You are on page 1of 11

Brainstorming

Lipunan
Social issues
Isyung panlipunan sa pilipinas
Problema sa siyudad
Traffic sa Maynila
Mga Dahilan ng Patuloy na Paglala ng Trapiko sa
Maynila

Tesis Isteytment
“Ang TRAFFIC JAM SA Maynila AY
PATULOY NA LUMALALA DAHIL sa
pagdami ng bilang ng mga sasakyan,
kawalAN ng disiplina, at mga okasyon. “
Working outline
Paksa: Mga Dahilan ng Paglala ng Trapiko sa Maynila
Pamagat: Ang Pagharap sa Patuloy na Lumalalang Krisis sa
Trapiko

I. Panimula

II. Pagdami ng Bilang ng mga Sasakyan

III. Kawalan ng Disiplina

A. Hindi pagsunod sa batas ng mga motorista

B. Hindi pagtupad sa tungkulin ng mga traffic

enforcers

IV. Mga Okasyon

A. Pasko

B. Bagong Taon

C. Undas

V. Kongklusyon: Ang paglutas sa suliranin sa trapiko ay

nangangailangan ng pagkakaisa ng mga mamamayan at ng

pamahalaan.
Ang Pagharap sa Patuloy na Lumalalang Krisis sa Trapiko
Gigising na naman ng alas singko ng umaga si Juan upang gumayak at
pumasok sa trabaho bagamat alas otso pa lamang ang simula ng kanyang trabaho
upang hindi siyang maabutan ng traffic sa kalsada. Ganito ang gawain ng karamihan ng
mga tao sa Pilipinas. Ang traffic jam ang isa sa mga malaking probema ng Pilipinas. Ito
ay ang kondisyon sa kalsada na kung saan ang mga sasakyan ay dikit-dikit at
nakapagpapabagal nang takbo ng sasakyan at ng oras ng biyahe. Ito rin ay may
masamang dulot sa ating bansa, pangkapaligiran man o pang-ekonoiya. Ang traffic jam
ay patuloy na lumalala dahil sa pagdami ng mga sasakyan, kawalan ng disiplina at mga
okasyon . Ang Pilipinas ay hinirang na ika-limang bansang may matinding sitwasyon ng
traffic sa buong mundo noong Setyembre ng taong 2015.

