You are on page 1of 9

Mga Napapanahong Isyung

Lokal at Nasyonal
KONFILI 2019 – 2020
Module 6 -Part 4
C. Kalagayan ng iba’t ibang
Serbisyong Panlipunan
Suliranin sa sistema ng Edukasyon
•Mismatch
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, ang underemployment sa bansa noong Abril 2019 ay
13.5%
Ayon pa rin sa datos ng PSA noong 2018 mayroong kabuuang,21.9% o 508,080 college graduates ang
kasama sa 2.32 milyong Pilipino ang walang trabaho (Badilla at Gaytos, 2018).
Ang madalas na rason sa bilan na ito ay ang kawalan nila ng kasanayan/ job skills na hinahanap ng
mga kompanya.
•Brain Drain
Bilang ng mga OFW na piniling magtrabaho sa ibang bansa
-Sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa kaugnay ng Covid 19 kung saan napakahalaga ng tulong ng
mga nars at doktor sa mga maysakit, mayroong 23,000 kakulangan ng narses sa bansa ayon sa
Philippine Nurses Association samantalang mayroong 150,000 Pilipinong nars naman ang
nagtatrabaho sa US (The Japan Times, 2020).

Issues Regarding the Educational


System. (n.d.). https://bit.ly/2AzsAok
C. Kalagayan ng iba’t ibang
Serbisyong Panlipunan
Suliranin sa sistema ng Edukasyon
•Brain Drain
-Maging ang doctor ay limitado lamang din sa bansa, sa katunayan ang ratio ng doctor sa
pasyente sa bansa ay 6:10,000 , isa sa pinakamababang ration sa Timog Silangang Asya ayon sa
WHO (The Japan times, 2020)
•Kakulangan ng pasilidad at guro sa mga pampublikong paaralan
Kakulangan ng klasrum, guro, desk and upuan, textbooks, and audio-video materials
Sa kasalukuyan mayroong 17M mag-aaral ang nakaenrol sa publikong paaralan,at tumataas
ng2.3% kada taon at halos 1.7 M sanggol ang isinisilang kada taon na nangangahulugang mas
dumadami ang mga mag-aaral na kailangang makibahagi/makihati sa limitadong kagamitan ng
mga paaralan

Issues Regarding the Educational


System. (n.d.). https://bit.ly/2AzsAok
D. Usapin hinggil sa Urbanisasyon
• Ang urbanisasyon ay ang pisikal na paglaki ng mga pook na urban dahil sa mga
pagbabago sa isang lugar. Ayon din sa United Nations tumutukoy din ang
urbanisasyon sa daloy ng tao mula sa mga pook na rural tungo sa mga pook urban.
• May kinalaman ang urbanisasyon sa industriyalisasyon at modernisasyon.
• Isang magandang naidudulot ng urbanisasyon ay ang lakas ng paggawa para sa
mga industriya, ngunit ang paglipat ng mga mamamayan ay hindi isang garantiya ng
isang maayos at magandang buhay sa bayan o siyudad.
• Sa Metro Manila na lamang tinatayang 25M ang mga naninirahan sa lunsod na
katumbas ng ¼ sa kabuuang populasyon ng bansa.
• Tinatukoy ang Maynila bilang “underprivileged, crowded city” dahilan sa mataas na
populasyon,mababang GDP, mahinang imprastraktura sa transportasyon,
pagkakaroon ng iskwater (Dumlao,2014)

Dumlao, T. (2014). Rapid urbanization


threatens overcrowded cities like Manila.
D. Usapin hinggil sa Urbanisasyon
• Dahil sa mabilis na urbanisasyon sa Asya, labis ng naapektuhan ang kapaligiran nito. Ayon
sa pananaliksik ng mga eksperto, tinatayang 40% ng populasyon ng rehiyong Asia-Pacific
ang namumuhay sa mga lungsod.
• Sa katunayan, 13 sa 25 na pinakamalalang lungsod sa buong daigdig ay nasa Asia-Pacific.
Kung magpapatuloy pa ang kalakaran o trend sa kasalukuyan, marahil 903 milyong tao sa
Asya ang tinatayang nakatakdang mamuhay sa mga lungsod kapag sumapit ang taong
2025.
• Ilan sa mga hamong dulot ang urbanisasyon ay ang: pagdami ng basura, paglala ng
polusyon sa hangin, pagtaas ng bilang ng mga informal settlers, problema sa seguridad at
problema sa sanitasyon, paglala ng trapiko, kahinaan sa sakuna, banta sa pagkain at
seguridad.

