You are on page 1of 14

SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY

GUMACA CAMPUS
GUMACA, QUEZON

TRAPIKO

Jonalyn Concepcion
Laurence Dacillo
Jhon Marc Mernilo

ENERO 2023
SLSU GUMACA
INTRODUKSYON
Ang trapiko ay mailalarawan bilang pagkakasunod-sunod ng mga
sasakyan o pagkukumpol-kumpol ng mga sasakyan dahil sa kanilang
mabagal na takbo dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa kalsada
na maaaring maging dahilan ng kanilang pagbagal ng takbo. Ito ay isang
problemang patuloy na lumalala dahil sa pagdami ng mga taong
nagkakaroon ng kani-kanilang mga sasakyan.
Ang Bayan ng Gumaca ang isa sa mga bayan sa lalawigan ng Quezon.
Sa bayan na ito matatagpuan ang interseksyon ng kalsada papuntang
Bicol, Pitogo, at Manila. Dahil dito madalas na kinakaharap ng bayan na
ito ang mabigat na daloy ng trapiko. Isa sa nakauubos ng ating oras ay
ang lumalalng trapiko. Ang pagbyahe mo ng dapat ay sampung minuto ,
madalas ay inaabot ka ng kalahating oras sa kalsada. Isa sa mga dahilan
ng trapiko ay ang pagdami ng populasyon, dagdag pa ang pagdami ng
mga pribadong mga sasakyan sa kasalukuyan.
INTRODUKSYON

Madaming epekto ang trapiko sa ating lipunan, una na dito ang pagkasayang
natin ng oras sa gitna ng kalsada, imbes na nakakapsok silang tama at
makakapagtrabaho ng tama sa oras ay nauubos na lamang ito para sa kanilang
mahabang oras sa byahe, sumunod dito ang polusyon. Ayon kay Bautista (2018),
umaabot sa 400,000 ang mga taong namamatay taun-taon dahil sa polusyon na
nagmumula sa mga sasakyan. Dagdag pa dito, ang mga usok na nagmumula sa
mga sasakyan ay hindi lamang nakakaapekto sa ating kapaligiran ngunit pati din
sa ating kalusugan.
Bukod sa polusyon at pagkasayang ng oras, binanggit din ni Bautista (2018),
ang pagsikip at ang pagkasira ng mga kalsada ay epekto din ng trapiko. Dahil
hindi lamang maliit o magarang sasakyan ang dumadaan sa kalsada kumdi pati
rin ang mga malalaki at mabibigat na sasakyan lalo na at nasa bayan ng Gumaca
ang interseksyon ng mga daan patungo sa Bicol, Pitogo at Manila.
INTRODUKSYON

Tuwing pupunta tayo sa eskwelahan, sa trabaho lalo na kung nakatira


tayo sa lungsod, lagi na nating asahan ang trapiko. Gayunpaman,
Karapatan ng bawat isa sa atin ang maging responsible at matiisin upang
makayanan ang mga problemang kinakaharap natin sa trapiko.
Ang pagsikip ng trapiko ay isang pangunahing problema sa
transportasyon sa mga lungsod saan mang parte ng bansa. Kaya naman
dapat talagang masolusyunan ang trapiko sa bayan ng Gumaca lalo’t higit
dahil ang bayan ng Gumaca ay ang sentro ng Lalawigan ng Quezon, kung
saan kadalasang dito nagdadaan ang mga sasakyang patungo sa ibang
bayan.
BACKGROUND SA PAG-AARAL

•Ayon sa Ulat Pilipino (2015) ang Pilipinas ay pang siyam sa mga may
matinding problema sa trapiko. Ang trapiko ay isang dahilan ng
pagkakaroon ng matagalang byahe mula sa isang lugar patungo sa isa pang
direksyon o patutunguhan. Ito ay karaniwang resulta ng pagkakaroon ng
maraming sasakyan. Tuwing pupunta tayo sa eskwelahan, sa trabaho lalo na
kung nakatira tayo sa lungsod, lagi na nating asahan ang trapiko. Dahil sa
nararansan nating trapiko ay may mga naidulot itong hindi maganda,
kagaya ng pagkahuli sa mga meetings, pagkahuli sa pagpasok sa klase at ilan
pang lakad na may kaugnay sa pagsakay sa mga transportasyon sa kalsada.
BACKGROUND SA PAG-AARAL

•Maraming mamamayan maging motorista o sibilyan ay naaapektuhan ng


trapiko sa Bayan ng Gumaca. Ilan sa mga palaging naaapektuhan ng
matinding trapiko ay ang mga estudyante, mga may trabaho kagaya ng mga
guro at mga mamamayang nagkocommute. Sa pagsusuri na ito, maaaring
masolusyunan ang trapikong nararanasan ng bawat isa. Kung ang trapiko
ay masosolusyunan mas madadali ang ating buhay, mas mapapabilis ang
pagbyahe na tiyak ay ikakatuwa ng maraming mamamayan. Dagdag pa dito
ay hindi na kakailanganin ang paggising ng maaga upang bumyahe ng
malayo, bawas stress din ito sa mga mamamayan sapagkat makakarkula mo
ang oras na kinakailangan mong igugol sa pagbyahe.
BACKGROUND SA PAG-AARAL