Madalas na ipinakahuhulugan ng mga demograpo ang populasyon bilang isang


koleksyon ng mga pangkat ng tao na umookopa sa isang partikular na lugar sa isang
takdang oras. (Garcia, M.B. at Militante, L.O., 1986) Sa mga nakalipas na taon, isang
isyung hindi mailutas-lutas ang paglaki ng populasyon. (paksang pangungusap ng
unang tagadebelop na talata) Napagkasunduan ng mga panlipunang siyentipiko na
ang nag-iisang pinakamalaking hadlang sa paglago ng ekonomiya at sosyal na aspeto
ng bansa lalo na’t kung ito ay mahirap na bansa lamang ang paglaki ng populasyon.
(Garcia, M.B. at Militante, L.O., 1986) Bunsod nito, mahalagang mapagtuunan ng
pansin problemang ito. Ang kahirapan, kawalan ng trabaho at kakulangan sa kaalaman
ng family planning ang mga itinuturing na dahilan nito. Hindi lamang Pilipinas ang
nakararanas nito maging ang ibang developing countries tulad ng Pakistan at Nigeria.
Sa isyung ito nag-uugat ang napakaraming suliraning ikinahaharap ng lipunan. Ang
populasyon ng Maynila ay tumaas mula sa 18 milyon noong 2000 hanggang 25 milyon
noong 2010 base sa The Economist. Isang pangunahing suliranin ang traffic jam. Ang
traffic jam ay patuloy na lumalala dahil sa paglaki ng populasyon ng mga Pilipino. “Ayon
sa estatistika, ang taunang paglaki ng populasyon ay 2.7% hanggang 3.0% na may
katumbas na 1.3 million. Ibig sabihin ang populasyon ng Pilipinas ay nadaragdagan ng
1.3 milyon kada taon. Ang mabilis na paglaki na ito ay nangangahuugan na ang
Pilipinas ay may kakayahang malagpasan ang mga mauunlad na bansa tulad ng Italy,
France, United Kingdom at Germany kung saang may papaliit na populasyon.”(Garcia,
M.B. at Militante, L.O., 1986) Ang traffic jam sa Pilipinas ay lalong lumalala dahil sa
pagdami ng populasyon ng mga sasakyan dulot ng pagdami ng mga residente. Noong
2013, ang lahat ng mga sasakyan na nakarehistro sa Land Transportation Office (LTO)
na nasa kalakhang Maynila ay 2, 101, 148. (Man, 2015) Ang paglaki ng populasyon ay
nagiging sanhi ng pagdami ng informal settlers sa syudad na nagdudulot ng malaking
implikasyon sa limitadong espasyo, congestion, at problema sa sanitasyon. Dahil sa
pagsikip at dami ng bilang na ito ng tao, nagkakaroon ng pag-aagawan sa mga
limitadong resources at pagsikip sa mga pampublikong lugar. Malinaw itong nakikita sa
palalang problema sa daloy ng tapiko. Higit na sa isandaang milyong tao na ang
populasyon ng Pilipinas at tinatayang labindalawang porsyento ay nasa Maynila.
Habang may siyam na milyong sasakyan naman ang nakarehistro dito, hindi pa
kabilang ang mga hindi nirehistro. Walang eksaktong bilang ng mga sasakyan sa
Kamaynilaan ngunit makikita na higit na rin sa milyon ang nagsisiksikan sa mga
masisikip na kalsada ng syudad. Ang mabilis na paglaki ng populasyon ay
nangangailangan ng mas maraming paraan ng transportasyon patungo sa iba’t ibang
lugar sa bansa. Ang transportasyon ay isang kritika; na sangay ng imprakstraktura para
sa patuloy na pagtaas ng ekonomiko. (Ronquillo, A.A., et. al., 1989) Patuloy na
sumasabay sa mabilis na takbo ng sibilisasyon ang mga Pilipino dahil dito
nangngailangan ng mas maraming pampublikong sasakyan upang makarating sa kani-
kanilang trabaho. (Ronquillo, A.A., et. al, 1989) Kung tutuusin napakarami na ng
pampublikong transportasyon sa Maynila, ang mga tren, bus, taxi at mga jeep ngunit
ang lahat ng ito ay hindi ring epektibong paraan upang makarating sa iyong
destinasyon. Ang hindi maayos-ayos na tren at usad pagong na traffic sa mga
lansangan ay mga patunay rito. Kaya’t kabi-kabila ang solusyon na ginagawa ng
gobyerno sa pagpapaibsan ng lagay ng trapiko sa Maynila. Gayunpaman, hindi pa rin
nalulutas ang problemang ito sa halip ay patuloy pang lumalala. Hindi talaga
makokontrol ang bilang ng sasakyan sa mga lansangan kung hindi makokontrol ang
bilang ng populasyon. Marami pa rin kasi ng Pilipino ang bumibili ng kanilang sasakyan.
Kung ikukumpara sa ibang bansa, ang presyo ng sasakyan ay napakamura kaya’t halos
kahit sino ay kaya ng bumili nito. Napakarami na talaga ng sasakyang bumabagtas sa
mga kalsada ng Maynila. Sa isang pag-aaral na naitala ng Balita Online, ang Greater
Manila Area ngayon ay may 5,000 kilometro ng mga lansangan, gayung dapat ay 8,000
ito. Sa EDSA, nasa 6,800 sasakyan ang dumadaan sa iisang direksiyon kada oras,
gayung dapat ay 6,000 sasakyan lamang. At sinabi ng Chamber of Automotive
Manufacturers of the Philippines na 320,000 sasakyan ang naibenta noong 2015
habang 350,000 pa ang inaasahang mabibili ngayong 2016. Tunay na hindi maganda
ang dulot ng paglaki ng populasyon sa bansang tulad ng Pilipinas. Mainam na gumawa
ng mga epektibong solusyon ang pamahalaan hinggil dito. Ang MMDA ay nagtalaga ng
Highway Patrol Group para sa paglutas ng trapiko sa EDSA. Ngunit ayon sa chairman
ng MMDA na si Francis Tolentino, hindi pa rin nasosolusyonan ang pagdami ng
pampublikong sasakyan at mga motorista. Patuloy na isinusulong ang vehicle reduction
sa mga lugar na ito. (Cargullo, 2016) Sa kabilang banda, ayon sa Balita Online, patuloy
pa din ang paggawa ng mga panibagong kalsada para masolusyonan ang pag-usbong
ng trapiko, maging ito ay sa pang araw-araw o may okasyon man. Ngunit ang problema
ay hindi lang sa mga daan pati na rin sa patuloy na pagdami ng sasakyan. Hindi madali
hanapan ng solusyon ang ganitong uri ng mga suliraning panlipunan. Dapat
pangmatagalan ang solusyon ang iniimplementa ng lokal na pamahalaan.
Samakutuwid, kailangan pa ng masusing pag-aaral sa pagsasaayos ng estruktura ng
mga daan at mga posibleng solusyon dito.

