You are on page 1of 6

Rizal Technological University

Boni Avenue, Mandaluyong City

Isang pananaliksik ukol sa

Presyo ng Gasolina

Nina:

Bahian, Nicole Isabel C.

Costales, Jouchim

Ferrer, Aica

Magale, Ed Shiena

Ipapasa kay:

Gng. Marissa M. Juano

Disyembre 2021
I. RASYONAL
Sa nagdaang mga taon isa na ang gasolina sa mga lubos na ginagamit at tinatangkilik ng

masang Pilipino upang gamitin sa pang araw-araw na pamumuhay lalo na sa paggamit at

pagpapatakbo ng sasakyan upang maging uri ng transportasyon at maging dahilan para

makarating tayo sa iba’t-ibang lugar. Ang gasolina ang isa sa dahilan kung bakit mataas ang

konsumo ng pang araw-araw na pangagailangan natin.

Batay sa nakuhang impormasyon ng mga mananaliksik sa Wikipedia, “Ang gasolina, o petrolyo,

ay ang pinakamahalagang gatong na pangmakina ng mga motor, na ginagamit para sa

pagpapaandar at pagpapatakbo ng mga sasakyan tulad ng kotse, trak, bus, bangka, eroplano,

traktora, at motorsiklo. Ang gasolina ang pangunahing sanhi ng enerhiya at pwersa sa buong

mundo sa pagpapatakbo ng ibat ibang sasakyang panlupa, pandagat at pang himpapapawid. Ito

ang isa sa mga deribatibo of produktong bunga ng langis, isang yamang lupa na naggagaling sa

ilalim ng mundo. Sa kasalukuyan ito pa rin ang primerong ginagamit sa ibat ibang bansa bilang

pangunahing nagpapatakbo ng mga sasakyan”. Sa patuloy na pagbaba at pag-taas ng presyo ng

gasolina, maraming Pilipino ang mas lalong naghihirap sa mga gastusin at pangangailangan, lalo

na’t ngayon ay may hinahanarap pa na crisis na dulot ng pandemya ang Pilipinas at pati na rin

ang buong mundo. Bagamat sagana at mayaman ang Pilipinas sa iba’t-ibang uri ng natural na

yaman, isa pa rin ito sa mga bansa na nangangailangan mag angkat ng petrolyo mula sa mga

kalawig na bansa upang mapunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan sa paggamit at

pag konsumo at pagmamaneho ng mga sasakyan.

Mahalaga ang gasolina sa panahon ngayon sapagkat ito ang pangunahing pinagkukunan ng

enerhiya sa pagpapatakbo ng mga sasakyan ngayon. Nagiging isa ito sa mga pinagkakagastusan

ng mahigit sa atin sapagkat nakakatipid din tayo ng pamasahe kung mayroon tayong sasakyan na
ginagamit sa pang-araw araw na trabaho. Maraming tao rin ang umaaray kapag nagkakaroon ng

pagtaas ng gasolina sa merkado.

Ang pag-aaral na ito ay iikot sa pag alam tungkol sa kung ano ang kalagayan ng mga taong labis

na dumedepende sa pang araw-araw na transportasyon mula sa mga drayber hanggang sa mga

simpleng komyuter. Ang pag-taas ng presyo ng gasolina ang nangungunang pasakit sa

mamamayan lalo na sa kasalukuyang panahon kasabay ng pandemya. Kaya naman, nararapat

lang na pag-aralan kung saan ito nag-uugat at kung paano mababawasan ang gastusin para sa

petrolyo. Nararapat lamang na pagtuunang pansin ang mga maaring paraan upang maibsan ang

problema tungkol sa pagtaas ng presyo sa gasolina. Ang masusing pagsaliksik ng mga

mananaliksik ay makakapaglahad ng mga kasagutan sa mga suliranin tungkol sa gasolina at ang

pagtaas nito sa panahon ng pandemya.

Kaya ang mga mananaliksik ay nariririto upang saliksikin ang mga dahilan kung bakit sa gitna

ng kalamidad ng pandemya ay patuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng gasolina sa merkado.

