You are on page 1of 21

GABAY SA OPERASYON NG COMMUNITY FISH LANDING CENTER

NG UNISAN

UNISAN, QUEZON

PAMBUNGAD:

Alinsunod sa programa ng Department of Agriculture –Bureau of Fisheries and Aquatic


Resources, ang Commmunity Fish Landing Center Project ay hakbang para tiyaking kalahok at
kasama sa pag-angat ng kabuhayan ang maliliit na mangingisda sa munisipalidad (targeted
intervention to spur “ inclusive growth” for municipal fisherfolk).

Kaugnay nito, itinakdang layunin at silbi (purposes and function) ng nasabing proyekto
ang mga sumusunod:

1. Magbigay ng maayos na “ post-harvest handling” at sistema ng pagpo-proseso para


mabilis na makarating sa palengke ang produktong pampangisdaan para mabawasan
kundi man maiwasan ang mga pagkalugi dahil sa pagkasira ng produkto sa
pangisdaan upang mapataas ang kita ng maliliit na mangingisda ( providing better
post-harvest handling and processing systems, and faster access to markets to
reduce post-harvest losses and increase incomes);

2. Magsilbing lugar para sa pagbabahagihan ng mga kaalaman at impormasyon para


paunlarin ang kalidad ng produktong pampangisdaan at pataasin ang nararapat na
kabahagi ng maliliit na mangingisda sa halaga ng kanilang produkto ( Sharing of
knowledge and information, to improve the quality of the products and increase the
fisherfolk’s fair share in the value of the products);

3. Magbigay ng kinakailangang serbisyo upang tiyaking malinis, ligtas at lihitimo ang


mga pamamaraan sa pangingisda kabilang na ang “ post-harvest handling” at
teknolohikal na pagpo-proseso, pagrerehistro, paglilisensiya at maging pagbababala
sa panahon at kalamidad at iba pa ( Providing access to vital services to ensure
clean, safe and legitimate fishing practices, including post-harvest handling and
processing technologies, registration and licensing, weather and disaster warning,
and the like);

4. Pagpapalakas sa tuluy-tuloy na pangangalaga at pangangasiwa sa pangisdaan at sa


tulong ng agham ay masusubaybayan ang kalagayan ng pangisdaan at ang isdang
naroon ( Enhancing sustainable fisheries management with the help of science-
based monitoring of the condition of the fishing grounds and fish stocks);

5. Mapabilis ang pagpapaunlad at pagpapalakas ng mga samahan ng maliliit na


mangingisda at kababaihan upang epektibo silang makalahok sa proseso ng paggawa
ng mga desisyon at patakaran upang kamtin ang mga serbisyong kailangan para sa
kanilang kapakanan at kagalingan ( Facilitating organizational development and
strengthening of fisherfolks, including women so they can effectively participate in
decision- making processes and avail of the services that affect their welfare);

6. Makapagbigay ng mga insentibo o mailatag ang mga kinakailangang kondisyon


upang mahikayat ang mga maliliit na mangingisda na pagsamasamahin ang kanilang
huling isda o produkto para makakuha ng mas mataas na halaga at lugar sa palengke
( Providing incentives for aggregating the harvests of small-scale fishers to increase
market value and market access);

Ibig sabihin, ang Community Fish Landing Center Project sa Lapu-Lapu ay


magsisilbing pasilidad para sa mga pangkabuhayang aktibidad ng mga mangingisda
bilang sentrong bagsakan ng isda at pasilidad sa pagtatawaran at bentahan ng isda [ Hub
for economic activities ( fish landing and auction) ], lugar ng mga paghahasang
pangkasanayan ( skills training venue), pagsubaybay ( monitoring) ng mga nahuhuling
isda at pagtaya ng dami ng isda sa pangisdaan ( stocks assessment), lugar sa pag-
oorganisa ng komunidad (community organizing) at pagbabahagihan ng mga
impormasyon (information sharing) kaugnay ng pangangasiwa ng yamang dagat (
resource management) para sa tuluy-tuloy ( sustainable) na kabuhayan pampangisdaan
na handa sa anumang panahon at /o kalamidad (disaster-resilient fisheries-based
livelihoods).
Ang Munisipalidad ng Unisan, Quezon at ang maliit na mangingisda sa
munisipalidad ay isa sa mga benepisyaryo ng proyektong Community Fish Landing
Center ng DA-BFAR. Nakatayo na ito sa Brgy. Lapu-Lapu Unisan. Ipinapanukala din na
magtayo ng dalawang (2) satellite nito upang malubos ang serbisyo ng proyekto sa mga
benepisyaryong maliliit na mangingisda ng Unisan.

