You are on page 1of 28

Aralin 2

Access sa Edukasyon
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay
inaasahang nasusuri ang mga programa ng
pamahalaan na nagsusulong ng pagkakapantay-
pantay sa edukasyon, na may tuon sa:

● mga batayang batas sa edukasyon, at


● datos sa access sa edukasyon.
Sa araling ito ay sasagutin natin ang
sumusunod na tanong:

● Ano ang konsepto ng pantay sa access sa


edukasyon?
● Ano ang konsepto ng education for all?
● Bakit maraming out of school youth?
Access sa Edukasyon
• Ang pantay na access sa edukasyon ay isa
sa mga karapatang isinusulong ng
maraming bansa. Pinaniniwalaang ang
pagtatamo ng sapat na edukasyon ay ang
pangunahing susi upang masugpo ang
kahirapan.
Access sa Edukasyon
• Ayon sa UNESCO ( United Nations
Educational, Scientific, and Cultural
Organization ), ang “ Education For All ” ay
tumutukoy sa malawakang adhikain na
makapagbigay ng libre at de-kalidad na
edukasyon para sa lahat.
Mga Batayang Batas sa
Edukasyon
1987 Konstitusyon
• Ito ang nagsisilbing legal na batayan upang
matiyak na ang bawat Pilipino ay mabibigyan
ng pagkakataon na makapag-aral.
• Ang sektor ng edukasyon ang nakatatanggap
ng pinakamalaking alokasyon sa taunang
badget ng pamahalaan bilang hakbang upang
matugunan ang suliranin sa kahirapan.
Republic Act 6655 o Free Public Secondary
Education Act of 1988

• Naglalayong magkaloob ng libreng edukasyon


sa pampublikong paaralang sekundarya sa
buong bansa.
Republic Act 9155 o Governance of Basic
Education Act of 2001

• Nagbibigay ng karapatan sa bawat Pilipino ng


libre at de-kalidad na edukasyon sa
elementarya, sekundarya, at mga tumigil sa
pag-aaral gamit ang Alternative Learning
System.
Universal Access to Quality Tertiary
Education Act of 2017

• Ito ay naglalayong maghatid ng libreng


edukasyon sa lahat ng kabataang Pilipino na
nagnanais mag-aral sa mga pampublikong
kolehiyo at unibersidad sa buong bansa.
Datos sa Access sa Edukasyon
Datos sa Access sa Edukasyon
• Ayon sa Functional Literacy, Education and
Mass Media Survey na isinagawa noong
2003, aabot sa 9.6 milyong Pilipino ang
hindi nakakbabasa at nakasusulat.
Datos sa Access sa Edukasyon
Kasunod nito ang pag-aaral noong 2007 ng Civil
Society Network for Education Reforms na
tumugon sa EFA, kung saan kinakitaan ng
malaking pagtaas ng drop-out rate ang mga
mag-aaral habang papataas ang baitang. May
43.3% ng kabataang may edad na 16-19 ay out-
of-school youth mula sa 6.7% ng edad na 6
hanggang 11.
Datos sa Access sa Edukasyon
• Makikita sa datos ng Philippine Statistics
Authority ang bilang ng kabataan na hindi
nag-aaral sa bawat rehiyon ng bansa
noong 2013.
“Ang kabataang may pinag-aralan
ang pag-asa ng bayan.”
Bakit mahalaga na ang bawat isang
Pilipino ay may malayang access sa
edukasyon?
● Ang pantay na access sa edukasyon ay isa sa mga
karapatang isinusulong ng maraming bansa.
Pinaniniwalaang ang pagtatamo ng sapat na edukasyon ay
ang pangunahing susi upang masugpo ang kahirapan.
● Ang “Education For All” ay tumutukoy sa malawakang
adhikain na makapagbigay ng libre at de-kalidad na
edukasyon para sa lahat.
● Ang mga dahilan kung bakit hindi na nagtutuloy sa pag-
aaral ang ilang kabataan ay ang maagang pag-aasawa,
kawalan ng sapat na pera ng pamilya sa pag-aaral, mataas
na halaga ng pag-aaral, at iba pa.
Ang pantay na access sa edukasyon ay isa sa mga
1 karapatang isinusulong ng maraming bansa.

Pinaniniwalaang ang pagtatamo ng sapat na


2 edukasyon ay ang pangunahing susi upang
masugpo ang kahirapan.
Ayon sa UNESCO , ang “Education For All” ay
3 tumutukoy sa malawakang adhikain na
makapagbigay ng libre at de-kalidad na edukasyon
para sa lahat.
Ano ang mga suliraning kinahaharap ng sektor ng
edukasyon sa bansa?

You might also like