PANUKALA SA PAGPAPAKABIT NG CCTV PARA SA BARANGAY POBLACION
Mula kay Angelo M. Virgines
Purok 2, Holy Rosary Street
Barangay Calaba
San Isidro,Nueva Ecija
Ika-23 ng Marso 2022
I. Pagpapahayag ng Suliranin
Ang Poblacion ay isa lamang sa umuunlad na lugar sa San Isidro.
Sa paglipas ng panahon ay unti-unti na rin itong nababago ng modernisasyon. Bawat taon ay marami ang naitatalang aksidente at krimen sa kalsada rito. Upang maaksyunan ang suliraning ito na maglaan ng pondo ang munisipyo upang maumpisahana at malagyan ng CCTV camera ang mga kalsada. Ang CCTV camera ay (closed circuit television) ay isang maliit na instrumentong ginagamit ng mga tao sa pagbabantay ng pribado o pampublikong gugar. Makakatulong ito sapagkat makikita rito ang mga pangyayaring nagaganap sa isang lugar anumang oras. Pangunngunahan ito ng mga tanod at kapulisan sa barangay pagkat sila ay benta kwatro oras an alerto. Sa pamamagitan nito ay mapapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa barangay poblacion.
II. LAYUNIN
Makapag pakabit ng CCTV sa bawat poste ng barangay upang
makatulong na maiwasan ang anumang hindi magandang pangyayari ang maganap gaya na lamang ng pagnanakaw, aksidente at iba pa. Para na rin matiyak ang kaligtasan ng mga mamayan at maging ang kanilang mga ari-arian sa paglabas labas ng barangay.
III. Plano na Dapat Gawin
1. Pagbilang o pag-apruba sa budget na kinakailangan sa
proyekto(5araw) 2. Pag susurvey sa lugar upang masuri kung saan mas kinakailangan lagyan ng CCTV camera (2araw)
3.Paghahanap ng mga kinakailangang tao para sa proyekto(1araw)
•pagpupulong ng mga konseho ng barangay para sa pagpili ng gagawa o magkakabit ng CCTV.
4. Paggamit at pagsusuri sa CCTV cameras kung maayos ba ang mga
ito(2araw)
5.Pagkakabit ng CCTV camera sa pamamahala ng konseho ng Poblacion
San Isidro, (1buwan)
IV. Badyet
Mga Gastusin Halaga
l. Halaga ng mga cctv Php 100,000.00 camera/kamera na na isinumite ng napiling contractor at head finance ng Barangay Poblacion San Isidro ( kasama na rito ang mga materyales at magiging suweldo ng mga manggagawa ll.Nakalaang Pondo para sa Php10,000.00 gastusin sa kuryente sa loob ng isang buwan /monthly lll. Kabayaran sa magbabantay Php12,000.00 sa footage ng cctv camera sa loob ng isang buwan. Kabuoang Halaga Php122,000.00
V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito.
Ang pag papalagay Ng CCTV camera sa barangay poblacion ay
magiging malaking tulong at pakinabang Ng mga mamayang sa barangay Poblacion. Isa na dito ang siguridad ng nga mamayang laban sa mga masasamang loob at pagkakaroon ng mga aksidente sa pag kakaroon ng mga CCTV sa lugar ay mag kakaroon ng kapayapaan dahil mababawasan ang mga gulo at krimen na maaaring maganap. Malaki rin ang tulong sa mga awtoridad ang mga close circuit television o CCTV. Ito ang nakabantay sa lugar kung sakaling may krimen na maganap ay magiging tulong ito upang malutas ang problema.
Ang panganib sa lugar ay mababawasan at mas medaling
matutuklasan ang bawat pangyayari. Hindi na mahihirapan ang mga tao na alamin ang pangyayari kung may naganap na aksidente sapagkat mayroon ng CCTV ang barangay para mas madaling matuklasan ang naganap na aksidentecsa barangay. Mababawasan na at hindi na makakaranas ang mga mamamayan ng pagnanakaw ng kanilang mga kagamitan na magiging epekto na rin ng kanilang trauma. Higit sa lahat mas magkakaroon sila ng kapanatagan ang puso ng bawat isa sa tuwing sila ay lalabas ng tahanan dahil alam nilang na mas ligtas sila.
Tiyak na ligtas mas magiging ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng
Barangay Poblacion sapagkat magiging proteksiyon din nila ito sa buong katotohanan ng isang pangyayari.