You are on page 1of 63

Presented to the Filipino Department

De La Salle University - Manila


Term 2, A.Y. 2019-2020

In partial fulfillment
of the course
In GEFILI (C31)

Pagsisiyasat sa Persepsyon ng mga Angkas Riders at Users Hinggil sa Kainaman ng


Angkas bilang Industriya at Midyum ng Transportasyon

Submitted by:
Anabeza, Christian C.
Barrion, Marck Herzon C.
Cabrera, Rafael
Dela Cruz, Veronica Anna S.
Rosauro, Alexa Nicole L.
Vidallo, Margarita Ellaine V.

Submitted to:
Dr. Rowell Madula

April 14, 2020


KABANATA I

1.1 Panimula

Angkas Na

Sa pagkokomyut dito sa Pilipinas, lalo’t lalo na sa lungsod ng Maynila, may biro na tila’t

kasabihan na sa lala ng estadong pampublikong transportasyon sa bansa, “papasok ng mahinhin,

lalabas ng mandirigma.” Hindi sikreto na ang estado ng pampublikong transportasyon ay palala

ng palala, lalo na nang dumating ang mga ride-hailing firms katulad ng Grab at Uber noong 2014

kung saan naipakita ang dami ng tumatangkilik sa serbisyong ito (Reyes, 2018). Nagkakaroon ng

malaking pagbabago sa pagkomyut ng mga tao dahil sa mga ride-hailing apps. Maliban sa mga

nabanggit, isa sa mga tinatangkilik na mga apps na ito ang Angkas.

Ang salitang “angkas” ay Pilipinong termino na ang ibig sabihin ay ‘sumabay sa

pagsakay’ at naipapakita ito sa serbisyong dulot ng kumpanyang Angkas sa bansa. Ang Angkas

ay isang Pilipinong kumpanya na nagbibigay serbisyong transportasyon at paghahatid ng mga

kagamitan. Nakabase ang kumpanya sa Makati, Metro Manila. Ang kumpanya ay nadiskubre ng

isang Singaporean nagngangalang Angeline Tham noong 2015, matapos maranasang mahuli sa

mga miting dahil sa trapiko. Ang DBDOYC Inc. ang operator ng Angkas sa bansa (CNN

Philippines Staff, 2018). Sa kasalukuyan, ang kumpanya ay may halos 20,000 na rider at isang

milyon na download, aktib at may sakop sa Metro Manila at Cebu.

Ang mga rider ng Angkas ay kilala dahil sa kanilang mabilis at maaasahang serbisyo.

Ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero at rider ay ang primaryang katangian na inaasikaso ng

Angkas; ayon sa The Philippine Business and News (2019), 30% lang ng kanilang mga aplikante

bilang Angkas Rider ang kanilang tinatanggap. Bukod sa libreng mahigpit na training na

isinasagawa ng mga Angkas Rider, mayroon ding dagdag na panukalang kaligtasan katulad ng
reflectorized vest na tutulong sa mga Rider na makita pag gabi. Ang mga vests na ito ay may

mga side-straps para sa madaling paghawak ng mga pasahero sa mga Rider. Dagdag pa rito,

insured ang mga Angkas Rider at mga pasahero nito ng Php 425,000 kung may yumao at Php

100,000 na bayad kung sakali man na may maaksidente. Isinisigurado din ng Angkas ang

pagpapatupad ng mga sanitation measures, katulad ng linis ng kanilang mga helmet at

pagpapagamit ng face masks at shower caps laban sa matinding usok at polusyon sa daan.

Impakt ng Angkas

Maraming tumatangkilik sa serbisyo ng Angkas dahil sa pagtugon nito sa mga

karaniwang inaalala ng Pinoy ukol sa biyahe—badyet at oras. Ang Angkas ay may minimum

fare na Php 50 na abot-kaya sa mga ordinaryong mamamayanang Pilipino. Kung ikukumpara ito

sa kotse, mas mabilis nga naman ang pagkomyut sa tulong ng Angkas na motorsiklo ang

ginagamit na behikulo. Ang teknolohiya na dulot ng Angkas at ibang na ring ride-sharing apps

ay mas nagpapadali sa mga buhay ng mga Pilipino dahil sa palala nang palalang sitwasyon ng

trapik, hindi lamang sa bansa kundi pati na rin sa rehiyon ng Timog Silangang Asya. Ayon kay

Tham, C.E.O ng Angkas (Leonen, 2017):

“I think because of technology they are able to make lives more convenient for people

and enable them to ride from one place to another. With technology, they are able to

make it more efficient and people have embraced this technology to bring them to the

places they want to go and I think the Philippines is one of the countries that have

adopted it on a very strong basis,”

Dahil sa inobasyon na bigay ng Angkas, murang presyo at mabilis na serbisyo ang

naidulot bilang alternatibo sa pampublikong transportasyon ng Pilipinas. Sa perspektibo ng mga

kustomer, importante ang Angkas sa kanilang pang-araw-araw at masasabi na rin na solusyon ito
sa mga problema sa badyet at trapiko. Ayon sa isang pag-aaral ni Leuven sa Belgian Consultancy

Transport and Mobility (2017), ang mga motorsiklo ay maaaring maging solusyon sa

problemang pangtrapiko ng bansa. Dahil sa katangian ng motorsiklo, hindi na nito kailangang

makipagsiksikan pa para sa espasyo sa daan. Maliban dito, ang simpleng disenyo ng app ay isa

pa sa mga pangunahing rason kung bakit patuloy na nagagamit ito ng karamihan. Dahil dito, mas

napapadali ng Angkas ang mga buhay ng Pilipino sa kanilang pang-araw-araw na komyut.

Maliban sa tulong na ibinibigay ng serbisyo ng Angkas sa mga nagkokomyut,

nakapagbigay rin ito ng 20,000 na trabaho sa mga Pilipino. Ayon kay Tayao-Juego (2019), Ang

mga Angkas Rider ay kayang kumita ng Php 1,500 sa isang araw na tiyak na mas malaki sa

minimum wage sa Metro Manila na Php 537. Makikita dito na nagbibigay ang Angkas ng sapat

na hanapbuhay sa kanilang 20,000 na empleyado sa Metro Manila at Cebu.

Transportasyon sa Pilipinas

Hindi maikakaila na hindi pa gaanong maunlad ang transportasyon sa Pilipinas. Ang

mga pangunahing rason nito ay ang pagkakalat ng mga bulubundukin na pulo at ang patuloy na

hindi paglaan ng gobyerno ng badyet para sa imprastrakturang transportasyon sa bansa—kung

maglaan man ay napupunta naman ito sa kamay ng korupsyon.

Ang pambansang usapin ng trapiko lalo na sa Metro Manila ay isa sa mga pangunahing

suliranin ng bansa pagdating sa transportasyon; dahil daw ito sa napakaraming nakarehistro na

sasakyan at kakulangan ng daan. Ayon sa CNN Philippines Staff (2018), Php 5.4 Bilyon ang

mawawala sa ekonomiya ng bansa kung hindi ito maayos ng 2035. Pinalala pa nito ng mga

paglabag sa batas trapiko at mga proyekto sa daan na taon na ang nakalipas mula simulan ngunit

hindi pa rin natatapos. Dahil dito, marami sa mga Pilipino ang naghahanap ng kanya-kanyang
paraan para malutas ang problemang ito, at isa sa mga resulta nito ang malaking pagtangkilik sa

Angkas.

Problema ng Angkas

Bago mag pasko noong 2019, nagprotesta ang mga Angkas Rider laban sa desisyon ng

gobyerno na tanggalin ang 10,000 empleyado ng Angkas at ilipat sa mga bagong kumpetisyon na

JoyRide at MoveIt (Punongbayan, 2019). Ayon sa desisyon ng gobyerno, ang bawat kumpanya

ay papayagang magkaroon ng 10,000 riders sa Metro Manila at 3,000 na riders sa Cebu. Ito ay

parte ng “pilot run” hanggang Marso 2020 upang pag-aralan ang kaligtasan nito at ang

posibilidad ng opisyal na pag-aayos ng industriya sa Pilipinas. Ang sapilitang pagtanggal ng

10,000 na empleyado ng Angkas ay sinasabi ng mga kritiko na hindi makatarungan. Ayon kay

Commissioner Johannes Bernabe ng Philippine Competition Commission (PCC) (Canivel &

Subingsubing, 2019):

“Being big per se is not necessarily bad. It’s the abuse of that dominant position [that is

bad].”

Importante malaman na iba ang sitwasyon ng Angkas sa Grab at Uber. Matatandaan na

tinigil ng Uber ang operasyon sa Timog Silangang Asya noong 2018 pagkatapos magkaisa ng

Grab. Simula noon, tila bertwal na monopolya ang Grab sa bansa at ang mga komyuter ay

walang magawa sa mataas na surge rates nito. Naglabas din ng mga ebidensya ang mga kritiko

na ang secretary-general ng Quezon City Chapter ay madalas na ineendorso ang JoyRide at

nagkaroon ang app ng kumpanya ng napakataas ng rebyu kahit hindi pa ito nagsisimula ng

operasyon. Kung patas na kumpetisyon ang pag-uusapan, hindi dapat na bigyang-daan ng

gobyerno, ng siyang nagbibigay regulasyon, ang iba’t ibang oportunista sa ekonomiya ng bansa.
Hindi dito nagtatapos ang pagsubok na kinakaharap ng Angkas. Noong 2017, sinimulan

ng gobyerno ng Pilipinas na batikusin ang kumpanya dahil ayon sa Republic Act 4136 o ang

Land Transportation and Traffic Code na ginawa 55 na taon ng nakalipas, ang mga motorsiklo

ay sinasabing pang pribadong gamit lamang. Ang pagkakaiba naman ng Angkas hindi umano sa

mga nagpapatakbo ng serbisyo ng habal-habal ay ang pagsasailalim ng mga Angkas rider sa

training, kung saan sinanay ng Angkas ang mga kahusayan ng mga Rider nito sa pagmamaneho

upang maging ligtas ang mga pasahero ng kumpanya. Ang panawagan nila noong paglilitis sa

LTFRB-2017 ay kilalanin na may solusyon sa problema at huwag lamang itigil ang kanilang

operasyon (Rey, 2020). Sa ika-17 na Kongreso, pinag-usapan ang rebisyon ng Republic Act

4136 kung kaya nagpasya ang Departamento ng Transportasyon (DOTr) na magsagawa ng

“pilot-run” na tatagal ng siyam na buwan at magtatapos sa Marso 23, 2020. Ito ay para

makakalap ng datos sa rebisyon ng R.A. 4136.

Ride Sharing Apps

Sa kasalukuyan ang mga ride-sharing apps katulad ng Grab, Uber at Angkas ay nagiging

tanyag sa transportasyong panglungsod. Nagsimula ng operasyon ang Uber noong 2010 sa San

Francisco sa Estado Unidos at sumunod naman ang Lyft noong 2012; madaling nakakuha ang

mga app na ito ng malaking porsiyento ng mga tumatangkilik. Kasama sa pagsikat nito ang

pagsubok na kinakaharap ng mga tradisyonal na taxi draybers sa bagong kakompetensya. Ang

mga dinamikong ride-sharing apps ay nagpakilala ng alternatibong serbisyo sa mga komyuter sa

isang lungsod. Nagdulot ito ng radikal na pagbabago dahil sa pagbaba ng presyong pamasahe sa

taksi at ang pagbibigay importansya sa kapakanan ng mga kustomer. Madali nang nagiging

kapalit ang mga ride-sharing apps na ito sa mga tradisyonal na taksi ng Maynila.
1.2 Paglalahad ng Problema

Nakatuon ang naturang pananaliksik sa pagsisiyasat ng persepsyon ng mga Angkas riders

at mga tagapagtangkilik nito hinggil sa epekto ng pagpasok ng Angkas sa merkado ng

pampublikong transportasyon sa mga aspetong dahilan at kalidad ng pagtatangkilik sa serbisyo,

kalamangan ng Angkas sa ibang ride-sharing app, naging tulong ng Angkas, sa rider man o sa

mga pasahero. Sa mas ispesipikong pagdedetalye, naglalayon ang papel na itong sagutin ang

mga sumusunod na tanong:

1. Bakit tinatangkilik ng parehong Angkas rider at mga pasahero ang Angkas?

2. Ano ang kaibahan ng Angkas sa ibang katulad nitong ride-sharing apps ayon sa

2.1 Presyo ng serbisyo

2.2 Kaligtasan sa pagasakay

2.3 Kabilisan ng paggamit

3. Ano ang mga naging karanasan ng parehong Angkas rider at mga pasahero sa

paggamit ng serbisyong inaalok ng Angkas?

