You are on page 1of 10

MULTIPLE CHOICE

1. Ito ay integral na bahagi ng tao sa pagkapanganak niya.


a. wika b. komunikasyon c. liwanag d. salita

2. Ito ang kahulugan ng CHED.


a. Commission on Higher Education Department
b. Commission on Higher Education
c. Committee on Higher Education
d. Commission on Higher Evolution of Education

3. Siya ang tagapangulo ng CHED na nagpatibay sa CHED Memo No. 20, s. 2013.
a. Patricia Soledad c. Patricia Licuanan
b. Virgilio S. Almario d. Prospero De Vera

4. Siya ang kasulukayang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino.


a. Patricia Soledad c. Patricia Licuanan
b. Virgilio S. Almario d. Prospero De Vera

5. Alin sa mga bansang nasa ibaba ang hindi niyakap ang wika ng bansang sumakop sa kanila?
a. Mexico b. Bolivia c. Angola d. Indonesia

6. Aling katutubong wika ng Filipinas ang liyamado noong 1934 kumbensyong konstitusyonal?
a. Sebwano b. Bikol c. Tagalog d. Ilokano

7. Anong trabaho ang nag-udyok kay Gng. Arroyo para ilabas ang Executive Order Blg. 210 na may
pamagat na “Establishing the Policy to Strengthen the use of English as a Second Language in
the Education System”?
a. care giver b. call center c. construction worker d. teacher

8. Anong House Bill ni Gng. Arroyo ang nakahain sa Kongreso na itinuring na naman na Anti-
Filipino.
a. House Bill No. 5094 c. House Bill No. 5092
b. House Bill No. 5093 d. House Bill No. 5093

9. Siya ang convenor ng Tanggol Wika na nagpasimuno sa petisyon na may layuning ipahinto ang
implementasyon ng Revised General Education Curriculum (RGEC) Components ng K to 12.
a. Dr. David Michael Sa Juan c. Dr. Aurora Batnag
b. Dr. Bienvenido Lumbera d. Dr. Fanny Garcia

10. Petsa nang ilabas ng CHED ang CMO No. 20, s. 2013.
a. Agosto 29, 2012 c. Hunyo 28, 2013
b. Disyembre 7, 2012 d. Mayo 31, 2013
11. Siya ang nanguna sa resolusyon hinggil sa pagtiyak sa katayuang akademiko ng Filipino bilang
asignatura sa antas tersarya.
a. Dr. David Michael Sa Juan c. Dr. Aurora Batnag
b. Dr. Bienvenido Lumbera d. Dr. Fanny Garcia

12. Siya ay isa sa mga Tagapagsalita sa konsultatibong forum sa DLSU na itinuring na de=calibre dahil
sa siya ay Alagad ng Sining.
a. Dr. David Michael Sa Juan c. Dr. Aurora Batnag
b. Dr. Bienvenido Lumbera d. Dr. Fanny Garcia

13. Ito ang petsa kung kalian nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pangunguna
ni Bienvenido Lumbera.
a. Abril 15, 2015 c. Hulyo 4, 2014
b. Hunyo 16, 2014 d. Hunyo 21, 2014

14. Petsa kung kalian nabuo at naitatag ang Tanggol Wika.


a. Abril 15, 2015 c. Hulyo 4, 2014
b. Hunyo 16, 2014 d. Hunyo 21, 2014

15. Noong Hunyo 2, 2014 ay nabigyan ng pagkakataong makipagdiyalogo sa dalawang Komisyoner


ng CHED ang mga tagapagtaguyod ng wika para pag-usapan ang hinggil sa Memo Order No. 20,
s. 2013. Ito ay sa pamamagitan ng inisyatiba ni:
a. Dr. David Michael Sa Juan c. Dr. Antonio Contreras
b. Dr. Bienvenido Lumbera d. Prop. Marvin Lal
TAMA O MALI

1. Nakabatay ang pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika sa paniniwala ng mga linggwist


hinggil sa pagiging heterogeneous o pagkakaiba-iba ng wika at “hindi kailanman sa pagkajatulad
o uniformidad ng anumang wika”.

2. Ayon kay Cafford (1965), may dalawang uri ng varayti ng wika. Una ay permanente para sa mga
tagapagsalita/tagabasa at ang ikalawa ay dinamiko dahil nagbabago kung may pagbabago sa
sitwasyon ng pahayag.

3. Ang dayalekto at idyolek ay kabilang sa mga varayting permanente.

4. Ang idyolek ay isang varayti na kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang


ginagamit ng particular na indibidwal.

