You are on page 1of 13

Panukalang Proyekto:

Pagtayo ng mga Karagdagang Skywalks sa mga


Accident-Prone Areas sa Lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu

Ipinasa nila

Abucay, Annia Marie


Amistad, Rochelle
Anob, Rothyl
Arong, Angela
Campugan, Joe Art
Hinoguin, Carl
Jabel, Jeramil Jr.
Pojadas, Pritzy

Ipinasa kay

Ms. Nikki Lopez

Filipino 3
Talaan ng mga Nilalaman

I. Pamagat ng Panukalang Proyekto……………………………………………………………………3

II. Mga Layunin ng Pag-aaral……………………………………………………………………………….3

III. Halaga ng pag-aaral o kung ano ang pakinabang ng lipunan sa isasagawang pag-

aaral……………………………………………………………………………………………………………3-4

IV. Ang Suliraning tutugunan ng pag-aaral…………………………………………………………4-5

V. Rebyu ng mga kaugnay na pag-aaral…………………………………………………………….5-6

VI. Ang Balangkas ng pag-aaral………………………………………………………………………….7-8

VII. Metodolohiya o pamamaraan ng pag-aaral……………………………………………………8-9

VIII. Talaan ng gawain……………………………………………………………………………………….9-10

i. Budget Plan…………………………………………………………………………………..11-12

IX. Tentatibong sanggunian o bibliyograpiya…………………………………………………12-13

2
PANUKALANG PROYEKTO: PAGTAYO NG MGA KARAGDAGANG SKYWALKS SA MGA
ACCIDENT-PRONE AREAS SA LUNGSOD NG LAPU-LAPU, CEBU

Mga Layunin ng Pag-aaral

Hangad ng pagsusuring ito ang makapagpatayo ng mga karagdagang skywalks sa mga

accident-prone areas sa lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu. Upang matugunan ito, nais ng papel

ang maisagawa ang mga sumusunod na layunin.

1. Matukoy ang pinagkakaugatan sa iilang aksidente sa lungsod ng Lapu-Lapu at kung

bakit napapabilang ito sa accident-prone areas.

2. Matukoy ang karagdagang budget at kung saan makakalikom ng pera upang

maipatayo ang mga karagdagang skywalks.

3. Masuri kung sinu-sino ang makikinabang sa panukalang ito at ang importansiya sa

pagpapatupad nito.

4. Alamin kung ano pa ang karagdagang istriktong parusa para sa mga taong hindi

susunod sa batas na naaayon sa panukalang pagpapatayo ng skywalk upang

maiwasan ang numero ng mga namamatay o disgrasya.

5. Makapaglatag ng rekomendasyon at pananaw sa ikabubuti ng nasasakupan hinggil sa

pagpapatupad ng pagpapatayo ng skywalks.

Halaga ng pag-aaral o kung ano ang pakinabang ng lipunan sa isasagawang pag-aaral

• Sa pamamagitan ng tulay na ito, maari nang bumaba ang kaso ng jaywalking

accidents, at iba pang aksidenteng dulot ng kakulangan ng tamang daanan.

3
• Makakaambag din ito sa pagiging organisado at pagpapanatili ng kaligtasan sa isang

espisipikong lugar.

• Matugunan ng pananaliksik ang kawalan ng mga overpass sa kalsada at palatandaan

ay maaaring may makaapekto sa daloy ng trapiko sa seksyong ito ng kalsada, na

nagpapahiwatig na ang overpass ay solusyon sa trapiko at aksidente.

• Sa pamamagitan ng paggamit ng isang overpass, masusuri ang mga pananaw ng

pedestrian at tugon sa peligro ng pag-crash ng trapiko, matukoy ang mga pinsala sa

pedestrian na may kaugnayan sa daloy ng trapiko, at ihambing ang pag-crash ng

trapiko at mga kaso ng pinsala sa mga naglalakad bago at pagkatapos ng overpass na

konstruksyon.

Ang Suliraning tutugunan ng pag-aaral

Ang proyektong ito ay nais sagutin ang tanong na “Paano maiiwasan ang mga

dumadaming kaso ng road accidents sa lungsod ng lapu-lapu?” Ang MMDA ay nag-ulat ng

mataas na 121,771 na aksidente sa kalsada sa 2019. Sa kabuuan, mayroong 334 na naulat na

aksidente bawat araw, na may isa na nagresulta sa pagkamatay, 56 na hindi nakamamatay,

at 276 na humantong sa pinsala sa pag-aari. Para sa buong 2019, 372 na insidente ang

nasawi. Kakulangan ng overpass/skywalk ang isa sa dahilan ng mga aksidenteng ito. Ang

konsepto ng jaywalking ay hindi bago sa pandinig ng bawat Pilipino, subalit nagkukulang

tayo sa kaalaman patungkol sa tunay na kahulugan nito at pagiging instrumento nito upang

makapagtala ng napakaraming kaso ng aksidente sa kalsada epekto ng kakulangan ng

overpass na tamang daanan ng mga pedestrian.

