You are on page 1of 28

KABANATA 1

PANIMULA

Ang surveillance cameras ay tinatawag din na Closed Circuit Television

(CCTV). Ang mga video cameras ay ginagamit para sa layuning magmasid at

magbantay ng mga lugar na nakadalasan ay malayo sa mataong lugar. Ito ay

madalas na pamamaraan ng pagtatala ng mga pangyayari sa mga lugar na

sakop nito at ito ay konektado sa Internet Protocol Network, o kaya naman ay

kadalasan na binabantayan at pinapanood ng mga opisyal na taga pagpatupad

ng batas at mga nagbabantay ng seguridad ng isang lugar. (Lucero, 2011)

Ang Video Surveillance System ay binubuo ng kamera na kadalasan na

nakalagay sa mga luagar na madalas ay kailangang imonitor ang mga gawain at

aktibidad na nagaganap tulad sa mga bangko, tindahan, istasyon ng pulis,sa

mga bilangguan o kulungan, mga pampublikong mga pasilidad at sa mga lugar

na mga opisyal ng gobyerno ang nagtatrabaho, at sa iba pang lugar na

nangangailangan ng seguridad. (Lucero, 2011)

Ang mga kamera na ito ay may mga katangian tulad ng Pan, Tilt, at Zoom,

na maaaring ilagay o ikabit sa loob at labas ng bahay o iba pang lugar,

karamihan sa mga kamera na ito ay ginagamit ng may kasamang Recording

System, alin man sa dalawa: ang Digital Recorders o kaya naman ay Hand Disk

Drive Gamit.ang Hard Disk Drive ay higit na ma magandang gamitin para

madaling makita ang mga nangyari at para sa madali ng pagmamasid mula sa

itaas. (Lucero, 2011)

1
Ang unang video Surveillance System ay na–install ng Siemens AG sa

test stand VII sa Peenemunde, Germany noong taong 1942, para obserbahan

ang paglunsad ng V-2 rockets. Ang German engineer na si Walter Brunch ay

responsable para sa disenyo at pag-install ng Sistema. (Lucero, 2011)

Ang salitang “surveillance” ay nagmula sa salitang pranses na ang ibig

sabihin ay “Nakakakita sa itaas”. Bagamat ang ibig sabihin ng salitang

surveillance ay literal na “Nakakakita mula sa itaas”, halimbawa ang mata ng

diyos ay nakakakita sa lahat mula sa kaitasan, ang salitang ito ay kalimitang

ginagamit sa lahat ng uri ng obserbasyon, di lang sa visual na obserbasyon.

Gayunpaman, ang “all-seeing-eye-in-the-sky” ay isa pa ring tanda ng paraan ng

obserbasyon sa pangkalahatang aspeto. Ito ay kalimitang ginagamit sa

pagsasalarawan ng pag-obserba mula sa kalayuan na ginagamitan ng

kagamitang “electronic”. (Socorro, 2011)

Ang “Surveillance” ay isang uri ng sining ng pagtingin sa lahat ng gawain

ng mga tao o grupo ng tao mula sa mataas na katungkulan, Ito ay maaaring

“covert” (di –alam) o di kaya’y overt (marahil ay may malimit na paalala gaya ng

“nakikita namin kayo”).

Ang surveillance ay naging bahagi na sa kasaysayan ng sangkatauhan.

Sa sinulat ni Sun Tzu na may pamagat na Art of war. Sa nakalipas na 2,500

taon, inilarawan dito kung papaanong ang mga espiya ay nagagamit laban sa

kanilang kalaban. Ngunit ang modernong electronics at teknolohiya ay nagbigay

ng malaking tulong sa paggamit ng surveillance sa pamamagitan ng mahabang

2
paraan. Ito ay maaaring automatic, gamit ang computer o ang pagtatala ng mga

pang-araw araw na ginagamit ng mga tao. (Ramirez, 2011)

