You are on page 1of 2

POSISYONG PAPEL

Hilaw Pa ang Jeepney Modernization Program ng LTFRB

Ang Jeepney Modernization Program ay ang bagong programa ng LTFRB na

naglalayon ng modernisasyon sa mga sasakyang pampubliko. Layon nito na bigyan ng

strictong limitasyon ang edad ng mga jeep na pumapasada. Mga jeep na labinlimang

taon lamang or mas bago pa ang bibigyang pahintulot ng LFTRB na bumiyahe sa

kalsada. Ayon sa ahensiya, pinapatupad daw nila ito upang mapahusay pa ang

serbisyong dulot ng mga pampublikong saksakyan sa mga tao. Naglabas din ng mga

makabagong modelo ng jeep ang ahensiya upang irekumendang kapalit sa lumang

modelo ng jeep. Ang bagong mga modelo ay electric at solar powered kaya naman

nakakabuti raw sa kalikasan. Ito raw ay para sa para masunod ang panukala ng Clean

Air Act. Sa kabila ng mga mabubuting dulot ng programa, ay tutol pa rin ako sa

pagpapatupad nito sa ngayon. Aking ilalahad ang aking mga dahilan.

Sino? Sinu-sino ba ang kinuhaan ng panig sa paggawa ng programa? Ayon sa

ulat ng Rappler, walang representative ang mga samahan ng operator at driver ng jeep

sa usapin tungkol sa modernization program. Ito marahil ang dahilan kaya sunod-sunod

ang mga protesta ang nagaganap ngayon. Para sa akin, mahalaga ang makuha ang

panig at opinion ng mga taong apektado ng isang programa. Mayroon kasing mga

sitwasyon na taning mga taong napapallob lamang doon ang nakakakakita. Mas

makakabuti ito upang maging patas sa lahat ang mga magiging desisyon na gagawain.

Higit pa rito, mareresolusyunan rin ang ang iba’t ibang maging posibleng problema sa

pagpapatupad nito.

Ano? Ano nga ba ang dapat gawain ng may mga lumang jeep? Ang sabi ng LTFRB

ay bumili ng makabagong modelo. Ito ay para raw kumaunti ang carbon emissions at mas
POSISYONG PAPEL

maging ligtas ang mga pasahero. Sa pananaw ng mga driver at operator, ito ay non-

sequitor. Hindi naman kasi ibigsabihin na kapag bumili ka ng bagong modelo ay mas

ligtas at mas kaunti ang carbon emission. Ayon sa mga nagpoprotesta, mayroon naman

kasing mga pampasaherong jeep ang ligtas at kaunti ang carbon emission kahit lagpas

sa labinlimang taon na gulang kung alaga naman sa maintenance. Ang labinlimang taon

na limitasyon na binigay ng LTFRB ay hindi aplikabol sa lahat ng sitwasyon. Mayroong

mga jeep na lagpas na sa edad na ito, ngunit bago naman ang mga piyesa. Para sa akin,

hindi tamang batayan ang edad ng isang sasakyan sa pagtukoy ng kaligtasan nito sa tao

at sa kalikasan.

Paano? Dito pumapasok ang makabagong modelo na rekumendasyon ng LTFRB

sa mga tsuper at operator. Ito anga mga jeep na electric powered at bago ang disenyo.

Bawat isa ay nagkakahalaga ng isang milyon o higit pa. Maaring itong bilhin ng mga

operator at river mula sa gobyerno na may interest rate na 5 hanggang 6 percent. Kung

ang isang modelo ay nagkakahalaga ng 1.6 na milyon sa peso, ang babayaran ng isang

operator ay 800 pesos sa loob ng pitong taon. Paano ito babayaran ng isang tsuper o

operator ng jeep? Ayon sa pananaliksik na sinagawa ng Yahoo, ang isang tsuper ng jeep

ay kumikita lamang ng 600 pesos kada araw. Kung susuriin, kulang pa ito pambayad sa

kanyang bagong jeep kung bibili.

Sa kabuan, hindi ako sang-ayon sa pagpapatupad ng kasalukuyang Jeepney

Modernization Program. Ito ay sa kadahilanang marami pa itong pagkukulang at hindi

nareresolusyunan. Nararapat na suriin at pag-aralan pa ito ng Mabuti upang malaman

ang iba’t ibang panig, malaman ang mga tamang hakbang, at maresolusyunan ang

problema sa transisyon.

You might also like