You are on page 1of 14

PANGALAN:_____________________________________

4
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

ARALING
PANLIPUNAN
Kwarter III – Linggo 5-7
Mga Programa ng Pamahalaan
para sa Pangangailangan ng Bansa

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Araling Panlipunan - Baitang 4
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter III – Linggo 5-7: Mga Programa ng Pamahalaan para sa Pangangailngan ng
Bansa.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa


Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Maria Morena C. Badenas
Pangnilalamang Patnugot: Pia Marie G. Ponce De Leon, Lourdes B. Solomon
Editor: Theresa P. Libao
Tagawasto: Pia Marie G. Ponce De Leon
Tagasuri: Marites L. Arenio, Fe O. Cabasal, Maria Lea A. Magbanua
Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin, Pia Marie G. Ponce De Leon
Tagaguhit: Maria Morena C. Badenas
Tagalapat: Victoria M. Pedong

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado, PhD, ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Marites L. Arenio, EPS-AP
Fe O. Cabasal, PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Panlabas na Tagasuri
Pandibisyong Tagasuri ng LR:
Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon, RodneyM. Ballaran,
Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Mga Programa ng Pamahalaan
para sa Pangangailangan ng Bansa

MELC: Nasusuri ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa:


a. Pangkalusugan
b. Pang-edukasyon
c. Pangkapayapaan
d. pang-ekonomiya
e. pang-impraestruktura
Mga Layunin:
1. Natutukoy ang iba’t ibang programa ng pamahalaan.
2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga programa ng
pamahalaan.
3. Nasusuri ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa
pangkalusugan, pang-edukasyon, pangkapayapaan, pang-
ekonomiya, at pang-impraestruktura.

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa patlang.

___1. Bakit mahalaga ang pagbabakuna sa mga bata?


A. Upang mabawasan ang lubhang pagkakasakit ng mga bata.
B. Upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga ina.
C. Magkakaroon ng malubhang sakit ang mga bata.
D. Dahil libre ang pagbabakuna.

___2. Nag-anunsiyo ang kapitan sa inyong barangay na maaari nang


magpalista sa inyong paaralan ng mga nais pumasok sa Kinder.
May kapatid kang limang taong gulang. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Sasabihin sa magulang ang anunsiyo.
B. Ipagpatuloy ang ginagawa na parang walang narinig.
C. Hihikayatin ang magulang na ipalista na ang kapatid.
D. Hindi papansinin ang sinabi total bata pa naman ang kapatid.

1
___3. Nangangailangan ng mga boluntaryo para sa pagpapakain sa
mga bata sa inyong paaralan sa araw ng Sabado. Ano sa palagay
mo ang iyong maitutulong?
A. Hindi ako pupunta dahil mapapagod ako.
B. Ipagpapatuloy ko na lamang ang paglalaro ko.
C. Tutulong ako kung anoman ang kaya kong gawin
D. Hindi na ako pupunta dahil hindi rin ako bibigyan ng gagawin.

___4. Nakita mong pilit hinahablot ng isa mong kaklase ang bag ng
isang mag-aaral habang naglalakad palabas ng silid-aralan. Ano
ang nararapat mong gawin?
A. Panoorin ang dalawa at hintayin kung ano ang mangyayari.
B. Tatawagin ang guro o guwardiya at sasabihin ang nangyayari.
C. Hintaying mapikon ang isa at panoorin sila habang nag-aaway.
D. Sasabihan ang nanghahablot ng bag kahit malaki ito sa iyo.

___5. Nag-anyaya ang inyong punong barangay sa mga nais lumahok


sa seminar sa paggawa ng tosino na maaaring pagkakitaan. Ano
ang gagawin mo?
A. Sasabihin ito sa nakatatandang kapatid na walang
pinagkakaabalahan.
B. Mahal ang karne kaya huwag na lang pumunta sa seminar.
C. Hindi ito makabuluhan kaya huwag na lamang pansinin.
D. Magsasawalang-kibo dahil hindi ito kayang gawin.