4. Ano ang naitulong ng Angkas sa pagkomyut ng mga mamamayang Pilipino?

1.3 Layunin ng Pag-aaral

Naglalayon ang pananaliksik na ito na:

1. Siyasatin ang pananaw ng iba’t-ibang grupo hinggil sa pag-usbong mga ride-sharing

apps, partikular na ng Angkas, sa Pilipinas

2. Tukuyin ang naidudulot ng Angkas sa mga komyuter hinggil sa kanilang kaligtasan at

seguridad

3. Tiyakin ang pangmatagalang epekto ng Angkas sa tradisyon ng transportasyon ng

Pilipinas.
1.4 Teoretikal na Balangkas

Gumamit ang pag-aaral na ito ng dalawang teoryang may kaugnayan sa interbensyon ng

teknolohiya sa mga kinagisnan ng indibidwal—ang teoryang "Social Construction of

Technology" at ang "Technological Determinism". Sa naturang pananaliksik, maaaring

mabigyang-linaw ng mga ito ang mga epektong naidudulot ng Angkas at ng iba pa nitong mga

katulad na ride-sharing applications na kasalukuyang umuusbong sa lipunan. Nakapalibot sa

dalawang teoryang ito ang kaisipang alin sa dalawang entidad—tao at teknolohiya—ang may

kontrol; kung ang teknolohiya ay kontrolado ng mga tao o ang teknolohiya ang humuhubog o

nagtitiyak sa mga katangian ng tao. Sa ibang pamamaraan ng paglalahad, maaari ring sabihing

kung kaya ba sinimulan ng mga tao ang paglikha sa mga platapormang tulad ng Angkas ay dahil

sa kanilang pangangailangan o kaya naman ang pag-usbong ng ganitong uri ng mga aplikasyon

ang nagtulak upang mabago ang kanilang kultura ng pamimili at paghahatid ng bagay na

kanilang nais o kailangan.

Social Construction of Technology

May dalawang proponent na responsable para sa pagkakalikha ng teoryang ito, sina

Wiebe E. Bijker at si Trevor J. Pinch (Encyclopedia of Science, Technology, and Ethics, 2005).

Sa isang artikulo mula sa Maastricht University (w.p.), natalakay dito na si W. Bijker ay isang

propesor, at pati na rin ang chair ng Kagawaran ng Agham Panlipunan at Teknolohiya ng

Pamantasang Maastricht sa Netherlands. Kanyang espsiyalisasyon ang pag-aaral sa at

pananaliksik ng mga kaugnayan ng teknolohiya at ng lipunan pati na rin ang pag-unlad ng

teknolohiya sa kasaysayan (Maastricht University, w.p.). Ang kanya namang kasamang si Trevor

J. Pinch, ayon sa pagtatalakay ng Cornell University (w.p.), ay isang Bernal Prize awardee para

sa kanyang mga "natuturang kontribusyon sa agham at teknolohiya sa takbo ng kanyang karera".


Siya rin ay isang sociologist at naging dating chair ng Kagarawan ng Pang-agham at

Panteknolohiyang pag-aaral ng Cornell University (Cornell University n.d.).

Ang teoryang inilathala nila Bijker at Pinch noong 1984 ay maaari ring tawaging

Technological o Social Constructionism. Ito ay una nilang ibinahagi sa kanilang pag-aaral na

pinamagatang "The Social Construction of Facts and Artefacts or How the Sociology of Science

and the Sociology of Technology might Benefit Each Other," na tumatalakay sa interaksyon ng

lipunan at ng teknolohiya. Wika nila Bijker at Pinch (1984), "ang teknolohiya, tulad ng agham,

ay likha ng lipunan—ang patutunguan nito ay nakadepende sa maraming aspeto at grupong

panlipunan" (salin mula sa citation ni Palsey, 2010). Ang nasabing modelo o teorya ay

pinanghahawakan ang ideyang suhetibo ang interpretasyon ng mga tao sa iba't-ibang artifacts.

Tulad na lamang ito sa teorya ni Charles Cooley na Looking-Glass-Self Theory na nagsasabing

"I am not who you think I am; I am not who I think you think I am," na nagpapaliwanang sa

kung paano nakalilikha ang mga tao ng mga ideyang maaaring hindi totoo o non-existent nang

walang balidasyon ng iba (CrashCourse, 2016). Sa isang bidyong iprinisenta ng CrashCourse

(2016), tinalakay dito na ang pangunahing argumento ng teoryang ito ay "hindi ang teknolohiya

ang tumutukoy sa galaw ng tao; bagkus, ang tao ang siyang tagapagtiyak ng patutunguang

teknolohiya". Bilang pangkaragdagan, iginigiit rin nito na "hindi maaaring maintindihan ang

pamamaraan ng paggamit sa isang uri ng teknolohiya hanggat hindi naiintindihan kung paano o

saan nakalugar ang naturang teknolohiyang iyon sa kontekstong panlipunan" (CrashCourse,

2016).

Ito ay nangangahulugang ang tao ang siyang responsable sa kung papaano nila gagamitin

ang teknolohiya upang patuloy silang umunlad. Sa teoryang ito, ang teknolohiya ay maaaring
tukuyin bilang isang instrumento, at nakadepende na sa gagamit nito kung ito ay kanyang

gagamitin para sa kabutihan o sa kasamaan.

Technological Determinism

Tinalakay sa isang artikulo mula sa Techopedia (w.p.) na ang terminong "Technological

Determinism" ay sinasabing nilikha o sinimulan ni Thorstein Veblen, isang Amerikanong

sosyolohista at ekonomista. Siya rin ay kilala para sa kanyang konsepto ng "conspicuous

consumption," na tumutukoy sa "paggastos ng pera sa at pagkakaroon ng mga luxury goods

upang ipamalas sa lipunan ang kalakasang ekonomikal—ng kinikita o ng napag-ipunang yaman

ng mamimili" (Pierce, F.S. 2018). Ang kanyang pinagtutuunan ng pansin ay ang mga

pamamaraan ng mga taong nasa itaas ng social strata sa paggastos at paggamit ng kanilang mga

kayamanan. Ang ilan pa sa mga tulad niyang naniniwala sa technological determinism ay sila

Karl Marx, John Dewey, at William Ogburn.

Ang teorya ng Technological Determinism ay masasabing siyang kabaligtaran ng Social

Constructionism. Ayon sa isang presentasyon ni Hilbert (2015), sinasabi ng teoryang ito na "ang

kaunlaran ng pag-uugaling kultural at panlipunang istruktura ng lipunan ay siyang tinitiyak o

nakadepende sa teknolohiyang taglay nito. Ang mga kaunlarang panteknolohiya, bilang kabuuan,

ay maituturing nang isang mahalagang aspeto na nakaaapekto sa pagbabago at sa kasaysayan"

(Hilber, 2015). Ito ang kabaligtaran ng Social Technological Theory nila Bijker at Pinch.

Nakatuon ang teoryang ito sa pagtukoy sa gampanin ng teknolohiya o sa autoridad nito sa

paghubog ng kasaysayan, kultura, at lipunan; sa halip na ang tao ang siyang mag-isang

responsable sa kanyang pag-unlad at ebolusyon.

Sa unang teoryang inilahad, iginiit dito na ang tao ang siyang responsable sa mga

pagbabago sa kanyang lipunan at ang teknolohiya ay binigyang-kahulugan bilang kagamitang


gagamitin ng mga tao upang masimulan at maisagawa ang mga pagbabagong iyon. Subalit, ang

teoryang Technological Determinism, sa kabilang banda, ay nagsasabing teknolohiya ang

responsable sa mga pagbabago sa kasaysayan ng tao at sa kanyang lipunan (Techopedia, n.d.).

May dalawang kategorya ang naturang teorya—hard determinism at soft determinism.

Ipinaliwanag ang dalawang ito sa isang artikulo ng Techspirited (2018). Ang Hard Determinism

ay tumutukoy sa sitwasyon na kung saan walang kahit anong uri ng kontrol ang mga tao sa pag-

unlad ng kanilang lipunan (Techspirited, 2018). Ang kahulugang ito ay dinagdagan rin ni Riley

(2015), kung saan ipinaliwanag niya na mayroong mga panlabas na elementong nagsisigurado o

tumutukoy ng mga galaw at pag-uugali ng mga tao, na siyang nagreresulta sa kawalan ng

indibidwal ng kanyang free will. Nangangahulugan ito na ang mga nakaraang pangyayari ang

tutukoy sa mga mangyayari sa kasalukuyan (Riley, 2015). Wika ni Baron D'Holbach,

"Everything is the inevitable result of what came before, including everything that we do" (as

cited in "Freeness of Our Actions," 2017). Habang ang soft determinism, ayon sa isang

presentasyon ng CrashCourse (2016), ay halos kapareho na konsepto sa Hard Determinism kung

saan pinanghahawakan nito ang ideolohiya na ang lahat ng nangyayari sa kasalukuyan at sa

hinaharap at tinitiyak ng mga nakaraan; subalit, pinagtutuunan rin nito ang konsepto na ang ilan

sa mga gawain ng mga tao ay hindi dulot ng kanyang nakaraan, bagkus ay sa kanyang sariling

kagustuhan o free will kung ang determinasyon ay nagmumula sa tao mismo. Upang mas lalo

pang palinawin ang kahulugang ito, ito ay kung saan ang isang naturang pangyayari ay natukoy

na tiyak talagang mangyayari; subalit, magkakaroon ng iba't-ibang dahilan upang maganap ang

naturang sitwasyong iyon, maaaring dulot na isang panlabas na elemento, o maaaring mula sa

sariling pagpapasya ng indibidwal (CrashCourse, 2016). Sa kalagayan ng Technological

Determinism, tinukoy ng Techopedia (w.p.) ang Hard Determinism sa pamamaraan na kung saan
ang persepsyon nito sa teknolohiya ay isang makapangyarihan at maimpluwensiyang elementong

gumagalaw upang mapanghawakan o makontrol ang mga panlipunang gawain. Sinasabing

inaayos ng lipunan ang kanyang sarili upang mapagtuunan ang pangangailangan ng teknolohiya

na siyang nagreresulta sa mga kaganapang lagpas pa sa kayang mapanghawakan nito. Habang

ang Soft Determinism ay tinitignan ang teknolohiya bilang isang gabay sa pag-unlad ng

sangkatauhan sa halip na isang absolute na autoridad ng kaunlaran (Techopedia, w.p.).

Ang dalawang teoryang itong inilahad ng mga mananaliksik ay maaaring gamitin upang

matukoy ang mga naidudulot na epekto ng mga ride-sharing apps tulad na ng Angkas sa kultura

at kinagisnan ng mga mamamayan. Sa lente ng isang tagapaniwala ng Technological

Constructionism, maaari itong gamitin upang tukuyin kung ang Angkas ay umusbong buhat ng

pangangailangan ng mga tao ng mas-epektibong midyum ng pampublikong transportasyon.

Habang ang Technological Determinism ay gagamitin upang matukoy kung ang pag-usbong ng

Angkas ang siyang naglikha ng makabagong kultura ng mga tao hinggil sa pampublikong

transportasyon. Naglalayon ang naturang panananliksik na mapag-aralan ang mga gawi ng mga

mamamayang gumagamit ng at nagtatrabaho para sa Angkas -- kung ito ay kanilang ginamit

dahil sa kanilang sariling pangangailangan at pagpapaysa, o kung ang Angkas o ang mga

ganitong uri ng plataporma ang nag-udyok sa sambayanan na magsimula ng isang bagong

pamamaraan ng tranportasyon sa konteksto ng lipunan.

1.5 Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pagpapatupad ng naturang pananaliksik na ito, inaasahan na ang iba’t-ibang sektor ng

lipunan ang makikinabang dito. Una, ang mga pamahalaang ahensya tulad na lamang ng

Kagawaran ng Transportasyon (DOTr), Tanggapan ng Transportasyong-Lupa (LTO), Lupon sa

Pagpaprangkisa at Regulasyon ng Transportasyong-Lupa (LTFRB), at Pangasiwaan sa


Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA) na maaaring makita ang magiging implikasyon

ng paggamit ng ride-sharing apps bilang paraan ng transportasyon ng masa. Dagdag pa rito,

maaaring makita rin ng mga ahensyang ito ang pananaw ng mga tao ukol sa makabagong

transportasyon. Isa pang pamahalaang ahensya na makikinabang dito ay ang Kagawaran ng

Paggawa at Empleyo (DOLE) dahil mula sa pag-usbong ng ride-sharing apps, maaaring

mapansin mula sa pag-aaral na ito ang nagiging epekto nito sa kabuhayan ng mga Pilipino; mula

sa panig ng mga tsuper sa pampublikong sasakyan tungo sa panig ng mga riders ng ridesharing

apps. Pangalawa, ang mga riders o mga nagtatrabaho sa mga ride-sharing apps ay posibleng

magbenepisyo rito sapagkat titignan din ang kanilang pananaw ukol sa kasalukuyang sitwasyon

ng ride-sharing apps sa bansa at ang mga isyu rito. Pangatlo, ang mga mamamayang Pilipino rin

ang isa sa makikinabang sa pananaliksik na ito subalit maaari itong magbigay linaw sa mga

isyung napapaloob sa umuusbong na ride-sharing apps. Dito rin nila maihahayag ang kanilang

mga saloobin at pananaw ukol sa kanilang karanasan sa paggamit ng makabagong transportasyon

na makatutulong sa pagpapabuti ng kasalukuyang sistema. Pang-apat, ang mga iba’t-ibang

mananaliksik din, kasama ang kabuuang akademiya, ang ilan sa makikinabang sa pag-aaral na

ito. Subalit makabago pa lamang ang mga umuusbong na ride-sharing apps sa bansa, maaari

itong makadagdag sa kaalaman ng mga tao hinggil sa isyung napapalibot sa paksang ito. Maaari

rin ito maging pundasyon at basehan ng iba pang pag-aaral na maaaring gawin ng ibang

mananaliksik.