Ang counter surveillance ay ang paraan ng pag-iwas sa surveillance, bago

pa lang ang computer networks, ang counter surveillance ay may kinalaman sa

pag-iwas sa tao at pag-uusapan ng palihim. Sa mga nagdaang pag-unlad ng

internet at computer, kasabay nito ang paglago rin ng counter surveillance. Sa

ngayon ang counter surveillance ay may kinalaman sa bawat bagay mula sa

pag-alam kung paano mabuo ang mga datos sa computer upang makaiwas na

maging target ng mga ahensya sa advertising. (Delorino, 2011)

Sa mga komunidad na barangay mahalaga ang magkaroon ng mahigpit

na seguridad para sa mga residente, lalo na sa mga bata. Ang ating bahay ay

ang lugar na dapat nakakaramdam tayo ng seguridad, malayo sa mga gulo at

mga banta. Ngunit nakalulungkot mang sabihin, sa mga nakaraang mga taon,

may mga pagkakataon na ang ating bahay, hindi na nagkakaroon ng seguridad,

hindi tulad ng inaasahan natin. Halimbawa nalang ang nangyari sa isang

subdibisyon sa Alaminos, Laguna. kung saan natagpuan ang isang lalaki na

nagtamo ng maraming saksak. Kung mayroon lang sanang surveillance camera

sa lugar na iyon, makatutulong sana iyon sa mga katanungan kung bakit, kailan,

at paano ginawa ng suspek ang nasabing krimen. Ayon sa nabanggit na

sitwasyon, ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng ideya na maaring

makapagpaliwanag at mapatunayan ang sanhi at epekto ng surveillance camera

3
hindi lang sa mga barangay, gayundin sa mga istablisyemento sa Pilipinas, ito ay

ang paglagay ng surveillance camera sa Security System ng Bansa .

Sa paraang ito ang pag-aaral ng pagkakabit ng surveillance Camera sa

Barangay Cabanbanan, Pagsanjan, Laguna ay dapat maisagawa sa pagtukoy ng

sanhi at epekto at ang mag bagay na maaaring maidulot nito sa mga residente at

opisyal ng barangay.

4
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong ma-imbestigahan at malaman ang

sanhi at epekto ng pag-iinstall ng surveillance Camera sa Barangay

Cabanbanan, Pagsanjan Laguna.

Nilalayon din nitong masagot partikular ang mga sumusunod na mga

katanungan:

 Ano ang datos ng mga simuno?

 Ano ang pangyayari sa Barangay Cabanbanan, Pagsanjan, Laguna bago

kinabit ang Surveillance Camera?

 Ano ang mga dahilan ng pagkakabit ng Surveillance Camera sa Barangay

Cabanbanan, Pagsanjan, Laguna?

 Ano ang mga epekto ng pagkakabit ng Surveillance Camera sa Barangay

Cabanbanan, Pagsanjan, Laguna?

5
BALANGKAS TEORITIKAL

Sa isang surveillance, ito ay ipinapaliwanag na ang surveillance ay isa

lamang gamit o device. Ang nagagawa ng surveillance ay nakadepende sa

posisyon at kapangyarihan ng taong gumagamit ng surveillance. Ang teoriyang

nabanggit ay may kinalaman sa paggamit ng surveillance sa pang-araw araw na

gawain (Felson, 2002).

Ang kritikal na pang-araw-araw na gawain ay nararapat na ang isang

variable o di kaya’y pinagsamang variable ay dapat magkakasama upang

masugpo ang isang krimen sa komunidad (Felson, 2002).

Ang Security cameras ay nagbibigay ng maganda at maayos na

seguridad sa mga residente ng barangay.

6
Balangkas ng Konsepto

Input Process Output

1. Subject’s Profile Pamimigay ng mga Pag-analisa ng mga

1.1 Pangalan katanungan at pag- sagot ng respondent at

1.2 Edad analisa ng mga datos pagawa ng konklusiyon

1.3 Kasarian Feedback ng pag-install ng

1.4 Trabaho Surveillance


Makikita sa larawan Camera sa
sa ibaba, ang

1.5 Taon ng Barangay Cabanbanan

paninirahan Pagsanjan Laguna;