5. Ang register ay varayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa


oras ng pagpapahayag.

6. Ang ethnolinggwistikong teorya ay batay sa palagay na ang wika ay panlipunan at ang speech
(langue) ay pang-indibidwal.

7. Kaugnay pa rin ng ethnolinggwistikong teorya ang idea ng pagiging heterogeneous ng wika o ang
pagkakaroon ng ibat ibang anyo, mapalinggwistika, mapa-okupasyunal o mapasosyal man ang
anyong ito.

8. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang varayti/ register/ anyo ng wika ay bagreresulta sa pananaw ng
pagkakaroon ng herarkiya ng wika {deficit-Hypothesis) ang tawag dito ni Bernstein (1972).

9. Sa linguistic convergence, ipinapakita na sa interaksyon ng mga tao, nagkakaronn ng tendensiya


na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyan-halaga ang pakikiisa,
pakikipagpalagayang-loob, pakikisama o kaya’y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo.

10. Sa kabilang dako, linguistic divergence naman kung pilit na iniiba ang pagsasalita sa kausap para
ipakita o ipahayag ang pagiging iba at di-pakikiisa at pagkakaroon ng sariling identidad.

11. Bahagi ng Teoryang Speech Act ang tinatawag na interference phenomenon at interlanguage na
nakapokus sa mga wikang kasangkot.

12. Sa depinisyong ayon sa KWF resolusyon 96-1, “ang Filipino ay ang pambansang wikang ginagamit
sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo”.

13. Ang pagkakaroon ng varayti at varyaysyon ng wika ay dala ng nagkakaibang pangkat ng tao na
may iba’t ibang lugar na tinitirahan, interes, Gawain, pinag-aralan at iba pa.

14. Ang dayalekto ay batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay.

15. Ayon kay Catford, permanentenang matatawag ang idyolek ng isang taong may sapat na gulang.
TUKUYIN.

1. Ito ang isang naiwang maliit na baryant o pagkakaiba sa loob ng isang wika.

2. Ang halibawa nito ay wika ng mga blogger na Filipino, mga parloristang Filipino, at maging nang
wika sa mga tabloid.

3. Sa kakayahang ito naksasalay ang pagpili kung ano ang sasabihin, gayundin kung paano at kalian
ito sasabihin.

4. Tinutukoy nito kung paano bumigkas ang isang tao.

5. Ang Chavacano ang kongkretong halimbawa nito.

6. Ito ay barayting nabubuo batay sa dimansyong sosyal, ibig sabihin nakabatay sa mga pangkat-
panlipunan.

7. Tumutukoy ito sa anumang pekulyaridad sa paggamit ng wika.

8. Ito ay barayti ng wika na nabuo/nabubuo dahil sa pangangailangan at praktilidad.

9. Tumutukoy ito sa ikinatatangi sa paraaan ng pagsasalita ng isang tao.

10. Sinasabi o tinatawag din ito bilang intelektwalisasyon ng wika

11. Tumututkoy ito sa pagkuha, pagtatala, pagpapakita, pag-intindi at pagpapalaganap ng


impormasyon.

12. Isang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa pagtamo ng


bagong kaalaman

13. Anumang bagong kaalaman na natamo mula sa mga naririnig, nababasa, napapanood o
nararamdaman na napoproseso ayon sa sariling karanasan.

14. Isang kategorya sa pagproseso ng impormasyon na karaniwan sa mga indibidwal na may hilig sa
musika o maging sa talakayan.

15. Mga kaalamang kinokolekta, inuunawa at sinusuri upang makabuo ng bagong impormasyon o
kaalaman.

16. Tumutuloy ito sa mga katotohanan at opinion na ibinibigay at natatanggap sa pang-araw-araw


na buhay at maaaring tumutukoy sa mga kaalamang hatid ng mass media.

17. Pagkilala, pagunawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga isea mula sa mga nakalimbag na
simbolo.
18. Nakauunawa ang mga indibidwal sa ganitong proseso sa pamamagitan ng mga demonstrasyon,
eksibit pag-aaral ng kaso, at mga kongkretong aplikasyon.

19. & 20. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng


(19)______________________ o mga (20)_____________________

TUKUYIN. (ALIBATA, ABECEDARIO, ABAKADA, ALPABETO, ALFABETO)

1. Ang tinatawag din na baybayin.

2. Panahon ng kastila, titik Romano

3. 1986, 28 letra.

