You are on page 1of 8

Panimula

Marami ang natatalang aksidente sa mga pangunahing kalsada tulad ng sa Barangay


Semirara, Barangay Tinogboc, at Barangay Alegria. Upang maaksyonan ang bawat suliranin na
ito, kailangang maglaan ng pondo ang Barangay Local Government Unit (BLGU) upang
mapalagyan ng Closed Circuit Television Camera (cctv) ang mga kalsada. At dahil dito
madaling masosolusyunan ng mga Barangay officials ang bawat suliranin na nararanasan ng
lugar at ng bawat tao.

Ang CCTV Camera o (closed-circuit television) ay isang maliit na instrumento na


ginagamit ng mga tao sa pagbabantay sa mga pribadong o pampubliko na lugar. Ito ay isang
malaking tulong sapagkat nakikita rito kung maayos o hindi maayos ang isang lugar. Maging ang
mga iba't ibang bansa ay gumagamit nito. Ito ay unang nagamit noong 1942 sa Germany. Gaano
ba ito ka-epektibo lalo na sa pangpubliko na lugar tulad ng kalsada na maraming aksidente at
mabibigat na trapiko ang nararanasan?

Laganap ngayon ang iba't-ibang klaseng krimen na maaaring makapahamak sa kahit sino,

kahit sila man ay nasa labas ng kalsada o sa loob ng kani-kanilang tahanan.  Talamak ang labas

pasok ng mga outsider sa housing at kahit saang lugar sa Isla ng Semirara na kung saan ay may

mga nang-loloob sa mga bahay-bahay.  Layunin ng pagkakaroon ng CCTV system na mas

patindihin pa ang seguridad ng buong pamayanan laban sa mga masasamang loob.

Ang pag-aaral na ito ay benepisyal sa mga motorista, komyuters at mamamayan ng ating

Isla upang magkaroon ng kaalaman sa nangyayari sa kalsada at maging sa paligid. Ito rin ay

makakatulong upang malaman kung ang paggamit ng CCTV camera o closed-circuit television

ay may katuturan at hindi lamang pag-aaksaya ng pera.


Kaligirang Pangkasaysayan

Maraming karahasan o aksidente ang nangyayari sa ating pang araw araw na buhay. Mas
tumitinding kriminalidad ang nagaganap sa ating mga pangunahing kalsada lalo na sa mga liblib
na lugar kung saan ay walang gaanong tao ang nasa paligid. Maraming aksidente rin ang hindi
inaasahang nangyayari kaya maraming tao ang nasasaktan o kaya ay nababwian ng buhay. Ang
paglalagay ng CCTV sa mga pangunahing kalsada ang nakikita naming isang solusyon upang
mabawasan ang krimen at aksidente o kaya ay malaman ang tunay na nangyari upang maging
ebidensya laban sa mga kriminal. Aming sasaliksikin kung gaano ka epektibo ba ang paglalagay
ng CCTV sa mg pangunahing kalsada at kung nakaktulong ba taga ito sa ating lansangan o
dagdag gastos lamang sa ating lokal na pamahalaan. Gusto naming makatulong sa ating
kapulisan at sa bawat Pilipino pa siguraduhin ang seguridad at kaayusan ng bawat lansangan.
Ngunit sa kabila nito ay malaking pondo ang iallabas ng gobyerno upang mkabili ng marmaming
CCTV na maayos, gumagana at klaro ang makikita kaya gusto naming malaman kung epektibo
nga ba ang paglalagay ng CCTV cameras sa mga klasada o lansangan.

Paglalahad ng Suliranin

1.) Gaano kalaki ang maitutulong ng CCTV sa seguridad ng mga mamamayan sa mga
krimen?
2.) Gaano kahalaga ang paggamit ng mga CCTV sa mga pangunahing kalsada?
3.) Ano-ano ang mga positibo at negatibong mangyayari sa paggamit ng CCTV sa mga
pampublikong kalsada?

Layunin ng Pag-aaral

- Mabatid ang kahalagahan ng CCTV sa seguridad ng mamamayan sa krimen.


- Mabatid ang kahalagahan ng paggamit ng mga CCTV sa mga pangunahing kalsada.
- Matuklasan ang mga positibo at negfatibong mangyayari sa paggamit ng CCTV sa mga
pampublikong kalsada.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa ideya na kung gaano kahalaga ang CCTV sa
kalsada at ang epekto nito. Nakasulat dito ang pangunahing makikinabang ng CCTV.

Pulis - Sila ang unang makikinabang sa mga teknolohiya na ito na kung tawagin ay CCTV. Mas
napapabilis at mas madami silang nakukuhang ibedensya dahil ditto

MMDA - nakatutulong sa kanila ang CCTV sa madaming paraan. Gaya ng sas mabilis nilang
nakikita ang problema sa trapiko. Kung may bangaan na nangyari ay malalaman nila agad kung
sino ang may sala. Mas mabilis silang makakaaksyon sa mga ito. Mamamayan- dahil dito, mas
nababantayan ang seguridad nating mga Pilipino. Mas magiging panatag ang ating dadamin at
malayo sa pahamak.

