You are on page 1of 2

PANIMULANG PAGTATAYA

I. Pangkalahatang Panuto : Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Siya ang pangulo ng bansang Pilipinas na sumusog sa mungkahing ibatay ang wikang pambansa sa isa sa umiiral
na wika o wikain sa ating bansa?
a. Ferdinand E. Marcos b. Fidel V. Ramos c. Manuel L. Quezon d. Carlos P. Garcia
2. Siya ang kalihim ng DepEd na nangunguna sa pagtataguyod ng mga pagbabagong dala ng K to 12 Kurikulum.
a. Jose E. Romero b. Leonor M. Briones c. Cecilio Putong d. Br.Armin Luistro
3. Ito ang kasalukuyang bilang ng mga wika o wikain sa ating bansa ayon sa itinadhana ng ating Saligang Batas ng
1973.
a. 10 b. 19 c. 15 d. 21

4.Katangian ng wikang nagpapakitang ito’y hindi maaaring puro sapagkat ang bawat wika ay binubuo ng iba’t ibang
barayti dala na rin ng mga salik panlipunang nagiging dahilan sa pagkakaiba-iba ng mga ito.
a.Creole b. Heterogenous c. Homogenous d.Pidgin
5.Sa barayting ito ng wika nakabatay ang pagkakaiba-iba sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng
mga taong gumagamit ng wika.
a. Etnolek b. Register c. Idyolek d. Sosyolek
6. Ito ay ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol ng ugali o asal ng ibang tao.
a. Regulatoryo b.Personal c. Impormatibo d. Interaksyunal
7. Tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkuha o paghahanap ng nimpormasong may kinalaman sa pakasang pinag-
aralan.
a. Regulatoryo b.Personal c. Impormatibo d. Interaksyunal
8.Ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog na nilikha ng mga hayop.
a. ding-dong b.bow-wow c. Yo-he-ho d. Ta-ta
9.Nagmula raw ang wika sa pagsasama ng mga tao kapag nagtatrabaho o nagtitipon- tipon.
a. ding-dong b. Ta-ta c. Yo-he-ho d.Bow-wow
10. Ito ang paraan ng pagbabahagi ng wikang lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento
sa isang kodigo o batas.
a. Poetic b. Emotive c. Conative d. Referential

II. Suriing mabuti ang mga pahayag. Sa kahon bago ang bilang, isulat ang A kung ang unang pahayag ay tama at mali
ang ikalawa; B kung ang ikalawang pahayag ay tama at mali ang una; C kung parehong tama ang pahayag; at D kung
parehong mali ang pahayag.

1. a. Pagkatapos ng kolonyalistang Espanyol,dumating naman ang mga Amerikano

b. Nadagdag ang wikang Ingles bilang isang banyagang wika.

2. a.Ginamit ang wikang Ingles bilang isang banyagang wika.

b. Mula primarya hanggang sekundarya ay Tagalog ang ginamit, ngunit pagdating ng kolehiyo ay Ingles na

3. a. Naniwala ang mga kawal na Amerikano na mahalagang maipalaganap agad sa kapuloan ang wikang Ingles
upang madaling magkaunawaan ang mga Pilipino at Amerikano
b. Mga Pilipinong guro ang unang nagsipagturo ng Ingles at sumunod ang grupong kinilala sa tawag na
Thomasites

4. a. Nagsagawa ng sarbey ang mga Amerikano sa pamumuno ni Dr. Paul Monroe

b. Nabatid nilang epektibo ang paggamit ng wikang Ingles sa pagtuturo.

5. a. Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na maging wikang pambansa.

1
b. Ang panukala ay hindi sinang-ayunan ni Pangulong Manuel L. Quezon.

6. a. Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 opisyal na paglikha ng Surian ng Wikang
Pambansa
b. Ipinalabas noong 1937 ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.134 – nag-aatas na
Tagalog ang wikang Pambansa

7.a. Noong panahon ng mga Hapones , ninais nitong burahin ang anumang impluwensya ng mga Amerikano
b. Ipinagbawal ang paggamit ng Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino.

8. a. Pagkaraan ng ilang buwang pananakop ng mga Hapones ay binuksan muli ang mga paaralang bayan sa
lahat ng antas , itinuro ang wikang Nihonggo sa lahat.

b. Binigyang – diin ang paggamit ng wikang Tagalog upang maalis na ang paggamit ng wikang Ingles.

9. a. Sa panahon ng pagsasarili, pinalitan ang tawag sa wikang Pambansa mula sa Tagalog ito ay nagging Pilipino
sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg.7

b. Sa panahon ding ito, ang mga sertipiko at diploma ay inilimbag sa wikang Ingles.

10. a. Nang umupo naman si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay naglabas siya ng Executive Order No.210
noong Mayo 2003 na nag-aatas ng pagbabalik sa isang monolingguwal na wikang panturo- ang Filipino .

b. Ito ay hakbang upang maitaguyod ang paggamit ng Wikang Pambansa.

You might also like