You are on page 1of 3

MATAAS NA PAARALAN NG LA VICTORIA

Bula, Camarines Sur


Pangalan:_____________________________ Baitang/Sek: _________________ Iskor:_______________
I. Kasaysayan ng Wikang Pambansa Panuto: Basahin at unawain ang impormasyon sa bawat bilang.
Sagutin ang mga tanong na kaugnay nito. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Sa probisyon ng Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIV, Seksyon 3, pormal na inatasan ang Kongreso na
gumawa ng kinakailangang mga hakbang hinggil sa pagkakaroon ng wikang pambansa na ibabatay sa isa
sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Mula rito, itinagubilin ni Pangulong Manuel L. Quezon ang
pagtatatag ng isang lupong magsagawa ng pag-aaral hinggil sa mga umiiral na katutubong wika sa
Pilipinas at pagkaraa’y pipili ng magiging batayan ng wikang pambansa. Anong lupong pangwika ang
nagsagawa ng pag-aaral ayon sa kautusan ni Pangulong Quezon?
A. Kapulungan ng Wikang Tagalog C. Surian ng Wikang Pambansa
B. Kapulungan ng Wikang Pambansa D. Surian ng Wika ng Pilipinas

2. Noong Marso 26, 1954, nilagdaan ang Proklamasyon Blg. 12 bilang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon alinsunod sa pagbibigay-puri sa kaarawan ni
Francisco Balagtas bilang makata ng lahi. Sinong pangulo ang nagtagubilin ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wika?
A. Pang. Manuel L. Quezon C. Pang. Fidel V. Ramos
B. Pang. Jose P. Laurel D. Pang. Ramon Magsaysay

3. Noong taong 1970, pinagtibay ang Resolusyon Blg. 73-7 ng pambansang Lupon ng Edukasyon na
nagsasabing ang Ingles at Pilipino ay isasama sa kurikulum mula Unang Baitang sa mababang paaralan
hanggang kolehiyo. Anong patakarang pangwika sa edukasyon ang nabuo batay sa naturang resolusyon?
A. Patakarang Bilingguwalismo C. Patakarang Monolingguwalismo
B. Patakarang Multilingguwalismo D. Patakarang maka-Pilipino

4. Bunsod ng paniniwalang sa kahusayan sa Ingles nakasalalay ang kakayahang makipagsabayan sa mga


nangungunang bansa sa mundo ang mga Pilipino, nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-
Arroyo ang kautusang nagpapanumbalik sa Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon
sa bansa. Aling kautusang pangwika ang tinutukoy sa binasa?
A. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 C. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 143
B. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 210 D. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 120

5.Sa panahon ng kanyang panunungkulan, nabago ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika
tungong Buwan ng Wika sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1041 noong 1997. Sinong pangulo ang
nagtagubilin ng nabanggit na utos?
A. Pang. Manuel L. Quezon C. Pang. Fidel V. Ramos
B. Pang. Jose P. Laurel D. Pang. Ramon Magsaysay

6. Ang naging pangulo sa Panahon ng Komonwelt.


A. Manuel Roxas B. Elpidio Quirino c. Manuel L. Quezon D. Emilio Aguinaldo

7. Ipinahayag na isa sa wikang opisyal (Tagalog)ang wikang pambansa simula Hulyo 4, 1946.
A. Batas Komonwelt Blg. 570 C. Proklamasyon Blg. 186
B. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 D. Proklamasyon Blg. 1041

8. Nilagdaan ni Kalihim Juan manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura na nagtakda ng panuntunan


ng pagpapaunlad ng Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal
A. Kautusang Panggawaran Blg. 25, s. 1974 B. B. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
C. Katusang Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987 D. Kautusang Pangkagawaran Blg. 74, s. 2009

9. Nag-aatas na gamitin ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon at korespondensiya


A. Kautusang Panggawaran Blg. 25, s. 1974 B. B. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
C. Katusang Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987 D. Kautusang Pangkagawaran Blg. 74, s. 2009

10. Institusyonalisasyon ng Mother Tongue-Based Multilinggwal na Edukasyon (MTB-MLE)


A. Kautusang Panggawaran Blg. 25, s. 1974 B. B. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
C. Katusang Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987 D. Kautusang Pangkagawaran Blg. 74, s. 2009

II. Mga Konseptong Pangwika A. Panuto: Basahin at unawain ang inilahad na Barayti ng Wika sa bawat
bilang. Tukuyin sa mga mapagpipilian ang titik ng tamang sagot.