___6. Ang sumusunod ay mga wastong gawain upang makatulong sa


pag-angat ng ekonomiya ng bansa. Alin ang hindi kabilang?
A. Pagtangkilik ng produktong gawa sa sariling bansa.
B. Manghikayat ng mga turista na bumisita sa ating lugar.
C. Bumili ng mga imported chocolates.
D. Paunlarin ang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng
produktong may magandang kalidad.

___7. Ano ang programa ng pamahalaan na tumutugon sa


pangangailangan ng pagkatuto ng mga mamamayan?
A. Programang pangkalusugan
B. Pang-impraestruktura
C. Programang pang-edukasyon
D. Programang pangkapayapaan

___8. Anong ahensiya ang nangangasiwa sa paggamit ng makabagong


teknolohiya na nakatutulong sa mabilis na komunikasyon ng
mga tao?
A. Philippine National Police C. Philippine Telecommunication
B. Department of Education D. Department of Health

2
___9. Bilang mamamayang Pilipino, paano ka makatutulong sa mga
manggagawang Pilipino?
A. Bumili ng produkto ng ibang bansa.
B. Bumili ng mga produktong gawa ng manggagawang Pilipino.
C. Ipagmalaki ang pasalubong ng kamag-anak na dayuhan.
D. Magpabili ng imported products sa ate na nagtratrabaho sa
ibang bansa.

___10. Bakit mahalaga ang programang pang- impraestruktura?


A. Natutugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan gaya
ng kalsada, paaralan, tulay, at sistema ng komunikasyon.
B. Upang mapanatili ang kapayapaan sa pamayanan.
C. Upang madagdagan ang kaalaman ng mamamayan.
D. Mapapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan.

Ating Alamin at Tuklasin

Sa nakaraang aralin ay nalaman mo ang


Paghawan ng
Balakid
mga gampanin ng pamahalaan upang matugunan
ang pangangailangan ng mamamayan. Ano-ano
Impraestruktura- ang mga programa ng pamahalaan para sa
Ito ay ang mamamayan? Paano nakatutulong ang mga
pangunahing programa ng pamahalaan sa mga mamamayan?
pisikal at
organisadong Alam mo ba ang mga
estrukturang Maraming programa ang
programa ng ating ating pamahalaan na
kailangan para pamahalaan?
suportahan ang makatutulong sa atin, tulad
isang komunidad o na lamang ng programang
bansa para pang-edukasyon.
makatulong sa
ekonomiya nito.

3
Programang Pangkalusugan
Ang Kagawaran ng Kalusugan ang pambansang ahensiyang
naatasan ng pamahalaan na mamahala sa mga serbisyong
pangkalusugan. Mahalaga na malusog ang pangangatawan ng tao
upang malusog din ang kanyang pag-iisip dahil ang mamamayan ang
katuwang ng pamahalaan sa pagbubuo ng tamang pasya para sa
maayos na pamamalakad at kalagayan ng bansa. Isa sa mga
programang pangkalusugan ng Philippine Health Insurance ang
pagbabakuna ng mga bata laban sa mga sakit tulad ng diarrhea, polio,
tigdas, at trangkaso. Kasabay nito ang pamamahagi din ng Vitamin A,
iron, at iodine. Isinasagawa ito sa mga sentrong pangkalusugan o Health
Center. Pinapangalagaan din ang kalusugan ng mga ina sa
pamamagitan ng pamimigay ng libreng bitamina at libreng bakuna
laban sa sakit tulad ng neo tetanus.

