You are on page 1of 3

WIKA SA PILIPINAS NOONG PANAHON NG HAPON

Guide:
Veronica, Gab, Weng, Cha
Isang mapagpalang araw sa ating lahat! Ako si Bb. Ma Veronica De Vera, ako si Bb.
Gabrielle Edita Diego, ako si Bb. Leeweng Saludes, at ako naman po si Bb. Charity May
Santillan. Ngayon kami ay naatasan na magbigay ng karagdagang kaalaman at impormasyon
patungkol sa kalagayan ng Wika ng Pilipinas Noong Panahon ng Hapon.
Bago natin talakayin iyan, atin munang alamin kung kailan nga ba nagsimula ang
pananakop ng mga Hapon sa bansang Pilipinas. Ang Pananakop ng mga Hapones ay ang
panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula 1942 hanggang 1945, noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, kung kailan nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa
ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos. Ang nanunungkulang pangulo ng mga panahong
iyon ay si Pangulong Manuel L. Quezon.
Dumako naman tayo sa Wika ng Pilipinas Noong Panahon ng Hapon:
“Ang Asyano ay Para sa Asyano”. Bakit nga ba ito ipinahayag ng mga Hapones? Ang
nasabing pahayag ng mga Hapones ay hindi lamang naglalayong mamuno sa buong Asya,
layunin din ng pahayag na ito na mawala sa Asya ang mga kanluranin kagaya ng Amerika.
Minimithi na burahin ang anumang impluwensiyang kanluranin.
Kaugnay ng pahayag na ito ay mayroon ring mga hakbang na isinagawa ang mga Hapones upang
mawala ang impluwensya ng mga kanluraning bansa sa Asya. Ang mga ito ay:
- Pagbabawal sa paggamit ng kanluraning wika, partikular ang Ingles.
- Lahat ng lathalain at panitikang nasusulat sa kanluraning wika ay ipinasunog.
- Ipinag-utos rin ng mga Hapones ang paggamit ng wikang Nihongo at Tagalog sa buong
bansa.
Atin naming alamin ang naging kalagayan ng ating Wika noong Panahon ng Hapon sa 3
magkakaibang sektor. Ito ang Pamamahala, Edukasyon, at Panitikan.
Una, sa wika ng pamamahala. Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga
Hapon noong 1942, nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista.” Sila ang mga nagnanais na
gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang. Malaking tulong
ang nagawa ng pananakop ng mga Hapon sa kilusang nabanggit.
Dahil sa hangarin ng mga Hapon na mawala ang impluwensya ng mga kanluranin ay
itinatatag noong 1942 ang Ordinansa Militar Blg. 13 na ang mga wikang Nihongo at Tagalog ang
magiging opisyal na wika sa buong bansa. Sa Artikulo 9, seksiyon 2 ng Konstitusyon ng 1943,
nakasaad na, ang Pamahalaan ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapalaganap ng Tagalog bilang pambansang wika.
Pangalawa, sa wika ng edukasyon. Alam naman nating lahat na napakahalaga ng wika
pagdating sa usaping edukasyon, kung kaya’t alamin natin ang mga hakbang na isinagawa ng
mga Hapon sa pagsulong ng wika na gagamiting panturo.
Ilan sa mga nagging hakbang nito ay ang sumusunod:
- Itinalaga bilang mga wikang panturo ang Tagalog at Nihongo
- Tinuruan ng Nihongo ang mga guro sa pampublikong paaralan.
- Ipinatupad ang Kautusang Tagapagpaganap blg. 10 na nag-uutos ng pagtuturo ng
Tagalog sa elementarya.
- Ipinatupad ang Kautusang Tagapagpaganap blg 44 na nagbibigay - daan sa restorasyon
ng Unibersidad ng Pilipinas at pagtatalaga rito upang pag-aralan at payabungin ang
wikang Pambansa habang isinusulong ang diwang Makabayan.
Ilan lamang ang mga iyan sa mga nagawa ng mga Hapon sa ating edukasyon, narito pa ang
ilan sa mga itinaguyud ng mga Hapon.
- Pagtataguyod ng edukasyong bukasyonal at pang - elementarya.
- Pagtataguyod ng pagmamahal sa paggawa
- Pagtuturo sa implementasyon ng Greater East Asia Co – Prosperity
At pangatlo, sa wika ng panitikan. Nagkaroon ng ambag ang mga Hapon sa panitikan ng
Pilipinas, ipinagamit ang mga katutubong wika sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan; sa
panahong ding ito namayagpag ang panitikang Tagalog. Ngunit mahigpit na pinagbabawal ang
paggamit ng wikang Ingles at maging ang paggamit ng mga aklat o anomang peryodikong may
kaugnayan sa Amerika.
Ang mga hakbang na kanilang ginawa rito ay ang mga sumusunod:
- Tahasang ipinagbawal ang paggamit ng anumang wikang kanluraninsa pagsulat ng
anumang malikhaing akda, bakus ay hinikayat ang mga manunulat na maglimbag ng mga
akda gamit ang local na wika.
- Tinagurian ang panahong ito bilang “gintong panahon ng panitikan” dahil sa dami ng
akdang pampanitikan na nailathala.
Pinahalagahan ng mga Hapon ang panitikan sa ating bansa. Kaya rin ito tinaguriang ‘gintong
panahon ng panitikan” ay dahil malaya ang mga mamamayang Pilipino sa pagsulat ng panitikan
at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.
1) Alam mo ba na ang Order Militar Bilang 13 ay ipinasa noong Hulyo 24, 1942 na
nagsasaad na ang opisyal nga wika ay Nihonggo at Tagalog? Ngayon, alam mo na!
2) Alam mo ba na tatlong taon nagtagal ang okupasyon o pananakop ng Hapones sa
Pilipinas? Ngayon alam mo na!
3) Alam mo ba na ang tawag sa pamahalaan natin noong panahon ng hapon ay “Puppet
Republic”? Ito ay sa kadahilanang ang takbo ng pamamalakad dito ay hindi nanggagaling
sa sa ating mga kaayusan kundi ay inidikta ng mga Hapon. Ngayon, alam mo na!
4) Alam mo ba na si Jose Villa Panganiban ang nagturo ng Tagalog sa mga Hapones at di-
Tagalog? Ngayon, alam mo na!

At dito nagtatapos ang aming presentasyon. Nawa’y may natutuhan at nakalap kayong
bagong imormasyon patungkol sa kalagayan ng ating wika noong panahon ng mga Hapon.
Lagi ninyong tatandaan, nasakop at naimpluwensiyahan man tayo ng mga iba’t ibang
dayuhan, bansang Pilipinas pa rin ang ating tahanan at kulturang Pilipino pa rin ang ating
susuportahan.
Maraming salamat sa inyong pakikinig!

You might also like