Sanhi at epekto

Larawan 1.3 Larawan 1.2 larawan 1 ay

nagpapakita ng input na may

kinalaman sa isang pananaliksik sa paraan ng paggamit ng datos gaya ng

pangalan, eded, kasarian, trabaho at tagal ngpaninirahan sa barangay upang

matukoy ang profile ng respondent. Ang larawan 1.2 ay nagpapakita ukol sa

pagbibigay ng mga katanungan at pagsagawa ng analisis at ang panghuli ay ang

larawan 1.3 na nagpapakita ng output sa pamamagitan ng pag-analisa ng mga

sagot ng respondent at paggawa ng konklusiyon sa sanhi at epekto ng pag-

install ng Surveillance Camera sa Barangay Cabanbanan Pagsanjan Laguna.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Pagkakabit ng Surveillance Camera

sa Barangay Cabanbanan Pagsanajn Laguna, at ang sanhi at epekto nito sa

mga residente ng Barangay.

7
Ang pag-aaral na ito ay limitado lamang sa Barangay Cabanbanan

Pagsanjan Laguna kasama na rito ang mga residente maging estudyante,

magulang at mga opisyal ng nasabing barangay.

Ito ay naisagawa sa ikalawang semester ng taong 2017-2018.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ginawa at maaaring magbigay-tulong sa mga

sumusunod:

 Opisyal ng Barangay, makatutulong para malaman nila ang kahalagahan

ng Surveillance Cameras sa kanilang Barangay.

 Residente ng Barangay, makabubuti para sa kanilang seguridad at

agarang pagtugon sa oras ng pangangailangan.

 Mga susunod ng mananaliksik, ito ay magsisilbing gabay sa

pagbalangkas ng isang pananaliksik.

Kahulugan ng mga Salita

Ang mga sumusunod ay mga talasalitaang ginamit sa pananaliksik:

8
Survellance Camera- nagmula sa salitang pranses na ang ibig

sabihin ay “panoorin”. Ginagamit upang makita nag mga pangyayari sa isang

lugar.

Barangay- Brgy o Bgy; tumutukoy sa baryo; pinakamaliit

na unit ng lugar sa isang komunidad.

Residente – mga taong naninirahan sa isang partikular na

lugar

KABANATA II

PAGSUSURI NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA

9
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Surveillance Camera

Ang surveillance camera ay naging isa ng bahagi ng malalaking imprastraktura

at ngayo’s ginagamit na sa kalakhang bahagi ng isang lugar. Hanggang sa

kalagitnaan ng 80’s, ang pagkalat ng Surveillance Camera ay naging malaki at

naging limitado sa pribadong lugar (Hempel, 2001)

Sa pag-aaral na ito, ang ibig sabihin ng Surveillance ay “ang pagmamasid

sa isang tao, pangyayaring naganap sa isang lugar sa paglalayong makakuha ng

impromasyon ukol sa mga pangyayari at pagkikilanlan ng mga tao (Lyon 1997;

Taylor 1999)

Sa mga nasabi, karamihan sa mga partikular na kakulangan ng pag-aaral

ng Surveillance Camera sa mga pananaliksik ay natukoy ni Armitage (2002)

Pagkakabit ng Surveillance Camera

Seguridad sa isang negosyo at tahanan ay mahalaga halos sa lahat ng

tao. Marami ang naniniwala na kailangan lamang ng seguridad sa tahana at mga

10
negosyo kung sila ay nagtataglay ng mamahaling gamit, ngunit ito ay hindi totoo.

Kahit sinong nagmamay-ari ng tahanan at negosyo ay maaaring makinabang

gamit ang CCTV

Uri ng Camera Bakit ito ginagamit

Wireless Camera May mga iilang kable ang nakakabit at nakalagay sa

tagong lugar

Hindi ganoong kadali na maputok at masira ng mga

criminal ang videotaping at pagproseso nito

Ito ay mas madailing makabit kesa sa mga wired

cameras

Night Vision Cameras Mas madali nitong makita ang mga pumapasok sa

pribadong lugar kahit na gabi.

Ang pagamit ng camera na magpapalit ng settings

kung gabi o umaga ay mas mabuti dahil awtomatiko

nitong nakikita ang mga kuha ng larawan.

