You are on page 1of 4

SUMMATIVE TEST ARALING PANLIPUNAN IV (1)

Pangalan: _____________________________ Petsa__________


Pangkat: ______________________________ Iskor________________________

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.


____1. Ito ay isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang
bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte o hukuman.
A. Jus sanguinis B. Jus soli C. naturalisasyon D. Pagkamamamayan
____2.Ito ay prinsipyo ng pagkamamamayang Pilipino ayon sa kapanganakan kung saan naaayon sa dugo
o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila.
A. Jus sanguinis B. Jus soli C. naturalisasyon D. Pagkamamamayan
____3. Ito ay prinsipyo ng pagkamamamayang Pilipino ayon sa kapanganakan na naaayon sa lugar ng
kaniyang kapanganakan anuman ang pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang.
A. Jus sanguinis B. Jus soli C. naturalisasyon D. Pagkamamamayan
____4.Ang _________ ay kasulatan kung saan nakasaad ang pagkamamamayang Pilipino.
A. Naturalisasyon C. Dual Citizenship
B. Saligang Batas 1987 D. Jus Sanguinis
Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy na karapatan ng bawat pangungusap.5-8
A. Likas na Karapatan C.Karapatang Politikal
B. Karapatan ng nasasakdal D. Karapatang Sibil
_____5. Binigyan si G. Juan ng pampublikong abogado para ipagtanggol siya sa kanyang kaso.
_____6. Tuwing halalan, hindi nalilimutan ni Shiela na bumoto sa kanilang lalawigan.
_____7. Ibinigay ng pamilya Mendoza kay Amy ang pagmamahal na kailangan niya.
_____8. Hindi pinigil ng kanyang ama si Iska na sumapi sa relihiyon ng kanyang napangasawa.