Programang Pang-edukasyon
Ang edukasyon ay mahalagang salik sa pag-unlad ng mamamayan
at sa pagsulong ng bansa. Ang Pilipinas ay kaisa sa mga bansang
nagtataguyod ng Edukasyon para sa Lahat (Education for All) na
naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon ng bawat Pilipino. Ang
programa ng pamahalaan na Basic Education Program o Kinder to Grade
12 ay naglalayong magkaroon ang mga mag-aaral ng lubos at tuloy-
tuloy na pagkatuto ng mga batayang kasanayan at maging handa sa
pagkokolehiyo at pag-eempleyo. May mga Day Care Center sa mga
barangay na nangangalaga sa mga batang ng-uumpisa pa lamang
matuto. May programa din para sa mga out-of-school youth (OSY) o mga
nahinto sa pag-aaral na pinangangalagaan sa pamamagitan ng
programang Abot–Alam. Binibigyan sila ng pagkakataong muling
makapag-aral sa pamamagitan ng Alternative Learning System.
Mayroon din programa sa edukasyon para sa mga Indigenous People o
mga katutubong mamamayan.

Programang Pangkapayapaan
Mararanasan ang kapayapaan sa isang komunidad kung ang mga
mamamayan dito ay nagkakaunawaan at nagkakaisa. May mga
ahensiya ang pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan at
kaligtasan ng mga mamamayan.
Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang pangunahing lakas na
tagapagtanggol ng bansa. Tungkulin nitong ipagtanggol ang bansa
laban sa mga kaaway o mananakop, lokal man o banyaga. Tungkulin
naman ng Department of National Defense na pangalagaan ang
katahimikan sa loob at labas ng bansa at tiyakin ang seguridad nito
laban sa panganib. Tumutulong naman ang lokal na pamahalaan (Local
Government Unit) sa pagpapanatili ng kaayusan ng kanilang
nasasakupan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga ordinansa
para sa kapayapaan ng lugar na nasasakupan.
4
Kaakibat ng lokal na pamahalaan ang Philippine National Police sa
pagsugpo sa mga krimen at paghuli sa mga taong lumalabag sa batas.

Programang Pang-ekonomiya
Binibigyan ng prayoridad ng ating pamahalaan ang pagpapabuti
sa ekonomiya ng bansa. Nagsasagawa ang ating pamahalaan ng mga
programa upang makaakit ng mamumuhunan, mapaunlad ang
turismo, malinang ang panluwas na pamilihan, at mapadali ang
pagtanggap ng tulong mula sa ibang bansa. May mga patakarang pang-
ekonomiya ang pamahalaan na nagsisilbing gabay sa pagtataguyod ng
mga programang pangkaunlaran ng bansa.
Ang pangangalaga sa mga Pilipinong manggagawa at
mangangalakal ay binibigyang-pansin laban sa mga di kanais-nais na
gawaing pangkalakalan tulad ng panggagaya o paggamit ng pangalan
ng mabiling produkto. Hinihikayat ang taong bayan sa pagbubuo ng
produkto na may kalidad at tangkilikin ang sariling mga produkto
bilang suporta sa mangangalakal na Pilipino.
Ang agrikultura ay isang mahalagang pinagkukunan ng kita ng
bansa. Binibigyan ng suporta ng pamahalaan ang mga magsasaka gaya
ng pagsasanay sa makabagong paraan ng pagsasaka at paggamit sa
pananim ng organic fertilizer at mga pesticide na walang halong kemikal
upang mapanatiling mataba ang lupa para sa susunod na pagtatanim.
Kapag malaki ang ani ng sakahan, malaki rin ang kita ng mga
magsasaka at ng bansa.

Programang Pang-impraestruktura
Upang mapabilis ang kaunlaran ng ekonomiya at magkaroon ng
maraming trabaho, nagbibigay ang pamahalaan ng kaukulang pondo
para sa mga proyektong pang-impraestruktura. Kabilang dito ang
national roads at mga tulay, paliparan, daungan, mga silid-aralan,
sistema ng malinis na tustos ng tubig, irigasyon, mga estruktura para
pagpigil sa baha, at proteksiyon ng mga burol. Ang National
Telecommunication Commission ang nangangasiwa ng paggamit ng
makabagong teknolohiya na nakapagpapabilis sa komunikasyon ng
mga tao.
Ang mga trabahong lilikhain ng mga proyektong pang-
impraestruktura ay makatutulong sa pag-angat ng kalidad ng
pamumuhay ng mga Pilipino.

