Ang kawalan ng maayos na tahanang masisilungan ng isang
pamilya ang isang suliraning matagal ng kinakaharap ng buong mundo. Sumasalamin ito sa mukha ng kahirapan na hindi madaling solusyunan dahil sa maraming kadahilanan katulad ng kawalan ng inisyatibo buhat sa pamahalaan, kawalan ng disiplina sa bahagi ng mga maralita na magsagawa ng paraan upang maiahon ang kanilang mga sarili sa totoong kahirapan. Bagamat may mga inisyatibo ang pamahalaan na magbigay ng mga libreng pabahay sa mga walang masisilungan, ang mga inisyatibong ito ay hindi nagiging ligtas sa kontrobersiya. Ang paliwanag nang nakararami, hindi sapat ang pagbibigay ng pamahalaan ng masisilungan sa mga maralita. Ang kanilang kailangan ay disenteng tahanan na may naaangkop na mapagkukunan ng kanilang mga pangunahing pangangailangan para mabuhay ng marangal katulad ng malinis na tubig, kuryente at ang distansya o lapit sa lugar kung saan sila naghahanapbuhay. Usaping Pangkalusugan
Ang lakas-tao ay isang napakahalagang bahagi ng lipunan. Nakasalalay sa
tao ang pagbubuo ng desisyon para sa pang-araw-araw na kahihinatnan ng kaniyang buhay at maging ng lipunang kaniyang ginagalawan. Kaya naman mahalagang malusog ang kaniyang pangangatawan upang malusog din ang kaniyang pag-iisip. Ito ay isinasa- alang alang ng pamahalaan upang lubos na mapakinabangan ang mamamayan at maging katuwang ito sa pagbubuo ng tamang pasiya at pagsasagawa ng wastong pagkilos para sa maayos na pamamalakad at kalagayan ng bansa. May mga programang ipinatupad ang pamahalaan para sa mga bata, kabataan, kababaihan, at para sa lahat. Ang Kagawaran ng Kalusugan ang pambansang ahensiyang naatasan ng pamahalaan na mamahala sa mga serbisyong pangkalusugan. Ilan sa malalaking programa ng kagawaran ay ang National Health Insurance Program (NHIP) at Complete Treatment Pack, pagbabakuna, programa sa mga ina at kababaihan, at programa laban sa mga sakit.
Higit ding mapauunlad ang serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng DOH
Complete Treatment Pack. Layunin nitong marating ang pinakamahihirap na mamamayan at mabigyan ng kumpletong gamot lalo na sa mga pangunahing sakit sa bansa. Nagtatalaga rin ng mga doktor, nars, at komadrona sa malalayong munisipyo upang mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga tao rito. Sistema ng Transportasyon Samutsaring problema sa transportasyon ang araw-araw na tinitiis ng mamama yang Pilipino lalo na sa pambansang kabisera. Pinakalitaw dito ang mga problema ng trapik, sikip ng mga kalsada at kawalan ng sapat na pampublikong sistema sa transportasyon na nagdudulot ng malaking kabawasan sa kanilang kita.
Lalo itong pinalala ng pagdami ng mga pribadong sasakyan sa daan dulot
ng mabababang pautang ng mga bangko para sa pagbili ng mga kotse. Tinatayang sa panahon ng rush hour, o oras ng pasukan at labasan ng mga empleyado at manggagawa, doble ang bilang ng mga sasakyan kumpara sa kakayahan ng mga kalsada. Dahil dito, mahigit doble ang haba ng panahong iginugugol ng mga komyuter sa byahe. Sinabi naman ng Department of Transportation (DOTr) na isa sa apat na sasakyan sa buong Pilipinas ay matatagpuan sa NCR. Sa madaling salita, walang epekto ang anumang hakbang na ginagawa ngayon ng rehimeng Duterte para maibsan ang trapiko o problema sa transportasyon.
Kaugnay nito, Gusto ng rehimeng Duterte na amyendahan
ang Commonwealth Act No. 146 o Public Service Law, lalo na kaugnay ng mga nagnenegosyo sa pampublikong mga serbisyo tulad ng transportasyon. Sa panukala ng rehimen, maaaring mag-ari na ang mga dayuhan ng 100 porsiyento ng mga kompanya sa transportasyon. Sinabi naman ng Department of Transportation (DOTr) na isa sa apat na sasakyan sa buong Pilipinas ay matatagpuan sa NCR. Sa madaling salita, walang epekto ang anumang hakbang na ginagawa ngayon ng rehimeng Duterte para maibsan ang trapiko o problema sa transportasyon.
