You are on page 1of 3

SELF LEARNING ACTIVITY NO.

8
KASAYSAYAN NG WIKA- Unang Bahagi
Mga Batas Pangwika
PANGALAN: ______________________________________________ GRADO at SEKSYON:________________________
MELC:
Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari / kaganapan tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa . (F11PS-Ig-88)
Sanggunian: Komunikasyon Modyul 6
Panimula
Tuklasin natin ang ilang legalidad pagdating sa usaping pangwika. (sa mga batas pangwika sa tatlong yugtong inilahad sa itaas.) Muli
basahin mo ang mga impormasyong ilalahad sa ibaba. Ito ay mga Kautusang Tagapagpaganap. Kautusang Pangkagawaran,
Memorandom, Proklamasyon at iba pa na nagpapahayag tungkol sa wikang pambansa.
MGA BATAS PANGWIKA
Kautusang Pangkagawaran Blg.24
Ipinalabas noong 1962 ng Kalihim ng Edukasyon, Alejandro Roces na nag-uutos, na mula sa taong-aralan 1963-1964, Ipalimbag ang
lahat ng sertipiko at diploma ang pagtatapos sa wikang Pilipino.
Proklama Blg.186 na nagsususog sa Proklama Blg.12 serye ng 1954 Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang paglipat ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto. Nakapaloob sa panahong
saklaw ang pagdiriwang ng kaarawan ni Quezon (Agosto 19)
Kautusang Tagapagpaganap Blg.60
Ipinag-utos ni Pangulong Diosdado Macapagal na awitin ang pambansang awit sa wikang Pilipino.
Saligang Batas ng 1973
Dapat gumagawa ang Batasang Pambansa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat na wikang
pambansa na tawaging Pilipino. Ang pagbibinyag ng pangalang Pilipino sa ating Wikang Pambansa sa taong 1959 ay ipinalabas ni
Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon.
Kautusang Pangkagawaran Blg.25
Hulyo 19, 1974 –Nilagdaan ng Kalihim ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang pagpapairal ng Edukasyong Bilingguwal sa mga
paaralan simula taong-panuruan 1974-1975.
Kautusang Blg. 22- Hulyo 21, 1978
Nilagdaan ni kalihim Juan Manuel na simula sa taong panuruan 1979-1980 ituturo ang 6 na yunit sa Kolehiyo.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 1179(1981)
Pagpapalit ng pangalan ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) sa Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP)
Batas Republika Blg.7104 (1986)
Nilikha ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Sa kasalukuyan ang ahensya sa ilalim ng gobyerno na may malaking papel sa mga
hakbangin para sa Wikang Filipino.Bilang patunay sa minimithing pagpapatibay sa wikang pambansa’y nagkaroon ng
pagpapalimbag sa taong 1940 ng isang Diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa.
Proklamasyon Blg. 1041
Ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at
nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/ tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsagawa ng mga gawain kaugnay sa
taunang pagdiriwang.
Proklamasyon Blg. 12. Marso 26 1954
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang pagdiriwang ng Linggoo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4
taun-taon.
Proklamasyon Blg. 186 (Set.23 1955 )
Nilagdaan ng pangulong Pangulong Ramon Magsaysay nagsususog sa Proklama Blg.. 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y
inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon sa ika-13 hanggang ika- 19 ng Agosto.
Memorandum Sirkular Blg. 448
Humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa,
Agosto 13-19 Proklamasyon Blg.9 (Agosto 12, 1986 )- nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino na kumikilala sa Wikang
Pambansa na gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihan Bayan na nagbunsod ng bagong
pamahalaan.
Marahil naging malinaw na ang kaalaman mo tungkol sa kasaysayan ng wikang pambansa. Maraming salamat sa iyong
pagpuporsige na magkaroon ng karagdagang kaalaman kaya’t muli maraming salamat at magbigay ka ng palakpakan sa iyong sarili.
- Sipi mula kay M.Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Vibal Group , 2016 p.96-122 -
-Sipi mula kina Bernales, Rolando A., Garcia, Lakandufil, C.,Abesamis Norma, R., Villanueva, Joey M., Cabrera , Honorato I. Jr., Jara,
Regina G.,at Ornos Petra S. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. :Mutya Publishing House Inc.2002., p.53-54
SLA 8 PAGE 2

