You are on page 1of 4

ANO ANG SOLUSYON SA MATINDING TRAFFIC?

Ni Joshua Jay F. Aguillon

Ngayong papalapit na ang Kapaskuhan, maraming

lumalabas para magdiwang at magsaya. Hindi na

natin maiiwasan ang paglala pa ng mabagal na

daloy ng trapiko na kaakibat ng pagdagsa ng mga

tao sa mga parties, reunions, at malls.

Pero mayroon nga bang magagawa ang gobyerno ukol sa lagay ng trapiko, lalo na ngayong Kapaskuhan?

Emergency powers bilang sagot sa malubhang trapiko?

Mula sa simula ng Administrasyong Duterte noong 2016, minungkahi ni Pangulong Duterte na bigyan siya

at ang kaniyang opisina ng emergency powers. Ito ay magbibigay ng kapangyarihan para maglunsad ng mga

proyekto at magpatupad ng mga regulasyon sa trapiko, kasama ang paggamit ng special purpose funds.

Maaari ng mapabilis ang paglunsad ng proyekto dahil maiiwasan ang procurement procedures na kadalasan

ay sanhi ng pagbagal ng proyekto.

samu’t-sari ang pagsalubong dito. Nangakong susuportahan ng Philippine Chamber of Commerce and

Industry at ng Makati Business Club ang paggamit ng emergency powers kung makapaglatag ang gobyerno

ng konkretong layunin, mga proyekto at detalye kung paano ito gagamitin. Ngunit ‘di sila sang-ayon sa

blanket emergency powers kung wala itong kaakibat na plano dahil maaring magresulta sa mas marami pang

problema. (BASAHIN: Public-Private Partnership Center)

Dahil sa kakulangan ng komprehensibong plano, nagpanukala ang Kongreso na idaan ito sa hearing dahil

sakop nito ang paglalagak ng pondo na ginagamit ng gobyerno (o power of the purse).
Mula noon, ipinagpaliban ng Presidente ang pagmungkahi nito at sinabing wala ng magagawa ang opisina

niya sa lumalalang trapiko. (Basahin: Philippine News Agency)

Mga iba’t ibang mungkahi sa paglutas ng trapiko

Maliban sa emergency powers ng punong

ehekutibo, pag-usapan natin ang mga

pangmatagalang solusyon sa trapiko na

pwedeng pagtuunan ng pansin ng gobyerno.

Maghuhugot din tayo sa mga karanasan ng

ibang mauunlad na bansa.

Una, pinakaimportante ngunit napakalaking

hamon ang pagmodernisa ng mass transport

system sa bansa. Pinapadali nito ang

paglakbay ng mga tao at paggalaw ng mga

produkto at serbisyo.

Kabilang dito ang pagsasaayos ng linya ng

LRT-1,LRT-2, MRT-3 at PNR na kung saan

libu-libong pasahero ang umaasa rito araw-araw. Dagdag na rito ang pagpapahaba ng mga linya ng tren

papunta sa mga karatig probinsya.

Kalimitan, ang gobyerno lang ang may kapasidad na akuin ang investments risks sa pagpapatayo ng

imprastrakturang pangtransportasyon. Ngunit sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPPs) agreements,

nakapaglunsad ang gobyerno at pribadong sektor ng malalaking proyekto tulad ng MRT-7 at Integrated
Transport System Project: South Terminal. Naglatag ng mga tamang incentives ang gobyerno para

mahikayat ang pribadong sektor na mamuhunan at mamalakad sa mga ito.

Pangalawa, kailangang magtatag ng bus rapid transport (BRT) system kung saan malaki ang papel na

ginagampanan ng gobyerno sa pag-organisa ng mga bus at paggamit ng bus lanes.

Tulad ng sa Australia at Singapore, ang mga bus ay pag-aari ng gobyerno at ang pribadong sektor ang

nagpapatakbo sa mga ito. May maayos na sistema sa ruta ng bus at regular ang sahod ng mga drayber kaya

kadalasan may disiplina sa kalsada.

Pangatlo, malaking parte ng kulturang Pilipino ang mga jeepney. Ngunit mainam na rin na i-upgrade na ang

mga ito upang makasabay sa pag-unlad ng mga siyudad.

Makabubuti na isunod ang mga jeepneys sa isang standard tulad ng pagtaas ng kapasidad ng pasaherong

masasakay at paglagay ng makabagong makina para mabawasan ang polusyon at maiwasan ang sakit dulot

nito.

Kaakibat ng reporma ang suporta mula sa gobyerno para sa mga operator at drayber na maapektuhan ng

modernisasyon.

Panglima, tutukan dapat ang pagpapalakas ng ekonomiya sa labas ng Metro Manila.

Malaki ang kaugnayan ng kaunlaran ng mga lungsod sa congestion at traffic. Kung maaring mabigyan ng

hanapbuhay sa mga rehiyon, maiibsan ang pagdagsa ng mga kababayan natin sa Metro Manila at iba pang

malalaking lungsod.

Ano ba ang magagawa natin ngayon?

Alam ng lahat na matagal at mabusisi ang proseso ng

repormang pangtrasportasyon. Mahabang panahon

at malaking pondo ang gugugulin sa mga repormang

nabanggit sa taas.
Ngunit marami ang pwedeng gawin sa kasalukuyan para matugunan ang problema sa trapiko.

Paigtingin lalo ang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya tulad ng DoTr, DPWH, MMDA, LTO, LTFRB at pati

na rin ang TRB at PNP-HPG sa ilalim ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT). Ang grupo na ito ay

naglalayon makabuo ng magandang plano at polisiya sa pamamahala ng trapiko sa Metro Manila.

(BASAHIN: Manila Bulletin)

Makatutulong din na sumangguni sa mga foreign development agencies tulad ng JICA at World Bank na may

technical at institutional na kaalaman tungkol sa pagtugon sa problema ng trapiko sa ibang bansa.

Bilang isang pribadong mamamayan, ang maiaambag natin ay ang tamang pagsunod sa batas trapiko.

Bilang panghuli, ang paglutas sa trapiko ay isang kumplikadong proseso. Hindi ito madali subalit marami ang

pwedeng gawin. Kinakailangan ng masusi, malawak, komprehensibo at pangmatagalang istratehiya sa

paglutas nito—bagay na napaka-kulang pa sa ngayon.

Courtesy: https://usapangecon.com/2018/12/18/ano-ang-solusyon-sa-matinding-traffic/

You might also like