11. Ito ang wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaaan; ang wikang ginagamit sa pamamahala at
pakikipag-ugnayan sa mamamayang kanyang sakop.
A. Wikang Panturo C. Wikang Opisyal B. Wikang Pambansa D. Wikang Dayuhan

12. Ang tawag sa wikang na kadalasang ginagamitan ng mga tayutay upang maging iba sa karaniwan ay
______________. A. Etnolek C. Pabalbal o Kolokyal B. Lalawiganin D. Pampanitikan

13. Mailalarawan itong bilang karaniwan impormal na wikang kadalasang naririnig sa lansangan o kalye,
anong barayti ng wika ang ito?
A. Etnolek C. Pabalbal o Kolokyal B. Lalawiganin D. Pampanitikan

14. Ang tawag sa wikang nakabatay sa lingua franca ng mga mamamayan sa isang rehiyon ay ________.
A. Pambansang Wika C. Wikang Rehiyunal B. Wikang Pampanitikan D. Teknikal na Wika

15. Anong barayti ng wika ang kadalasang ginagamit sa larangan ng Agham at Matematika, teknolohiya
at wikang cybernetics.
A. Pambansang Wika C.Wikang Rehiyunal B. Wikang Pampanitikan D. Teknikal na Wika

16. Ito ay tumutukoy sa katangi-tanging pananalita ng isang tao, kaugnay sa kanyang pinagmulang
dayalektong sinasalita (puntô o pagbuo ng pangungusap), ano ito?
A. Dayalek C. Idyolek B. Etnolek D. Sosyolek
17. Isa lang ang gamit na wika
A. Heterogenous B. Homogenous C. Barayti D. Register

18. Iba-iba ang gamit na wika, layunin at gumagamit


A. Heterogenous B. Homogenous C. Barayti D. Register

19. Ang wikang katutubo ay kilala rin sa tawag na-


A. unang wika B. pangalawang wika c. mother tongue D. wikang opisyal
20. Ito ay patakaran ng kung saan magkahiwalay nag paggamit ng wikang Ingles at Filipino sa pagtuturo
sa mga paaralan.
A. Multilinggwalismo B. Bilinggwalismo C. MTB-MLE D. Patakarang Opisyal

III. Gamit ng Wika. Panuto: Tukuyin kung Interaksyonal, instrumental, personal, heuristiko,
representatibo, imahinatibo, regulatori ang mga sumusunod:

________21. Isang estranghero na naliligaw ng direksyon ay nagsasagawa ng pagtatanong upang


makarating sa patutunguhan.
________22. Kung ang isang politiko ay nag-iwan ng mensahe na siya ay mabait, mapagkumbaba,
mapagkakatiwalaan at maaasahan dahil sa napakamalumanay niyang pagsasalita.
________23. Dahil sa nasaktan nang labis ay hindi maganda ang nabitiwang salita ni Andrei sa kanyang
kaibigan na nagsabing “Dapat hindi siya nagsalita nang masasakit.”
________24. Ang pagsusuot ng uniporme sa pagpasok at pagiging nasa paaralan sa takdang oras.

________25. Kahit pa nagtatampo nang mabuti ang iyong kaibigan ay napakamalumanay pa rin niyang
magsalita sapagkat siya ay isang Ilonggo.
________26. Aray! Naku, sorry, nasaktan ka ba?
________27. Kailangan nating magsagawa ng C section upang hindi mahirapan ang mag-ina
________28. Itigil mo na iyan.
________29. Ang thesaurus ay isang uri ng diksyonaryo
________30. Hay naku, kung dati may prusisyon kaya nagtatrapik, ngayon ang mga sasakyan, palaging
may prusisyon.

IV. Tukuyin ang cohesive devices na ginamit sa sumusunod na pangungusap.


31. Malayo pa ang mararating ng industriya sa pelikula, sa kabilang dako lalo itong nagiging aktibo lalo
na sa paglaganap ng mga Indie film.
32. Mahusay na manonood ang mga Pilipino, patunay rin ang pagkikritiko nila.
33. Nasa bagong milenyo na tayo, kasabay nito ay mabilis na pagbabago sa larangan ng paggawa ng
pelikula.
34. Hindi nag-shooting ang mga artista, bagkus dumalo sila sa rally.
35. Tayo ngayo’y nasa panahon ng impormasyon, kaalinsabay nito, gumagamit ng bagong teknolohiya sa
paggawa ng pelikula.

V. Suriin ang salita o pahayag na ginamait sa nagpapahayag ng konseptong sanhi at bunga. Isulat sa
inyong sagutang papel.
1. Hindi nagtagal ang Unang Republika dahil sa pagsakop sa bansa ng bagong manlulupig, ang mga
Amerikano.
2. Tagalog ang sinasalita ng mayorya sa bansa, kaya ito ang napiling batayan ng pagkakaroon ng wiakng
pambansa.
3. Dahil sa pag-aaral ng Surian ng Wikang Pambansa kung ano ang batayan ng magiging wikang
pambansa, naging malinaw ang katayuan na magakakaroon nito.
4. Ang pagkakahirang ng mga Tagamasid na gagabay sa mga guro ang bunga ng pagpapahusay pa ng
pagtuturo ng wikang pambansa.
5. Bungan g pananakop ng Amerika sa Pilipinas, sapilitang ipinagamit ang Ingles bilang wikang panturo at
ipinagbawal ang paggamit ng bernakular.

You might also like