Mamamayan – Dahil sa cctv, mas nababantayan ang seguridad nating mga Pilipino. Mas
magiging panatag ang ating damdamin at malalayo sa kapahamakan

Mag-aaral – Dahil dito, malalaman nila na ang mga dapat pang pagandahin at paunlarin sa
paggamit ng CCTV at kung ano pa ang maari na maging epekto nito.

Saklaw at Limitasyon

Katuturan ng mga Terminolohiyang Ginamit

Ginagamit ang mga sumusunod na salita nang naaayon sa kanilang pinaggamitan sa


pananaliksik.

- CCTV (Closed- Circuit television) - isang instrumento upang masubaybayan ang ganap,
ginagamit upang magkaroon ng seguridad.
- Kamera - ay isang kasangkapan o aparatong nakakakuha ng mga larawan (litrato o
piktyur).
- Gobyerno - ay isang organisasyon na may kakayanan na gumawa at magpatupad ng
batas sa isang nasasakupang teritoryo. Ito rin ay may kapangyarihan na magbigay ng mga
pangangailangan ng mga mamamayan ng nasasakupang teritoryo.
- Pondo - ay isang organisasyong pinamamahalaan ng pamahalaan kung saan nakaipon
ang mga pera ng bayan na ginagamit din ng gobyerno upang lutasing ang mga problema
sa bansa
- Korupsyon - ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan. Ito ay karaniwang
tumutukoy sa pampolitika na korupsiyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal na
nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang
kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling
kapakinabangan.
- Benepisyal - mga binibigay na bagay o kabutihan.
- Komyuters - mga taong sumasakay sa mga pang publikong sakayan.
- Motorista - mga taong gumagamit ng motor.
- Trapiko - ay ang lugar na may maraming sasakyan na dumaraan at may mga trapik light.
Dito dumadaan ang mga sasakyan a tumamatawid ang mga tao kailangan sundin ang utos
trapiko para hindi maaksidente.

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ilan sa mga kaugnay na literatura na tumutukoy sa kahalagahan ng CCTV sa


pangunahing kalsada sa lokal at banyagang literatura at pag-aaral.

Banyagang Literatura

Isang report mula sa isang panayam ni Maryke Steffens kay Brooks and Corkill (2009)
na ang mga CCTV ay hindi isang gamit pang tuklas kung mayroong nagbabadyang panganib o
mga masasamang loob. Ang mga ito ay umaasa at pinapagana pa rin ng mga tao at ito ay
nagsisilbi lamang na mata sa ngayon. Marami pang kailangan baguhin at paunlarin pa ang
kakayahan ng isang CCTV gamit ang mga algorithm na ipo-program pa sa mga computer.
Lokal na Literatura

Ayon kay BATUIGAS Ni Bening Batuigas(2012) na isang awtor sa PhilStar(2012),


malaki na sana ang kabawasan ng kriminalidad sa bansa kung ipinagpatuloy sana ang programa
noon ni NCRPO chief Dir. Boysie Rosales na tinatawag na Regional Tactical Intelligence and
Operation Center o RTOIC.

Isang mungkahi naman ni Batangas Rep. Mark Mendoza ang pagsulong ng paglalagay ng
CCTV sa bawat kalsada sa bansa para mas ma-monitor daw ng mga otorodidad ang mga
aksidente, krimen at illegal na gawain sa kalsada. Ulat ni Lourd de Veyra mula Aksyon News5
(2014).

Banyagang Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral Justice Analytical Services Police and Community Safety Directorate
Scottish Government (December, 2009) tungkol sa bisa ng pag gamit ng CCTV o “Closed
Circuit Television” na ang pagkakabit ng mga ito ay nakatulong sa proseso ng imbestigasyon at
prosekusyon sa kanilang “Criminal Justice System”. Nakapagpababa sa porsyento ng krimen
kagaya na lamang sa isang train station park galing sa isa sa mga 14 English towns and cities
kung saan 73% ng krimen ay bumaba (Gill and Spriggs, 2005). Sa pag-aaral nila Owen et
al(2006) at Levesly at Martin(2005) na mayroong benipisyo ang pag gamit ng cctv kagaya na
lamang ng pagpapadali ng pagtuklas ng mga krimen at mayroong benepisyo sa ekonomiya ang
paglalagay ng cctv na sa kanilang pag-estima ay umaabot sa 1.6 million British pound. Ngunit,
sa pag-aaral nila Davies at Thasen(2000) sa kanilang psychological laboratory experiment, ang
pagkilala sa isang hindi kilalang indibidwal sa isang CCTV footage ay puwedeng magkaroon ng
isang pagkakamali.