Mula sa mga benepisyong nabanggit sa itaas, itong pag-aaral na ito ay maaaring

makatulong din sa kabuuang kondisyon ng transportasyon ng bansa. Bagama’t maraming

umuusbong na solusyon sa samu’t-saring problema ng pangmasang transportasyon sa bansa,


mahalagang suriin din ito hinggil sa kaniyang pangmatagalang epekto sa lipunan ng bansa. Kung

kaya’t ito rin ay bibigyang pokus ng papel na ito para sa ikabubuti ng mamamayang Pilipino.

1.6 Sakop at Limitasyon Pag-aaral

Sa pagpapatupad ng pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay may layuning limitahan

lamang ang sakop ng pag-aaral, upang bigyang konsiderasyon ang mga salik na maaaring

makaimpluwensiya sa resulta nito Ito rin ay makatutulong sa pag-iwas sa mali at mabilisang

heneralisasyon sa mga isyung tatalakayin sa pag-aaral na ito. Kung kaya’t ang bibigyan pokus ng

pananaliksik na ito ay ang ride-sharing app na Angkas, na gumagamit ng motorsiklo bilang

paraan ng transportasyon at saka sa pagpadala ng kagamitan. Kung kaya’t ang mga partners at

mga gumagamit lamang ng Angkas ang pagtutuunan ng pansin sa pagkuha ng datos. Dagdag pa

rito, ang lugar lamang na bibigyan pansin ng mananaliksik ay ang Kalakhang Maynila o Metro

Manila/ National Capital Region (NCR). Ang pag-aaral na ito ay ginanap sa dalawang buwan,

mula Marso hanggang Abril, taong 2020.

Ang titignan na aspeto ng mga mananaliksik sa paksang ito ay ang pananaw ng mga

partners at saka mga gumagamit ng ride-sharing app na nabanggit. Dagdag na rin ang epekto

nito, pangmaiklian at pangmatagalan, sa kasalukuyang kondisyon ng pampublikong

transportasyon sa bansa. At saka ang pagsiyasat ng kaligtasan at seguridad ng mga taong

nakikinabang sa Angkas. Bukod pa rito, dahil sa naturang kondisyon at pandemikong Corona

Virus Disease 2019, o mas kilala sa COVID-19, nalimitahan din ang mga mananaliksik na

makipanayam sa mga tao sa pamamagitan ng online messages, email, video call/chat atbp.
1.7 Depinisyon ng mga Termino

● Application o app - isang programa o software na idina-download sa mga mobile devices

tulad na lamang sa mga smartphone.

● Ride-sharing - isang paraan kung saan ang pasahero ay makikisakay sa isang pribadong

sasakyan na ginagamit ng may-ari upang maging isang serbisyo sa publiko na may

kasamang naaayon na bayad.

● Surge rate - isang pangyayari kung saan itinataas ng kumpanya ang presyo ng kanilang

serbisyo o produkto dala ng pagtaas ng pangangailangan ng mga konsumer.

● Angkas Rider - mga nagmamaneho na nagtatrabaho sa ridesharing app na Angkas. Sila

ang tumatanggap ng mga kahilingan ng mga kustomer na maka sakay, sa pamamagitan

ng nasabing app.

KABANATA II
Pagsusuri ng mga Kaugnay na Panitikan at Literatura

Nilalahad ng kabanatang ito ang pagtalakay sa mga kaugnay na pag-aaral at literatura ng

naturang pananaliksik. Ito ay naglalayong mapalawak ang kinaadman at impormasyon hinggil sa

na siyang tatalakayin at sisiyasatin ng mga mananaliksik. Bilang pangkaragdagan, naglalaman

ito ng mga pag-aaral na may kinaukulan sa kasalukuyang kultura ng pampublikong

transportasyon sa Pilipinas, ang pag-usbong ng mga alternatibong midyum ng paglalakbay, ang

seguridad ng mga ito, at ang nararanasang pagbabago sa kultura ng pampublikong

transportasyon sa Pilipinas.
2.1 Estado ng Transportasyon sa Pilipinas
Ayon kay Napalang at Regidor (2017), ang patuloy na paglaki ng populasyon sa mga

siyudad ay mas nagbibigay-diin sa isyung "mobility" at pangangailangang transportasyon. Sa

Metro Manila pa lamang, malaking porsyento ng populasyon nito ang gumagamit ng

pampublikong transportasyon. Ngunit, ang patuloy na pagdebelop ng mga ito, dagdag pa ang

isyung "maintenance" ng mga kasalukuyang ginagamit na pampublikong transportasyon ay

nagiging dahilan kung bakit “nadidisplace” ang mga local na pasahero. Dahil dito, ang tinatawag

na "ride sourcing transport services" ay unti-unting nagiging patok na alternatibo sa mga

pampublikong transportasyon. Ayon sa pag-aaral, mas pinipili ng mga pasahero ang ganitong

alternatibo dahil sa tatlong rason: "convenience," "reliability," at "safety." Kahit na makikitang

nagiging benepisyal ang mga serbisyong ito sa mga hindi draybers at sa mga walang pribadong

sasakyan, binibigyang diin pa rin ang pangangalaingan ikontrol at i-"regulate" ang mga ito ng

gobyerno. Sa prosesong ito, tinitingnang maigi ang reliability, safety, affordability, at

pagkabawas ng "congestion." Kung hindi maabot ng isang kompanya ang mga istandard na ito,

ang LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory board ay manghihimasok. Ang

pag-aaral na ito ay inirerekomenda na gamitin ng gobyerno are tintawag na "self-regulation

approach." Sa paarang ito, ang gobyerno ay maglalahad ng ispisipikong obhetibo at resulta at

hahayaan ang mga "stakeholders" na magkaroon ng kalayaang pumili ng kanilang sariling paraan

upang masunod ito.

2.2 Habal-habal bilang Alternatibong Paraan ng Pagkomyut

Ayon sa isang pag-aaral nina Guillen at Ishida (2003), ang motorsiklo ay isa paring

esensyal na paraan ng transportasyon lalo na sa mga bansa na kabilang sa “third-world”. Sa kaso

ng Pilipinas, mayroon pa ring transportasyon na habal-habal na ginawang modern sa

pamamagitan ng ride-hailing app na Angkas. Ipinapakita sa pag-aaral na ito ang mga polisiya
upang maging ganap ang “habal-habal” na maging ganap na pampublikong transportasyon.

Naipakita dito na ang paggamit ng “habal-habal” sa nasyonal na level katulad ng Angkas ay

kinakailangang pagpapaunlas ng mga polisiya at pagsamasama ng Land Transportation Code,

Public Service Act at Local Government Code of 1991. Ayon sa pag-aaral na ito, naipakita na

naitutugunan ng mga “habal-habal” ang pangangailangan ng mga komyuter sa pamplublikong

transportasyon, dahil ito ay mas mabilis at mas mura sa mga tumatangkilik nito. Dahil sa mga

ito, mas tinatangkilik nila ito kaysa sa mga Jeep, Bus o iba pang pampublikong transportasyon.

2.3 Seguridad Bilang Motibasyon sa Pagtangkilik ng mga E-hailing Apps

Mula sa isinagawang pananaliksik nina Adriano at Su (2017), kanilang binigyang diin

ang mga sanhing nag-uudyok sa mga mamamayan na tangkilikin ang mga serbisyo ng iba’t

ibang e-hailing apps. Kanilang isinalaysay na dahil sa lumalalang lagay ng trapiko at kalagayan

sa mga pampublikong transportasyon, hindi nag tagal ay ginamit na rin ang pag-usbong ng mga

makabagong teknolohiya upang lapatan ng lunas ang problemang ito sa pamamagitan ng e-

hailing apps. Isa sa mga puntos kung bakit mas nahuhumaling ang mga Pilipino sa mga e-hailing

apps ay dahil ang mga ito ay mas ligtas sapagkat gumagamit ito ng mga tracking system na

maaaring ibahagi sa mga kakilala at nakababawas din ito sa mga insidente ng pagmamaneho ng

lasing. Dahil na rin sa kanilang matinding proseso sa pagpili ng mga kwalipikadong drayber ay

mas makasisiguro ang mga pasahero sa kanilang kaligtasan. Bukod pa rito, ang mga app na ito

ay may sistema kung saan maaari kang mag bigay ng komento at puntos sa mga drayber kung

kaya’t nagkakaroon ng sensya ng pananagutan sa parte ng drayber.

2.4 Makabagong Kultura at Paraan ng Komyut at Transportasyon sa Bansa

Malaki ang bahagi ng teknolohiya sa pagresolba sa mga umuusbong na isyu’t problema

ukol sa transportasyon ng bansa. Ilan sa mga problemang kinilala ni Torres (2017) sa kaniyang
pag-aaral ay ang pagkakaroon ng mahabang pila, pagsisiksikan sa loob ng behikulo, ang mainit

at mausok na kapaligiran, pa iba-ibang kita ng drayber, at saka ang matinding trapiko. Tinignan

din ang naging epekto ng umuusbong na ridesharing applications. Sa pamamagitan ng Uber,

nagbigay daan ito na magkaroon ng makabagong alternatibo ang mga nagkokomyut na mga

Pilipino na makakuha ng drayber na hahatid/susundo sa kanya tungo/mula sa isang lokasyon

gamit ang mobile application. Isinaad din sa pag-aaral na ito ang naging persepsyon ng mga

pasahero ukol sa teknolohiyang ito. Ang naging kabuuang pananaw ng mga pasahero ay

positibo, subalit nakatulong ang ridesharing app sa pagbigay ng maginhawa’t ligtas na

karanasan, kung saan naiiwasan nila ang hindi kumportableng biyahe sa pampublikong

transportasyon. Naging maganda rin ang salubong nito sa mga drayber subalit naging mas

pleksibol ang kanilang oras sa pagtatrabaho, at saka naging mabilis ang kanilang kita, na

mayroong maayos na suweldo. Iilan lamang ang kanilang nabanggit na disbentahe, kung saan

nakadepende raw ito sa maayos na internet upang mapagana ang serbisyong ito. Bagama’t hindi

nareresolba ng makabagong teknolohiyang ito ang ibang isyu ng transportasyon sa bansa,

nakatutulong naman ito sa ibang paraan sa karanasan ng mga komyuter/drayber.

KABANATA III

Metodolohiya
3.1 Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masiyasat ang kondisyon ng mga ride-sharing apps,

partikular na ang Angkas, kasama ang mga taong bahagi at gumagamit nito. Bukod pa rito,

dadaluban din ang mga naidudulot ng mga ito sa bansa at sa mga mamamayan. Kung kaya’t ang

disenyo ng pananaliksik na gagamitin para dito ay ang deskiptibong pamamaraan. Bilang isang
deskriptibong pananaliksik, tunguhin nito ang imbestigahan ang mga kasalukuyang isyu na

pumapablibot sa ride-sharing apps o sa Angkas. Dagdag pa ay ilalarawan at ihahayag din ng pag-

aaral na ito ang iba’t-ibang persepsyon ng mga tao na kabilang at mga naapektuhan ng ride-

sharing app na Angkas.

3.2 Mga tauhan ng pananaliksik


Upang lubos na maunawaan ng mga mananaliksik ang mga pananaw ng mga

mamamayan ukol sa Angkas partikular na ang mga naidudulot nito sa kanilang

kaligtasan, at kanilang tradisyon sa transportasyon, nag sagawa ang mga mag-aaral ng

birtwal na pakikipanayam. Ang mga primaryang tauhan ng pananaliksik na ito ay

binubuo ng mga Angkas Riders, Angkas Users, ilang mga opisyal ng gobyerno, at

maging ang mga iba pang nagtatrabaho sa ilalim ng industriyang lokal na pampublikong

transportasyon. Pinalad ang grupo na makipanayam ang ilan sa mga tauhang nabanggit

na higit na naapektuhan sa pag usbong ng Angkas. Mayroong sampung (10) Angkas

Riders at dalawampung (20) Angkas Users na nakilahok.