Dumlao, T. (2014). Rapid urbanization


threatens overcrowded cities like Manila.
E. Pagkasira ng Kalikasan at
Pagkakaroon ng Kalamidad
• Ang Pilipinas ay napakayaman sa likas na pinagkukunang yaman. Maraming iba’t ibang uri ng
hayop at halaman ay matatagpuan dito.
• Ang masama ay unti-unti nang nasisira ang kagubatan dahil sa pagtotroso na ginagamit ng iba’t
ibang industriya na nagbubunsod ng iba’t ibang sakuna bukod pa ang pagkawala ng tirahan ng
mga hayop.
• Sa tala ng Nilad, Earth Island Institute at Paws( 2016), ang lahat ng likas na yaman ng bansa ay
unti-unti nang nawawala at nasisira. 70% ng bakawanan sa bansa ay nasira na samantalang
ang kagubatan sa bansa ay nasisira na din dulot ng pagmimina at urbanisasyon
• Dahil sa ang heyograpikong lokasyon ng bansa ay nasa Pacific Ring of Fire, nakakaranas tayo
ng iba’t ibang kalamidad tulad ng pagsabog ng bulkan at lindol (Vergara 2013 binanggit ni
Bouquet, 2017)

Boquet, Y. (2017). Environmental


Challenges in the Philippines. The
Philippine Archipelago, 779–829.
E. Pagkasira ng Kalikasan at
Pagkakaroon ng Kalamidad
• Isang pang dahilan ay nakaharap ang bansa sa Karagatang Pasipiko, kung saan 60% ng mga
bagyo ay nabubuo. Matatandaan ang pinakamtinding bagyong humagupit sa bansa ay ang
bagyong Yolanda na pumatay ng 10,000 katao at sumira ng trilyong pisong ari-arian.
• Ang iba pang suliraning pangkapaligiran ng bansa ay polusyon, illegal na pagmimina at pagputol
ng puno, deforestation, paggamit ng dinamita sa pangingisda, pagguho ng lupa, global
warming, ekstinksyon ng mga hayop at climate change.
• Sa loob ng 20 siglo ang dating 70% kagutaban ng Pilipinas ay 20% na lamang sa kasalukuyan.
Sa kabuuan, 46 specie ay nanganganib nang mawala, 4 ay nawala na nang tuluyan. Tinatyang
9.8 milyong akre ng kagubtan ang Nawala sa Pilipinas mula 1934-1988. Ang illegal na pagputol
ng puno ang isa sa itinuturong dahilan na nagresulta sa matinding pamiminsala ng baha sa
ibang lugar.

Boquet, Y. (2017). Environmental


Challenges in the Philippines. The
Philippine Archipelago, 779–829.

F. Kahirapan
Marami sa mga Pilipino ang nasa laylayan ng lipunan, 16,6% ng kabuuang populasyon ng
bansa ang nasa ilalim ng poverty line noong 2018 ayon sa Asian Development Bank
• Sa loob ng apat na dekada, ang kahirapan at di pagkakapantay-pantay sa bansa ay nanantiling
isang hamon.
• Ayon sa ADB, ang mga pangunahing dahilan ng kahirapan ay:
 Mababang pag-unlad ng ekonomiya
 Mababang antas ng pagbaba ng kahirapan
 Kahinaan ng pag-empleyo sa trabaho at kalidad ng trabaho
 Bigong mapaunlad ang sector pang-agrikultura
 Pagtaas ng inflation tuwing may krisis
 Pagtaas ng populasyon
 Pagtaas ng antas ng di pagkakapantay-pantay (kita at ari-arian)
 Pagharap sa mga suliraning pang-ekonomiya at mga sakuna

Asian Development Bank.(2009). Poverty in the Philippines:


Causes, Constraints and Opportunities.https://bit.ly/2BIA48S
F. Kahirapan
• Ayon din sa ADB, ang labis na kahirapan sa bansa ay nagdudulot ng mga sumusunod:
 kawalan ng kakayanan na magkaroon ng sariling tahanan
 Malnutrisyon
 child labor
 Krimen at pagnanakaw
• Ayon din sa sarbey na isinagawa ng SWS sa huling bahagi ng 2019, 54% o 10.3M ng
pamilyang Pilipino ang mahirap. Ito ang pinakamataas na naitala ng SWS sa loob ng 5
taon.
• Sa kabila nito, tinatayang17.6 M Pilipino o 3M pamilya ay di nakakaipon ng sapat para
makabili ng pangunahing pangangailangan.
• Tinatayang 800,000 pamilya naman ang nananatiling walang sapat na pagkain at tinakda
ng PSA ang 10,727PHP ang dapat na kita upang mabuhay nang maayos ang pamilya
noong 2018.

Lopez, M.L. (Dis. 2019). 5.9M Filipinos no longer poor in 2018.CNN


Philippines. https://bit.ly/2C4gLHd

You might also like