4. Panahon ng republika , 1974.

5. 2001 revisyon ng alfabeto

6. Ilang letra ang mayroon noong 2001 revision ng alfabeto.

7. Bago pa dumating ang mga kastila

8. Ilang letra ang mayroon noong panahon ng kastila

9. Mula sa dayuhang Malay

10. Ilang letra ang mayroon noong panahon ng republika

11. Kailan inihain ang bagong revision?

12. Kailan naging ganap na pagpapatupad ang bagong revision?


MULTIPLE CHOICE.
1. Dito nakasaad na ang wikang Filipino ay ang pambansang wika ng Pilipinas.
a. Saligang Batas ng 1987 (Artikulo XIV, sek. 5-6)
b. Saligang Batas ng 1897 (Artikulo XIV, sek. 6-7)
c. Saligang Batas ng 1987 (Artikulo XIV, sek. 6-7)
d. Saligang Batas ng 1897 (Artikulo XIV, sek. 5-6)

2. Isa rin ito sa mga opisyal na wika ng bansa kasama ang Ingles.
a. Tagalog b. Filipino c. Bisaya d. Ilokano

3. Isinaad nito na ang wikang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa Pilipinas bilang wika
ng mga etnikong grupo.
a. Resolusyon 69-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino
b. Resolusyon 69-1 ng Konstitusyon sa Wikang Filipino
c. Resolusyon 96-1 ng Komisyon ng Wikang Filipino
d. Resolusyon 96-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino

4. Binaggit niya kung bakit may wikang pambansa


a. Almario (2014) b. Almario (2015) c. Alnario (2014) d. Alnario (2015)

5. Ang wikang opisyal ang itinadhana ng batas na maging wika sa op[isyal na talastasan ng
a. paaralan b. pamahalaan c. palengke d. pa

6. Nakasaad sa probisyon na ito:


“Ang wikang Tagalog ang siyang magiging opisyal na wika ng mga Pilipino.”
a. Saligang Batas Ng Biak-na-Bato noong 1987
b. Saligang Batas Ng Biak-na-Bato noong 1887
c. Saligang Batas Ng Biak-na-Bato noong 1897
d. Saligang Batas Ng Biak-na-Bato noong 1997

7. Itinakda ng Philippine Commission , Batas 74 noong 1901 na ito ang wikang opisyal ng bansa
a. Ingles b. Filipino c. Tagalog d. Pilipino

8. Pinatunayan dito na Pilipino ang tawag sa opisyal na wika ng bansa mula Hulyo 4, 1946
a. Batas Komonwelt Blg. 570
b. Batas Komonwelt Blg. 750
c. Batas Komonwelt Blg. 470
d. Batas Komonwelt Blg. 740

9. Ano ang nakasaad na wikang opisyal sa Konstitusyon ng 1987


a. Filipino at Tagalog
b. Filipino at Pilipino
c. Filipino at Ingles
d. Filipino lamang
10. Ito ay ang “auxiliary language” sa Ingles
a. Wikang Opisyal b. Wikang Panturo c. Wikang Pantulong d. Wikang Pambansa

11. Sinasabi na ang wikang panturo ay ang _________ na siyang gagamitin sa edukasyon.
a. Wikang Opisyal b. Wikang Panturo c. Wikang Pantulong d. Wikang Pambansa

12. Ito ay wikang pantulong maliban sa Filipino na ginagamit sa pagtuturo.


a. Wikang rehiyonal b. kinagisnang wika c. Mother Tongue d. Lahat ng nabanggit

13. Sa kanyang panunungkulan ay nakaalarma ang panukala nito nag a,itin ang wikang Ingles sa mga
paaralang pampubliko upang makasabay sa globalisasyon at mapataas ang literasi ng bansa.
a. Andres Bonifacio b. Manuel L. Quezon c. Emilio Aguinaldo d. Gng. Arroyo

14. Nililikha ang tinatawag na ________ na maaaring iklasipika sa higit sa isang paraan
a. baryasyon b. barayti ng wika c. sub languages d. lahat ng nabanggit

15. Inilahad ang mga sumusunod na dimension o uri ng baryasyon ng wika mula sa mga _________.
a. dimensyong wika b. dalubwika c. baryasyong wika d. balubwika

16. Nahahati sa dalawang dimension ang pagkakaiba-iba ng wika:


a. heograpika at ekonomik
b. heograpiko at ekonomiko
c. heograpiko at sosyo-heograpiko
d. heograpiko at sosyo-ekonomiko

17. Nagpapaliwanag ng pagkakaiba-iba ng wika dahil sa iba’t iba o kalat-kalat na lokasyon ng mga
tagapagsalita ng isang wika.
a. Idyolek b. Dayalekto c. Sosyolek d. Rehiyon

18. Nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ang wika dahil sa iba-ibang estado ng tao sa lipunan.
b. Idyolek b. Dayalekto c. Sosyolek d. Rehiyon

19. Resulta ng pagkakaroon ng dalawang magulang na magkaiba ang wika.


a. Bilateral b. bilinggwalismo c. multilinggwalismo d. monolingguwalismo

20. Pagtuto ng wika na walang pormal na pag-aaral o nakabatay sa karanasan


a. Pagkatuto ng wika
b. Akwisisyon ng wika
c. Wikang pagkatuto
d. Wikang akwisisyon

21. Espesyal o lihim na wika para sa eksklusibong particular na grupo


a. Slang b. Jargon c. Swardspeak d. Balbal

22. Di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang particular na grupo ng lipunan
a. Slang b. Jargon c. Swardspeak d. Balbal
23. Patagong wika o salitang balbal na nagmula sa Englog na ginagamit ng ilang mga homosexual sa
Pilipinas
a. Slang b. Jargon c. Swardspeak d. Balbal

24. Wika ng mga etnolinggwistikong grupo


a. Rehistro b. Dayalek c. Etnolek d. Idyolek

25. Ang rehistro ay tinatawag ding


a. Speech Rehistro
b. Speech Registrar
c. Speech Register
d. Speech Registral

26. Ang naprosesong impoormasyon sa utak ay naihahayag sa pamamagitan ng mga tunog, kilos, at
ekspresyon
a. Kaalaman b. Impormasyon c. Paralanguage d. Pagbasa

27. Ang pagproseso ng impormasyon na may hilig sa musika o iyong may hilig sa pakikinig ng
talakayan.
a. Pakikinig b. Pangdinig c. Pandinig d. Pagkinig

28. Ang mga impormasyon ay kanilang napoproseso sa pamamagitan ng mahusay na


pagpapakahulugan o interpretasyon sa mga bagay na kanilang nakikita.
a. Paningin b. Pampaningin c. Paniningin d. Pagtingin

29. Nakauunawa ang mga indibidwal sa ganitong proseso sa pamamagitan ng mga demonstrasyon,
eksibit, pag-aaral ng kaso, at mga kongkretong aplikasyon
a. Pakilos b. Paggalaw c. Pagkilos d. Paggagalaw

30. Ang hakbang sa pagproseso ng impormasyon ay ang mga sumusunod:


a. Pagtukoy, paghanap, pagpili, paglalahad, pagsasaayos at pagtatala, pagtatasa
b. Paghahanap, pagtukoy, pagpili, pagtatala at pagsasaayos, pagtatasa,
paglalahad/pagbabahagi
c. Pagtukoy,paghahanap, pagpili, pagtatala at pagsasaayos, paglalahad/ pagbabahagi,
pagtatasa
d. Paghahanap,pagpili,pagtukoy,pagtatala at pagsasaayos,paglalahad/pagbabahagi at
pagtatasa

31. Anumang bagong kaalaman na natamo mula sa mga naririnig, nababasa, napapanood o
nararamdaman na naproseso ayon sa sariling karanasan
a. Kaalaman b. Impormasyon c. Paralanguage d. Pagbasa

32. Ang kasingkahulugan ng salitang impormasyon ay


a. Kaalaman, datos, at pananaliksik
b. Katotohanan, kaalaman at datos
c. Kaisipan, kaalaman, pagbasa
d. Katotohanan, persepsyon, opinion
33. Mga kaalamang kinokolekta, inuunawa at sinusuri upang makabuo ng bagong impormasyon o
kaalaman
a. kaalaman b. Impormasyon c.datos d. kaisipan
34. Mga kaisipang natutuhan bunga ng pagproseso ng impormasyon o mga kaisipang natamo o
natutuhan mula sa maraming karanasan
a. Kaalaman b. Impormasyon c.datos d. kaisipan

35. Ang kasalukuyan ay tinatawag na


a. Infomercial age b. Current age c. Information age d. New age

36. Proseso ng pagkuha at pag unawa sa nakalimbag o nakasulat na impormasyon


a. Pananaliksik b. Paghahanap c. Pagbasa d. Pakikinig

37. Ipinaliwanag niya na ang pagbasa ay isang kompleks o masalimuot na gawaing mangangailangan
ng konsyus at di-konsyus na paggamit ng mga estratehiya o kasanayan gaya ng paglutas ng
suliranin upang makabuo ng kahulugang ninanais ipahatid ng awtor
a. Johnson (2014) b. Johnston (2014) c. Johny (2015) d. Johnston (2015)