____9. Nakita mong may kodigo ang iyong kaklase habang kayo ay may pagsusulit. Ano ang iyong
gagawin?
A. Magsasawalang kibo na lang ako
B. Makikikopya na rin ako para mataas ang makuha kong marka
C. Sasabihan ko s’ya na di tamang magkaroon ng kodigo.
D. Magagalit ako sa kanya kapag hindi niya ako pinakopya.
____10. Nagdudulot ng mabahong amoy at usok ang pagawaan ng plastic sa inyong Barangay. Kung isa
ka sa opisyal ng barangay, ano ang maaari mong gawin?
A. Pagalitan ang may-ari ng pagawaan
B. Ipaalam ito sa tanggapan ng punong Lungsod
C. Pulungin ang mga kabaranggay at magrali sa tapat ng pagawaan
D. Huwag na lang pansinin dahil hindi naman umaabot ang amoy sa inyo.
____11. Si Juan ay dating pulis ngunit siya ay nagretiro na. Isang araw, nagkaroon ng kaguluhan sa
kanilang barangay. Ano ang dapat gawin ni Juan?
A. Pagpapaluin ang mga nanggugulo
B. Habulin ang lahat ng nanggugulo sa lugar
C. Huwag na itong pakialaman dahil hindi na siya pulis
D. Awatin ang mga nanggugulo at tumawag ng ibang pulis
____12. Masayang nagkukwentuhan sina Ana at Luis. Sa kabilang silid ay natutulog ang may sakit nilang
kapatid. Ano ang pinakamabuti nilang gawin?
A. Itigil na nila ang kanilang kwentuhan
B. Ituloy ang kasayahan dahil karapatan nilang maging masaya
C. Hinaan ang kanilang mga boses upang di makaabala sa may sakit
D. Ituloy ang kwentuhan dahil karapatan nilang ipahayag ang kanilang damdamin
____13. Madalas na walang pambili ng pagkain si G. Santos para sa kanyang pamilya dahil wala siyang
trabaho. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Magpalimos sa daan C. Mangutang sa tindahan
B. Manghingi sa magulang D. Maghanap ng pagkakakitaan
____14. Ibinili si Daniel ng kanyang tatay ng bagong gadyet. Dahil sa kasabikan ay araw-araw niya itong
nilalaro. Tama ba ang ginagawa ni Daniel?
A. Oo, dahil karapatan niyang maglaro.
B. Hindi, dahil baka masira kaagad ang laruan.
C. Oo, dahil ngaun lang siya nagkaroon ng gadyet.
D. Hindi, dahil kailangan din niyang mag-aral at tumulong sa gawaing bahay.
____15. May mga dumalo na nagkukwentuhan sa loob ng isang bulwagan. Magsisimula na ang
pambansang awit bilang panimulang programa. Ano ang iyong gagawin?
A. Huwag kumibo. C. Sawayin ang nagkukwentuhan.
B. Sumali sa nagkukwentuhan . D. Sabihan ang nagkukwentuhan na tumahimik.
____16. Nakita mong tumatawid ang isang matanda sa kalye. Ano ang iyong gagawin?
A. Alalayan ang matanda C. Sabihan siya na mag-ingat
B. Pabayaan siya at wag pansinin D. Maghanap ng pulis na siyang tutulong
____17. Katatapos lamang ng malakas na bagyo. Tulong-tulong ang mga tao sa inyong pamayanan upang
mag-linis. Ano ang gagawin mo?
A. Manood sa mga taong naglilinis C. Sumali sa pag-lilinis
B. Manatili sa kuwarto D. Huwag ng pansinin ang naglilinis
____18. Si Anaya ay tagapagbalita ng mga batas sa isang pahayagan. Alin sa mga sumusunod ang
kanyang tungkulin?
A. Sundin ang mga batas sa lugar C. Maging mabuting kasapi
B. Magsabi ng katotohanan D. Gawin nang tapat ang tungkulin
____19. Ano ang tungkulin na dapat gampanan ni Joy kung siya ay naihalal na alkalde sa kanilang
lungsod?
A. Sundin ang mga batas sa lugar C. Maging mabuting kasapi
B. Magsabi ng katotohanan D. Gawin nang tapat ang tungkulin
____20. Ang salitang ________ay mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay mamamayan.
A. civique B. sibiko C. civil D. sibilyan
____21. Tinutukoy nito ang pinakamataas na kabutihang makakamit at mararanasan ng mga mamamayan.
A. welfare B. civil C. civic welfare D. civique
____22. Nakita mong tumatawid si Lola Tinay sa kalye Aurora. Ano ang gagawin mo?
A. Alalayan ang matanda. C. Sabihan siya na mag-ingat sa pagtawid.
B. Pabayaan siya at huwag pansinin. D. Maghanap ng pulis na magtatawid sa matanda.
____23. Tila nakalimutan ni Lolo Mino ang daan pauwi. Paikot-ikot siya sa magkakapitbahayan. Ano ang
gagawin mo?
A. Hanapin ang pamilya ni Lolo Mino upang maiuwi siya. C. Tanungin si Lolo Mino at tulungan siya.
B. Ipagbigay-alam ito sa mga barangay tanod. D. Huwag pansinin ang matanda.
____24. Katatapos lamang ng malakas na bagyo. Tulong-tulong ang mga tao sa inyong pamayanan upang
maglinis. Ano ang gagawin mo?
A. Manood sa mga taong naglilinis. C. Sumali sa paglilinis at gawin ang makakaya.
B. Manatili sa kuwarto at magpahinga. D. Ibalita sa media ang naganap na pagtutulungan sa
Komunidad
____25. Magpapakain para sa mga batang lansangan ang organisasyong pangkababaihan sa inyong
lugar. Ano ang maaari mong itulong?
A. Tumulong sa paghahanda at pagpapakain para sa mgabata.
B. Magboluntaryo sa susunod na pagpapakain.
C. Makikain kasama ang mga bata.
D. Umuwi na lamang.
SUMMATIVE TEST ARALING PANLIPUNAN IV (2)

Pangalan: _____________________________ Petsa__________


Pangkat: ______________________________ Iskor________________________

Piliin ang titik ng gawaing pansibiko na inilalarawan sa bawat pangungusap (20-25)


A. KALIKASAN B. KALUSUGAN C. PAMPALAKASAN D. EDUKASYON

_____1. Pagsasagawa ng free-dental chek-up sa mga liblib na lugar.


_____2. Pagsasagawa ng libreng operasyon para sa mga may biyak sa labi.
_____3. Pagbubuo ng liga para sa palaro sa inyong barangay.
_____4. Pagpunta sa komunidad ng mga Mangyan upang magturo ng pagbabasa.
_____5. Pagsama sa pagtatanim ng maliliit na puno sa Sierra Madre.
_____6. Pakikiisa sa programang “ Clean and Green “.

Piliin ang tinutukoy na gawain ng mamamayan para sa pagtataguyod ng Pambansang kaunlaran. (


26-31)
A. Pagiging produktibo C. Pagsunod sa batas
B. Pagmamahal sa bansa at kapwa Pilipino D. Pangangalaga sa kapaligiran

_____7. Pagtawid sa tamang tawiran.


_____8. Si Ruel ay nagtitinda ng mga kakanin sa kanilang lugar pagkatapos ng klase.
_____9. Itinatapon ni Luz ang kanyang mga pinagkainan sa tamang basurahan.
_____10. Bumibili si G. Cruz ng tsinelas na gawa sa Bicol.
_____11. Ang alagang aso ni Mang Berting ay nakatali na sa kanilang bakuran.
_____12. Tumutulong ang pamilya ni Tonio sa paglilinis ng kanilang barangay