3.2.1 Angkas Users


Ang mga Angkas Users ay maaaring hatiin sa dalawang grupo, iyong mga mag-

aaral at ang mga mayo de edad o ang mga Angkas Users na may sapat na gulang

upang mag trabaho. Ito ay tinukoy upang mas maunawaan ng mga mananaliksik

ang kanilang mga tugon sa naturang panayam. Maging ang kanilang pang isang

buwang badyet ay tinukoy rin. Ang mga datos na ito ay maaaring makatulong

upang maiugnay at mapagtibay ang kanilang mga kasagutan sa panayam ukol sa

mga salik na nakaaapekto ng kanilang patuloy na pagtangkilik sa serbisyo ng

Angkas. Dahil dito, maaaring makahinuha ang mga mananaliksik ng konklusyon


sa kung ano ang mga puntos na nakapag-aangat sa Angkas sa kabila ng pag-

usbong ng iba’t ibang ride sharing apps.

3.2.2 Angkas Riders


Siniyasat ng mga mananaliksik ang mga salik na maaring nakaaapekto sa

paggamit ng mga Angkas Riders ng Angkas bilang plataporma upang kumita. Maari

namang mahati ang mga nakilahok na Angkas Riders sa dalawang grupo, ang mga may

karanasan na sa pagtatrabaho sa ibang ride sharing apps, tulad ng Grab at Uber, at iyong

mga Angkas lamang ang nasubukan. Ito ay partikular na tinukoy upang mag karoon ng

mas malamlim na pang unawa sa kanilang pananaw sa Angkas. Dahil dito, maaaring

matukoy ng mga mananaliksik ang mga puntos na kung saan ay higit na nakaaangat ang

Angkas at ang mga kadahilanan kung bakit Angkas ang kanilang napiling primaryang

pinagkukunan ng kita sa kasalukuyan.

3.3 Sampling Method


Upang mabilis at maayos na makapangalap ng datos ang mga mananaliksik, kanilang

nilimitahan ang pangangalap ng datos sa mga mamamayang may karanasan na sa Angkas. Sa

halip na Random Sampling, kanilang tinutukan ang mga grupong kinabibilangan ng mga

pangunhing tauhan ng pananaliksik. Ang pamamaraan na ginamit para sa pananaliksik ay

Purposive Sampling. Ayon kina Etikal et. al. (2016), ang Purposive Sampling ay kapaki-

pakinabang para sa mga pananaliksik na mayroong limitadong mapagkukunan ng datos at oras

upang mangalap ng datos. Dagdag pa nila, ito ay karaniwang ginagamit sa mga pananaliksik

kung saan ang mga respondante ay pinili batay sa layunin ng pananaliksik, at kung saan

inaasahan na ang mga kalahok ay mayroong magbibigay ng iba’t ibang natatanging datos (Etika

et. al., 2016).


3.4 Instrumentasyon
Upang mabilis at maayos na maisagawa ng mga mananaliksik ang pakikipanayam, sila ay

gumawa ng birtwal na panayam o online survey. Ang naturang birtwal na panayam ay nilikha

gamit ang Google Forms kung saan maaari nilang isapersonal ang mga nilalamang katanungan

nito. Ang link naman nito ang siyang ipinamahagi sa mga kalahok na siyang magdidirekta

sakanila sa form kung saan nila isusumite ang kanilang mga kasagutan. Ang mga kasagutang ito

naman ay awtomatikong itinatala ng Google Form sa oras na matapos at isumite ito ng

manlalahok. Ang form na ito ay ipinangalap ng mga mananaliksik sa kani-kanilang grupo at mga

kakilala sa pamamagitan ng social media, partikular na ang facebook. Ito ang kanilang napiling

social media sapagkat sa kanilang palagay ay mas maraming mamamayan ang kanilang maaabot

dito kumpara sa ibang social media. Base sa pananaliksik ni Clement (2020), ang facebook pa rin

ang nangunguna sa dami ng mga aktibong miyembrong gumagamit nito sa buong mundo kung

saan halos 2.5 Bilyong katao ang tumatangkilik sa serbisyo nito. Bukod pa rito, ayon kay Niu

(2019), ang facebook, ay maaring maging isang epektibong midyum para sa mga akademikong

usapin kung kaya’t ang pagsasagawa ng pananaliksik dito ay mas mainam.

3.5 Paraan ng Pangangalap ng Datos


Bago pa isinapubliko ng mananaliksik ang link para sa birtwal na panayam, sila’y

kumonsulta muna sa kanilang propesor upang masiguro ang kaayusan nito. Ang mga

mananaliksik ay nagtulong-tulong upang maisama ang mga katanungan na sa palagay nila ay

higit na makatutulong upang maabot ang kanilang mga layunin. Dumaan ang kuwestyonaryo sa

maraming pagsasaayos. Matapos maaprubahan ng propesor ang bagong kwestyonaryo, ay agad

itong isinapubliko ng mga mananaliksik sa iba’t ibang pahina ng Angkas sa facebook na kanilang

sinalihan para sa panayam. Kanila rin itong ibinahagi sa kanilang mga kakilala na maaaring

gumagamit ng serbisyo ng Angkas.


KABANATA IV

Presentasyon at Pagsusuri ng Datos

I. Presentasyon ng Datos

A. Angkas Riders

a. Propayl

Edad, Kasarian, at Kita kada Buwan

Makikita sa Grap 1, Grap 2, at Grap 3 ang edad, kasarian, at kita kada buwan ng mga

tumugong Angkas rider. Gamit ang impormasyong ito, maaaring makita propayl ng mga rider at

ang pagkakapareho nila. Mula sa sampung (10) Angkas rider na sumagot sa sarbey, lahat sa

kanila ay lagpas trenta (30) anyos. Apat (4) ang may edad na nasa 31-35 anyos, habang anim (6)

naman ang nasa 36-40 anyos. Maaaring sabihin dito na may kadalasang ang mga rider ng

Angkas ay medyo may edad na. Bukod pa rito, sampu (10) o lahat ng tumugon na Angkas rider

ay lalaki. Upang masuri nang mas masinsinan ang kundisyon ng mga Angkas rider, naitanong rin

ang tungkol sa kanilang kinikita kada buwan. 5 (50%) sa mga tumugon ay nagsasabing ₱15,001–

₱20,000 ang kanilang nagiging kita. Mayroon 3 (30%) na nagsagot ng ₱5,001–₱10,000, ang

pinakamababang pinagpilian, at 1 (10%) ang nagsagot ng pinakamataas na naging resulta na

₱20,001–₱25,000. Mula sa impormasyong ito, maaaring sabihin na ang kitang naidudulot sa

Angkas ay talagang depende sa rider. Ang paraan ng pagsweldo sa Angkas ay hindi nakatakda;

ito ay nakadepende sa etika ng pagtrabaho ng mga rider at sa mga pipiliin nilang desisyon sa

pagtanggap ng mga booking. Maaari ring ang mga sumagot ng mas mataas na suweldo ay may

iba pang paraan ng hanapbuhay maliban sa Angkas.


b. Pagtangkilik sa Angkas

Paraan kung Paano Nadiskubre ang Angkas

Makikita sa Grap 4 na anim (6) sa mga tumugon ang nagsagot na nadiskubre nila ang

Angkas sa pamamagitan ng online advertisement, tatlo (3) ang sumagot sa paraan ng social

media, dalawa (2) ang nagsabing inalok ito ng kanilang kaibigan, at tig-isa ang nagsagot ng sa

pamamagitan ng pamilya at pagkakita sa Bonifacio Global City (BGC).

Petsa ng Simula ng Pagtrabaho sa Angkas

Upang maibuod ang nag-iibang mga tugon, ginamit ang table para maipresenta ng

maayos ang datos. Nakalista sa Talahanayan 1 ang iba-ibang tugon ng mga rider kung kailan sila

nagsimulang magtrabaho bilang Angkas rider. Lima (5) o kalahati sa mga tumugon na Angkas

rider ay nagsimula sa taong 2019, na nangangahulugang halos wala pang isang taon nagtatrabaho

bilang Angkas rider ang mga ito. Dalawa (2) ay nagsimulang magtrabaho sa Angkas noong

2018, at isa (1) naman ay nagsimula noong 2017 pa.

Mga Komento sa Proseso ng Pagiging Angkas Rider


Makikita sa Listahan 2 ang mga naging komento ng mga Angkas riders ukol sa proseso

ng pagiging Angkas rider. Mula sa 10 rider na nainterbyu, nakalista dito ang pinakamadalas

nilang naging sagot. Ang pinakamadalas na naging sagot ng mga rider ay mga komentong

nagdedetalye na maayos at istrikto ng proseso ng pagiging Angkas rider, malaking tulong sa

pagtataguyod ng pamilya, at hinid mahirap mag-apply sa posisyong Angkas rider.

1. Maayos at istrikto ang proseso

Karamihan sa mga tumugon ay nagsabing maayos at istrikto ang proseso ng pagiging

Angkas rider. Ang isang tumugon ay nagsabing nahirapan pa siya sa una, ngunit dahil sa
patnubay ng mga trainer, mas napadali ang gawain nila. Nabanggit rin ng isa na nagsasagawa ng

mahigpit na training ang kumpanya para sa kanilang proseso ng pagtanggap ng aplikante.

“Mahirap sa una pero kung pakinggan mo at intindihin maigi ang sinasabi ng

trainor madali isa lang naman ang gusto nila mangyare safety at kaligtasan nyo ng

cs kailangan defencive driving ka.lahat dapat anticipated mo ang pwd

mangyare..” –Raden Diawara Apa-ap, Angkas rider mula Hulyo 2019

Sabi naman ng isang kalahok na bago pa makapasok bilang Angkas rider, maliban sa

mga ipapasang mga dokyumento, kailangan matagumpayan ng mag-aapply ang driving test.

“Sa proseso mahirap kasi kailangan mong ipasa ang driving or skill test. Hnd

porke nakapag pasa ka ng complete requirements at government clearances ay

okay kana. Pag bumagsak ka sa skill test, balewala ang requirements.” –

Chanelvey Aranjuez Luceñada, Angkas rider mula Mayo 2019

Sumasang-ayon ang isa pang kalahok, at idiniin kung gaano kahalaga ang kaligtasan sa

kanilang trabaho.

“Mahirap at mahigpit ang mga pag dadaanan mo bilang isang angkas biker..at

andyan n din ung susubukin yung kakayanan mong mag dala ng pasahero ng

ligtas don mhigpit sila sa bagay n ganun...at para skin ok un” –Bernard Rebuta

Coso (Rider #10), Angkas rider mula Setyembre 2019

2. Nakatulong sa pagsuporta sa pamilya

Ang bawat tao ay nagtatrabaho upang makakuha ng sweldo na makatutulong sa mga

gastusin ng indibidwal o pamilya. Ang Angkas ay ang kumpanyang pinili ng mga Angkas rider

para pagtrabahuhan. Mayroon dalawang kalahok na natuwa sa naging epekto ng pagtatrabaho sa

Angkas at nagsagot na nakatulong ito sa kanilang pamilya.


“Malaking tulong sa pagtataguyod ng pamilya” –Reynaldo Cruz Jr. (Rider #4),

Angkas rider mula Enero 2019

3. Hindi mahirap mag-apply

Sabi ng isang kalahok na madali lang mag-apply para maging isang Angkas rider. Ayon

sa opisyal na website ng Angkas, dapat munang pasok ka sa kwalipikasyon, magpasa ng mga

dokumento, at magkaroon ng pagmamay-ari ng Android cellphone na version 6 pataas.

Pagkatapos ayusin ang application form, gagawa ang mga administrator ng iskedyul ng interbyu

sa opisina ng Angkas, kung saan isasagawa na rin ang safety training at skill assessment

(Angkas, w.p.).

c. Paghahambing ng Angkas sa ibang Ride-Sharing Apps

Karanasan sa Ibang Ride-Sharing Apps bilang Rider

Makikita sa Grap 2 ang porsyento ng mga rider na nagtrabaho para sa ibang kumpanya sa

merkado ng ride-sharing. 2 (20%) lamang ng mga tumugon ang nakapagtrabaho na sa iba pang

ride-sharing app. Sa Listahan 3 naman makikita ang mga pangalan ng mga kumpanyang dating

pinagtrabahuhan ng mga tumugon. Kabilang dito ang Grab Food at Grab Express, parehong

dibisyon ng ride-sharing app na Grab, at Foodpanda, isang food delivery service.

Kalamangan ng Angkas (Listahan 4)

1. Kaalaman at tagal ng Angkas sa merkado

Ang Angkas ay ang naunang ride-sharing app gamit ang mga motorsiklo sa Pilipinas. Ito

ay itinatag noong 2017 at hanggang ngayon ay ginagamit at tinatangkilik pa rin ng marami

(Angkas, w.p.). Dahil sa lumipas na 3 taon, maraming naging karanasan ang Angkas na

nakatulong sa paraan ng pagpapatakbo ng kanilang negosyo. Maliban dito, nagdulot ng


kalamangan ang 3 taong pagpapatakbo ng Angkas sa ngayon dahil naitatag na nila ng kanilang

reputasyon sa merkado bilang kombenyente at mabilis na alternatibo sa pampublikong

transportasyon.