Ang naturang pasilidad ay pinondohan mula sa GAA 2015 na nagkakahalaga ng


P2.85M. Ang loteng kinatatayuan ng nasabing pasilidad ay inihanda bilang counterpart
ng lokal na pamahalaan ng Unisan na umaabot sa mahigit 1,000 metro kuwadrado.

Upang tiyakin na makakamit ang mga layunin at silbi ng mga naturang


Community Fish Landing Project, alinsunod sa mga itinakda ng DA-BFAR, naglunsad
ng Capability Building Training Workshop sa pangunguna ng NAPC-CFLC community
organizers, na inatasang magsagawa ng nauukol na paghahandang panlipunan ( social
preparation ) noong Enero 23, hanggang 25, 2018. Ito ay nilahukan ng mga kasapi at
lider ng mga samahan ng maliliit na mangingisda, mga miyembro ng BFARMC at
kinatawan ng Pangulo ng MFARMC, ilang Punong Barangay at Kagawad ng Barangay
ng ilang coastal barangay ng munisipyo at ng Sangguniang Bayan Komite ng Agrikultura
at Pangisdaan ilang tauhan ng Office of the Municipal Agriculture. Ang resulta ng
training-workshop na naturan ay ang “ Gabay sa Operasyon ng Community Fish Landing
Center ng Unisan”.

CHAPTER 1: LAYUNIN NG GABAY SA OPERASYON

Section 1- Ang Gabay sa Operasyon ng Community Fish Landing Center ng Unisan ay


isang dokumentong magbibigay impormasyon tungkol sa at gabay sa pagpapatakbo sa
Community Fish Landing Center ng Unisan,Quezon na nakatayo sa Brgy. Lapu-Lapu Unisan at
sa mga kakailanganin satellite nito

Section 2- Ang Community Fish Landing Center sa Unisan ay isang community


enterprise na nauukol at para sa mga maliliit na mangingisda. Ang karapatan sa pamamahala at
operasyon ng Community Fish Landing Center ay nauukol sa maliliit na mangingisda ng Unisan.
Ngunit, ang sitwasyon ng mga kasalukuyang nakatayong samahan ng mga mangingisda, ay hindi
nagpapahintulot na ipaubaya sa mga maliliit na mangingisda ang pamamahala at pagpapagana ng
naturang proyekto. Wala pang samahan ng maliliit na mangingisda na masasabing kumakatawan
sa kabuuhan ng maliliit na mangingisada sa munisipyo at kung mayroon man hindi pa sasapat
ang kanilang kakayanan para pamahalaan at paganahin ang Community Fish Landing Center
Project.

Section 3. Ang gabay na ito ay naka-disenyo para pamahalaan ang Community Fish
Landing Center ng Pamahalaang Bayan ng Unisan, Quezon sa pangunguna ng Project
Management Committee batay sa Executive Order No 15 Series of 2017 na ipinalabas ng
Punong Bayan Nonato E. Puache .

Section 4. Lakip ng gabay na ito, hindi lang ang mga patakaran, pamamaraan at proseso
sa pamamahala at operasyon ng CFLC kundi maging ang mga gabay, hakbang at pamamaraan
upang ihanda ang maliliit na mangingisda at ang nauukol na samahan nila, para sa tuluyang
pagsasalin sa kanila ng operasyon at pamamahala ng Community Fish Landing Center sa
pinakamaagang panahong kakayani;

Section 5. Sa pagtalima sa mga probisyon ng Gabay na ito, matitiyak ang pagkakamit sa


mga layunin at silbi (purposes and function) na itinakda ng DA-BFAR sa pagpapatupad ng
CFLC Project.

Section 6. Ang Gabay na ito naglalaman ng “how-to procedures” at mga “ business


related policies”. Nililinaw ng dokumentomg ito kung ano ang mga aktibidad pang negosyo ang
maaaring pahintulutan sa mga naturang community fish landing centers, paano dapat ito
pamahalaan, paano ito dapat kumita at kung sino ang dapat makinabang

Section 7. Magsisilbi din itong pangkalahatang gabay para sa mga taong itatalaga sa ibat-
ibang antas ng pamamahala hanggang mga manggagawa ng CFLC para sa ibat-ibang natukoy na
linya at mga gawain sa CFLC sa aktwal na pagpapagana at /o operasyon nito. Laman din nito
ang mga kaukulang job description ng mga nagtatrabaho sa CFLC upang maintidihan ang papel
ng bawat isang sangkot sa operasyon ng proyekto.
Section 8. Lalamnin din nito ang mga patakaran sa pagtatalaga ng mga tagapamahala at
pag-recruit ng mga kinakailangang manggagawa, Itinatakda rin nito ang mga gabay kung paano
dapat kumita ang mga tagapamahala at mga manggagawa sa CFLC.