Isa pang dahilan ng patuloy na paglala ng traffic ay ang kawalan ng disiplina ng


mga tao. (paksang pangungusap ng ikalawang tagadebelop na talata) Dahil sa
napakaraming iba’t ibang batas na ipinapataw ng pamahalaan upang subuking lutasin
ang hindi matapos tapos na problema sa trapiko, sanay na ang mga mamamayan na
oras-oras ay napakaraming pagbabago ang nagaganap sa mga lansangan. Ang
sitwasyon na ito ay nagiging sanhi rin ng pagusbong ng trapiko. Iba’t ibang klase ng tao
ang bumabagtas sa kahabaan ng mga lansangan sa Maynila. Isa na dito ang taong
takot sa pagbabago o kaya’y walang tiwala sa iba. Marahil sa mga nakaraan niyang
karanasan at paniniwala. Maaaring siya’y nagkaroon ng di-magandang karanasan sa
ibang tao na nagbunsod ng isang maling desisyon at nagbigay sa kanya ng negatibong
impresyon sa anumang pagbabagong kanyan ikinahaharap. (De Leon, 2005) Iba-iba
ang personalidad ng tao na minsan ay nagiging dahilan ng maraming suliranin sa iisang
lipunang ating kinabibilangan. Sa kabilang banda, ang mga batas trapiko ay itinalaga
upang maging maayos, maluwag, ligtas at matiwasay ang mga lansangan. Ito ay
napakahalaga sa pagpapanatili ng kaayusan at sinuman ang lumabag dito ay
mapapatawan ng karampatang parusa. Sa kabila ng mga batas at polisiya dito, hindi pa
rin nalulutas ang problema sa traffic. Ang kabi-kabilang illegal parking, illegal vendors at
informal settlers ay nagbubunsod ng pagsikip ng daloy ng trapiko. (Salazar, 2016) Ang
mga taong ito ang halos sumasakop sa mga daan sa Metro Manila na magsisilbi
sanang alternatibong ruta ng mga sasakyan. Ang mga walang disiplina na motorista
naman lalo na amg mga jeepney driver na nagsasakay at nagbababa sa maling lugar
ay malaki rin ang naidudulot sa pagsikip ng daan. Isang madalas na batas trapiko ang
nalalabag ng karamihan ang maingat na pagmamaneho ay ang nasa seksyon 48 na
ayon sa aklat na Land Transportation and Traffic code MMDA Law and Civil
Aeronautics Act with their Implementing Rules and Regulations and Issuances.
Sinasaad dito na walang sinuman ang pinahihintulutang magpatakbo ng isang
sasakyang de-motor sa highway na walang karampatang pag-iingat at
pagsasalangalang sa trapiko, mga tawiran, mga palikong daan, lawak at kitid ng
kalsada at ng panahon nang sa gayon ay hindi makapinsala ng ari-arian at kaligtas ng
bawat mamamayan. Dahil sa paglabag sa batas na ito, maraming aksidente ang
nangyayari sa kalsada na pinaguugatan ng trapiko. Hindi lamang mga motorista ang
dapat sisihin sa paglala ng trapiko maging ang mga traffic enforcer at mga commuter.
Ang mga traffc enforcer na gumagawa ng mga ilegal na aktibidad tulad ng extortion at
hindi gumagawa ng tungkulin o tamang pagpapatupad ng mga batas trapiko ay
maituturing ding dahilang ng malubhang trapiko pati na rin ang mga commuter na
walang pakialam sa tamang sakayan ay nakakapagpasikip din ng trapiko. Ang kawalan
ng disiplinang ito ng mga tao ay maaaring repleksyon ng pagiging bansang demokratiko
ng Pilipinas. Nasanay ang mga Pilipino sa pagiging malaya at nang tumagal ay
sumobra na sa kinakailangan nila. Ninanais na lamang nila gawin ang gusto nila kahit
pa masama ang epekto nito sa iba. Ang ugaling ito ng mga Pilipino ay isang dahilan
kung bakit hindi umuusad ang Pilipinas. Kahit anu-anong batas pa ang ipataw kung
hindi rin naman sinusunod ay wala ring saysay. Kaya’t mahalaga na sa bawat batang
Pilipino ay itinuturo na ang kahalagahan ng pagiging disiplinado at pagsunod sa batas.
Ito ang magiging susi sa maunlad na kinabukasan ng bansa.