“kase matagal na sila at sila lang ang una” –Rider #2, Angkas rider mula 2018

“Siguro sa tagal na at nauna si angkas in short mas experyensado si angkas” –

Raden Diawara Apa-ap, Rider #1, Angkas rider mula Hulyo 2019

2. Madaling kumita

Ang sistema ng sweldo sa Angkas ay hindi nakatakda; ito ay depende sa bilang ng mga

pasaherong maseserbisyuhan ng isang rider sa biyahe. Upang mabawi ang ginastos ng rider sa

aplikasyon at mga kwalipikasyon tulad ng motorsiklo at cellphone, kailangan ng rider magbiyahe

ng maraming pasahero dahil ang kanyang sahod ay nakadepende sa kanyang kahusayan sa

trabaho.

“Sa angkas madali kumita basta masipag ka lng” ––Reynaldo Cruz Jr. (Rider #4),

Angkas rider mula Enero 2019

3. Pagkakaroon ng app

Katulad ng mga kakompetensya ng Angkas sa merkado ng ride-sharing, gumagamit ang

Angkas ng application o app upang mapadali at mapaginhawa ang trabaho ng mga rider. Kung

ikukumpara ang Angkas sa pampublikong transportasyon, mas mahirap ang nararanasan ng mga

drayber ng pampublikong transportasyon dahil hindi garantisado na makakasakay sila ng

pasahero sa isang lugar. Sa tulong ng app, may seguridad ang mga riders na may pasaherong

aabangan.

“Sa Angkas, Passenger app sya so madali kasi hnd kna pipila sa restaurant para

kunin ang orders mo. Madali lang kumuha ng booking kasi pagka drop off ng
passenger, may papasok din agad ng panibagong passenger sa application.” –

Chanelvey Aranjuez Luceñada (Rider #6), Angkas rider mula Mayo 2019

Mga Pagsubok sa Pagiging Angkas Rider (Listahan 5)

1. Pagkukulang ng App (malalayong pick-up points at fake booking)

Ang app ng Angkas ay hindi perpekto; ito ay maaaring maabuso ng iba’t ibang pasahero.

Problema ng isang nainterbyung rider ay ang pagbibigay ng malayong pick-up point ng app at

pagkakaroon ng fake booking.

2. Trapiko at iba-ibang sitwasyon sa kalsada na nakakasagabal

Matagal ng problema ang trapiko sa Pilipinas. Ito ay isa sa mga naging pangunahing

rason kung bakit itinaguyod ang Angkas—upang mapabilis ang biyahe ng mga pasahero gamit

ang mga motorsiklong madaling nakakadaan at nakakasingit sa trapiko.

3. Ugali ng mga pasahero

Hindi lahat ng nagiging pasahero ng mga rider ay may kaaya-ayang pakikitungo.

Karaniwang sagot ng mga rider na ang ugali ng mga pasahero ay nagiging hindi magandang

karanasan sa kanilang trabaho. Halimbawa na dito ang mga pasaherong nagmamadali at

minamadali ang kanilang Angkas rider, sa puntong nasasabihan na ang rider ng hindi

magagandang salita o pinapakitaan ng hindi magandang ugali. Bilang isang trabahong malapit sa

disgrasya, inuuna ng rider ang pag-iingat sa pagmamaneho para makarating ng ligtas ang

pasahero sa kanyang patutunguhan.

“Madalas ung mga pasaherong gustong mka'rating agad sa patutunguhan nila ng

mbilis...pero alanganin sa takbong nararapat lang sa daan...kya pina'paintindi ko

sa knila ng maige n...hindi kya ang ganong kdali mararating ang kanila
distinasyon lalo na't malayo at ma'trafic....isa nlang isi'nasagot ko sa knila pag

mkulit(may anak po akung nag hihintay sa aking pag uwi sana po maintindihan

nio hangad ko ang makarating tayo ng ligtas sa ating distinasyon)”–Bernard

Rebuta Coso, Rider #10, Angkas rider mula Setyembre 2019

“Tapos yung ibang pasahero nagmamadali kasi male-late na daw sa work nila.

Bale following company standards lang po talaga para hnd po maliligaw at para

hnd makakagawa ng violation.”–Chanelvey Aranjuez Luceñada (Rider #6),

Angkas rider mula May 2019

Nagiging isyu rin ang paglabag sa patakaran ng Angkas para sa mga pasahero, mas lalo

na sa kasuotan. May paalala ang Angkas ukol sa kasuotan ng mga pasahero dahil maaari itong

maging dahilan ng disgrasya o isyu sa kalinisan ng katawan na maaaring magdulot ng sakit o

karamdaman.

“Sa pasahero, yung iba makukulit.. Madalas yung pagsusuot ng naka tsinelas,

syempre hnd ko pinapasakay kasi nakasalalay din ang lisensya ko kung ako ay

nasita sa checkpoint, at pag na picture ran ako ng admin ni Angkas pwede akong

masuspinde ng 7-days for first offense. Panganib ng trabaho” –Chanelvey

Aranjuez Luceñada (Rider #6), Angkas rider mula May 2019

Bilang tulong sa mga rider, ang mga pasahero ay inaasahang makapagbibigay ng

eksaktong pamasahe o kahit halagang malapit sa siningil. Hindi man ito kinakailangan, ito ay

inaasahan. Sa ngayon, hindi pa tumatanggap ang lahat ng Angkas rider ng credit card o online

payment katulad ng GCash, atbp. Dahil marami silang binabiyahe, maaaring walang maisukli

nang tama ang mga rider. Ayon sa mga naging sagot ng mga ininterbyu, nagiging problema pa
rin para sa kanila ang mga pasaherong hindi nagbibigay ng tamang pamasahe.

4. Panganib sa trabaho

Katulad ng mga nasabi sa naunang sagot, ang pagmamaneho ng motorsiklo ay isang

trabahong mapanganib. Ang motorsiklo ay mas mapipinsala sa isang aksidente dahil ito ay

nakalantad at walang matibay na katawan, kumpara sa kotse na kahit papaano ay may

proteksyon.

Mga Rekomendasyon sa Pagpapabuti ng Angkas

Makikita sa Listahan 6 ang mga naging rekomendasyon ng mga Angkas rider sa

maaaring ipagpabuti ng Angkas sa kanilang serbisyo. Ang unang rekomendasyon ay ang

pagpapalawak ng komunikasyon sa mga nakatataas na posisyon. Ang mga rider ay may sari-

sariling alalahanin na hindi kaagad naririnig ng mga nasa mataas na posisyon. Bilang empleyado,

natural lamang na gustuhin ng mga tauhan nito na mapakinggan ang kanilang mga tanong at

inaalala. Sunod, nanghihingi ang mga rider ng dagdag na incentive o benepisyo upang mas

mapaganda ang sistema ng kanilang bayad. Sa huli, nagrekomenda ang mga rider na pagandahin

pa ang Angkas app, mas lalo na sa pagdagdag ng “Set Destination”, kung saan magiging

limitado ang makukuhang inaalok na pasahero sa app ayon sa iyong piniling lugar.

d. Kalidad ng Karanasan sa Pagtangkilik sa Angkas

Kaligtasan ng Angkas

Sa Grap 6, makikita ang resulta ng mga tumugon ukol sa kaligtasan ng Angkas. Nang

tanungin kung talaga bang ligtas ang Angkas, siyam (90%) mula sa sampu ay siniguradong ligtas

ito, habang ang natitirang isa (10%) naman ay nagsabing hindi garatisado ang kaligtasan nito.

Nang tanungin ang dahilan kung bakit ito ang naging sagot, binanggit ng mga sumagot ng “oo”
na nasiguradong ligtas ang Angkas dahil nasusunod ang patakaran ng Angkas bilang kumpanya,

maingat ang driver, pagkakaroon ng disiplina, at pagdaan sa mahigpit na training at assessment

safety seminary ng mga rider. Ang isa namang nagsagot ng “hindi” ay dinahilan na wala namang

masasabing ligtas na trabaho, ngunit iginiit niya na kayang maiwasan ang aksidente bilang rider.

Makikita ito sa Listahan 7.

Mga Hindi Magandang Karanasan sa Pagiging Angkas Rider

Ayon sa Grap 7, pito (70%) ng mga sumagot na Angkas rider ay nagakaroon na ng hindi

magandang karanasan habang nagtatrabaho. Tatlo (30%) naman ang bilang ng mga rider na hindi

pa nagkakaroon ng isyu sa trabaho. Makikita naman sa Listahan 8 ang mga naging hindi

magandang karanasan ng mga sumagot ng “oo.” Kasama dito ang dual booking, kung saan

bukod sa Angkas, isa pang serbisyo ang may booking ang pasahero at kung ano man ang mahuli,

biglaang tatalikuran ang nahuling booking. Mayroon ring isyu ukol sa sexual harassment o

paghihipo ng pasahero sa rider. Ang pangunahing rason naman ay ang hindi magagandang ugali

ng mga pasahero, na maaring pagtrato sa mga rider nang walang respeto o kaya naman ang

pagkakamali sa paglagay ng pick-up location, na nagiging dagdag-hirap sa mga rider.

3.1.5. Mga Kondisyong Nakakaapekto ng Hanapbuhay

Naitutulong ng Sahod Mula sa Angkas sa Pang-araw-araw

Ayon sa Listahan 9, naging halo ang mga sagot sa tanong ukol sa pagiging sapat ng

sahod mula sa Angkas. Sabi ng isa na sapat ito para sa araw-araw na gastusin, at sabi naman ng

isa na nakatulong ang Angkas sa pagkadoble ng kanyang lumang kinikita. Para naman sa mga

sumagot na hindi ito sapat, ang isa ay nagdahilan na yung deduksyon ng Angkas ay may

malaking epekto sa kanilang net income, habang ang isa naman ay sumagot na humina ang
kanilang kita dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa

COVID-19.

Sa Listahan 10 naman makikita ang mga benepisyo ng pagtatrabaho ng mga rider sa

Angkas. Mula sa mga sagot, may bilang na nagsabi na wala silang natanggap na benepisyo

katulad ng SSS o Philhealth. Sa iba naman, ang naging benepisyo nila sa pagtatrabaho sa Angkas

ay ang kontrol nila sa sarili nilang oras at ang malasakit na pinapakita ng kumpanya sa mga rider.

May isa namang nagsabi sapat ang mga benepisyong natatanggap ngunit kinakailangan parin ng

ibang pinagkukuhan ng kita.

3.2 Angkas Users

3.2.1. Propayl

Edad, Kasarian, Okupasyon, at Badyet kada Buwan

Makikita sa Grap 8, dalawampu’t dalawa (20) na Angkas users na sumagot ng sarbey,

labing walo (18) sa kanila ay mayroong edad na 20 taon o mas bata pa rito. Habang isa (1)

naman ay nasa edad na 21-25 taong gulang, at saka isa (1) naman ay nasa edad na 26-30 taong

gulang na. Dito makikita na mas marami ang mga kabataan na gumagamit ng Angkas, kumpara

sa mga may edad na.

Mula sa Grap 9, ayon sa mga Angkas users na sumagot ng sarbey, mula sa labing dalawa

(20) na sumagot, 65% sakanila ay babae, o nangangahulugan na labing tatlong (13) Angkas

users. Sa kabilang dako naman, 35% sa kanila ay mga lalaki, o tumutumbas sa pitong (7) Angkas

users. Kung pagmamasdan, maaaring makita ang datos na ito na nagpapahiwatig na mas

maraming babae ang tumatangkilik sa ridesharing app na Angkas, kumpara sa mga lalaki.
Naipapakita sa Grap 10 ang mga okupasyon o trabaho ng mga pasahero ng Angkas. Mula

sa labing dalawa (20) na sumagot dito, 90% o katumbas na labing walong (18) Angkas users ay

mga estudyante o mag-aaral. 5% naman, o katumbas na isang (1) Angkas user ay nagtatrabaho

na, ay saka 5% naman, o isang (1) Angkas user ay isang casino dealer.

Nasasaad sa Grap 11 ang mga badyet ng pasahero ng mga Angkas users sa isang buwan.

Mula sa labing dalawa (20) na Angkas users na sumagot ng sarbey, 65% sakanila, o katumbas na

labing tatlong (13) Angkas users ay mayroong badyet na bumababa sa ₱10,000. Makikita rin dito

na 30% sakanila, o nangangahulugan na anim (6) na Angkas users, ay mayroong buwanang

badyet na ₱10,001- ₱20,000. Mayroon namang 5%, o isang (1) Angkas user ang mayroong

buwanang badyet na humihigit sa ₱20,001.

