You are on page 1of 1

Yunit I Introduksyon: Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng

Edukasyon at Lagpas Pa

PAGSASANAY 1:

1. Wikang Filipino

And wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Noong 1937, idineklara ng dating Pangulong Manuel L.
Quezon na magkaroon ng pambansana wika at ito ay ang Tagalog. Ang pambansana wika ay tinaguriang
Pilipino noong 1959 apana maihiwalay ito sa mga Tagalog. Dumating ang panahon, nagkaroon ng pormal
na pagbagay na lengguwahe – Filipino sa halip ng Pilipino.

2. Wikang Opisyal

Ang wikang opisyal ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang batas
ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Pinagtibay ng Batas–Komonwelt Blg. 570 na nagtatadhana na simula sa Hulyo 4, 1946 ang Wikang
Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.

3. Pangulong Manuel Luis M. Quezon

Si Pangulong Manel Luis M. Quezon ay pinanganak noong Agosto 19, 1878. Siya ay tinaguriang “Ama
ng Wikang Filipino“ dahil sa kaniyana pakikipaglaban na makaroon ng pambansang Wika ang Pilipinas.
Ipinagutos niya ang pagbuo ng isang Surian ng Wikang Pambansa na layong magsaliksik at buuin ang
ating Wikang Pambansa.

4. Surian ng wikang Pambansa

Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184, itinatag and Surian ng Wikang Pambansa na mag-aral ng mga
diyalekto sa pang kalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang
batay sa isa sa mga umural na wika.

5. Mga opisyales ng SWP

Tagalog ang wikang napili sa ilalim ng pamumuno ni Jaime C. de Verra (Waray), at kinabiblangan ng
mga kasapi ng sina Santiago A. Fonacier (Ilokano), Filemon Sotto Cebuano), Casimiro F. Perfecto
(Bikol), Felix S. Salas Rodriguez (Panay), Hadji Butu (Moro), at Cecilio Lopez (Tagalog)

You might also like