Indoor/Outdoor Ang indoor camera ay maaaring makatuklas ng mga

Cameras pumapasok sa isang tahanan.

Makakasigurado sa seguridad ng miyembro ng pamilya

nasaang lugar man sila sa tahanan.

Ang outdoor camera ay ginagamit sa pagpapanatili ng

pagkontrol ng mga magnanaakw bago pa man nila

11
mapasok ang isang tahanan.

Ang outdoor at indoor cameras ay maaaring

magkontrol sa nakaambang sunog at iba pang pinsala.

Motion Detection Di lahat ng camera ay para sa pagtala ng mga

Cameras pangyayari sa isang lugar. Maaari rin silang magrekord

kapag may natuklasang paggalaw sa labad o loob ng

isang lugar. Dahil di sa lahat ng pagkakataon ito

nagrerekord 24/7, mas makakamura sap era at oras

dahil di ito magastos sa tape

Ang CCTV Camera ay maaaring mabigay ng videotape sa isang partikular

na lugar sa loob at labas ng tahanan. Sa ibang pagkakataon, ang camera ay

maaaring maidugtong sa isang warning system sa loob ng tahanan o di kaya’y

maaaring mabigay alam (alerto) sa kapulisan o iba pang emergency contacts.

Ang videotape ay maaaring mapanood sa oras mismo na narerekord ang

pangyayari; o kahit tapos na ang pangyayari. Ang gawain ng pagkakabit ng

CCTV Camera sa labas ay maaaring nakakabahala, ngunit sa pagsunod ng

ilang hakbang at tamang gamit, ito ay maaaring magawa ng madalian.

Marami ang CCTV Cameras sa merkado, at mahala ang pagkakaroon ng

isang camera na mas gagana sa inyong lugar.

12
Bago ang pagbili ng CCTV Camera, mahalaga na malaman kung paano

ito gumagana at paano ito gamitin at kung papaano makakabadyet sa pagbili

ng camera.

Sa ibang pagkakataon, malimit na kagustuhan ng tao ang isang camera

na nagagawa ang lahat ng bagay. Ang Night Vision Camera ay mas kilala dahil

nagagawa nitong maglabas ng malinaw na video at larawan anumang oras.

Para naman sa mga nagnanais na magdagdag ng seguridad ng walang

pagkakabahal, ang motion detection cameras ay isa sa mga pinakamagandang

pagpipilian; ganunpaman, ang pagdedesisyon ay naka-ayon sa inyong pamilya.

Bago ka makapagpakabit ng CCTV Camera, nararapat na mayroong

tamang kagamitan sa pagkakabit. Sa pagpipili ng bibilhing camera, mas

maiging suriin muna ang item kabilang na ang CCTV Camera. Halimbawa,

karamihan sa mga pakete ay naglalaman ng camera at cords. Karamihan

naman sa pakete ay naglalaman na player upang mapanood ang tape, cords at

remote control. Kung ang biniling camera ay wala kasamang cords, dapat kang

bumili ng Standard CCTV Installation cord, gaya ng RG59 Siamese Cables.

Ang ibang kagamitan naman ay nangangailangan ng screwdriver, drill, screws

at marami pang iba.

Ang unang hakbang ng pagkakabit ng iyong CCTV Camera ay ang

pagniniguro na ang lahat ng kailangan sa pagkakabit ng Camera ay kompleto.

Kabilang ditto ang DVR, camera o cameras at cords.

Ikalawa, maghanap ng mas angkop na lugar sa paglalagyan ng camera. Ito ay

nakadepende kung saan ang gusto mong kunan o pagmasdang bahagi ng

13
inyong lugar. Maraming tao ang nagnanais ng ilagay ang camera sa unahan at

likurang bahagi ng tahanan upang makita kung pinapasok ang kanilang

tahanan o negosyo.

Kung ikaw ay bibili ng camera na maaaring magalaw sa loob ng tahanan,

ang ikalawang hakbang ay di na ganun kaangkop, ngunit ang camera ay dapat

na nakalagay parin sa lugar kung saan mabibigay ng kabuuan ng papasok ng

tahanan o di kaya’y hallway.