Nang sa gayon ay makakagawa rin ng mga paraan upang maibsan ang labis na pagtaas ng presyo

nito. Nais rin pag-aralan ng mga mananaliksik ang mga epekto ng pagtaas o pagbaba ng presyo

ng gasolina sa mga konsyumer. Kung ito ba ay mabuti o nakakasama sa ekonomiya. Iilan lang

yan sa mga bagay na maitatalakay sa pagaaral na ito.


II. MGA PALIWANAG AT PATUNAY

Ayon kina Ranis, et. al. (2021), Ang karamihan ng mga Pilipino ay umaasa sa mga dyipni

o "Hari ng Daanan" bilang isang paraan ng transportasyon ng pang-araw-araw na pamumuhay ng

mga Pilipino. Ang pampublikong transportasyon ay nagbibigay ng mabilis at pagkakataon para

maghanapbuhay, mga mapagkukunan ng komunidad, pangangalagang medikal, at mga

pagkakataon sa libangan ng isang komunidad sa buong Pilipinas. Pareho itong nakakatulong sa

mga taong may sasakyan at mga komyuter dahil sa pinakamurang pamasahe. Ang mga dyipni ay

nagpapakita ng kahalagahan bilang isang paraan ng transportasyon at isang icon sa kulturang

Pilipino.

Ayon sa Rappler (2021), Iminumungkahi ng Department of Transportation (DOTr) na

dagdagan ang bilang ng mga indibidwal na pinahihintulutan sa mga public utility vehicle (PUV),

habang ang mga pasahero ay nahihirapang pumasok sa trabaho sa gitna ng pinaliit na mga

paghihigpit sa quarantine sa Metro Manila. Sinabi ni Transportation Assistant Secretary Steve

Pastor na ang pagtaas ng kasalukuyang pinaka mataas na kapasidad na 50% sa mga PUV ay

makakatulong sa kapwa komyuters at draybers. Ang panukalang dagdagan ang bilang ng mga

pasahero ay dahil din sa paghimok ng mga dyipni drayber sa gobyerno na itaas ang pinaka

mababang pamasahe mula P9 hanggang P12, dahil sa tumataas na presyo ng langis.

Ayon sa Manila Bulletin (2021), Dumulog ang mga lider ng transport group sa tanggapan

ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para humingi ng

karagdagang tatlong piso taas sa pamasahe sa mga public utility jeepney (PUJ) bilang kabayaran

sa tumataas na presyo ng gasolina. Pasang Masda, Alliance of Concerned Transport

Organizations (ACTO), Land Transportation Organization of the Philippines (LTOP),


Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), at

Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines Inc., (ALTODAP)

ang mga institusyon na nilagdaan ang kahilingan. Sa kanilang pinagsama-samang petisyon,

ikinatwiran ng mga grupo na ang mga gastusin para sa pagpapatakbo at pagpapanatili ng mga

serbisyo ng PUJ ay “tumaas nang husto” simula noong huling dagdag-pasahe ay inaprubahan ng

Board noong 2018.


MGA SANGGUNIAN:

 "Gasoline". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier

Incorporated. 1977. Kinuha sa: https://tl.wikipedia.org/wiki/Gasolina#cite_ref-NBK_1-3

 Elchico, A. (2021). “Presyo ng petrolyo higit P2 ang tapyas sa Disyembre 7”. ABS-CBN

News: Kinuha sa: https://news.abs-cbn.com/business/12/06/21/presyo-ng-petrolyo-higit-

p2-ang-bawas-sa-disyembre-7

 https://www.researchgate.net/publication/349310301_The_Jeepney_Drivers_and_their_L

ived_Experiences_During_the_COVID-

19_Pandemic_A_Phenomenological_Qualitative_Study_in_the_Philippines

 https://www.rappler.com/business/dotr-wants-more-jeepney-bus-passengers-drivers-

push-fare-hike-october-2021/

 https://mb.com.ph/2021/10/13/transport-groups-seek-p12-minimum-fare-amid-

increasing-fuel-costs/

You might also like