4
Sa lungsod nga Lapu-Lapu, may mga naitalang hindi hihigit sa 100 na mga kasong

pagkabundol og mga banggaan kada taon. Ito ay nangangahulugan ng pagkailangan ng

karagdagang seguridad sa bawat munisipyo at mga kapurukan alang-alang sa kaligtasan ng

lahat. Kasabay ng pagdami ng mga sasakyan at patuloy na pagsasailalim sa urbanisasyon ang

lungsod, napapadalas rin ang mga aksidente at mga di inaasahang kaso ng pagkamatay ng

mga pedestrian. Dahil na rin sa kakulangan na mga istrakturang pang-iwas disgrasya,

nagdudulot ito ng mga pagkabundol at mga pagkatilapon ng mga tao.

Rebyu ng mga kaugnay na pag-aaral

Ayon nina Panagiotis Papaioannou at Socrates Basbas sa kanilang pag-aaral na Design

of a Traffic Accident Management System (TAMS), for the Greek National Highway System,

Using GIS Technology (1997), pangunahing problema raw ang road safety sa iba’t ibang sulok

ng bansa. Aksidente sa trapiko’y lumobo bunsod ng hindi pagtibay sa seguridad nito. Marami

nang naitalang kaso pero ang pagbuti ng kaligtasan ng mga pedestrians ay pababa nang

pababa. Dito naimbento ang tinatawag nilang “Road Safety Management thru GIS o

Geographical Information Systems. Ang GIS ay naglalayong mapalinang ang seguridad sa

paraan ng pagpapanatili ng mga impormasyon may relasyon sa mga samu’t saring aksidente,

pagtukoy sa bunga at epekto nito at may feature ring itong makahula sa posibleng

mangyayaring aksidente. Naitala rin sa pag-aaral nito na talagang epektibo ang nasabing

imbensiyon sapagkat mas napapaalam at natutulungan ang pamahalaan sa mabilis na

pagtaas ng mga aksidente. Konektado ito sa aming proyekto dahil naglalayon itong mas

mapabuti at makatibay ang seguridaan pandan at pantrapiko.

Ayon naman sa tesis ni Abishai Polus at Moshe Pollatschek na The Impact of

Infrastructure Characteristics on Road Crashes on Two-Lane Highways (2005), mas maliit ang
5
porsiyento ng mga naitalang aksidenteng pandaan kapag mas detalyado, matibay at sunod

sa mga kwalipikasyon ng isang epektibo at matibay na imprastaktura. Inilahad rin nila na

ang highway ay dapat pasok sa mga elementong ito: geometric features, including alignment,

road-side elements, sight-distances, presence of guardrails, access-points, roadway consistency,

na bumubuo at sumusukat sa pangkalahatang kalidad ng isang imprastrakturang pandaan.

Ayon sa kanila, ito raw ang dapat basehan sa pagbuo ng mga imprastrakturang naglalayong

maiwasan o maibsan ang mga kaso ng road accidents. Ito ang may relasyon sa panukalang

proyekto sapagkat nangangailangan ng mga matibay na materyales at siguraduhing naayon

sa mga elementong ito ang pagtayo ng mga karagdang skywalks sa lungsod ng Lapu-lapu.

Ayon naman ni John Gichaga sa kaniyang ginawang pagsasaliksik na The Impact of

Road Improvements on Road Safety and Related Characteristics (2016), ang mga drayber ang

pangunahing rason ng pagdulot ng mga road accidents. Idinagdag din niya sa kaniyang tesis

na hindi nakaranas ng edukasyon or trainings hinggil sa kaligtasan pandaan. Nirerekomenda

rin sa pag-aaral na ito ang disenyo ng daan, kilos ng drayber, pagpapanatili ng saksakyan at

paglinang ng kaligtasan pandaan sa pamamagitan ng pagtayo ng mga “road safety parks” para

ito’y magamit ng mga nagsisimula palang drayber or iyong mga hindi na nakaranas ng

training sa road safety. Buhat sa aming proyekto, itong pag-aaral na ito ay may relasyon dahil

nililinaw rito ang kahalagahan ng disenyo ng imprastraktura gayundin ang karanasan at

kaugalian ng isang drayber pagdating sa pagmamaneho. Nakasaad dito ang importansiya ng

pagtukoy na mga angkop na materyales para sa pagtayo ng mga matitibay at

mapagkakatiwalaang imprastrakturang na naglalayong mapaibsan ang mga kaso ng road

accidents.