Karamihan ay nagnanais na ilagay ang camera kung saan nagtatagpo

ang bubungang bahagi at pader ng tahanan at kanto. Ito ay matutulutan ang

camera para makita ang magandang kuha ng nito, ngunit magbibigay ng lugar

sa camera laban sa ulan, sikat ng araw, nyebe or malakas na hangin.

Inaagapan din nito ang pagkasira ng camera.

Kapag mayroong ka nang ideya kung saan mo nais na ilagay ang

camera, ito na ang pagkakataon na simulang ikabit ang iyong camera. Kung

gumagamit ka ng Hard-wired CCTV camera, kinakailangan mong gumamit ng

cord simula sa camera patungo sa iyong tahanan. Kung ang iyong tahanan ay

may attic, ito ay mainam na lugar para ilagay ang mga linya; ngunit, kapag wala

naman, maaari naman ilagay ang cords sa lugar kung saan may mas madaling

daanan.

Matapos mailagay ang cords sa angkop na lugar, susunod ay ang

paghanap ng tamang lugar para sa monitor at DVR. Ito ay maaaring kahit

saang bahagi ng tahanan, at karamihan ay mas pinipiling ilagaya ito sa home

office or sa silid-tulugan.

14
Kapag naman nahanap na ang angkop na lugar para sa monitor,

susunod ay ang pagalalagyn ng lahat ng cords sa silid, smula attic or ibang

bahagi at matapos ay dudugtong sa DVR.

Magkabit ng camera sa pamamagitan ng pagbubutas ng pader sa

napiling lugar. Pagkatapos, ilagay ang camera sa paraan ng pag-screw sa

binutas na pader.

Kapag nadugtong na, kinakailangang ang camera ay nakasaksak sa

power supply. Mayroonng dalawang pagpipilian. Isaksak ang camera sa outlet

ng magkahiwalay gamit ay pig-tails o di kaya’y gumamit ng AC/DC power box

upang maisaksak ang lahat ng camera lines sa isang box at ikabit ang isang

AC line mula sa box outlet.

Kung ang DC camera sa iyong tahanan ay di sapat para sa camera,

maaari itong magdulot ng pinsala sa camera o tahanan. Kaya mas maiging

siguraduhin na ang DC power ay sapat bago ikabit ang lahat ng camera sa

power supply. Bago buksan ang power ng camera, ikabit ang monitor sa iyong

DVR. Matapos lahat ay nakakabit na, pwede na itong paganahin. Mahalagang

simulan ang taping upang makita at makasiguradong lahat ay gumagana. Ang

CCTV camera ay isa sa mga paraan upang maprotektahan ang lahat ng bagay

sa iyo, kasama ang iyong pamilya at items sa tahanan at negosyo. Dahil

maraming pagpipilian, mahaba habang oras bago makapagdesisyon sa pagpili

ng camerang gagamitin. Kapag makabit ng tama ang camera, ito ay magagamit

upang mapanatili ang inyong tahanan, negosyo at pamilya ng ligtas.

15
KABANATA III

METHODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng mga pamamaraan na ginamit sa

pag-aaral. Kabilang dito ang disenyo ng pananaliksik, lugar ng pagaganapan ng

pananaliksik, mga simuno, gamit ng pananaliksik, at pamamaraan ng pagtitipon

ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng paglalarawan na pamamaraan ng

pananaliksik sa pamamagitan ng pamimigay ng mga katanungan. Ang

pananaliksik na ito ay gumamit ng paghahambing na paraan na may pagtutuon

sa pagkilala at paglalarawan ng pangyayari sa kasalukuyan. Ang resulta ay base

sa persepsyon sa pagkakabit ng Surveillance Camera, at ang sanhi at epekto

nito sa komunidad.

