You are on page 1of 1

UNANG ARGUMENTO:

Maraming mawawalan ng trabaho sa pagphase-out ng mga jeepney sa Pilipinas dahil sa Omnibus


Franchising Guidelines. Magastos rin ang pagbili ng inirerekomendang e-jeep ng gobyerno,
makakasagabal ito sa pagkita ng mga drayber. Magbibigay daan rin ang pagphphase-out sa
corporatization.

- Maraming mawawalan ng trabaho sa pagphase-out ng mga jeepney dahil sa Omnibus


Franchising Guidelines. Ang Guidelines na ito ay naka-ukol sa pamamahala ng gobyerno, sila na
mamahala ng mga routa, may mga dapat na ring sundin upang maging e-jeep drayber. Dahil ang
gobyerno na ang mamamahala sa pagtanggap ng mga drayber, maraming mapapalitan o
mawawalan ng trabaho. Ayon kay Crispin Beltran ng Research Center, ang jeepney
modernization raw ay papalitan ang 650,000 na mga drayber sa buong Pilipinas. Karamihan pa
sa ating mga drayber ay may edad na, ito na ang bumubuhay sa kani-kanilang pamilya noon pa
man, at hindi ito magiging patas para sa kanila. Malaki rin ang magiging epekto nito sa mga
indibidwal at maliliit na operators at mga nagmamay-ari ng jeep dahil hindi gobyerno ang
magbibigay o bibili ng mga e-jeep para sa mga driver kundi kaniya-kaniyang bili ito ng mga
operator at mga drayber. Sariling pera nila ang gagamiting pambili ng sasakyang
nagkakahalagang 1.2 hanggang 1.6 milyong piso. Imbis na makatulong ay makakasagabal pa ito
sa pagkita ng mga drayber at operators. Oo sabihin na nating maganda nga ang ipinepresenta
nilang ipapalit na mga sasakyan ngunit saang lupalop ng mundo kukuha ng milyong piso ang
ating mga drayber at maliliit na operators?
-

You might also like