You are on page 1of 7

GAWAIN BILANG

1
DON CARLOS POLYTHECNIC COLLEGE

Don Carlos, Bukidnon

Pangalan: John Mark C Santoile


Kurso at Taon: BEED-2E

MODYUL 2

SA

PAGTUTURO NG FILIPINO SA

ELEMENTARYA
GAWAIN BILANG
Pangalan: 2John Mark C Santoile Petsa:
Kurso at Taon: BEED-2E

Panuto: Ilahad ang mahahalagang pangyayari sa Ebolusyon ng wikang pambansa.

ANG WIKANG PAMBANSA

Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang
Hunyo 7, 1940 wika (Tagalog) simula Hulyo 4, 1940.

Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 nagsususog sa Proklama Blg. 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan
nito’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon simula Agosto 13 hanggang 19.
Setyembre 23, 1955

Inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad
na “kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang gagamitin.
Agosto 13, 1959

Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na
Hulyo 21, 1978 nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang Antas/kolehiyo.

Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-7.


Pebrero 2, 1987

Nagsasaad na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
Seksiyon 6 payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Nagsasaad na ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Seksiyon 7 Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.

Pinalabas ng kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusan
Blg. 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay
Taon 1987 ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong bilinggwal.

Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda na ang buwan ng
Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng
Hulyo, 1997 pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.
Pangalan: GAWAIN
John Mark C Santoile
BILANG Petsa:
Kurso at Taon: BEED-2E
3

Panuto: Bumuo ng isang sanaysay na pumapaksa sa Kasaysayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.

Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas

Wikang Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas. Wika ang pangunahing ginagamit ng tao sa araw-araw na
pakikipagsapalaran sa buhay. Ito ay isa sa mga kayamanang ating natanggap mula pa sa ating mga ninuno.
Wika ang nagsisilbing instrumento para sa pambansang pagkakaunawaan at tulay ng magandang ugnayan.
Kahit pa man ang bansang Pilipinas ay napakaraming dayalekto na ginagamit dahil sa paghiwahiwalay ng mga tao
at sa tribo nito, hindi parin tayo nababahala sapagkat ano paman ang mangyayari ay magkakaintindihan parin
tayo dahil wikang Pambansa na ito.
Kung balikan natin ang nakaraan, noong panahon ng mga kastila, ito yung panahon na nagwatak-watak ang
mga Pilipino dahil sa pananakop ng mga kastila sa mga katutubo. Dito, ay nasakop ng mga dayuhan ang mga
katutubong Pilipino ng humugit kumulang sa tatlong daang taon. Hindi nais na maitanim sa isipan ng mga Pilipino
ang katutubong wika sa halip ay ang nga Prayleng Kastila ang mga nag-aral ng katutubong wika sa iba't-ibang
etnikong grupo. Ang wika ng mga katutubo ang naging midyum ng komunikasyon sa panahong yaon; ang
naturang wika ay siyang ginagamit ng nga prayle sa pakikipag-usap o pakikipagtalastalasan sa mga katutubong
Pilipino.
Sa panahon naman ng Propaganda 1872, Tagalog ang ginagamit sa mga wikang pahayagan. Pinagtibay ito ng
Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899 ang wikang Tagalog bilang wikang opisyal.
Noong Marso 24, 1934, pinagtibay Ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings-
McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng
Pamahalaang Komonwelt. 1996 Pinalabas ng Commision on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59 na
nagtatadhana ng siyam (9) na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa
deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat
sa Iba’t Ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika).
Hulyo, 1997 Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda na
ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t ibang
sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang
pagdiriwang.
Tagalog ang katutubong Wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935) Pilipino – unang
tawag sa pambansang wika ng Pilipinas Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua
franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987).
Kahit na may iba-iba tayong dayalekto nagkakaintndihan pa rin tayo dahil sa wikang pambansa kaya para sa
akin malaki ang parteng ginagampanan ng wikang pambansa sa ating mga Pilipino. Gamitin ang wika sa tamang
paraan at gawing inspirasyon ang bawat wikang nalalaman sapagkat ito ang hagdan tungo sa mas malawak na
kaisipan.
Pangalan: John Mark C Santoile Petsa:
Kurso at Taon: BEED-2E

Panuto: Bilang Pilipino, mahalagang alam natin ang mga mahahalagang


pangyayari sa ating wika. Upang maipakita mo ang pagpapahalaga sa wika,
bumuo ng sariling alamat tungkol sa wikang Filipino, kung bakit it ang nagging
tawag sa ating wikang pambansa.