Lugar ng Pananaliksik

16
Ang lugar na pinaganapan ng pananaliksik ay sa Barangay Cabanbanan,

Pagsanjan Laguna. Ito ay pinili ay sa kadalihanang ito ay angkop na lugar ng

pag-aaral, pagsasaalang-alang ng bilang ng Surveillance Cameras na

magagamit sa isang barangay. Bilang isa sa mga lugar na lantad sa mga

pangyayaring nagaganap gaya ng away sa kalye, at droga, ang mga residente

na napagbigyan ng katanungan ay maaaring makapagbigay ng kani-kanilang

ideya patungkol sa pamagat ng pananaliksik.

Mga Respondent

Ang mga participant ng pag-aaral ay binubuo ng 5 lokal na residente na

natukoy na naninirahan sa nasabing barangay. Napili sila bilang pinagmulan ng

impormasyon dahil sa sila ay may kapasidad at kaalaman na magbigay ng

kanilang ideya patungkol sa Surveillance Camera at ang sanhi at epekto nito sa

barangay. Dahil sa sila ay residente ng barangay, pinaniniwalaang naranasan na

nila ang sanhi at epekto ng surveillance camera.

Pamamaraan ng Sampling

Ang pag-aaral ay gumagamit ng purposive sampling sa pagpili ng

respondents. Ang limang respondent ay partikular na nakilala at napag-alamang

nakaranas ng sanhi at epekto ng Surveillance Camera base sa ginamit na mga

katanungan. Tanging yung mga interesado lamang ang nakabilang sa pag-aaral.

Instrumento sa Pananaliksik

17
Mga katanungan ang inihanda upang makakalap ng sapat ng

impormasyon ukol sa sanhi at epekto ng surveillance camera bilang nararanasan

ng mga residente. Ito ay nagawa sa pamamagitan ng pangangalap ng

konsultasyon sa Tagapayong mananaliksik.

Pamamaraan ng Pagtitipon ng datos

Matapos makakuha ng pag-apruba sa tagapayong mananaliksik, hiningi

ang pahintulot sa pamimigay ng mga katanungan sa mga napiling respondent.

Binigyan ng sapat ng oras ang mga respondent at pinag-aralan ang mga

participant para maihanda ang kanilang kasagutan. Binigyan sila ng iilang

katanungan sa kanilang bakanteng oras. Ganun pa man ay sila’y binigyan ng

kasiguraduhan na magiging kumpidensiyal ang mga datos na makakalap.

Ang mga tugon ng mga respondent ay naisalin sa madaling panahon at

nabigyan ng coding at kategorya upang makita ang pakahulugan.

Balangkas Analitikal

Gamit ang naturalistic approach, ang mga datos ay nakalap upang

makuha ang tema at kahulugan ng mga tugon ng subject. Ginamit din ang

interpretative inquiry upang makakalap ng malalim na pag-intindi ukol sa paksa.

18
KABANATA 4

PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON NG NGA DATOS

Ang kabanatang ito ay nagtatanghal ng isang komprehensibong pag-aaral

at interpretasyon ng datos na nakalap. Ang lahat ng mga tugon ay naka-code,

nakategorya, at binibigyang-kahulugan nang naaayon.

I. Datos ng Simuno

Subject A

Eda
Kasarian Trabaho Haba ng paninirahan
d

37 Babae Housewife 29 taon

Subject B

Eda
Kasarian Kasarian Haba ng paninirahan
d

41 Lalaki Barangay Official 41 taon

Subject C

19
Eda
Kasarian Kasarian Haba ng paninirahan
d

31 Lalaki Businessman 1 ½ taon

Subject D

Eda
Kasarian Kasarian Haba ng paninirahan
d

40 Babae Housewife 10 taon

Subject E

Edad Kasarian Kasarian Haba ng paninirahan

60 Lalaki Barangay Tanod 60 taon

II. Mga pangyayari noong wala pang surveillance camera

Talaan 1

Question Response (Verbatim) Codes/Category

Ano ang pangyayari sa R1:“Maraming mga Hindi malutas lutas na

Barangay Cabanbanan, pangyayari ang hindi isyu

Pagsanjan, Laguna bago nakikita at hindi

kinabit ang Surveillance naririsolbahan”

Camera? R2:“Proliferation of petty Lantaran ang krimen

crimes in barangay is

very much visible”

R3:“Nakawan, mga Di kaaya ayang gawain

kabataang walang habas ng mga kabataan.