3.2.2. Pagtangkilik sa Angkas

Paraan Kung Paano Nadiskubre ang Angkas

Maikikita sa nakalap na datos na ipanapakita ng Grap 12, lampas 15 sa mga gumagamit

ng Angkas ay nadiskubre ang ride-sharing app mula sa mga kaibigan. Kasunod nito ang

pagkakaalam nito sa social media. Ipinapakita dito ang lakas ng verbal marketing o ang proseso

ng pag eendorso ng isang produkto o negosyo sa pamamaraan ng salita o pagkakarinig nito mula

sa iba’t iba. Makikita mula sa datos na ito ay mas epektibo ang pasa-pasamahan ng impormasyon

kaysa sa Online Adverstisement na binabayaran ng Angkas Philippines.

Tagal ng Paggamit ng Angkas

Mula sa datos na makikita sa Listahan 11, ang pinakamatagal na gumagamit mula sa

respondante ay tatlong (3) taon at ang pinakamaikli ay tatlong (3) buwan. Ang pinakamarami sa
mga sumagot ay halo dalawang (2) taon na gumagamit ng Angkas . Maipapakita sa datos na ito

na matagal ng tinatangkilik ang Angkas at patuloy paring dumadagdag ang mga gumagamit nito.

Kadalasan ng Paggamit ng Angkas kada Linggo

Makikita mula sa Grap 13 ang datos na nagsasabi kung ilan sa isang linggo gumagamit

ang mga respondante ng Angkas. Nalaman mula rito na walumpung porsiyento (80%) ang

gumagamit 1-2 beses kada linggo, limang porsiyento naman ang 3-5 beses at labing limang

porsiyento naman ang 6-7 beses. Mula sa datos na ito ay makikita ang pangangailangan sa

transportasyon na tinutugunan ng Angkas. 15% sa datos ay tatlo o mas marami pang beses

gamiting ang Angkas sa isang linngo ngunit maikita naman rito na ang malaking porsiyente ay

madalang lang kung gamitin ito.

Dahilan sa Pagtangkilik sa Angkas

Mula sa Grap 14, makikita na ang primaryang rason ng mga sumagot kung bakit sila

tumatangkilik ng Angkas ay ang mababa nitong pamasahe kumpara sa ibang mga ride-sharing

App katulad ng Grab at ang persepsyon na mas mabilis ang motorsiklo kaysa iba pang uri ng

transportasyon. Makikita dito kung ano ang mga malaking suliranin na sinasagot ng Ankas sa

mga komyuter, ito ang sagot sa pamasahe at ang matagal na oras na nasasayang sa trapiko.

Tulong na Naidudulot ng Angkas sa Pang-araw-araw

Sa Listahan 12, makikita na ayon sa mga respondante ng sarbey ang Angkas ay

napapakinabangan dahil maasahan mo ito tuwing nagmamadali kasi mas mabilis ang biyahe

gamit ang motorsiklo sa trapiko at mas mura ang pamasahe ng Angkas kumpara sa iba.

Naipapakita dito na ang pinakamalaking tulong mula sa persepsyon ng mga kustomer nito ang

pagiging mabilis nito sa biyahe at ang murang pamasahe.


3.2.3. Paghahambing ng Angkas sa Ibang Ride-Sharing App

Kalamangan ng Angkas sa Ibang Ride-Sharing App

Batay sa mga nakalap na tugon hinggil sa kalamangan ng Angkas na matatagpuan sa

Listahan 13, ang tinukoy ng mga respondante bilang mga bentahe nito ay ang paggamit ng

Angkas ng mga single na motorsiklo bilang pangunahing midyum ng paghahatid ng serbisyong

lohistiko sapagkat mas mabilis itong nakalulusot sa mga traffic kung kaya at napabibilis nito ang

biyahe. Kaakibat na rin nito ang murang pamasahe at ang pagtangkilik nito sa mga espesyal na

diskwento (hal. Pang-estudyante). Bukod sa mura at mabilis ang serbisyong hatid nito, marami

ring riders ang Angkas kaya’t nababawasan nito ang oras ng paghihintay ng masasakayan; at

panghuli, naitalaga na ng Angkas ang reputasyon nito bilang isang maasahang plataporma.

Mungkahing Pagpapabuti sa Angkas

Naipapakita ng Listahan 14, kung ano pa ang pwedeng pagbutihin ng kumpanya ayon sa

mga mananakay nito. Makikita sa listahan na ang mga respondante ay nagsasabi na siguraduhin

na matibay at malinis ang mga safety equipment na ginagamit dahil sa maraming gumagamit nito

at nakababad sa sikat ng araw, ang paggamit ng helmet na hindi malinis ay isang alintanang

pangkaligtasan. Dahil rin madalas ang mga aksidente sa pagsakay sa motorsiklo, ang mga

kustomer ng Angkas ay gustong mas mapatibay ang kanilang kagamitan sa kaligtasan. Dagdag

pa rito ang pananawagan nila na ayusin ang interface ng app dahil madalas silang nakakaranas

ng mahirap na booking dahil hindi gumagana ang Angkas na App at kakaunti ang bilang ng mga

rider. Kasunod nito ang mas pagpapabuti ng kumpanya sa pagsanay sa kanilang rider at ang pag-

update sa kanilang mga proseso ng pagbayad.

3.2.4. Kalidad ng Karanasan sa Pagtangkilik sa Angkas


Kaligtasan ng Paggamit ng Angkas

Mula sa Grap 15, sinasabi ng lahat ng respondante na ligtas ang paggamit ng Angkas at
maaring isa din itong dahilan kung bakit nila ito tinatangkilik.

Ebidensya ng Kaligtasan ng Paggamit ng Angkas

Ayon sa Listahan 15, isang daang porsiyento (100%) ang sumasang-ayon na Ligtas

gamitin ang angkas. Mas malamimang pagdedetalye ang maihahatid ng Appendix ____ sa mga

dahilan kung bakit nila ito nasabi. Ang pangunahing sagot ng mga respondante ay ang mahigpit

na regulasyon at pagsasanay ng kanilang mga motoristo upang masigurado ang kaligtasan nila at

ng kustomer. Kasama na rin dito ang paggamit ng Angkas ng kagamitang pangkaligtasan na

malinis at matibay.

II. Pangkalahatang Pagsusuri ng Datos

Ang nakalap na propayl ng mga Angkas rider ay may mga pagkakapareho. Una sa lahat,

ang edad ng mga kalahok ay karaniwang nasa 30 hanggang 39. Ang edad na ito ay

nangangahulugang Sa ating bansa, ang pagiging drayber or rider ay nakikita bilang trabaho para

sa kalalakihan ayon sa katangian ng trabaho at mga gender roles na pinaniniwalaan sa lipunan.

Pinapatunayan to sa isang pananaliksik ni Granie at Papafava (2011), kung saan natuklasang may

paniniwala na ang mga lalaki ay mas mahusay sa pagmamaneho, kaya’t ang pagmamaneho ay

tinutukoy bilang isang panlalaking tungkulin. Pati ang kanilang sahod ay may pagkakapareha, na

maiuugnay sa pakikibagay ng trabaho bilang Angkas rider. Ang mga pasahero naman ng Angkas

ay karaniwang mga estudyanteng at nagtatrabaho, edad na 20 at mas bata, kung sana ang

karamihan ay may badyet na mas pababa sa Php 10,000 kada buwan. Mula pa lang sa propayl na

ito, maaaring makita ang pangangailangan ng mga kalahok sa mabilis at murang transportasyon,

ayon sa kanilang mga okupasyon.


Pagtangkilik sa Angkas

Ang Angkas ay tiyak na sikat sa masa ngayon, at maraming tumatangkilik sa serbisyong

ito, rider man o pasahero. Nagpakilala ang Angkas sa mga tao sa pamamagitan ng online

advertisement at social media, kung saan ang kanilang naging estratehiya ay maglaan ng badyet

at tauhan para sa advertisement, katulad ng Angkas Twitter page at mga nakakaaliw na patalastas

upang mapukaw ang atensyon ng mga tao. Napatunayan ang pagiging epektibo ng online

advertising sa isang pananaliksik ni Anusha (2016), kung saan nailahad ng datos na maraming

tao ang gumagamit ng internet at dahil dito, madali at mabilis ang pagkalat ng impormasyon ukol

sa isang produkto o serbisyo.

Sa mga tumugon, karamihan ay matagal ng gumagamit ng Angkas at madalas piliin ang

serbisyo nito. Dahil dito, naipakita na may kwalipikasyon at sapat na eksperyensa ang mga

tumugon para saguting ang mga tanong ukol sa paggamit ng Angkas. Sa perspektibo naman ng

mga pasahero ng Angkas, ang mga pangunahing dahilan sa kanilang pagtangkilik sa Angkas ay

ang bilis ng biyahe at murang pamasahe kumpara sa ibang ride-sharing apps. Bukod rito,

napaginhawa pa ng serbisyo ng Angkas ang pang-araw-araw na hinaharap ng mga pasahero nito

dahil sa mga dahilan na ito.

Karamihan sa mga tumugon sa sarbey ay mga baghang empleyado, na halos wala pang

isang taong nagtatrabaho bilang rider. Ang proseso ng pagiging Angkas rider ay may mga

hadlang kailangang malagpasan. Karamihan sa mga tugon ay nagsabing ang proseso bilang

maging isang rider ay mahirap sa una dahil sa pagiging istrikto nito. Ang kahigpitan ng

pagsasanay sa mga rider ay isang patunay na inuuna ng Angkas ang kaligtasan ng rider at

pasahero nito.
Paghahambing ng Angkas sa Ibang Ride-Sharing App

Bilang karagdagang kaalaman, dalawa lamang sa sampung kalahok ang may karanasang

magtrabaho sa ibang kumpanya sa merkado ng ride-hailing. Dahil dito, maaaring hindi ganoon

kadetalyado ang mga tugon, at nangailangan ng kaunting karagdangang pananaliksik sa opisyal

na website ng Angkas. Bukod sa nabanggit na advertisement ng Angkas, ang bilang ng taon ng

kanilang operasyon at mga nakalap na karanasan ng Angkas sa panahong ito ay naging

kalamangan nila sa kumpetisyon. Ayon sa isang pag-aaral ni Politis at Gabrielsson (2005), may

positibong relasyon ang eksperyensa ng isang entrepreneur sa kahusayan nito sa pagpapatakbo

ng negosyo, mas lalo na sa pagkilala ng mga oportunidad para sa negosyo. Dahil dito,

masasabing ang eksperyensa ay benepisyo ng kumpanya; nasuportahan nito ang naging resulta.

Ang pagkakaroon ng app ay isa ring malaking kalamangan ng Angkas, mas lalo sa

pampublikong transportasyon. Sa isang pananaliksik ni Schmitz, Bartsch, at Meyer (2015),

tinalakay ang naging tulong ng mobile app at ang mga salik kung bakit mas pinipili ang isang

app kaysa iba. Isinaad dito na napadali at napabilis ng mga mobile app ang proseso ng

pagtangkilik sa isang serbisyo. Ito ay may pagkakapareho sa naging resulta ng sarbey. Dito,

pwedeng sabihin na ang teknolohiya ay may malaking naitulong sa sistema ng pagkomyut ng

mga tao, hindi lamang sa mga tumatangkilik sa Angkas, kundi pati na rin sa ibang kumpanya sa

ride-sharing na may sariling app.

Makikita rin sa mga resulta na ang Angkas ay isang madaling paraan upang kumita ng

pera. Ang kumpanyang Angkas ay kinokolekta lamang ang 20% ng bawat booking na

ginampanan ng rider bilang komisyon (Edera, 2018). Ayon sa isang artikulo mula sa

BusinessMirror, nakakatanggap ng humigit-kulang P1,500 ang mga full-time rider, habang ang
mga part-time rider naman ay kadalasang nakakasahod ng P800 pagkatapos ng humigit-kulang

3-4 na oras ng pagtatrabaho (Reyes, 2018).

Sa perspektibo ng mga pasahero, maliban sa mabilis na biyahe at murang pamasahe, may

kagandahan ang serbisyo nito mas lalo na sa kalinisan ng mga kagamitan. Dito maaaring sabihin

na ang kalinisan ay salik na tinitingnan ng mga pasahero sa pagpili ng pagtangkilik sa isang

serbisyo. May komento ring mababait ang mga drivers at ang bilang nila ay marami, kaya madali

at mabilis makapagbook ng biyahe.