_____13. Paano mo mapananatiling malusog ang iyong katawan upang makatulong sa pag-unlad ng
bansa?
A. Gumamit ng ipinagbabawal na gamot. C. Mag-ehersisyo kung kailan nais gawin ito.
B. Kumain ng masusustansiyang pagkain. D. Manood ng telebisyon hanggang hatinggabi.
_____14. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng taong may tamang saloobin sa paggawa?
A. Palaging nagrereklamo sa gawain.
B. Madalas magpahinga kahit oras ng trabaho.
C. Ipinagpapaliban ang paggawa ng gawaing bahay.
D. Matipid sa paggamit ng mga materyales sa opisina o pabrika.
____15. Sino sa mga sumusunod ang makatutulong sa pag-unlad?
A. Laging huli kung pumasok sa trabaho si Juan.
B. Palaging tinutuos ni Pepe ang bilang ng oras ng kaniyang ipinagtatrabaho.
C. Pinagbubuti ni Helen ang kaniyang trabaho sa opisina kahit walang nakakakita.
D. Kapag binibigyan ng manedyer si Ruben ng dagdag na gawain, hindi niya ito ginagawa agad.
____16. Binigyan kayo ng proyekto ng inyong guro. Hindi mo naintindihan ang paliwanag kung paano ito
gagawin. Ano ang dapat mong gawin?
A. Ipagagawa ang proyekto sa kapatid.
B. Hindi na lang gagawin ang proyekto.
C. Magagalit sa guro at isusumbong sa magulang.
D. Ipauulit sa guro ang paliwanag upang maintindihan ito.
____17. Sino sa kanila ang may tamang saloobin sa paggawa?
A. Si Jose na madalas na hindi tinatapos ang gawain
B. Si Manuel na maagang pumapasok ngunit maaga ring umuwi
C. Si Pedro na gumagawa lamang kapag nariyan ang manedyer
D. Si Celia na pinag-aaralang mabuti ang gawain upang mapagbuti ito
____18. Si ___________ ang naglilok ng “ Oblation “ sa Unibersidad ng Pilipinas.
A. Guillermo Tolentino B. Francisco Balagtas C. Lamberto Abellana D. Francisca Reyes
____19. Ang tinampok na Miss World 2013 ay si ___________.
A. Lea Salonga B. Megan Young C. Gloria Diaz D. Margie Moran
____20. Ang lumikha ng sikat na Spolarium ay si _____________.
A. Victorio Edades B. Fernando Amorsolo C. Juan Luna D. Severino Reyes
_____21. Ito ay programa para sa mahihirap upang maibsan ang kagutuman at kahirapan sa pamamagitan
ng tulong pinansyal. Nakasaad dito na gagamitin ang pera sa edukasyon at kalusugan ng mga
bata.
A. 4Ps B. TESDA C. Abot Alam Program D. NDRRMC
_____22. Ito ay tanggapan na nangangasiwa sa pagtitiyak ng proteksiyon at kapakanan ng mamamayan
sa panahon ng sakuna at krisis.
A. 4Ps B. TESDA C. Abot Alam Program D. NDRRMC
_____23. Si Aling Maria ay nakatatanggap ng pera bawat buwan mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino
Program. Ano ang dapat gawin ni Aling Maria sa natatanggap niyang pera?
A. Ipambayad ito sa koryente at tubig.
B. Ibili ito ng mga kagamitan sa bahay.
C. Ibili ito ng mga gadget gaya ng cellphone at ipod.
D. Gamitin ito sa pagpapaaral at pagpapagamot ng mga anak.
_____24. Maraming batang hindi nag-aaral ng kinder sa lugar nina Annie. Nabanggit ng kaniyang guro ang
tungkol sa K-12 Program. Ano ang maaari niyang maitulong sa mgabatang ito?
A. Sitahin ang mga magulang ng mga batang ito.
B. Huwag na lang kumibo dahil hindi mo naman ito problema.
C. Sabihan ang guro na puntahan ang mga bata sa kanilang lugar na hindi nag-aaral.
D. Ipagbigay-alam sa barangay ang tungkol dito upang maipaalam sa karamihan.
_____25. May programang Eco-Savers sa paaralan nina Julio kung saan hinihikayat ang mga mag-aaral
na magdala ng mga basurang maaari pang pakinabangan kapalit ang punto nito sa passbook.
Araw-araw nakikita niyang itinatapon lamang ang mga ito ng kaniyang nanay sa basurahan. Ano
ang dapat niyang gawin?
A. Hindi dadalhin ang mga basura dahil mabigat ito.
B. Dalhin sa paaralan ang mga basurang napapakinabangan pa.
C. Magdadala ng kaunting basura upang mapagbigyanang guro.
D. Hindi magdadala ng basura dahil mas kikita kung sa iba ito ipagbibili.

You might also like