20
gumawa ng ingay

habang kahimbingan ng Masasamang gawain/

tulog, aksidente at away krimen

kabataan”

R4:“There were Nangyayari ang krimen

instances of people ng walang marka/

mugged, robbed in our ebidensiya

barangay without any

clues on the scenario”

R5:“Laganap ang mga Mataas na rate ng

nakawan” nakawan

Ang Talaan 1 ay ipinapakita ang opinyon ng mga respondents sa oras ng

panayam ukol sa senaryo sa banarangay noon wala pang nakakabit na

surveillance camera.

Sa pag-aaral na ito, ang ibig sabihin ng Surveillance ay “ang pagmamasid

sa isang tao, pangyayaring naganap sa isang lugar sa paglalayong makakuha ng

impromasyon ukol sa mga pangyayari at pagkikilanlan ng mga tao (Lyon 1997;

Taylor 1999)

Sa nakaraang 2 taon, simula sa panahong nakabit ang surveillance

camera sa barangay, mayroong iilang senaryo sa narekord ng opisyal ng

barangay gaya ng pagnanakaw, aksidente atbp.

Ayon sa sagot ng mga respondent, ipinapakita rito ang kahalagahan ng

surveillance camera sa isang lugar, kung papaano nito nababawasan ang

21
trabahuin ng mga opisyal at kung papaano nagagamit ang nakalap na

ebidensiya sa pagsugpo ng krimen. Sa pag-aanalisa, kami ay humantong sa

isang solusiyon at posibleng panukala na makikita sa bahagi ng rekomendasiyon

at konklusiyon ng pananaliksik

III. Dahilan ng pagpapakabit ng Surveillance Camera

Talaan 2

Question Response (Verbatim) Codes/Category

Ano ang mga dahilan ng R1:“Para madaling Agarang pagsugpo ng

pagkakabit ng mahuli at masukol ang krimen

Surveillance Camera sa may kasalanan o

Barangay Cabanbanan, criminal”

Pagsanjan, Laguna? R2:“For observation, Pagmamatiyag at

monitoring and incident insident repot

report”

R3:“Para sa Makakasiguro ng

kapanatagan ng loob ng kaligtasan

22
mamamayan dahil

pwede nang mamonitor Pagmonitor ng mga

ang pangyayari kagaya pangyayari

ng nakawan”

R4:“Surveillance camera Pagbibigay ng solusiyon

can provide solutions ukol sa nakawan

problems related to theft.

With CCTVs, legal Pagmonitor sa

authority can see the pamamagitan ng nakalap

series of events” ng pangyayari

R5:“Para makita yung Madaliang mahuli ang

mga taong nagnanakaw” sangkot

Ang Talaan 2 naman ay ipinapakita ang opinyon ng mga respondent sa

oras ng panayam ukol sa dahilan ng pagpapakabit ng Surveillance Camera sa

kanilang barangay.

Ang surveillance camera ay naging isa ng bahagi ng malalaking

imprastraktura at ngayo’s ginagamit na sa kalakhang bahagi ng isang lugar.

Hanggang sa kalagitnaan ng 80’s, ang pagkalat ng Surveillance Camera ay

naging Malaki at naging limitado sa pribadong lugar (Hempel, 2001)

Base sa mga naging tugon ng mga respondent, ang kanilang opinyon ang

magkatulas sa seguridad ng barangay, pagmonitor ng mga insidenteng nangyari

23
kada oras at ang paraang kanilang ginagawa habang kanilang minomonitor sa

kalagayan ng kanilang komunidad.

IV. Epekto ng pagkakabit ng Surveillance Camera

Talaan 3

Question Response (Verbatim) Codes/Category

Ano ang mga epekto ng R1:“Maganda at maayos Tahimik ng komunidad

pagkakabit ng na barangay”

Surveillance Camera sa R2:“People become Kamalayan ng

Barangay Cabanbanan, aware of their areas” komunidad

Pagsanjan, Laguna? R3:“Mas mababawasan Mababang insidente ng

ang kaso ng nakawan

pagnanakaw at

mapapabilis ang pag- Agarang tugon sa

response tuwing may nakawan

24
aksidente at iba pa.