Sa kasalukuyan, marami pa ring suliraning kinakaharap ang wikang pambansa. Ayon kay Abeleda ( n.d. ), maraming hadlang na
kinaharap ang wikang Filipino tungo sa intelektwalisasyon nito.
 Una, ipinalalagay ng mga Pilipino na walang kakayahan ang kanilang wika bilang wikang intelektwal.
 At ikalawa, nangangamba ang mga Pilipino na maiwan sa kaunlarang pag-iisip kung titiwalag tayo sa wikang Ingles:
Ganito pa rin ang nangyayaring palagay-mabisang gamitin ang Filipino sa mga karaniwang sitwasyon, ngunit sa mga sitwasyong
espesyal, Ingles pa rin ang kinakailangan.Sapagkat sa wikang Ingles napapalaman ang maraming dalumat at kaalaman, lalo na sa
Agham at Teknolohiya, at Matematika.
Hindi maiiwasang dito mahasa ang mga intelektwal ng ating bansa ( hindi namin sinasabing ang mga dalubhasa lamang sa Agham
at Teknolohiya , at Matematika ang mga intelektwal, ngunit tulad ng pagpapalagay ni GMA ( Gloria Macapagal Arroyo) , sa mga
propesyong ito nakasalalay ang pag-unlad ng bansa ( Tinio, 1975 ).
-Sipi mula kina E.Bernardino, M. Belida,J.C Palconit, A. Cuevas,M. Limpot,M. Napil,M. Dela Salde, at T. Fortunato, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino:Mutya Publishing House Inc.,2016p.74
Pagsasanay
Ibigay ang bawat mahahalagang pangyayari sa proklama na ipinalabas ng iba’t ibang tanggapang pampamahalaan na may malaking
kaugnayan sa ating wikang pambansa.Isulat ang sagot sa sagutang papel. (sundin ang flow chart ) F11PB – If – 95
Tingnan sa sunod na pahina ang graphic organizer. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.
Pagdiriwang ng Linggo ng Wika
Buwan ng Wika

19544 1971 1986


19554

Proklama Blg. 12 Proklama Blg. 186 Memorandum Sirkular 488 Proklama Blg. 19

Pagtataya
Basahin at tukuyin ang tamang sagot kaugnay sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa. Isulat ang titik sa tamang sagot.
_____1. Ano ang katutubong wika na ginamit sa Pilipinas bilang wika ng komunikasyon?
a. Ingles b. Filipino c. Taglish d. Cebuano
_____2. Ang KWF ay ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na binuo upangmagsagawa ng mga pananaliksik, paglilinang,
pagpapalaganap, at pagpapaunlad ng Filipino at iba pang wika sa bansa. Ano ang kinakatawan ng acronym na KWF?
a. Kawanihan ng Wikang Filipino b. Komisyon ng Wikang Filipino
c. Kaukulang Wikang Filipino d. Kongregasyong ng Wikang Filipino
_____3. Sa panahon ng pagsasarili, ano naging wikang opisyal?
a. Tagalog at Ingles b. Filipino c. Taglish d. Cebuano
_____4. Sa panahong ito ipinaturo ang Nihonggo at inalis ang Ingles.
a. Rebolusyunaryo b. Hapon c. Amerikano d. Pagsasarili
_____5. Naging masigasig at masigla ang mga Pilipino sa paggamit ng sariling wika sa panahong ito.
a. Amerikano b. Pagsasarili c. Kasalukuyan d. Hapon
_____6. Ipinalabas noong 1962 ng Kalihim ng Edukasyon, Alejandro Roces na nag-uutos, na mula sa taong-aralan 1963-
1964.Ipinalimbag ang lahat ng sertipiko at Diploma sa wikang Filipino?
a. Kautusang Tagapagpaganap 24 b. Blg 60 c. Saligang Batas 1973 d. Kautusang Tagapagpaganap 25
_____7. Siya ang kinikilalang Ama ng Pambansang Wika na Filipino.
a. Ferdinand Marcos b. Manuel L. Quezon c. Fernando Amorsolo d. Isagani Cruz
_____8. Sa anong panahon naipatupad ng Patakarang Bilingguwal?
a. Kasalukuyan b. Panahon ng Hapones c. Panahon ng mga Amerikano d. Pagsasarili
_____9. Ipinag-utos ni _____________ na awitin ang Pambansang Awit sa Wikang Pilipino.
a. Jose Corazon de Jesus b. Jusan Manuel c. Ferdinand E. Marcos d. Corazon C. Aquino
_____ 10. Sino ang nagpasa ng panukalang ituturo ang anim (6) nay unit ng kursong Filipino sa kolehiyo? Pagtuturo ng anim (6) na
yunits ng Filipino sa kolehiyo.
a. Jose Corazon de Jesus b. Juan Manuel c. Ferdinand E. Marcos d. Corazon C. Aquino
Replesyon
Bakit kailangang pag-aralan ang kasaysayan ng wikang pambansa?
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________

You might also like