6
Ang Balangkas ng pag-aaral

Hindi lang sa mga tsuper natin masisisi ang mga tumataas na kaso ng mga car at road

accidents. Dapat rin nating isali ang mga taong madalas na lumabag sa mga panuntunang

pandaan. Kung sila lang ay maging responsable at maging maalam sa kanilang paligid,

maiibsan ang pagtaas ng mga kasong ito. Ayon sa MMDA, 121, 771 na mga kasong naitala sa

taong 2019. Mahigit 300 sa mga ito ang nasawi ang buhay. Bilang pandagdag nito, dapat rin

nating isaalang-alang ang component at materyales na ginagamit sa mga imprakstrakturang

ipininatayo ng pamahalaan. Hindi ito nagsasabing na kapag inaayos na ay maiiwasan na ang

mga kasong ito, nararapat na siguraduhin na tugma sa mga kwalipikasyon ng isang ligtas na

ipinatayong imprastraktura.

Kung maaprubahan ang proyektong ito, mas masisigurado ang kaligtasan ng mga

mamamayan dahil mas madali nalang ang pag-access nila sa mga imprasktrakturang ito.

Bunsod nito, mas mapatibay ang kaligtasan ng lahat dahil siniguradong ligtas at matibay ang

mga ginawang skywalks. Sa pakikipagsosyo ng Kagawaran ng Pagawain at Lansangang

Bayan (DPWH) at Apo Cement Corporation, at patuloy na pagpaplano sa kung saan dapat

ipapatayo ang mga karagdagang skywalks at mga materyales na gagamitin sa pagpapatupad

ng proyektong ito, mas magarantiya natin ang seguridad ng sangkatauhan. Tugma sa

kanilang motto na mag-handog na maginhawa, easy-access at matitibay na materyales,

nasisigurado na ang pagsisimula ng panukalang proyekto ay naaangkop sa layunin nila.

Hindi lang ang mag pedestrian ang napapakinabangan rito, kasali na rin yung mga

drayber at mga nag-momonitor sa daloy ng trapiko. Dahil sa mga ipinatayong skywalks, mas

napapaayos ang daloy trapiko at maiiwasan ang mga aksidenteng pandaan. Hindi natin

maiiwasan na may mga taong pasaway, gayundin ang mga taong hindi na iniisip ang

7
direksyon ng kanilang lakad. Dahil nito, may multang Php 500 ang ipapataw sa kung sino ang

lalabag sa ordinansang “Safety for All, Skywalk Dapat.” Layunin ng penaltiyang ito ang

mabawasan ang numero ng mga disgrasyang nagaganap sa kalsada. Kung istrikto itong

ipapatupad, mas masisigurado ang kaligtasan ng lahat.

Posible ang lahat ng ito kung mas nabibigyan ng tama at sapat na impormasyon ang

mga pedestrians sa proyektong ito. Nararapat ring alam nila ang kahalagahan ng Road Safety

gayundin ang pagsunod sa ipinatupad na ordinansa. Importante ring batid nila ang kaalaman

ng benepisyo ng hindi lang skywalks kundi ang mga kahalagahan ng imprastrakturang

panlasangan. Bilang pagtugon sa layuning inilahad, nararapat na aprubahan ang

iminungkahing panukalang proyekyo alang-alang sa kapakanan ng mga mamamayan.

Metodolohiya o pamamaraan ng pag-aaral

Ang isang skyway, skybridge, o skywalk ay isang nakataas na uri ng pedway na

kumukonekta sa dalawa o higit pang mga gusali sa isang lugar ng lungsod, o pagkonekta sa

mga nakataas na puntos sa loob ng mga mabundok na libangan. Ang mga kalangitan sa

kalunsuran ay madalas na kumukuha ng form ng nakapaloob o sakop na mga footbridge na

nagpoprotekta sa mga naglalakad mula sa panahon. Ang mga bukas na modernong

kalangitan sa mga bundok ngayon ay madalas na may mga bottoms na baso. Minsan ang

nakapaloob na mga skywalk ng lungsod ay ginawang halos ganap mula sa salamin, kabilang

ang mga kisame, dingding at sahig. Gayundin, ang ilang mga urban skyway ay mahigpit na

gumana bilang mga linear park na idinisenyo para sa paglalakad.

