You are on page 1of 3

Pampublikong Transportasyon

Mahalaga ang transportasyon sa pagiging produktibo at kaunlaran ng isang bansa.

Kailangan paunlarin ng bansa ang teknolohiya at institusyon ng gatusin, pagpaplano, at

pamamhala ng pampublikong transportasyon upang mas maging produktibo (Burwell at Gang,

2002). Mas uunlad ang ekonomiya ng Pilipinas pag bibigyan pansin ang sistema ng

pambublikong transportasyon ng bansa. Mas mapapabilis ang pamamahagi ng mga kalakal pag

binigyan pansin ng bansa ang kanilang pampublikong transportasyon.

Ayon kayna Knopman et al., kung ang isang bansa ay may maayos na sistemang pang-

transportasyon, mababawasan ng ilang samabayan ang kanilang pagmamay-ari ng sasakyan dahil

maiiwasan ang pangangailangan ng mga nito. Mababawasan ang trapiko at kasikipan ng

paradahan kung mas maraming residente ang gagamit ng pampublikong transit bilang kapalit ng

pagmamaneho. Ang paggamit ng mga pribadong sasakyan sa daanan ay isa sa mga dahilan kung

bakit matindi and trapiko sa bansa.

Ang paggamit ng pampublikong transportasyon ay maaaring mabawasan ang

pangangailangan para sa paradahan at pagbutihin ang kalidad ng hangin (Cervero, 1994). Mas

maayos ang daloy ng trapiko sa isang lugar kung karamihan sa mga bumibiyahe ay gumagamit

ng pampublikong transportasyon tulad ng tren. Mababawasan rin ang paggamit ng mga kotse sa

lipunan at maiiwasan ang kasikipan sa mga lunsod o bayan.

Kalidad ng Pampublikong Transportasyon

Ayon kayna Randheer, Al-Motawa, at Vijay (2011), malaking bahagi ang kultura sa

sukat ng kalidad ng serbisyo sa pampublikong tranportasyon. Karamihan sa mga bumibiyahe ay

ang mga mangagagawa at mga estudyante. Sila ay kadalasan umaasa sa pampublikong


transportasyon ng bansa. Sa mga lungsod na may malaking populasyon ng mga empleyado at

estudyante, karamihan sakanila ay umaasa lamang sa pampublikong tranportasyon upang

makadating sa kanilang mga destinasyon. Nagiging masikip ang mga istasyon ng mga

pampublikong tranportasyon dahil hinde gaano maunald ang sistema ng pampublikong

transportasyon ng lungsod.

Reference:

BURWELL, D., & GANG, L. (2002). Developing world transportation. Issues in Science

and Technology, 19(2), 8-11. Retrieved from http://www.jstor.org/stable/43312280

Cervero, R. 1994. Land market impacts of urban rail tran sit and joint development: An

empirical study of rail transit in Washington, D.C. and Atlanta. Journal of the American Planning
Association, 60(1):83–94.doi: 10.1080/01944369408975554. http://www.tandfonline.

com/doi/abs/10.1080/01944369408975554.

Knopman, D., Zmud, J., Ecola, L., Mao, Z., & Crane, K. (2015). Transportation. In

Quality of Life Indicators and Policy Strategies to Advance Sustainability in the Pearl River

Delta (pp. 59-80). RAND Corporation. Retrieved from

http://www.jstor.org/stable/10.7249/j.ctt19w7212.14

Randheer, K., Al-Motawa, A. A., & Vijay, P. J. (2011). Measuring commuters'

perception on service quality using SERVQUAL in public transportation. International Journal

of Marketing Studies, 3(1), 21.

You might also like