Lokal na Pag-aaral
Isang pag-aaral nila Timothy John A. Chua, Andrew Jonathan W. Co, Paolo Javier S.
Ilustre, Enrique M. Manzano at Edzel R. Lapira mula sa Department of Electronics and
Communication Engineering ng De La Salle University – Manila(September, 2007) na sila ay
makagawa ng isang real-time intelligent surveilallance system na kayang mag suri at makakilatis
ng mga bagay o nakaka-alarmang pangyayari.

Kabanata III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Pamamaraang Gagamitin

Layon ng pananaliksik na ito na maipakita ang kahalagahan ng paggamit ng CCTV


kamera. Sa pamamagitan ng napiling pamamaraan ng pananaliksik, na kung saan ang mga
mananaliksik ay gagamit ng Deskriptib-Sarbey na pananaliksik, ay maipapakita ang kahalagahan
ng paggamit ng mga CCTV kamera. Sa pamamagitan ng paggamit ng deskriptib-sarbey,
maipapahayag ang mga katanungan na dapat masagot ay sino, ano, kailan, saan at paano.
Nasasaklaw ng mga katanungan na ito ang mga impormasyon na makakalap sa pananaliksik.
Impormtante na malaman sa pananaliksik na ito kung sino ang mga taong makikinabang dito,
ano ang mga posibleng benepisyo at epekto nito sa mga gagamit, kailan ito maaaring
maisakatuparan, saan ito maaaring gawin, at kung paano ang proseso ng paggawa nito.

Populasyon

Ang bilang ng aming respondente ay dalawampu. Lima sa bawat klaster na gumagamit o


nakikinabang sa mga CCTV cameras.
Paraan ng Pagpili ng Kalahok

Stratified Random Sampling ang gagamiting paraan ng pagkuha ng kalahok ng mga


mananaliksik. Ang ibig sabihin ng paraan na ito ay hahatiin ng mga mananaliksik ang
populasyon sa mga grupo na tinatawag na “scbroups” at pagtatapos nito ay dito na papasok ang
ipamimigay na random sampling sa mga kalahok.

Deskripsyon ng mga Respondente

Ang mga inimbita ay ang mga taong nasa public civil services na nagpapanatili ng
kaayusan sa ating lungsod.

Isa sa mga inimbita na sasagot sa mga katanungan ng mga mananaliksik ay nagmula sa


Metro Manila Development Authority (MMDA) Transport and Traffic Management.

Pangalawa sa naimbitahan na sasagot sa mga katanungan ng mga mananaliksik ay


nagmula sa PNP Information and Communications Technology Management (PNP-ICTM).

Pangatlo na inimbitahan na sasagot sa mga katanungan ng mga mananaliksik ay nagmula


sa mga Barangay officials.

Panghuli na inimbitahan na sasagot sa mga katanungan ng mga mananaliksik ay nagmula


sa mga Commuters and Car Owners.

Ang mga napiling kalahok ng mga mananaliksik ay gumagamit o nakikinabang sa mga


CCTV cameras.

Instrumento

Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay talatanungan. Ang mga tanong na ito
ay ipapasagot sa pat na mga karaniwang tao sa kalsada. Ang mga ito ay ang MMDA, Pulis,
Barangay officials at mga commuters/ motorista. Bawat grupo ay bibigyan ng tig limang tanong
kung saan ito ay maaaring masagot ng “oo” o “hindi”. Masasagutan ang bawat tanong sa
paglalagay ng check o marka sa katabing kahon.
Sa kabuua, ang instrumentong ginamit ay siyang naging daan namin upang makakuha ng
mga datos na susupporta sa aming pananaliksik.

Apendise

Batuigas, B. (2007, March 11). Kahalagahan ng CCTV camera. Retrieved from


http://www.philstar.com/opinyon/810527/kahalagahan-ng-cctv-camera

Ricacho, D. (2014, August 8). PAGKAKABIT NG CCTV SA LAHAT NG KALSADA,


ISINUSULONG. Retrieved from http://news5.com.ph/top/A9F84F0AE87A494/pagkakabit-ng-
cctv-sa-lahat-ng-kalsada-isinusulong

Chua, T. A., Co, A. W., Ilustre, P. S., Manzano, E. M., & Lapira, E. R. (2007). Real-Time Event
Detection System for Intelligent Video Surveillance. DLSU Engineering E-Journal, 1(2,), 31-39.
Retrieved from http://www.dlsu.edu.ph/research/journals/dlsuengj/sep07/manzano.pdf

Justice Analytical Services Police and Community Safety Directorate Scottish Government.
(2009, December). The Effectiveness of Public Space CCTV: A review of recent published
evidence regarding the impact of CCTV on crime. Retrieved from
http://www.gov.scot/resource/doc/294462/0090979.pdf

ABC Science. (2009, April 15). How good are CCTV cameras at preventing crime? Retrieved
from http://www.abc.net.au/science/articles/2009/04/15/2543768.htm

You might also like