You are on page 1of 10

Mga Napapanahong Isyung

Lokal at Nasyonal
KONFILI 2019 – 2020
Module 6 -Part 3
C. Kalagayan ng iba’t ibang
Serbisyong Panlipunan
III. Transportasyon
• Ang trapiko ang pinakamalaking suliranin na kinakaharap ng bansa.
• Sa 2015 Traffic Index ng Numbeo, isang multi-national research firm, nakasaad na
pangsiyam ang Pilipinas sa 88 bansa na may matinding problema sa trapiko (GMA
News Online, 2015)
• Pagdating sa city category, pang-12 ang Manila ( na may 12M na populasyon) sa mga
lungsod sa mundo na may malaking problema sa daloy ng trapiko, ayon sa Numbeo.
• Gumugugol ang isang pasahero o motorista sa Manila ng 53.82 minuto para
makarating sa kaniyang destinasyon na may layong 12 kilometro.

Pilipinas, pangsiyam sa mga bansang may matinding problema


sa trapiko (Enero 2015). GMa News Online.
C. Kalagayan ng iba’t ibang
Serbisyong Panlipunan
III. Transportasyon
• Tumataginting na P3.5 bilyon kada araw ang nawawalang kita ng Pilipinas dahil
sa malubhang problema sa trapiko ayon sa pinakabagong pag-aaral ng Japan
International Cooperation Agency (JICA)
• Resulta ito ng labis na bilang ng mga sasakyan, mga kolorum, illegal parking,
illegal terminal, sidewalk vendors, jaywalkers, pedicab at tricycle sa mga highway,
kamoteng mga motorcycle riders at aroganteng mga tsuper
• Noong Agosto 2016, itinatag ang Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT) sa
pangunguna ni Department of Transportation Secretary Arturo Tugade upang
pagsanibin ang lahat ng ‘law enforcement agencies’ na may kaugnayan sa
pagmamando sa trapiko.
Garcia, D. (Maso,2018). Disiplina sa
lansangan, lunas sa trapik. Pilipino Star
C. Kalagayan ng iba’t ibang
Serbisyong Panlipunan
III. Transportasyon
•Tututok ito sa limang “E” ng traffic management: ang enforcement, education,
environment, engineering at economics.
•Nitong Enero 2018, inilunsad ang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok campaign” ng i-
ACT na layong linisin ang mga kalsada sa mga kakarag-karag na sasakyan na
panganib sa kaligtasan at kalusugan ng publiko. 

Garcia, D. (Maso,2018). Disiplina sa


lansangan, lunas sa trapik. Pilipino Star
C. Kalagayan ng iba’t ibang
Serbisyong Panlipunan
III. Transportasyon
• Ayon sa pag-aaral ng Asian Development Bank ([ADB], 2019),Metro Manila ang
pinakamasikip na lungsod sa 278 na lungsod sa umuunlad na bansa sa Asya.
• Ang krisis sa trapik at transportasyon partikular sa Manila ay ay maiuugnay sa
5 pangunahing salik ayon kay Primitivo Cal (Rita, 2019)
 Mabilis na urbanisasyon
 ang lokasyon ng mga marami sa mga malalaking negosyo ay sa Metro Manila
 Limitadong rail transis system
 ratio ng kalsada sa bilang ng sasakyan na kayang iokupa ng kalsada

Rita, J. (2019).How the traffic crisis and transport


problem evolved in Metro Manila.GMA News
C. Kalagayan ng iba’t ibang
Serbisyong Panlipunan

IV. Edukasyon

Nangunguna ang Kagawaran ng Edukasyon na pinaglalaanan ng pondo ng


pamahalaan. Kinikilala ng pamahalaan ang edukasyon bilang matibay
na instrumento sa pagpapausbong ng pagbabago sa bansa kaya
nagkaroon ng K to 12 Program na pinagtibay ng RA 10533. Ito ay may
layuning makalikha ng buo at ganap na Filipino na may
kapakipakinabang na literasi. Ito ay may tinatawag ng Education for All
(EFA) o Inclusive Education kung saan ang lahat ay bahagi at tanggap
ng sistema ng edukasyon.