38. Ayon sa kanya ang pagbabasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa iba’t ibang
larangan ng pamumuhay
a. Baltazar (1977) b. Balzar (1977) c. Baltazar (1976) d. Balzar (1976)

39. Ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa pagtamo ng


bagong kaalaman
a. Paghahanap b. Pananaliksik c. Paralanguage d. Pagbasa

40. Matatanggap ang karagdagang kaalamn sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga


a. Panukala at pamamaraan b. Teorya c. Sistema d. Lahat ng nabanggit

41. Kailangan mo nangg matiyak na gusto ang binabasa


a. Persepsiyon b. Komprehensiyon c. Reaksiyon d. Asimilasiyon

42. Pagunawa sa kaisipang nakapaloob sa simbolong nakalimbag sa teksto. Kailangang tukuyin ang
pangunahin at pantulong kaisipan sa tekstong binabasa
a. Persepsiyon b. Komprehensiyon c. Reaksiyon d. Asimilasiyon

43. Paghatol sa kawastuhan ng mga detalye kahusayan sa pagsulat at halaga ng teksto


a. Persepsiyon b. Komprehensiyon c. Reaksiyon d. Asimilasiyon

44. Pagsasama-sama at pag-uugnay ng kaalamang mula sa binasa at sa dati ng alam


a. Persepsiyon b. Komprehensiyon c. Reaksiyon d. Asimilasiyon

45. Ang dalawang uri ng reaksyon


a. Intelektwal at opinyon
b. Intelektwal at emosyonal
c. Intelektwal at persepsyon
d. Intelektwal at estilo
TUKUYIN. (WIKA, DAYALEK, IDYOLEK, SOSYOLEK, PIDGIN, CREOLE, PUNTO, REHISTRO, SPEECH
COMMUNITY AT COMMUNICATIVE COMPETENCE)
1. Mas malawak at malaki kaysa dayalekto.
2. Tinatawag ding wikain, at lalawiganin
3. Nag-iiba-iba depende sa katayuan sa lipunan
4. Nabuo batay sa dimensyong sosyal, ibig sabihin nakabatay sa mga pangkat panlipunan
5. Sinasabi ring intelektwalisasyon ng wika
6. Tinatawag ding accent
7. Nabuo o nabubuo dahil sa pangangailangan at prakyikalidad
8. Nakabatay sa kung ano ang iyong ginagawa
9. Dati ay Pidgin na napaunlad o nalinang sapagkat inangkin ng isang lehitimong grupo at pangkat
10. Wala itong katutubong ispiker
11. Ikinatatangi sa paraan ng pagsasalita ng isang tao
12. Tumutukoy sa kung paano bumibigkas ang isang tao
13. Nakasalalay sa kakayahang ito ang pagpili kung ano ang sasabihin, gayundin kung paano at
kalian ito sasabihin
14. Nakabatay ito sa gamit at hindi sa gumagamit
15. Hindi kailangang gumagamit ng iisang wika subalit may pinagsasaluhang mga istandard at
tuntunin sa paggamit ng wika
16. Kongkretong halimbawa nito ay Chavacano
17. May mutual intelligibility
18. Nakabatay sa heograpiya, maliit na lugar
19. Anumang pekulyaridad sa paggamit ng wika
20. Pakikipagkalakalan na hindi alam ang wika ng iba
21. Hindi lamang ito wika ng ‘hilaw na pakikipagkalakalan’ kundi’y nagging wika nan g isang
pamayanang panlipunan
22. Pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika
23. May cognate na maiintindihan ng mayorya sa bansa
24. May stereotype at may punto kaysa sa iba
25. May mayamang diksyonaryo, gramatika at gamit sa mataas na antas ng pagtuturo
26. Walang komplikadong gramatika at may limitadong talasalitaan
27. Mas marami itong katutubong ispiker
28. Halimbawa ay mga blogger na Filipino, mga parloristang Filipino, ang wika sa tabloid
29. Tumutukoy rin ito sa dalas ng paggamit at pagbanggit ng salita, parirala,pahayag na ginagaya ng
marami
30. Madalas na pinagmumulan ng katatawanan at pagmamaliit
31. Madalas na hango sa isang wika ang usapan at ang estruktura naman ay iba ring wika
32. Barayti ng wikang kaugnay sa personal na kakanyahan ng isang tagapagsalita
33. Mauuri ito sa dalawa: rehiyonal at sosyal
34. Mas prestihiyo
35. Hindi man gamay ang paggamit sa isang wika, naiintindihan naman kung ano ang ibig sabihin
nito at kung anong mga pag-uugali ang akma para dito.

You might also like