You are on page 1of 3

Kasaysayan sa pambansang wika sa panahon ng mga hapones

Ang pananakop ng hapones sa bansang Pilipinas ay ang panahon sa kasaysayan ng pilipinas,


noong ikalawang digmaang pandaigdig, kung kailan nilusob ng imperyo ng hapon ang
pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng estados unidos. Kaya sa
panahong ito ipinagbabawal ang paggamit ng wikang ingles at pag gamit ng aklat at
peryodiko tungkol sa amerika dahil ang mga hapones at mga amerikano ay magkaaway.

Noong desyembre 8, 1941 habang nagaganap ang ikalawang digmaan pandaigdig, binomba
ng mga sundalong hapones ang kalakhang davao at iba pang parte ng pilipinas sapagkat
narito ang base militar ng mga amerikano. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ng
mga taga hapon na ipagamit ang wikang ingles sa mga pilipino, sapagkat ang nais nilang
ipagamit sa mga pilipino ay ang kanilang wika (nihonggo) at ating wika(tagalog).

Sa panahon ding ito ipinatupad ng mga hapones ang isang ordinansa na kung tawagin ay
‘ordinansa militar blg. 13’ na ipinasa noong ika-24 ng hulyo taong 1942 na nag uutos na
gawing opisyal ang wikang Tagalog at Nihonggo. Dito muling napabigyan ng pagkakataong
mabigyang edukasyon ang mga Pilipino at binuksan ang paaralang bayan sa lahat ng antas.
Itinuro din ang wika ng mga Hapon na kung saan ang Gobyerno-Militar ang siyang nagturo
sa mga guro, ngunit mas pinagtuunan ng pansin ang paggamit ng wikang Tagalog.

Ang Philippine Executive Commission (PEC; Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas), na


pinamumunuan ng isang politikong pilipinas na si Jorge vargas, ay nagpatupad ng mga
pangkalahatang kautusan buhat sa tinatawag na Japanese Imperial Forces sa bansa.
Ipinatupad ito para sumunod sa kanilang mga kautusan

sa panahon ding ito tinuruan ni jose villa panganiban ( isang mahusay na manunulat) ang
mga hapones ng tagalog at iba pang dayalekto ng pilipinas. Ibat ibang pormularyo ang
kanyang ginawa upang lubusang matutunan nila ang wika katulad ng “ a short to the
national language”.

Ang mag aaral na nagsipagtapos ay nakatatanggap ng katibayan o diploma sa ingles.


Mayroong tatlong uri ng katibayan ito ay ang : junior, intermediate, at senior.Ang
pagpapabuti ng edukasyon at moral na rehenerasyon at pagpapalakas at pagpapaunlad ng
kabuhayan sa pamamatnubay ng Imperyong Hapones.

Dito isinilang ang kapisanan sa paglilingkod sa bagong pilipinas o mas kilala sa tawag na
KALIBAPI, si benigno aquino ang hinirang na direktong ito. Ang kalibapi ay binuo
ng Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas sa ilalim ni Jorge Vargas. Ito ay nilikha alinsunod
sa Proklamasyon bilang 109 ng Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas noong 8 Disyembre
1942. Ang KALIBAPI ay naging makinarya sa propaganda ng mga Hapones upang makuha ang
simpatya at pakikiisa ng mga Pilipino.Ang pagpapalaganap ng Wikang pilipino sa buong
kapuluan ang pangunahing proyekto ng nasabing kapisanan at katuwang dito ang Surian ng
Wikang Pambansa.
Natutong maghimagsik ang mga Pilipinong namulat ang damdaming makabayan dahil
nakaranas ng pang-aabuso ng mga mananakop. Sa paraang ito mas napatatag ang Katipunan
at naitala ang Kartilyang Katipunan.

 Nagkaroon ng usapin sa pagitan ng mga tagapagtaguyod ng wikang pambansa at liberal na


aral sa tradisyon ng mga Amerikano. Nagkaroon din ng debate sa pagitan ng mga Tagalista
laban sa mga kapwa Tagalista. Nagkaroon din ng argumento ang mga Tagalog sa di Tagalog.
Isa rin sa usapin sa pagitan ng mga Tagalista laban sa mga may kaalamang panlingguwistika.

You might also like