Ang Alamat ng Wikang Pambansa


ni: Crislyn Oracion

Noong unang panahon, sa isang pook na malayong malayo, ang pook na ito ay
halaman lamang ang lahat na nandito. Ang mga halaman na makikita dito ay mga
bulaklak, iba't ibang punong kahoy at iisang puno ng kawayan.
Isang araw ay umulan ng malakas at kidlat na napakalakas at paulit-ulit
hanggang sa natamaan ng kidlat ang nag-iisang puno ng kawayan at nabiyak ito. Sa
pagkabiyak ng kawayan ay may dalawang nilalang na nabuo. Ang nilalang na ito ay
pinangalanang Wiwi at Tika. Laging magkasama ang dalawa, hanggang habang
tumatagal ay parang may nararamdaman ng kakaiba si Wiwi sa dalaga na
nagngangalang Tika. Hindi alam ng binata kung paano niya maipahayag ang kanyang
damdamin. Hanggang isang araw, may nakita ang dalawa na sinag ng liwanag na
napakasakit sa mata. Habang pinagmamasdan nila ang sinag na iyon, ay may narinig
silang boses na nagsasabing, bibigyan ito ng pagkakataong makapagsalita. Hindi alam
ng dalawa kung ano o paano ngunit nang nawala na ang sinag ng liwanag ay may
lumabas na salita mula sa kanilang bibig. Naisip ng dalawa na ang sinag na iyon ay
ang bathala sapagkat may kakayahan itong bigyan sila ng pagkakataong
makapagsalita.
Mula nito, nang natuto na silang magsalita, ay naiintindihan na nila ang bawat isa.
Nasasabi na rin ni Wiwi ang totoong nararamdaman nito sa dalaga hanggang sa
nakabuo na sila ng mga anak, at ang kanilang mga anak ay may anak na rin hanggang
sa lumaki at dumami na ang kapwa nito.
Dumami nang dumami ang kanilang kapwa, dumami nang dumami na rin ang
kanilang salita na natutunan. Kung ano ang salita na kanilang natutunan mula sa
kanilang ninuno, ay ganun parin ang salita na kanilang ginagamit hanggang sa lumaki
ang kanilang populasyon sa bansa.
Dito nabuo ang salitang "wika" mula sa unang tao na binuo at bumuo nito na
nagngangalang "Wiwi" at "Tika". Wika na hanggang ngayon ay nagagamit natin sa
pang araw-araw.

Makikita natin mula sa alamat kung gaano kahalaga ang wika sa buhay ng tao.
Dahil sa wika ay nagkakaintindihan tayo sa nais nating sabihin sa ating kapwa. Kaya
dapat nating respetohin at gagalangin ang wikang pambansa at ito ay ang wikang
Filipino. Ang salitang "Wika" ay ang tanging kayamanan na namamana natin mula sa
PAGSASANAY
ating mga ninuno na dapat nating paga-ingatan at mamahalin sa araw-araw.

Pangalan: John Mark C Santoile Petsa:


Kurso at Taon: BEED-2E

I. Panuto: Isaayos ang mga pangyayari ayon sa tamang pagkakasunod-sunod nito. Isulat
ang titik A-E sa patlang sa unahan ng bawat bilang.

Isulat ang : W-kung ang A ay Tama;


SAGOT I-kung ang B ay Tama;
K-kung ang A ay Mali;
A-kung ang B ay Mali

1 1. Filipino na ang pangalan ng wikang pambansa alinsunod sa Saligang Batas.

5 2. Ibinababa ng kalihim ng Edukasyon ang isang kautusan na nagsasaad na ang


wikang pambansa at tatawagin nang Pilipino upang mailagan na ang mahabang katawagang “Wikang
Pambansang Pilipino.”

4 3. Ipinag-utos ang patuturo ng wikang pambansa sa lahat ng pampubliko at


pribadong paaralan sa buon bansa.

3 4. Iprinoklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog ay magiging batayan


ng wikang pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos itong mapagtibay.

2 II. Panuto:
5. Basahin
Nagkabisa ang batas na
at unawaing nagproklama
mabuti ang mganapahayag
ang wikang pambansa
sa ibaba. na tatawaging
Kilalanin kung tama o
Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.
mali ang bawat pahayag. Piliin ang titik lamang.
W 1. A. Filipino ang itinawag na wikang opisyal, wikang panturo at asignatura mula taong
1959.

A B. Ang Filipino ay batay sa iisang wika ng Pilipinas.

K 2. A. Idinagdag ang walong (8) letra sa alpabetong Filipino bilang akomodasyon sa mga
tungo mula sa mga wika ng Pilipinas, Ingles at Kastila.

I B. Ang paggamit ng letrang “F” ay simbolo ng pagiging hindi Tagalog lang ng batayan
ng wikang pambansa dahil walang ganitong tunog sa Tagalog.

K 3.A. Ang Tagalog ay isang particular na wika na sinasalita ng isa sa mga


etnolingguwistikong grupo sa bansa.

I B. Lumalabas na ang Filipino ay Tagalog din sa nilalaman at estruktura.

K 4. A. Ang Filipino ay hindi Tagalog, batay lamang ito sa Tagalog.

A B. Ang wikang pambansa noon ay Tagalog.

W 5. A. Pareho lang ang Pilipino at Filipino dahil parehong naging wikang pambansa ang
dalawa.

A B. Ang isa ay batay sa iisang wika at ang isa nama’y batay sa maraming wika ng
Pilipinas pero hindi kasali ang Ingles at Kastila.

You might also like