You are on page 1of 1

Sa pagsusulong ng pambansang wika sa panahon ng hapon, ipinaglalaban ang pag gamit ng wikang

ingles, maging ang pag gamit ng aklat at peryodiko tungkol sa amerika. Ang pananakop ng mga hapones
sa Pilipinas ay ang panahon sa kasaysayan mula 1942 hanggang 1945. Noong ikalawang digmaang
pandaigdig, nilusob ng imperyo ng hapon ang pilipinas habang nasa ilalim ng kapangyarihan ng estados
unidos. Habang nagaganap ang ikalawang digmaang pandaigdig, binomba ng hukbo ng mga sundalong
hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8, 1941. Dahil nasa ilalim ng kolonya ng estados unidos kaya’t
sinakop ng hapon ang Pilipinas. Dahil dito sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa dahil ipinagbawal
ng mga hapon ang paggamit ng ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga
katutubong wika sa bansa, sinunog din ng mga hapon ang mga mga aklat na nasusulat sa ingles upang
masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikan. Tinagurian itong gintong uri ng
panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga pilipino sa pagsulat ng panitikan,kaugalian, at
paniniwalang pilipinas kaysa noong sa amerikano. Nabigyang sigla ang wikang pambansa at binigyan pa
nila ng pagkakataon si Jose P. Laurel upang mangulo sa bayan sa kanilang “pamatnubay”. Nagkaroon rin
ng ordinansa blg. 13 na naguutos na gawing opisyal na wika ang tagalog at nihonggo. Ang philippine
executive commision na pinamumunuan ni Jorge Vargas ay nagpatupad rin ng pangkalahatang kautusan
na tinatawag na japanese imperial force sa pilipinas. Ang gobyerno-militar ang nagturo ng nihonggo sa
mga guro sa paaralang-bayan. Isinilang ang KALIBABI o kapisanan sa paglilingkod sa bagong pilipinas, si
Benigno Aquino ang nahirang na direktor nito, Ang pagpapabuti ng edukasyon at moral na
rehenerasyon at pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamatnubay ng mga imperyong hapones ay
sinulong rin ni Benigno Aquino, katulong nila sa proyektong ito ang surian ng wikang pambansa.
Nagkaroon din ng argumento ang mga tagalog sa di tagalog. Si Jose Villa Panganiban ang nagturo ng
tagalos sa mga hapones at hindi tagalog. Sa panahon ng mga hapones , nagkaroon ng masiglang
talakayan sa wika. Marahil ay dahil na rin sa pagbabawal ng mga hapones na tangkilikin ang wikang
ingles. Napilitan ang mga bihasa sa wikang ingles na matuto ng tagalog at sumalat gamit ang wikang ito.

You might also like