R4:“It can prevent crime Mahuli ang iligal na

from happening and can gawain

capture any illegal

activities. It also can Gamit bilang ebidensiya

gather evidence.”

R5.“Nakakatulong sa Tumutlong upang mahuli

barangay upang ang kriminal

masugpo ang

masasamang tao” Mababang rate ng

krimen

At huli, ang Talaan 3 ay ipinapakita ang opinyon ng respondent sa oras ng

panayam ukol sa positibong epekto ng pagkakabit ng surveillanve Camera sa

barangay.

Base sa masinsinang pag-analisa sa opinyon ng respondent, may

pagkakaparepareho ang kanilang kasagutan ukol sa pagpapaigting ng kanilang

kamalayan kung paano gumagana at ang gamit ng Surveillance Camera sa

kanila barangay kung saan ginawa ang pag-aaral. Kalimitan sa kanilang tugon ay

natuon sa seguridad ng sambahayan bilang isa sa pangunahing epekto ng

pagkakabit ng Surveilance Camera.

Karamihan sa kanilang sagot, malibang sa nabanggit na kasagutan, ang

pagkakabit ay may kinalaman din sa pagkontrol ng krimen, bilang epekto,

mababawasan ang krimen kada taon.

25
KABANATA V

BUOD NG PAG-AARAL, KONKLUSIYON AT REKOMENDASIYON

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng buod ng mga natuklasan,

konklusyon, at mga rekomendasyon ng pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay

nakatutok sa mga sanhi at epekto ng pagkabit ng Surveillance Cameras sa

Barangay Cabanbanan, Pagsanjan, Laguna

Buod ng Pag-aaral

Base sa nakalap ng datos, nabuo ang mga sumusunod:

1. Tinutukoy nito ang kahalagahan ng Surveillance Camera sa isang lugar.

2. Tumutulong ito sa pagkontrol ng rate at pagdami ng insidente ng krimen

26
3. Tumutulong ang Surveillance Camera sa pagtala ng araw araw na

pangyayari sa isang barangay.

4. Tumutulong ito sa agarang paglutas ng kaso sa barangay.

5. Aming natukoy na lahat ng aming nakapanayam ay sumasang-ayon sa

pagkakabit ng Surveillance Camera sa kanilang barangay

Konklusiyon

Base sa nakalap ng datos mula sa mga respondent, ang mga sumusunod

na konklusiyon naibigay:

1. Tumutulong ang Surveillance Camera sa pagbawas ng insidente ng

krimen na nangyayari sa isang barangay, kung kaya ang bawat

komunidad ay malaman ang tamang gamit ng Surveillance Camera at

kung papaano ito gumagana.

2. Sa bawat gamit ng Surveillance Camera, may kalakip na partikular na

epekto sa barangay- at ito’y nakadepende kung papaano gamitin ng

komunidad ang device.

3. Ang pagkakabit ng Surveillance Camera ay isang paraan ng pagiging

malayo ng isang komunidad sa isang krimen; kundi man, sa maliit na

paraa’y mabawasan o makontrol ang insidente.

Rekomendasyon

Base sa konklusyon, ang mga sumusunod ay ang rekomendasyong maibibigay:

1. Karagdagang pagkakabit ng Surveillance Cameral

2. Kamalayan sa kung papaano gumagana at ginagamit ang Surveillance

Camera

27
3. Tamang paglalagyan ng Surveillance Camera sa lugar kung saan malinaw

na makikita ang insidente

4. Pag-aayos ng mga Surveillance Camera na di gumagana

5. Regular na pag-check ng Surveillance Camera bilang seguridad na ito’y

gumagana.

6. Bawat barangay ay dapat magkaroon ng Surveillance Camera sa kanilang

lugar upang tuloy -tuloy nilang mamonitor ang kalagayan ng kanilang

komunidad.

28

You might also like