(Pinagkunan: Ma. Corazon V. Adriano et al., AralingPanlipunan:


Kagamitan ng Mag-aaral sa Ika-apat na Baitang, Rehiyong
MIMAROPA, Pasig City: Department of Education-Instructional
Materials Council Secretariat, 2015, 273-300.)

5
Tayo’y Magsanay

Gawain 1

Panuto: Subukin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagbilog sa


mga salitang may kaugnayan sa mga programa ng pamahalaan na
makikita sa kahon ng mga letra. Isulat sa patlang ang mga nabuong
sagot.
P A G B A B A K U N A B N G
A G R I K U L T U R A N P A
E R B A Y A N B H A N W C A
E D U K A S Y O N S K L R N
L A K A P A Y A P A A N T P
L R Y X C P V N H D R G Z W
O J P A E K O N O M I Y A R
M B Q S W F P M K R G D B S

1. Ito ay mahalagang salik sa pag-unlad ng mamamayan.


__________________.
2. Ito ay isang serbisyong pangkalusugan na may malaking tulong
upang mabawasan ang malubhang pagkakasakit ng mga bata.
______________________
3. Nararanasan ito sa isang komunidad kung ang mga kasapi nito ay
nagkakaisa at nagkakaunawaan. _______________________
4. Isa sa mahalagang pinagkukunan ng kita ng magsasakang Pilipino
at ng bansa . _______________________
5. Ito ay sitwasyong pangkabuhayan ng bansa. _____________________

Gawain 2

Panuto: Lagyan ng kung wastong gawin at kung hindi dapat


gawin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.
___1. Bilhin ang produkto na gawa sa sariling bansa.
___2. Patuloy sa pagtawid sa kalsada habang may papadaang sasakyan.
___3. Hindi na magpapabakuna dahil masakit ito.
___4. Ingatan ang mga pasilidad tulad ng silid-aralan.
___5. Magpatala sa paaralan bago magsimula ang pasukan.

Bakit mahalaga na malaman mo ang iba’t ibang


programa ng ating pamahalaan?

6
Ating Pagyamanin

Gawain 1

Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga programa ng pamahalaan.

Mga
Programa
ng Pamahalaan

Gawain 2

Panuto: Sagutin ang katanungan. Ipaliwanag sa sariling pag-unawa.


Bakit mahalaga na ipagpatuloy ng pamahalaan ang programang
edukasyon sa kabila ng kasalukuyang pandemya?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Paano nakatutulong ang mga programang inilulunsad ng


pamahalaan sa mga mamamayan?

7
Ang Aking Natutuhan

Panuto: Punan ng mga salita ang bawat patlang upang mabuo ang
mga pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa mga salita sa ibaba ng
pangungusap.

8
Ating Tayahin
Panuto: Marami kang natutuhan tungkol sa mga programa ng
pamahalaan kaya makakaya mo nang sagutin ang pagsusulit. Unawain
mo ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
patlang.

___1. Bilang mamamayang Pilipino, paano ka makatutulong sa mga


manggagawang Pilipino?
A. Bumili ng produkto ng ibang bansa.
B. Bumili ng mga produktong gawa ng manggagawang Pilipino.
C. Ipagmalaki ang pasalubong ng kamag-anak na dayuhan.
D. Magpabili ng imported products sa ate na nagtratrabaho sa
ibang bansa.

___2. Bakit mahalaga ang pagbabakuna sa mga bata?


A. Upang mabawasan ang lubhang pagkakasakit ng mga bata.
B. Upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga ina.
C. Magkakaroon ng malubhang sakit ang mga bata.
D. Dahil libre ang pagbabakuna.

___3. Bakit mahalaga ang programang pang- impraestruktura?


A. Natutugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan gaya
ng kalsada, paaralan, tulay, at sistema ng komunikasyon.
B. Upang mapanatili ang kapayapaan sa pamayanan.
C. Upang madagdagan ang kaalaman ng mamamayan.
D. Mapapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan.

