You are on page 1of 2

EPEKTO NG PAGTAAS NG PRESYO NG

LANGIS SA PANG ARAW ARAW NA


BUHAY

Maraming epekto ang pagtaas ng presyo ng langis sa


pang araw-araw na buhay natin. Dito nakasalalay ang mga
presyo ng mga bilihin lalong-lalo na ang mga basic na
pangangailangan natin sa araw-araw. Kung mataas ang presyo
ng langis, asahan nating tataas din ang mga presyo na mga
bilihin.
Lalong lalo na ang mga LPG na ginagamit natin sa
pagluluto. Ang pag ta transport nga mga produkto ay
nangangailangan ng langis upang ito ay maihatid sa ibat-ibang
lugar, kaya umaaray na rin ang mga negosyante sa cost of
transport nito kaya ay pumapatong na rin sila sa langis na
kanilang ginagamit sa transportansyon
Tataas rin ang pamasahe sa mga pangunahing
transportasyon tulad ng tarysikel, bus, dyip, barko, at maging
ang pamasahe ng eruplano.
Ang pagtaas ng presyo ng langis sa ating bansa ay
nakasalalay rin sa world market. Kung ang pangunahing
pinagkukunan ng langis ay nagtaas ng presyo, ay tiyak na
susunod rin ang lahat ng mga kompanyang nag titinda at nag
susuply ng langis.

You might also like