Ayon kay (Michael, 2005) ang kakayahang maglakad ay kinikilala at binibigyan ng

pansin sa iba't ibang mga kadahilanan. Hindi lamang bawasan ng transportasyon ng

8
pedestrian ang kasikipan at mababang epekto sa kapaligiran, mayroon din itong halaga sa

panlipunan at libangan. Kamakailang pananaliksik nagmumungkahi na ang paglalakad ay

nagtataguyod din ng kalusugang pangkaisipan at pisikal (Michael, 2005). Samakatuwid, mas

napapahusay ang karanasan sa paglalakad.

Ayon din kay (Robertson 1994) ang skywalks ay isinasaalang-alang upang

matulungan ang mga bayan na makipagkumpitensya sa mga kaunlarang sub-urban sa

pamamagitan ng paglulunsad ng density, lumilikha ng isang bagong layer ng aktibidad na

pang-komersyo, at tinitiyak ang isang ligtas, pintas na protektado ng panahon sa pagitan ng

mga lokasyon sa tingi at iba pang mga aktibidad. Sa teoryang ito, nakasaad na tinitiyak na

mas ligtas ang pagsasagawa ng skywalk upang maiwasan ang disgrasya.

Ang mga teoryang ito ang tumutulong na masuportahan ang proyekto na naglalayong

mapatibay ang kaligtasan at seguridad ng mamamayan.

Talaan ng gawain

Nakalahad dito ang kronolohikal na talaan ng gawain para sa pagpapatupad ng

iminungkahing proyekto. Ang iminungkahing proyekto ay nakatakdang magsimula sa

buwan ng Hunyo at matapos sa Oktubre. Upang simulan ang proyekto, magsasagwa muna

ng pagpupulong kasama ang DPWH at Apo Cement Corporation. Pagkatapos malahad ang

mga plano at layunin, sisimulan ang alokasyon ng budget. Dito nakasaad ang breakdown ng

mga gastusin, materyales at mga sahod ng mga manggagawa. Isunod ang pagpresinta ng

Budget Plan, at kapag naapprubahan ito, sisimulan nang bilhin ang mga kailangang

kagamitan at materyales sa nasabing proyekto. Kung ito’y matagumpay na magawa,

sisimulan na ang konstruksiyon ng skywalk na nakatakdang magsimula sa Hunyo 1-2 at para

9
mas masigurado na ligtas at matibay ang paggawa, may taong itinakda para bantayan ang

operasyon. Ang proyektong ito ay nakatakdang matapos sa buwan ng Oktubre.

Gawain Petsa

Pagpupulong kasama ang DPWH at Apo Hunyo 1-2, 2021


Cement Corporation

Alokasyon ng Budget Hunyo 2-4, 2021

Pagpresinta ng Proposed Budget Plan Hunyo 5- Hunyo 10, 2021

Pagpaplano sa mga materyales na Hunyo 5- 10, 2021


gagamitin at Paghahanap ng mga taong
gagawa ng proyekto
Paghingi ng Approval sa Gobyerno Hunyo 5- 24, 2021

Pagsisimula ng Proyekto Hunyo 25, 2021

Pagbabantay sa mga pahinante upang Hunyo 25- Oktubre 25, 2021


matapos ang proyekto sa takdang oras

Pagtapos ng Proyekto Setyembre 25, 2021

10
Budget Plan

Nakatala rito ang mga materyales, mga kagamitan, at paggawa. Ang planong badyet

ng panukalang proyekto ay nakatakdang umabot sa mahigit na Php 8,950,900. Nakapaloob

na rito ang lahat na kailangan para sa pagpapatupad ng aming proyekto.

11
Tentatibong sanggunian o bibliyograpiya

Ang mga sangguniang ito ay nakatulong sa pagsuporta ng panukalang proyekto, Sa

mga disertasyon ,tesis, artikulo at teorya, mas napapatibay ang iminungkahing proyekto ng

mga mananaliksik.

12
• Polus, Abishai & Pollatschek, Moshe & Farah, Haneen. (2005). Impact of

Infrastructure Characteristics on Road Crashes on Two-Lane Highways. Traffic injury

prevention. 6. 240-7. 10.1080/15389580590969210.

• Gichaga, F. J. (2016). The impact of road improvements on road safety and related

characteristics.

• Papaioannou, P., Basbas, S., & Kokkalis, A. (1997). Design of a Traffic Accident

Management System (TAMS), for the Greek National Highway System, using GIS

Technology.

• https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2141581/

13

You might also like