Kalidad ng Karanasan sa Pagtangkilik sa Angkas

Tinalakay rin ang mga pagsubok na nararanasan ng Angkas rider at pasahero sa mga

resulta. Para sa mga Angkas rider, ito ay ang pagkukulang ng app, nakakasagabal na sitwasyon

sa kalsada, ugali ng mga pasahero, at panganib sa trabaho. Ang pagpili sa kung sino ang iyong

magiging pasahero ay hindi kontrolado ng Angkas rider, dahil ang app ang magpepresenta nito;

ang alam lamang ng isang rider ukol sa kanyang pasahero ay ang kanyang pick-up point at

destinasyon, na ipapakita ng app. Dahil dito, nakadepende ang serbisyo sa app, at kung ito man

ay hindi epektibo, maaapektuhan ang trabaho ng mga rider. Katulad ng isyu ng malalayong pick-

up point, ito ay mga pagkukulang na kayang solusyonan sa pagbabago ng inaalok na features ng

app. Katulad ng nabanggit sa nauna, ang trapiko ay pagsubok dahil ito ay ang sanhi ng matagal

na biyahe. Dahil sa pagsisiksikan ng mga kotse sa daan at sa liit ng motorsiklo, may panganib

ang trabaho nila dahil mas madali silang mabiktima ng aksidente. Sa huli, ang pag-uugali rin ng

mga pasahero ang isa sa pinakamalaking pagsubok na nararanasan ng mga rider. Ang

pagmamaliit o hindi magandang pakikitungo sa mga rider, mas lalo na kung pinaprayoridad lang

nila ang kaligtasan, ay nakakasakit sa damdamin ng mga rider.


Dahil dito, may rekomendasyon ang mga rider sa pwedeng pagbutihin ng Angkas. Isa na

dito ang solusyon sa naging problema ukol sa app—upang mas mapaginhawa ang mga riders,

nagrekomenda sila ng pagdagdag ng “Set Destination” na feature ng app kung saan magiging

limitado sa isang lugar ang papasok na pasahero sa kanilang app. Marami rin sa kanila ay

gustong palawakin ang komunikasyon sa mga may matataas na posisyon sa Angkas upang mas

mabilis marinig ang mga alalahanin ng mga rider. Nagresulta rin ang sarbey na kahit papaano,

ligtas ang serbisyo ng Angkas.

Sa mga pasahero naman, lahat ay tumugon na para kanila, ligtas ang Angkas. Ito ay dahil

sa naramdaman at nasaksi nilang pag-iingat ng rider, nakalaang safety accessories, at mahigpit

na mga regulasyon ng kumpanya. Dahil sa mga ito, maaaring sabihin na ang Angkas ay ligtas na

serbisyo, ngunit hindi dapat kalimutan na hindi ibig sabihin nito na ang kaligtasan ay hindi

laging garantisado, kundi ay hustong iniiwasan.

Karamihan sa mga Angkas rider ay nakaranas na ng hindi magandang karanasan sa

trabaho, ngunit ang nakalap na datos mula sa mga pasahero ay sumasalungat dito, kung saan

lahat ng tumugon ay wala pang masamang alaala sa serbisyo ng Angkas. Ang mga naging

masamang karanasan ng mga riders ay katulad sa mga naging resulta sa pagsubok na kanilang

hinaharap. Bukod sa hindi magandang ugali ng mga pasahero, isang malaking nagiging isyu ang

panghihipo at sexual harassment na naranasan. Dahil ang pagsakay sa motor ay pang dalawang

tao lamang, kinakailangan na maging malapit ang pasahero sa rider; sa ibang pagkakataon,

naaabuso ito ng ibang pasahero upang bastusin ang mga rider.

Mga Kondisyong Nakaaapekto sa Hanapbuhay ng mga Angkas Rider


Batay sa mga naging tugon ng mga Angkas riders, karamihan sa kanila ang nagsasabing

sapat o minsan ay sobra pa ang kanilang kinikita sa naturang kompanya kumpara sa kanilang

dating pinagtatrabahuhan. Subalit kapansin-pansing walang ibinibigay na benepisyong pang-

empleyado ang Angkas sa kanila, ang tanging tinukoy lamang nila na "benepisyo" ay ang mga

pagbabago sa kahilingan ng kanilang trabaho lalong-lalo ukol sa oras. Kung kaya ay ginamit nila

ang pagkakataong ito na ilahad ang kanilang mga hinaing hinggil sa isyung ito -- pagtatalaga ng

SSS, Philhealth, at iba pa.

Bagaman nagsisilbing sapat na pinagkukunan ng perang panggastusin ang Angkas,

kaakibat pa rin ng pagkayod nilang ito ang mga hindi maiiwasang balakid na kanilang

makahaharap sa tuwing sila ay nasa daanan na. Batay sa isinagawang interbyu, ang isa sa

pinakakaraniwang suliraning kanilang kinahaharap ay ang yaong patungkol sa booking -- Fake

booking at double booking. Ang dalawang ito, na binigyang-kahulugan sa nakaraang seksyon, ay

maituturing na malakas makapagpalugi sa mga rider sapagkat kakailanganin nilang mag-impok

ng oras at gasolina upang mapuntahan ang pick-up point na itinalaga ng user; at sa oras na sila ay

makarating, kanila na lamang na malalamang kinansela na pala ito user. Kaugnay na rin ng

suliraning ito ang pagtalaga ng mga user ng maling pick-up point na siyang lalong nagpapahirap

at nagpapatagal ng proseso ng mga Angkas rider na makapaghatid ng kanilang serbisyo.

Hinggil sa aspeto ng kanilang mga customer, may mga pagkakataong hindi maganda ang

pakikitungo ng mga ito sa kanila. Sa kadahilanang maliit ang espasyo sa pagitan ng rider at ng

user, mayroong mga user na ginagamit ito bilang kanilang oportunidad upang mambastos o

mang-abuso ng mga rider na siyang nakasisira sa karanasan ng rider at maaaring magdulot ng

trauma. Bilang pangkaragdagan, bukod sa panghaharass ay mayroong ring mga user na

nakapaglalabas ng mga hindi kaaya-ayang o karespe-respetong mga salita tungo sa kanila, tulad
na lamang ng tugon ng isang rider na kung saan ay tinawag siyang "bobo" ng kanyang customer

at pati na rin ang mistulang malaaliping pagtingin sa kanila ng mga ito.

Tungkol naman sa kaligtasan ng kanilang plataporma, ang kanilang paggamit pa lamang

ng motor bilang midyum ng pagpapatakbo ng mga lohistikong serbisyo ay may kaakibat nang

peligro, subalit wika ng mga nainterbyu ng mga rider, may tiwala sila sa husay ng pagsasanay na

ibinibigay ng Angkas para sa kanila upang kanilang matiyak ang kanilang seguridad sa daanan.

Bilang panghuli, ang masasabing pinakamahirap na balakid na kasalukuyang kinahaharap ng

mga rider ay yaong natural ang kalikasan, tulad na lamang ng epidemyang COVID-19. Wika

nila, matumal ang kanilang kinikita sa ganitong mga panahon sapagkat madalang ang mga

pasaherong nangangailangan ng kanilang serbisyo, maliban na lamang kung mayroong mga

establisimyentong nangangailangang magpahatid ng mga dokumento, produkto, at iba pang

gamit. At batay sa kaninang naisaad ng mga mananaliksik na walang benepisyong natatanggap

ang mga rider sa Angkas, maaaring magsilbing problema ito sa ganitong uri ng mga pangyayari

sapagkat pinapakita nito na hindi tuluyang protektado ang mga empleyado ng Angkas.

III. Interpretasyon ng Datos bilang Sagot sa mga Inilahad na Problema

Mula sa mga nakalap na datos o tugon sa pag-aaral, mapaghihinuhaang may malaking

naidulot ang Angkas sa pagbabago ng kulturang pangtransportasyon ng Pilipinas. Ang ilan sa

madalas na mabanggit na dahilan ng pagtangkilik ng mga pasahero at pati na rin ng mga

empleyado sa platapormang ito ay ang mas murang serbisyo nito kumpara sa mga kanyang mga

kakumpetensiya sa mercado at pati na rin ang magandang pag-uugali ng mga rider tungo sa

kanila. Bukod pa rito, masasama na rin bilang elemento ng pagtangkilik ang naitatag na

reputasyon o kasikatan ng Angkas sa masa sa pamamagitan ng mga platapormang online,


partikular na sa social media. Nalaman rin ng mga mananaliksik na mahigpit ang Angkas sa

pagpili ng mga rider nito kung saan ay pinapadaan muna sila sa puspusang pagsasanay bago sila

simulang pagtrabahuhin na siyang nakatitiyak sa kaligtasan ng parehong rider at pasahero sa

kanilang biyahe. Nakadaragdag din dito ang pagkakaroon ng Angkas ng sarili nitong aplikasyon

na nakaaambag sa lawak at dami ng maaaring gumamit nito pati na rin sa kainaman at kabilisan.

Kumpara sa mga tradisyunal na pamamaraan ng pampublikong transportasyon, napabibilis rin ng

Angkas ang pangkalahatang oras ng pagbiyahe sapagkat nakababawas ito sa dami ng sakay at sa

oras ng paghintay ng mga pasahero sa kanilang masasakyan patungo sa kanilang paroroonan.

Bilang pangkalahatan, ang pagpasok ng Angkas sa sistemang pampublikong transportasyon ng

bansa ay nagresulta sa pagyaman nito sapagkat nagsilbi ito bilang mas madali, mas ligtas, at mas

mainam na paraan ng transportasyon.

Kung susuriin naman ang mga ito sa lente ng balangkas teoretikal na ginamit sa

pananaliksik, makikita ang pagkakagamit ng mga prinsipyo ng Technological Determinism at

pati na rin ng Social Constructionof Technology. Para sa unang naisaad ng teorya, ang Angkas,

na siyang tinuturing na isang uri ng teknolohiya sa konteksto ng pananaliksik na ito, ang

nagtiyak ng pagbabago sa paggalaw o tradisyon ng mga tao, sa pananaliksik na ito, hinggil sa

kanilang pamamaraan ng transportasyon. Kung titignan naman ito sa pananaw ng Social

Constructionism, masasabing umusbong ang Angkas mula sa pangangailangan ngmgatao ng mas

mainam na pamamaraan ng paglalakbay, yaong makababawas ng oras at gastusin ng mga

mamamayan. Subalit, kung pagbabasehan ang mga naging tugon ng mga ininterbyu sa

pananaliksik na ito, mas makikita ang kalamangan ng paggamit ng mga konsepto ng

Technological Determinism sapagkat napapaloob sa pag-aaral na ito ang mga naging dulot ng

Angkas para sa mga karaniwang Pilipinong komyuter.


KABANATA V

Buod, Konklusyon, at Rekomendasyon


Sanggunian:

Adriano, A. M. M., & Su, C. C. (2017). Out with the Old, In with The New: A Study on The
Vehicle Hailing Preferences of Filipino Taxi Riders Based on Participation Intent.
International Journal of Real Estate Studies, 11(1), 75-81.

Angkas. (w.p.). About. Retrieved from https://angkas.com/become-a-biker/

Angkas. (w.p.). Become a Biker. Retrieved from https://angkas.com/become-a-biker/

Anusha, G. (2016). Effectiveness of Online Advertising. International Journal of Research –


Granthaalayah, 4(3), 14–21. Retrieved from
http://granthaalayah.com/Articles/Vol4Iss3/03_IJRG16_SE03_03.pdf

Canivel, R & Subingsubing, K.. (2019). PCC cautions against Angkas Cap. Retrieved March 26,
2020, from https://newsinfo.inquirer.net/1205918/pcc-cautions-against- angkas-cap?
utm_medium=Social&utm_source=Facebook#Echobox=1577318299

Clement, J. (2020). Global social networks ranked by number of users 2020. Social Media &
User-Generated Content. Retrieved from https://www.statista.com/statistics/272014/
global-social-networks-ranked-by-number-of-users/

CNN Philippines Staff. (2018). PH traffic may worsen, to cost ₱5.4 billion daily - JICA.
Retrieved March 26, 2020, from https://cnnphilippines.com/news/2018/09/19/JICA-s
tudy-traffic-5-billion.html

Cornell University (n.d.). Trevor J Pinch. Retrieved from http://sts.cornell.edu/trevor-j-


pinch.

CrashCourse. (2016). Compatibilism: Crash course philosophy #25. Retrieved from


https://www.youtube.com/watch?v=KETTtiprINU
CrashCourse. (2016). Determinism vs free will: Crash course philosophy #24. Retrieved
from https://www.youtube.com/watch?v=vCGtkDzELAI

Edera, E. (2018, December 2). It’s a road to a better life. Manila Bulletin. Retrieved from
https://news.mb.com.ph/2018/12/02/its-a-road-to-a-better-life/

Etikan, I., Musa, S. A., & Alkassim, R. S. (2016). Comparison of convenience sampling and
purposive sampling. American journal of theoretical and applied statistics, 5(1), 1-4.
DOI: 10.11648/j.ajtas.20160501.11

Freeness of our actions. (2017). Retrieved from


http://gobbledygookblog.blogspot.com/2017/09/f reeness-of-our-actions.html

Granié, M. & Papafava, E. (2011). Gender stereotypes associated with vehicle driving
among French preadolescents and adolescents. Transportation Research Part F: Traffic
Psychology and Behaviour. 14. 341-353. 10.1016/j.trf.2011.04.002.