Kadalasan, nagkakaroon ng matinding trapiko pagsapit ng mga iba’t ibang


okasyon katulad na lamang ng pasko, undas, at bagong taon (paksang pangungusap
ng ikatlong tagadebelop na talata). Sa mga panahong ito, ang mga organisasyong
responsible sa pag-kontrol ng trapiko ay nag-iisip ng paraan para ma soluyonan ito.
Ayon sa Manila Bulletin noong nakalipas na taon, kinakailangang paghandaan ng husto
ang pagdiriwang ng araw ng mga patay para magkaroon ng kasigaruduhan na
magkaroon ng maayos na daloy ang mga sasakyan at maiwasan ang mabigay na
trapiko ng lugar sa Maynila. Isinabi ni Rrbas na ipagpapatuloy parin ng MMDA ang
“Enforcing Traffic Rules,” kahit hindi naman ito talaga ito ipinapatupad tuwing araw ng
mga patay o undas. Ang pagsisimula ng number coding scheme ay sisimulan ng
Oktubre 31, kung saan walang trabaho sa araw na iyon at sa araw ng Nobyembre 1,
araw ng mga patay (Alvarasen, 2016). Tuwing pasko, kadlasan din nagkakaroon ng
matinding trapiko sa maynila dahil sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Ang mga
artista sa sinasabing MMFF ay nagpa-parada sa mga daan ng Maynila, na nagresulta
sa matinding trapiko. Ayon kay Graiola isang motoristang nakuhanan ng panayam,
naghihintay sila ng tatlong oras para makapasok sa NAIA dahil sa traffic na alinsabay
ng Holiday season (Cuenco & Alvarasen, 2016). Ayon sa Rappler, mas tumitindi din
ang trapiko pag mas palapit na ang araw ng pasko dahil ito ag mga araw na inaasikaso
ng mga mamamayan na bumili ng iba’t-ibang regalo.

Ang trapiko sa Pilipas ay patuloy parin na lumalala. Ito ay dahil sa pagdami ng


mga sasakyan sanhi ng patuloy na pagdami ng populasyon, lalo na sa mga lugar na
masyado nang urbanisado. Ang mga tao ay mas pinipili ng magkaroon ng sariling
sasakyan kaya’t patuloy na lumalala ang trapiko. Ang paglala ng trapiko ay hindi
lamang nanggagaling sa pagdami ng sasakyan, maaaring ito ay sanhi ng kawalan ng
disiplina ng mga motorista. Dahil sa kawalan ng disiplina ng mga motorista maaari
silang ma-aksidente na magreresulta sa buhol-buhol na trapiko.Hindi rin ligtas sa sisi
ang mga traffic enforcers. Dahil sa kawalan ng disiplina ng mga traffic enforcers,
pwedeng mapabayan ang pagpapadali ng daloy ng trapiko dahil sila ay gumagawa ng
mga sariling illegal na aktibidad. Tuwing idinaraos ang iba’t ibang okasyon, dito
nagkakaroon ng problema sa trapiko. Dahil ang mga tao ay madalas lumalabas o
gumagamit ng sasakyan kapag sumasapit ang pasko, bagong taon at undas, ang daloy
ng trapiko ay patuloy na bumabagal. Kinakailangan ang mga iba’t-ibang paraan para
masolusyonan ang trapiko katulad ng pag-iimplementa ng color coding scheme. Sa
kabila ng mga dahilan ng paglala ng trapiko sa Pilipinas, ang pagbibigay solusyon ay
nakadepende parin sa mga miyembro ng gobyerno dahil sila ang may kapangyarihan
para isakatuparan ang mga posibleng solusyon. Hindi lamang iyon, dapat ang mga
mamamayan din ay matutong maging disiplinado padating sa pagmamaneho. Dahil ang
bawat isa sa atin ay kabilang sa iisang komunidad, kailangan ang pagkakaisa upang
umunlad. (kongklusyon) Ito ang susi sa tunay na kaunlaran ng bansa. Marapat na
kilalanin at suriin ang nagiging ugat ng mga suliranin sa lipunan upang mabigyan ng
karampatang solusyon. Higit pa rito, matututo ang bawat isa na makibahagi sa
pagpapanatili ng kaayusan ng ating lipunan na magbubunsod ng disiplinadong
mamamayan at mapayapang lipunan pagdating sa hinaharap.

