You are on page 1of 2

I.

Mga Gawain sa Pagkatuto

Pangalan: ANGELINE MAE C GACMATAN Bilang ng Aralin: _________1___________


Strand: STEM Baitang: 11
Petsa: ________________________________________ Marka: _____________________________

GAWAIN 1
PANUTO: Basahin ang mga tanong sa ibaba bago simulan ang pagbasa ng sumusunod na
seleksyon. Pagkatapos unawain ang mga tanong, hanapin ang sagot sa seleksyon sa pamamagitan
ng scanning.

1. Sino ang pangulo ng Pilipinas na nagpagawa ng Bataan Nuclear Power Plant?


-Si Ferdinand marcos
2. Magkano ang inutang ng Pilipinas sa World Bank upang maipagawa ito?
-$23 bilyon
3. Ano-ano ang dahilan kung bakit hindi napakinabangan ang Bataan Nuclear Power Plant?
-isa sa dahilan ang hindi ito napagana ng kahit isang minute at nung napalitan ang pangulo ay
hindi na ito pinatakbo ang planta.
4. Bakit nagpasya si Pangulong Corazon Aquino na huwag nang patakbuhin ang planta maging
sa panahon ng kanyang administrasyon?
-Dahil baka mangyari ang nangyaring Chernobyl disaster sa rusya

Ang Bataan Nuclear Power Plant


Ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) ay isang plantang nukleyar sa Morong, Bataan.
Itinayo ito sa ilalim ng panunungkulan ni dating Panguiong Ferdinand Marcos, ngunit sa kasamaang palad,
hindi ito nagamit at napakinabangan.
Noong Hulyo 1973, inanunsyo ni Panguiong Marcos ang pagtatayo ng isang plantang nukleyar
sa Bataan sa ilalim ng kaniyang programang nukleyar na nagslmula noong 1958. Ang programa ay bilang
tugon sa krisis sa langis sa Gitnang Silangan at solusyon sa pangangailangan sa enerhiya ng bansa.
Sinimulan ang konstruksyon ng planta noong 1976 ngunit pinatigil noong 1979 dahil diumano,
nakitaan ito ng mga eksperto mula sa Estados Unidos ng napakara- ming depekto. Naging suliranin ng ilan sa
mga naging alkalde ang lokasyon ng planta na malapit sa fault tine at Bundok Pinatubo, isa sa mga aktibong
bulkan sa Pilipinas. Nang malapit nang matapos ang BNPP noong 1984, umabot sa $23 bilyon ang naging
gastos sa konstruksyon nito. Ang halagang ito ay inutang lamang ng Pilipinas sa World Bank. Ang BNPP ay
idinisenyo upang lumikha ng 621 megawatts ng elektrisi- dad, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi ito
napagana kahit isang minuto.
Nang mapaalis sa puwesto si Panguiong Marcos noong 1986, nagpasya ang pumalit sa
kaniyang si Panguiong Corazon Aquino na huwag nang patakbuhin ang planta dahil sa takot na magaya ito sa
Chernobyl Disaster sa Rusya. Gayundin, maraming residente ng Bataan at mga organisasyon ang nagpakita
ng matinding pag- tutol dito. Kalaunan ay kinasuhan ng gobyerno ng Pilipinas ang Westinghouse, ang
kontraktor ng planta, dahil sa overpricing at panunuhol, ngunit hindi rin ito nilitis ng gobyerno ng Estados
Unidos.

Hanggang sa kasalukuyan ay binabayaran pa rin ng Pilipinas, mula sa buwis ng mga


mamamayan nito, ang napakalaklng utang ng bansa dahil sa BNPP. Bukod sa isyu p overpricing at korupsiyon
ng mga kroni ni Marcos, nakapanlulumong hindi napakinabangan ng mga mamamayan ang proyektong ito.
GAWAIN 2
PANUTO: Basahin ang sumusunod na seleksyon sa pamamagitan ng skimming at ibigay ang buod
ang pangunahing ideya nito.

