You are on page 1of 2

Pangalan: BENITEZ, Jewel Ann Q.

Seksyon at Baitang: Block 6; 2nd Year (BSA)


Preliminaryong Pagsusulit
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (Fil21)

PASALITANG PAGSUSULIT
(Impormatibong Talumpati)

TEMA: ANG ESTADO NG PAMUMUHAY SA GITNA NG KRISIS


BUHAY O KABUHAYAN?

Ang pamumuhay sa gitna ng takot at pangamba ay marahil naranasan at patuloy na


nararanasan ng bawat Pilipino. Ang pandemya na dulot ng COVID-19 ay siyang nakapagpabago
sa kung papaano umiikot ang mundo. Marami ang nawalan ng kabuhayan, ng pag-asa… at buhay
na kinikitil ng sakit na ito. Bilang pasimula—gusto kong ihayag ang aking saloobin sa
perspektibo ng isang ordinaryong mamamayang Pilipino.

Bilang isang tao, isa sa pangangailangan natin ay ang kumita ng pera upang malayang
makapamili ng mga pangunahing pangangailangan. Ngunit, ano nga ba ang uunahin ng isang
ordinaryong Pilipino… ang kaniyang buhay o kabuhayan? Halimbawa ay si Juan (iilustra is Juan
sa bidyo), isang magsasaka ay maghapong sinisisid ang bukirin upang may maipambili ng
pangunahing pangangailangan. Sa pagdating ng COVID-19 ay siyang pagsulong ng ordinansang
kinakailangan magsuot ng face mask ang bawat tao. Makikita sa ilustrasyon na ang kinita sa lupa
ay kulang pang pambili ng face mask. Ang ibig kong ipatukoy ay simple lamang… marami ang
taong nabubuhay lamang para sa isang araw.

Atin naming tignan si Mario na isang pulubi sa bansang Pilipinas. Ayon sa pag-aaral,
mahigit kumulang 4.5 na milyon ang pulubi sa Pilipinas—kabilang na rito ang mga batang
lansangan. Marahil, madalas nating limot na maging ang mga taong ito ay apektado rin ng
pandemya.
Ang buhay o kabuhayan na katanungan ay kadalasang nasasagot ng estado ng buhay.
Marami siguro ang magsasagot ng buhay— para sa marangya at sapat ang mga pangangailangan
sa bahay. Marahil kabuhayan naman para sa mahihirap at dukhang isang kayod at isang tuka.

Ang nais kong ipatukoy sa talumpating ito ay— hindi tayo nararapat pumili sa dalawa.
Ang buhay at kabuhayan ay iisa. Ilapat natin ang asignaturang ekonomiks sa usaping ito. Isa sa
mga napag-aralan ko sa aming ekonomiks ay— ang pera ang hindi masama, o mabuti. Ngunit
kadalasan, ang pamilyang may pera ay mas maraming napagpipilian. Halimbawa, ang
mayamang pamilya ay malayang makapamimili ng eskwelahan para sa kanilang anak, o di kayay
malayang makapamimili ng gamot para sa sakit o kaya nama’y mas masustansyang pagkain.

Ang ibig kong ipatukoy ay hindi dapat tayo pumipili sa buhay o kabuhayan. Silang
dalawa ang esensyal sa upang makapamuhay ng payapa—ng walang pag-aalinglangan. Maging
balanse dapat ang pagpili sa dalawa kahit pa sa gitna ng pandemya. Ikaw, bilang isang guro,
bilang isang estudyante, o bilang isang tao— anong pipiliin mo? Buhay o Kabuhayan?

You might also like