Bibliography
AKLAT
1. Garcia, M.B. & Militante, L.O. (1986). Social Problems. Mandaluyong City:National
Book Store. p. 115
2. Garcia, M.B. & Militante, L.O. (1989). Social Issues and Problems. Mandaluyong
City:National Book Store. p. 127
3. Land Transportation and Traffic Code, MMDA law & Civil Aeronautics Act: with their
implementing rules and regulations and issuances. (2000). Sta. Cruz, Manila:
Central Book Supply.
4. Ph.D., De Leon, A.B. (2005). Practicing Community Development Principles in Our
Barangays. Megabooks Company: Quezon City. p.18
5. Ronquillo, A.A., Milagros, M.M., & Zaide, C.A. (1989). Social Issues and Problems.
Quezon City:Katha Publishing Co., Inc.

PERYODIKO
6. Cuenco, A., & Villar, A.L., (2016).Heavy Traffic Expected This Week, MMFF Parade
Route Bored. Manila Bulletin.
7. Gamotea, B.(2016, December 19). Road Closures para sa MMFF parade. Manila
Bulletin.
8. Manongdo, et. al, (2012). Manila, Mandaluyong Bare Traffic Scheme. Manila
Bulletin
9. Unite, B.K., (2016, November 29). Estrada orders mass termination of Manila traffic
enforcers over extortion complaints. Manila Bulletin.
10. Villar, A.L.,(2016) MMDA Traffic Crews in Full Force for Undas. Manila Bulletin.

INTERNET
11. Balita Online. (2016, January 14). Suliranin sa Trapiko, Malaking Problema pa rin
sa Metro Manila. Balita. Retrieved from: http://balita.net.ph/2016/01/14/suliranin-sa-
trapiko-malaking-problema-pa-rin-sa-metro-manila/
12. Cargullo, D.(2015, September 4). Pilipinas, Rank 5 sa mga bansang may
pinakamalalang traffic sa buong mundo. Radyo Inquirer. Retrieved from:
http://radyo.inquirer.net/7881/pilipinas-rank-5-sa-mga-bansang-may-
pinakamalalang-traffic-sa-buong-mundo
13. Man, R. (2015, September 14). 10 Alarming Facts about Traffic in Metro Manila
that You Should Know. Retrieved from: http://faq.ph/facts-about-traffic-in-metro-
manila-that-you-should-know/
14. Rappler, 2014. Expect Heaviest Traffic on December 19 – MMDA. Manila,
Philippines. Retrieved from: http://www.rappler.com/nation/78391-mmda-traffic-
december-19
15. The Economist. (2016). Traffic in the Philippines’ Capital. Retrieved from:
http://www.economist.com/news/asia/21693631-rising-car-ownership-and-appalling-
transport-policies-block-roads-slowly-does-it

Angeles University Foundation


INTEGRATED SCHOOL
A.Y. 2016-2017
FILIPINO 2
Proseso ng Mabisang
Pagsulat
Mga dahilan ng patuloy na paglala ng
traffic jam sa maynila

Isinumite nina:
Garcia, Krizzi Eve
Lising, Jezrene Gabrielle
Serrano, Hannah Grace
Tanhueco, Patricia Anne
11- St. James
Isinumite kay: G. Ariel Bognot

You might also like