Globalisasyon
Ano ang kahulugan ng globalisasyon? Sa larangan ng ekonomfya, Ito ang pagkakaroon
ng nag-iisang dambuhalang pamlllhan sa buong mundo. Kung dati ay may kanl-kaniyang sistema ng
ekonomlya ang bawat bansa, inaalis ng globalisasyon ang mga pambansang saklaw at hangganan
upang pag-isahin ang mga ekonomiya ng bawat bansa. Ito ang dahilan kung baklt borderless society
ang kadalasahg tawag sa mga bansang pumapaloob dito. Ibig sabihin ay inaalis ang mga border o
hangganan ng pagpapalitan ng mga produkto at serbisyong pang-ekonomiya.
Paano inaalis ang hangganan ng mga bansa a,t pinag-iisa ang mga ito? Ito ay sa
pamamagitan ng pagpapabilis ng transportasyon at komunikasyon upang maging mas madali ang
daloy ng mga produkto. Mahalaga rin ang pag-aalis ng mga pang-ekonomikong hadlang tulad ng
buwis at taripa. Taripa ang tawag sa buwis na ipinapatong sa mga produktong pumapasok sa isang
bansa. Halimbawa, may isang toneladang pantalon mula sa Tsina na papasok sa Pilipinas upang
ibenta rito. Sa kasalukuyan, karaniwan ay 5-10% ng kabuuang halaga nito ang ibabayad sa gobyerno
ng Pilipinas bilang taripa. Sa panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos, iniisip niyang na sa taong
2015 ay aabot sa 0-1% ang taripa ng mga produktong papasok sa bansa. Plano ng dating pangulo
na lalong pababain ang taripa upang makisabay sa pandaigdigang kalakaran. Ibig sabihin ay mas
maiuwag na makapaglalabas ng mga hilaw na materyales (raw materials) ang Pilipinas tungo sa
ibang bansa habang magiging tambakan naman ang Pilipinas ng mga yaring produkto
(finishedproducts) upang ibenta sa lokal na pamilihan.
Sagot ang globalisasyon sasuliranin ng sobrang produksyon sa mayayamang bansa
habang kumukuha ng murang hilaw na materyales sa mga mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas.
Dahil sa kalagayang ito, may mga ekonomistang nagsasabi na lalong yayaman ang mga bansang
mayayaman at maghihirap ang mga bansang mahirap.

Buod ng Seleksyong “Globalisasyon”


Ang globalisasyon ay ang pagkakaroon ng nag-iisang dambuhalang pamilihan sa buong mundo. Ang
ekonomiya ng bawat bansa ay may kaniya-kaniyang sistema, inaalis ng globalisasyon ang mga pambansang
saklaw at hangganan upang pag-isahin ang mga bansa.Tinatawag na borderless society ang bansang
nakapalood ditto na nangangahulugang inaalis ang mga border o hangganan ng pagpapalitan ng mga
produkto at serbisyong pang-ekonomiya.
Inalis ang hangganan at pinagka-isa ito sa pamamagitan ng pag-acceleration ng transportation at
komunikasyon upang makakuha ng mga produkto ng paglipat. Importante ang mga ekonomiya barrier, tulad
ng mga tatlong at mga taripa. Ang taripa ay isang tax na nagtatapos sa mga produkto na inilabas sa bansa.
Ang mga tonelado ng mga pantalon mula sa China ay kinakailangan sa Pilipinas para sa pagbabago dito. Sa
ngayon, ang 5-10% ng total na sumusunod ay kinakailangan sa Philippine Government bilang isang tarifa. Sa
panahon ng ex-president Fidel Ramos, siya ay tinatawag na sa 2015 ang mga tarifa sa mga produkto na
inilabas sa bansa ay nagsisimula sa 0-1%. Ang isang pangunahing presidente ay nagsisimula ng pag-aalok ng
mga tarifa upang hindi magsisimula sa mga trend sa mundo. Ito ay maaaring mag-export ng mga materyal sa
iba't ibang bansa, at ang mga Pilipinas ay maaaring maging isang pumasok para sa industriya ng mga
produkto.
Ang globalisasyon ay magiging problema ng sobrang produksyon sa mayayamang bansa habang ang mga
murang bilihin ay mula sa mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas. Dahil sa sitwasyong ito, sinasabi ng ilang
ekonomista na yumayaman ang mayayamang bansa at lalong humihirap ang mahihirap na bansa..

You might also like