Kaugnay nito, Gusto ng rehimeng Duterte na amyendahan
ang Commonwealth Act No. 146 o Public Service Law, lalo na kaugnay ng mga nagnenegosyo sa pampublikong mga serbisyo tulad ng transportasyon. Sa panukala ng rehimen, maaaring mag-ari na ang mga dayuhan ng 100 porsiyento ng mga kompanya sa transportasyon. Sa kabiguan ng gobyerno na maisaayos ang trapiko o ang sistema ng transportasyon sa bansa, napupunan ng mga jeepney, traysikel, bisikleta, sidecar, at kahit TNVS ang pangangailangan ng mga komyuter. Siyempre, dahil walang sistematiko at tumpak na pagtugon sa problema, hindi rin episyente ang mga modang ito ng transportasyon. Sistema ng Edukasyon
Isa sa problema ng ating mahal na bansa ay ang edukasyon na siyang dapat
na pinakaunang prayoridad lalo na sa mga kabataan nang sa gayon magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga kabataan at makatulong sa pag-unlad ng ating bansa tulad nga ng sabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, " Ang kabataan ang pag-asa ng Bayan". Ngunit kung ang edukasyon ng isang kabataan ay nahahadlangan, malamang sa malamang ay hindi ito magiging matagumpay sa kaniyang pamumuhay. Pagbabago ng kurikulum
Mula noong 2012 pinairal ang K to 12 Basic Education Program sa ating
bansa. Ang dating sampung taong Basic Education noon (anim na taon sa elementarya at apat na taon sa hayskul) ay nadagdagan ng kindergarten at dalawang taon sa hayskul. Ang karagdagang dalawang taon ay tinatawag na senior high school. Nadagdagan man ang taon ng pag-aaral dahil sa K-12, hindi pa nakakahabol ang kalidad ng mga pumapasok ng kolehiyo. Ayon sa inisyal na feedback ng mga guro, mas mature nga raw ang mga estudyante sa pangkalahatan, pero kapos pa rin sa mga paksang dapat ay natutunan na nila sa K-12. Isa rin sa napag-alaman ng PISA ay ito: tanging 31% lamang ng Pinoy na estudyante na edad kinse anyos ang may growth mindset – o may paniniwalang uunlad sila sa pag-aaral at pagsusumikap. (Bilang reference, ang growth mindset sa bansang nasa ilalim ng Organisation for Economic Cooperation and Development o OECD ay 63%.) Pagsasakatuparan ng Edukasyon para sa lahat o Education for All (EFA)
Ang Philippine Education Plan at nilikha upang mapabuti ang sistema ng
ating edukasyon. Kinikilala ng programang ito ang karapatan ng bawat bata at matanda na magkaroon ng sapat na edukasyon upang matugunan ang kaniyang Basic Learning Needs (BLNs), kabilang na ang kabuuang paglinang ng kaniyang personalidad. Pagtataguyod ng cyber education project
Nagkakaloob ng edukasyon sa lahat ng sulok ng bansa sa pamamagitang ng
teknolohiyang satelite na nag-uugnay sa lahat ng mga opisina ng DepEd at mga pampublikong paaralan. Gumagamit ito ng hi-technology multimedia sa pagtuturo. Naaabot ang mga kabataang hindi nakapag-aral sa tulong ng electronic multimedia technology. Higit pa rito, gumagamit ng teknolohiyang satelite upang mapag-ugnay- ugnay ang mga paaralan sa totoong oras at nang sa gayon ay magawang standardized ang nilalaman at proseso ng pag-aaral. Mga Suliranin sa Sistema ng Edukasyon:
Kakulangan ng mga tamang bilang at kwalipikadong mga guro
Mababang sahod ng mga guro Mababang kakayahan na mabayaran o affordability Maliit ang budget ng pamahalaan para sa edukasyon Kakulangan ng pagkakataon upang makapag-aral Kakulangan ng mga paaralan Kakulangan ng mga aklat at kagamitan sa paaralan Paghinto sa pag-aaral o drop-out ng mga mag-aaral sa paaralan THAHK YOU FOR LISTENING