Guillen, M., & Ishida, H. (2003). Motorcyle-Propelled Public Transport and Local Policy
Development - The Case of "Tricycles" and "Habal-Habal" in Davao City, Philippines.

Hilbert, M. (2015). DT&SC 1-4: Technological determinism vs. social constructivism.


Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=4i9vIj5-rxk&t=7

Leonen, J. (2017). Angkas cites benefits to economy, commuters in appeal to LTFRB. Retrieved
March 26, 2020, from https://newsinfo.inquirer.net/950841/angkas-cites-benefits-to-
economy-commuters-in-appeal-to-ltfrb

Maastricht University. (n.d.). W. E. Bijket Retrieved from


https://www.maastrichtuniversity .nl/w.bijker

Napalang, S & Regidor, J. (2017). Innovation Versus Regulation: An Assessment of the Metro
Manila Experience in Emerging Ridesourcing Transport Services. Retrieved from
https://www.jstage.jst.go.jp/article/easts/12/0/12_343/_pdf/-char/ja
Niu, L. (2019). Using Facebook for academic purposes: Current literature and directions for
future research. Journal of Educational Computing Research, 56(8), 1384-1406.
Retrieved from https://doi.org/10.1177/0735633117745161

Palsey, F. (2011). Social construction of technology. Retrieved from


https://www.slideshare.net/ fpaisey/social-construction-of-technology-11490973

Pierce, F. S. (2018). Thorstein Veblen American economist and sociologist. Retrieved


from https://www.britannica.com/biography/Thorstein-Veblen

Punongbayan, J. (2019). [ANALYSIS] Why slashing the ranks of Angkas bikers is


anticompetitive. Retrieved March 26, 2020, from https://www.rappler.com/thought-l
eaders/247976-why-slashing-ranks-angkas-bikers-uncompetitive

Rey, A. (2020). The long road to legalizing motorcycle taxis. Retrieved March 26, 2020, from
https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/249709-road-legitimizing-motorcycle-taxis

Reyes, R. (2018, November 30). Angkas: Riding with the winds of change. BusinessMirror.
Retrieved from https://businessmirror.com.ph/2018/11/30/angkas-riding-with-the-winds-
of-change/

Riley, J. (2015). Free will and determinism. Retrieved from


https://www.tutor2u.net/religious studies/blog/free-will-and-determinism

Tayao-Juego, A. (2019). Angkas teaches PH how to ride a Bike. Retrieved March 26, 2020, from
https://business.inquirer.net/275638/angkas-teaches-ph-to-ride-a-bike

Techopedia. (n.d.). Technodeterminism. Retrieved from


https://www.techopedia.com/definition /28194/technodeterminism

The Philippines Business and News. (2019). Angkas retains riders, fails 70% to ensure safety.
Retrieved March 26, 2020, from https://thephilbiznews.com/2019/06/13/angkas- retrains-
riders-fails-70-of-applicants-to-ensure-safety-2/

Torres, R. M. (2017, Agosto). UBERnisasyon: Isang pag-aaral sa nababagong kultura ng


Pagsakay.
APENDIKS

APENDIKS A: Informed Consent Form at Kopya ng Sarbey

INFORMED CONSENT FORM

LAYUNIN NG PANANALIKSIK Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman ang


karanasan ng mga Angkas Riders at ang mga mamamayang tumatangkilik sa kanilang serbisyo.

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK Ang mga kalahok ay bibigyan ng link na siyang


magdidirekta sa kanila sa Google Forms na naglalaman ng mga katanungang kailangan nilang
sagutin. Ang kanilang mga kasagutan ay maitatala gamit ang naturang form.

DURATION Inaasahan ng mananaliksik na matatapos ang panayam sa loob ng 20 minuto.

KUSANG LOOB NA PAGSALI SA PANANALIKSIK Ang pagsali sa pananaliksik na ito ay


kusang loob lamang. Hindi makakatanggap ng anumang incentives tulad ng salapi o anumang
bagay. Ang pagpapatuloy ng mga kalahok sa pag sagot at ang pag pasa nila ng kanilang
kasagutan matapos basahin ang consent na ito ay siyang magpapatunay ng kanilang pagpayag na
maging kalahok sa pananaliksik na ito. Kung nais mong umurong sa pag-aaral na ito, malaya
kang hahayaan ng mga mananaliksik. Ang pag-urong sa pananaliksik na ito ay hindi
makakaepekto sa anunang relasyon ninyo sa kahit kanino. Hindi ka rin makakakuha ng parusa sa
pag-urong. Kung matapos ang panayam at mapagtanto mong ayaw mo nang sumali sa pag-aaral,
ang iyong mga sagot ay tatanggalin sa mga datos na nakuha.

PANGANIB Walang mararanasang panganib ang mga lalahok at ang mga mananaliksik. Kung
makakapagbigay ng anumang lebel ng kakulangan sa ginhawa o magtamo ng negatibong
damdamin, maari mong sabihin sa mga mananaliksik at hahayaan ka nilang umurong sa pag-
aaral.

BENEPISYO Ang layunin ng pananaliksik na ito ay makakapagpayaman ng kaalaman sa


Araling Pilipinas. Ang iyong kusang pagsali sa pananaliksik na ito ay pinapahalagahan at
makakatulong sa pag-intindi ng karanasan, kaakuhan, at kalagayan ng mga Pilipino.
KUMPIDENSYAL Ang iyong pagsagot sa pananaliksik na ito ay maaaring anonymous o hindi
mo kailangan magpakilala kung ayaw mo. Ang anumang sensitibong impormasyon na makukuha
sa pananaliksik na ito ay mananatiling pangsaliksik lamang.

CONSENT
Nabasa at naintindihan ko ang mga impormasyong nakasulat sa ibabaw. Nakapagtanong na ako
sa mga mananaliksik sa mga bagay na nakasulat at nakakuha ng mga sagot dito. Kusang loob ko
ang pagsali sa pananaliksik sa ito

APENDIKS B: Mga Talahanayan at Grap

I. Angkas Rider
A. Propayl
Grap 1. Edad ng Tumugong Angkas Rider

Grap 2. Kasarian ng mga Angkas Rider

Grap 3. Kita Kada Buwan ng mga Angkas Rider


B. Pagtangkilik sa Angkas

Grap 4. Paraan kung Paano Nadiskubre ang Angkas

Listahan 1. Petsa ng

Petsa ng Simula ng Pagtrabaho sa Angkas

1. July 2019

2. 2018

3. November 2019
4. January 2019

5. October

6. May 2019

7. 2017

8. May 6, 2017

9. August 2018

10. September 20, 2019

Listahan 2. Mga Komento sa Proseso ng Pagiging Angkas Rider

Mga Komento sa Proseso ng Pagiging Angkas Rider


● Maayos at istrikto ang proseso (requirements at driving test, trainer)
● Malaking tulong sa pagtataguyod ng pamilya
● Hindi mahirap mag-apply

C. Paghahambing ng Angkas sa ibang Ride-Sharing Apps

Grap 5. Mga Nakasubok nang Magtrabaho sa Ibang Ride-Sharing Apps


Listahan 3. Mga Ibang Ride-Sharing Apps na Pinagtrabahuhan Dati

Mga Ibang Ride-Sharing Apps na Pinagtrabahuhan Dati

Grab Food

Foodpanda

Grab Express

Listahan 4. Lamang ng Angkas sa Ibang Ride-Sharing Apps

Lamang ng Angkas sa ibang ride-sharing apps


1. Kaalaman at tagal ng Angkas sa merkado (isa sa mga nauna sa

industriya, mas alam ang ginagawa = disiplina at training)


2. Madaling kumita
3. Pagkakaroon ng app
4. Insentibong inaalok

Mga Pagsubok na Nararanasan ng Angkas Rider


1. Pagkukulang ng App (malalayong pick-up point at fake booking)

2. Iba-ibang sitwasyon sa kalsada na nakakasagabal (trapiko, init ng panahon)


3. Ugali ng mga pasahero (hal. maling kasuotan, pagmamadali, maling pamasahe)
4. Panganib ang trabaho

Listahan 5. Mga Pagsubok sa Pagiging Angkas Rider

D. Kalidad ng Karanasan sa Pagtangkilik sa Angkas

Grap 6. Kung Ligtas Ba ang Paggamit ng Angkas bilang Rider

Mga Aspetong Pwedeng Pagbutihin pa ng Angkas


● Pagpapalawak ng komunikasyon sa mga nakatataas at sa mga rider (mabilis na pagtugon

sa mga rider, proseso ng pagrereport sa kapwa drayber)


● Dagdag incentive o benepisyo
● Ayusin ang system ng bagong app (hal. “Set destination”)

Listahan 6. Mga Aspetong Pwedeng Pagbutihin pa ng Angkas

Paano mo nasabing ligtas ito? Paano mo nasabing hindi ito ligtas?


Basta nasunod ang guideline ni Angkas Wala naman talagang masasabing ligtas, pero
kayang iwasan ang aksidente
Maingat ang rider (sumusunod sa batas trapiko)
Disiplina
Mahigpit na training at assessment safety seminar
Listahan 7. Mga Aspetong Pwedeng Pagbutihin pa ng Angkas

Mga Hindi Magagandang Naranasan ng mga Angkas Rider


Dual booking (Sabay na pagbook ng Angkas at ibang ride-sharing app)
Sexual Harassment o Panghihipo
Hindi magandang pag-uugali ng mga pasahero
Maling itinakdang pick-up location

Listahan 8. Mga Hindi Magagandang Naranasan ng mga Angkas Rider

E. Mga Kondisyong Nakakaapekto ng Hanapbuhay

Listahan 9. Kasapatan ng Sahod Mula sa Angkas

Naitutulong ng Sahod Mula sa Angkas sa Pang-araw-araw


Hindi sapat (quarantine)
Sapat sa araw-araw na gastusin (doble gastos)

Listahan 10. Mga Benepisyong Natatanggap ng mga Rider

Mga Benepisyong Natatanggap ng mga Rider

Walang benepisyong natanggap


Sapat pero kailangan ng iba pang pagkukuhanan ng kita
Malasakit sa rider
Pagiging sarili ng oras

Grap 8. Edad ng mga Tumugong Angkas Users


Grap 9. Kasarian ng mga Pasahero ng Angkas

Grap 10. Okupasyon ng mga Pasahero ng Angkas


Grap 11. Badyet ng Pasahero ng Angkas sa Isang Buwan

Grap 12. Paraan kung Paano Nadiskubre ang Angkas


Listahan 11. Tagal ng Paggamit ng Angkas

Tagal ng Paggamit ng Angkas

Mahigit isang taon na; June 2019


Since 2019, 1 year or more
Last year lang (Less than 1 year)
Noong Nobyembre lang ng nakaraang taon, kaya mga ilang
buwan ko na rin ito ginagamit.
Grade 12, 2 years
2 years
2018
2 years
2 years
limang buwan
3 months, January 2020
5 months na
Nagsimula ako noong June 2019
6 months (Sept 2019)
8 months, simula August 2019
1 taon, 2019
Ngayong taon lamang
3 years
1 year mula 2018

Grap 13. Kadalasan ng Paggamit ng Angkas kasa Linggo

Grap 14. Dahilan sa Pagtangkilik sa Angkas


Listahan 12. Tulong na Naidudulot ng Angkas sa Pang-araw-araw

Tulong na Naidudulot ng Angkas sa Pang-araw-araw


Napapakinabangan tuwing nagmamadali o malelate
Mabilis ang biyahe
Mas napapadali ang pagcommute at nagiging alternatibo sa
pampublikong transportasyon
Mas mura ang pamasahe

Listahan 13. Kalamangan ng Angkas sa Ibang Ride-Sharing App

Kalamangan ng Angkas sa Ibang Ride-Sharing Apps


Paggamit ng Motorsiklo (nakakalusot sa traffic)

Convenience ng Serbisyo (lower fare/student discount, mabilis)

Reputasyon ng Angkas (Advertising at Corporate Social Responsibility)

Kagandahan ng Serbisyo (mabait drivers, marami bikers, hygiene)


Epektibong app (user-friendly)
Listahan 14. Mungkahing Pagpapabuti sa Angkas

Mungkahing Pagpapabuti sa Angkas


Katibayan at kalinisan ng safety equipment
User interface ng app (Biglang namamatay, mahirap magbook)
Bilang ng rider
Payment option
Maayos na driver
Pagproseso ng discount
Reward system

Grap 15. Kaligtasan ng Paggamit ng Angkas

Listahan 15. Ebidensya ng Kaligtasan ng Paggamit ng Angkas

Ebidensya ng Kaligtasan ng Paggamit ng Angkas


Maingat na drayber (accommodating)
Nakalaang safety equipment at hygienic accessories
Regulasyon ng kumpanya (hindi basta-bastang tumatanggap ng motorista)

APENDIKS C: Transkrip ng mga Tugon

You might also like