Issues Regarding the Educational


System. (n.d.). https://bit.ly/2AzsAok
C. Kalagayan ng iba’t ibang
Serbisyong Panlipunan
IV. Edukasyon
 1 sa sampung Pilipino edad 6-24 ay hindi nakakapag-aral (PSA)
 Ipinapakita sa 2016 Annual Poverty Indicators Survey (Apis) na ang bansa ay
mayroong 3.8 milyong kabataang ang hindi nakapag-aaral o 10% ng 39 milyong
Pilipino na may edad na 6-24 Isinasaad sa ulat ng APIS na 87.3% sa mga
kabataang ito ay 16 - 24 taong gulang, 7.7 % ay 12 - 15 taong gulang and 5 % ay 6-
11 taong gulang
 Mas mataas ang bilang ng mga kabataang babaeng hindi nag-aaral kumpara sa
kalalakihan
 Ayon sa APIS ang karaniwang rason ng hindi pag-aaral ng mga kabataang ito ay pag-
aasawa o suliraning pampamilya(42.3%), mataas na halaga ng edukasyon o
problemang pampinansyal (20.2 %) at kawalan ng interes (19.7%)

Isa sa bawat 10 Pinoy na edad 6-24, hindi na nag-aaral. (Hunyo 2017). Balita.Net. https://bit.ly/2NU7STf
C. Kalagayan ng iba’t ibang
Serbisyong Panlipunan
Suliranin sa sistema ng Edukasyon
•Kalidad ng edukasyon
-Naitala noong 2014 ang mababang resulta sa National Achievement Test (NAT) at National Career
Assessment Examination (NCAE) na nagpapakita ng mababang kalidad ng edukasyon sa antas
elementarya at sekondarya.
-Sa isang sarbey na ginawa ng Program for International Assessment (PISA) sa 600,000 mag-
aaral sa buong mundo, ang mga Pilipinong mag-aaral edad 15 ay nakakuha lamang ng 340 puntos
mas mababa sa average na 487 na puntos. Dahil dito, ang bansa ay nasa ika-79 na pwesto o huli
sa 79 na bansa sa sarbey na isinagawa kaugnay ng komprehensyon sa pagbasa (Manaog, 2020)
•Badyet sa Edukasyon
-Pilipinas ang may pinakamababang badyet sa Edukasyon sa lahat ng bansa sa Asya kahit pa
nakatakda sa batas na pinamalaking pondo ng gobyerno ay dapat ibigay sa Edukasyon.

Issues Regarding the Educational


System. (n.d.). https://bit.ly/2AzsAok
C. Kalagayan ng iba’t ibang
Serbisyong Panlipunan
Suliranin sa sistema ng Edukasyon
•Kakayahang Makapag-aral
-Maraming mag-aaral ang tumitigil sa pag-aaral sa elementarya,
sekondarya at kolehiyo dulot ng malaking gastos.
-Bagamat sa pampublikong paaralan ay walang binabayarang matricula,
ang gastos sa gamit sa paaralan, pagkain, uniporme at transportasyon ay
nakadadagdag sa gastos ng pamilya.
-Sa isang pamilya kapag mayroong nagkaroon ng malubhagn karamdaman
o nawalan ng trabaho ang ama o ina, kadalasan ay tumitigil sa pag-aaral
ang anak

Reyes, T. (2015).The real cost of


education in the Philippines. Rappler.
C. Kalagayan ng iba’t ibang
Serbisyong Panlipunan
Suliranin sa sistema ng Edukasyon
•Bilang ng mga mag-aaral na tumigil sa pag-aaral
* Mayroong 1.4M bata ang hindi nakakapag-aral ayon sa datos ng UNESCO at tanging bansa sa
ASEAN na kasama sa 5 bansa na may mataas na bilang ng mga kabataang hindi nag-aaral.
•Ayon sa DepEd, patuloy na tumataas ang bilang ng mga batang hindi na nakapagpapatuloy sa
pag-aaral dahil sa implementasyon ng K12.
•Sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), kalahati ng bilang
ng mga batang hindi nakapag-aaral ay kabilagn sa 25% ng mga may pinakamababang
kita sa bansa (Philippine Basic Education,2017).
•Mismatch
Hindi angkop ang tinapos sa aktwal na trabaho. Tinatayang umaabot sa 600,000 kada taon ang
walang trabaho

Issues Regarding the Educational


System. (n.d.). https://bit.ly/2AzsAok

You might also like