay bumuo ng
bagong batas ng Constitutional Commission. Sa saligang Batas 1987 ay nilinaw ang mga
kailangan gawain upang maitaguyod ang wikang Filipino. Sa panunugkulan ni Pangulong
Aquino isinulong ang pagganit ng wikang Filipino.
Ang Seksiyon 6 ng Artikulo XIV ng saligang Batas 1987 ay nagsasaad ng sumusunod:
SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa na naayon sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang
wika.
            Ayon sa itinatadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya ng Kongreso,
nararapat na magsagawa ng mag tuntunin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod
ang paggamit ng Filipino bilang midyum na opisyal sa komunikasyon at bilang pagtuturo sa
sistema ng edukasyon.
SEK 7:  Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang wikang opiysal ng Pilipinas ay
Filipino at, hangga’t walang ibang wika itinatadhana ang batas Ingles. Samantala ang mga
wikang panrehiyon ay magsisilbing pantulong sa pagtuturo doon.
SEK. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wika panrehiyon, Arabic at Kastila.
SEK. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng
mga kinakatawan ng iba’t ibang mga rehiyon.
            Tinupad ito ng Pangulong Corazon C. Aquino sa pamamagitan ng Executive Order No.
335, ito ay “Nag-aatas sa lahat ng mga kagarawan, kawanihan, opisina, ahensya at
instrumentality ng pamahalaang magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning
magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon at korepondensiya;”
Nang umupo naman si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay naglabas siya ng Executive
Order No.210  noong Mayo, 2003 na nag-aatas ng pagbabalik sa isang monoligguwal na wikang
panturo----ang Ingles, sa halip ng Filipino sa atas na ito.
            Isang malaking hamon para sa bawat mamamayang Pilipino na bagamat mayroon ng
wikang pambansa ay patuloy na gamitin upang huwag itong mamatay. Patuloy itong  yayaman
sa pamamagitan ng araw-araw na paggamit sa pasalita man o pasulat. Patuloy na ipagmalaki
hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa buong mundo upang maging wika ng karunungan
ang wikang pambansa.

You might also like