___4. Ano ang programa ng pamahalaan na tumutugon sa


pangangailangan ng pagkatuto ng mga mamamayan?
A. Programang pangkalusugan
B. Pang-impraestruktura
C. Programang pang-edukasyon
D. Programang pangkapayapaan

___5. Anong ahensiya ang nangangasiwa sa paggamit ng makabagong


teknolohiya na nakatutulong sa mabilis na komunikasyon ng
mga tao?
A. Philippine National Police C. Philippine Telecommunication
B. Department of Education D. Department of Health

9
___6. Ang sumusunod ay mga wastong gawain upang makatulong sa
pag-angat ng ekonomiya ng bansa. Alin ang hindi kabilang?
A. Pagtangkilik ng produktong gawa sa sariling bansa.
B. Manghikayat ng mga turista na bumisita sa ating lugar.
C. Bumili ng mga imported chocolates.
D. Gumawa ng mga produktong may magandang kalidad.

___7. Nag-anunsiyo ang kapitan sa inyong barangay na maaari nang


magpalista sa inyong paaralan ng mga nais pumasok sa Kinder.
May kapatid kang limang taong gulang. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Sasabihin sa magulang ang anunsiyo.
B. Ipagpatuloy ang ginagawa na parang walang narinig.
C. Hihikayatin ang magulang na ipalista na ang kapatid.
D. Hindi papansinin ang sinabi total bata pa naman ang kapatid.

___8. Nangangailangan ng mga boluntaryo para sa pagpapakain sa


mga bata sa inyong paaralan sa araw ng Sabado. Ano sa palagay
mo ang iyong maitutulong?
A. Hindi ako pupunta dahil mapapagod ako.
B. Ipagpapatuloy ko na lamang ang paglalaro ko.
C. Tutulong ako kung anoman ang kaya kong gawin
D. Hindi na ako pupunta dahil hindi rin ako bibigyan ng gagawin.

___9. Isang katutubo ang iyong kalaro. Sinasabi niya sa iyo ang
tungkol sa kanilang mga paniniwala na natutunan niya sa
kaniyang pag-aaral. Paano mo ito igagalang?
A. Magkukunyari akong nakikinig.
B. Sasabihin kong maglaro na lamang kami.
C. Makikinig ako para may matutunan din ako.
D. Sasabihin ko kung ano ang ayaw ko sa mga gawi nila.

___10. Anong ahensiya ang nangangasiwa sa pagsugpo sa mga krimen


at paghuli sa mga taong lumalabag sa batas?
A. Philippine National Police
B. Department of Health
C. Philippine Telecommunication
D. Department of Education

10
Susi sa Pagwawasto
Subukin Natin Ating Pagyamanin
1. A 6. C
Gawain 1 (Posibleng sagot)
2. C 7. C
Programang pang-edukasyon
3. C 8. C
Programang pangkalusugan
4. B 9. B
Programang pangkapayapaan
5. A 10. A
Programang ekonomiya
Programang pang-impraestruktura
Tayo’y
Magsanay Gawain 2
Gawain 1 (Maraming posibleng sagot)
1. edukasyon
2. pagbabakuna Ang Aking Natutuhan
3. kapayapaan
4. agrikultura Philippine Health Insurance
5. ekonomiya Basic Education Program
Sandatahang Lakas ng Pilipinas
Gawain 2 agrikultura
pang-impraestruktura
1. 4.
Ating Tayahin
1. B 6. C
2. 5. 2. A 7. C
3. A 8. C
4. C 9. C
3.
5. C 10. A

Sanggunian

Aklat

Adriano, Ma. Corazon V., Marian A. Caampued, Charity A. Capunitan,


Walter F. Galarosa, Noel P. Miranda, Emily R. Quintos, Belen P.
Dado, Ruth A. Gozun, Rodante S. Magsino, Maria Lucia L.
Manalo, Jose B. Nabaza, at Evelyn P. Naval. Araling Panlipunan:
Kagamitan ng mag-aaral sa Ika-apat na Baitang, Rehiyong
MIMAROPA. Pasig City: Department of Education-Instructional
Materials Council Secretariat, 2015.

11
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

12

You might also like