•Bukod sa mga nabanggit, epekto din ng trapiko ang pagkakaroon ng sakit ng


mga tao. Bukod sa sakit sa baga, isinaad ni Bautista (2018) na ayon kay dating
Health Undersecretary, Theodora Herbosa, isa sa mga sanhi ng komplikasyon at
karamdaman tulad ng heat strokes sa kadahilanang dinagdagan pa ng polusyon
mula sa mga sasakyan ang init na nagmumula sa ating araw, ito din ay nagiging
sanhi ng sakit sa bato dahil sa pagpipigil natin sa ating pag-ihi dulot ng mabigat na
daloy ng trapiko.
• Ilan sa mga sasakyan na madalas na ginagamit na pampublikong sasakyan ay
ang dyipni, traysikel, bus, kotse at motorsiklo. Sa bayan ng Gumaca ay wala pang
ibang daanan ng iba’t ibang uri o klase ng sasakyan (kagaya ng mga express ways
kung ikukumpara man sa kaMaynilaan) bukod sa diversion kung saan ito ay dapat
daanan ng mga malalaking sasakyan kagay ng mga trak, bus, at kotse. Ngunit sa
kadahilanang ang diversion sa Gumaca ay mayrrong katarikan, hindi ito halos
madaanan ng mga malalaking sasakyan kaya’t nagkakaroon padin ng mabigat na
trapiko sa kalsada patungo sa bayan ng Gumaca.
BACKGROUND SA PAG-AARAL

•Bilang isang mamamayan sa ating sariling bayan at patuloy na


nadagdagan ang problema ninanais naming maisagawa at maisakatuparan
ang mga naisip na posibleng solusyon. Kung ito ay ating maagap na
masosolusyunan ay maaaring magkaron din ito ng magagandang resulta
katulad ng mas madami pa ang mga turista na pupunta at mauuli sa ating
bayan. Itong problema na gusto naming masolusyunan ay hindi lamang
tayong mga taong naninirahan ang makikinabang pati narin ang mga taga-
ibang lugar o dayuhan na dumadaan sa ating bayan at upang magkaron ng
magandang tugon na maaaring ikaganda ng paglalathala sa ating bayan.
Dahil sa mga dumaraming sasakyan, Click icon to add picture
hindi lamang pampublikong sasakyan
gayundin ay ang mga pampribadong
sasakyan, nakararanas tayo ng mabigat na
daloy ng trapiko. Sa patuloy na paglaki ng
populasyon ay nagkakaroon ito ng malaki
ring epekto sa buong bansa, kada araw ay
sobrang daming tao na sumasakay at
namamasahe o di kaya ay umaalis ng PAGSUSURI NG KASO
kani-kanilang tahanan upang bumili ng
mga pangangailangan gaya ng
paggogroseri at iba pang kadahilanan. At
sa sobrang dami na ng tao ay malaki din
ang porsyento ng mga gustong magkaroon
ng sariling sasakyan. Sapagkat sa panahon
ngayon, ang pagbili ng sasakyan ay
napakadali na lamang ng proseso.
Click icon to add picture
1. Pag sasaayos nang pangunahing
kalsada.
2. Pagsunod sa mga batas trapiko.
3. Dumaan sa ginawang diversyon.
4. Pag sasagawa muli ng diversion
5. Pag dadagdag ng mga taong
IMINUMUNGKAHING
SOLUSYON namamahala sa mga sasakyan sa
kalsada
6. Mag sakay at mag baba sa tamang
lugar.
7. Bigyan ng bagong lugar na kung
bsaan doon lamang magbaba at
magsasakay.
Click icon to add picture
1. Sa paglala ng nasabing suliranin ay sa paghirap
din ng sitwasyon na kinahaharap ng bawat
mamamayan sa bansa. Ito’y nagdudulot ng
maraming problema na kinakailangang
masolusyunan para sa ikabubuti at ikasasaayos
ng ating bansa. Ilan sa mga nilahad na solusyon
upang maiwasan ang trapiko dulot ng mga sirang
kalsada, at pagdami ng mga trasportasyon,
kabilang ang mga transportasyong pangkalsada
KONKLUSYON ay ang pagsasaayos ng kalsada, pagsunod sa mga
batas trapiko, dumaan sa ginawang diversion,
pag dadagdag ng mga taong namamahala sa mga
sasakyan sa kalsada, mahusay nga na nagkaron
tayo nang diversyon na kung saan mapapadali at
mababawasan ang sasakyan na dadaan sa
mismong bayan, ag dadagdag ng mga taong
namamahala sa mga sasakyan sa kalsada, Mag
sakay at mag baba sa tamang lugar, at pagbibigay
ng bagong lugar na kung saan doon lamang
magbaba at magsasakay ng mga pasahero.
Click icon to add picture

• Dapat aralin na mabuti kung paano


maiiwasan ang trapiko.
• Sa mga sumusunod na mananaliksik,
alamin at dagdagan ang mga maaari
pang solusyon sa trapiko.
• Laging makipag-ugnayan ang mga
REKOMENDASYON
mamamayan sa LGU upang
malaman ang mga bagay na dapat
iwasan para gumaan ang trapiko.
• Gumamit na lamang ng
pampublikong mga sasakyan.
• Magkaroon lamang ng isa o
dalawang sasakyan sa isang pamilya.
Click icon to add picture

1. Pakikipag ugnayan sa Local


IMPLEMEMTASYON Government unit
2. At iba pa.
MARAMING SALAMAT!

Jonalyn Concepcion
Laurence Dacillo
Jhon Marc Mernilo

You might also like