You are on page 1of 2

EDITORIAL

Kung mawawala ang mga bulok na


dyipni

WALA nang makapipigil pa sa balak ng pamahalaan na imodernisa ang mga public utility vehicle at
kabilang dito ang mga jeepney na karamihan ay 15 taon nang payaut-yaot sa kalsada. Papalitan na ang
mga bulok na jeepney na hindi lamang peligro ang idinudulot sa pedestrians kundi lumalason pa sa
kapaligiran dahil sa ibinubugang maitim na usok.Kaya kahit magsagawa pa nang mga kilos protesta at
tigil pasada ang transport group, hindi na matitinag ang pamahalaan.Nang magsagawa ng protesta at
transport caravan ang samahan ng mga jeepney driver at operators sa ilang lugar sa Metro Manila
noong isang linggo, hindi naman naapektuhan ang mamamayan. Balewala lang. Marami na kasing
nasasakyan ang riding public. Kaya kung magsasagawa pa ng mga protesta at tigil-pasada, hindi na ito
papansinin.Mariing kinokondena ng transport group ang pag-phase out sa mga jeepney. Hindi raw ito
makatao. Dapat daw i-rehabilitate ang mga jeepney para hindi mawalan ng ikabubuhay ang mga driver.
Saan daw sila kukuha ng ipakakain sa kanilang pamilya. Marami raw silang pinag-aaral at sa
pagpapasada lamang ng jeepney umaasa.Ang mga kakarag-karag na sasakyan kasama ang mga jeepney
ang nagdudulot ng grabeng pollution sa Metro Manila at karatig na siyudad.Ayon sa Department of
Environment and Natural Resources (DENR), 80 porsiyento ng emissions o usok ay galing sa mga
tambutso ng sasakyan particular sa jeepneys. Sila ang lumalason sa hangin na dahilan ng pagkakasakit ng
mga tao. Ang mga sakit na nakukuha ay pulmonya, bronchitis, asthma, istrok at atake sa puso.Ang mga
lumang jeepney din ang dahilan ng mga malalagim na aksidente sapagkat depektibo ang preno at
inaararo ang pedestrians at mga bahay. Marami nang buhay na nasayang dahil sa mga karag-karag na
jeepney. Bukod dito, karamihan sa jeepney driver ay mga abusado at laging lumalabag sa batas-
trapiko.Pirmado na ang modernisasyon para sa public utility vehicle at nangako naman ang gobyerno na
tutulungan ang driver at operators para makabili ng jeepney na eco-friendly. Kung mawawala ang mga
bulok na jeepney, mababawasan ang mga aksidente at mawawala ang air pollution.

You might also like