Section 9.Kasama rin sa Gabay na ito ang ilang emergency procedures sakaling may
sakuna.

Chapter 2 – ANG PROYEKTONG CFLC NG UNISAN, QUEZON

Section 1- Ang CFLC ng Unisan, Quezon ay binubuo ng mga sumusunod:

a. Dalawang palapag na pasilidad na natatayo sa Brgy. Lapu-Lapu na ang ibaba ay


napapalibutan ng mga aseras, may isang kwarto na maaring gamiting tanggapan,
dalawang palikuran at espasyo na magsisilbing fish trading area. Ito ay may hagdang
paakyat sa ikalawang palapag na bukas at walang bubong;

b. Ang 1,000 metro kuwadradong loteng pagtatayuan ng pasilidad ng CFLC sa Brgy. Lapu-
Lapu at ang baybaying dagat na malapit dito
c. Ang mga satellite na pasilidad sa mga loteng tutukuyin alinsunod sa Chapter 2 Section 4
ng gabay na ito;

Section 2- Iba pang kagamitan ng CFLC.

a. Walong (6) stainless fish stalls- Ito ay maaring gamitin sa fish trading activity ng CFLC;
b. Dalawa (2) na chest freezers- Ito ay maaring gamitin sa paggawa ng yelo na
pangangailangan upang pahabain ang pagiging sariwa ng isda;
c. Timbangan- Kailangan magkaroon ng nauukol na mga timbangan sa mga pasilidad;
d. Kailangan ding magdagdag at magkaroon ng iba pang kagamitan sa mga pasilidad ng
CFLC kung kakailanganin sa epektibong pagbibigay ng serbisyo at mahusay na
operasyon ng CFLC.
Section 3- Probisyon ng tubig at kuryente

a. May instalasyon ng tubo para sa tubig at linya ng kuryente ang pasilidad ng CFLC sa
Brgy. Lapu-Lapu at ang nakatakdang mamahala nito ang titiyak na ito ay mapadaluyan
ng kuryente at tubig.
b. Kailangang tiyakin na may mahusay at tuluy-tuloy na mapagkukunan ng daloy ng tubig
at kuryente ang mga pasilidad ng CFLC.
c. Maaaring isaalang-alang sa pagpaplano ang pagkakabit ng alternatibong mapagkukunan
ng kuryente gaya ng solar panel at back-up generators upang matiyak ang palagiang
daloy ng kuryente

Chapter 3- Mga Stakeholders

Section 1- Ang pangunahing benipisyaryo ng proyektong CFLC sa ay ang maliliit na


mangingisda ng Unisan, Quezon. Kung gayon, sila sa pamamagitan ng kanilang mga
organisasyon ang dapat pangunahing makinabang sa proyekto. Sila ang ultimong mamamahala
sa operasyon ng CFLC at ang kita at pakinabang sa operasyon nito ay nakalaan para sa kanila.

Section 2- Ang lokal na pamahalaan ng Unisan, Quezon, bilang inisyal na tagapamahala


sa oparasyon ng CFLC, sa pamamagitan ng Project Management Committee ay may tungkulin
gaya ng mga sumusunod:

a. Maghanda ng plano sa pagnenegosyo sa CFLC at maglaan ng kinakailangang kapital


para sa inisyal na kagastusan at operasyon nito;
b. Pamahalaan ang pasilidad sa pamamamgitan ng nakatayong Project Management
Committee.
c. Paglilipat ng operasyon at pamamahala ng pasilidad sa itatatag na pederasyon ng
mga samahan ng maliliit na mangingisda ng Unisan kung ang mga kondisyon at
kakayanan ng samahan ng maliliit na mangingisda ay sapat na alinsunod sa FOO 78 ;
Section 3- Ang Project Management Committee- Ang Project Management Committee
ay may tungkulin sa inisyal na pamamahala at operasyon ng CFLC tulad ng mga
sumusunod:

a. Tiyakin na ang mga teknikal at panlipunang paghahanda kaugnay ng proyekto ay


naipatupad sa pasilidad ng CFLC;

b. Tiyakin na lahat ng stakeholders ay nakalahok sa pagplano at pagpapatupad ng


programa;

c. Linawin at magkasundo sa mga mekanismo ng koordinasyon sa pagitan ng mga


stakeholders;

d. Desisyunan ang mga usaping iaakyat ng mga sub-komite at komite sa operasyon ng


CFLC;

e. Aprubahan ang mga plano sa pagpapaunlad at operasyon ng CFLC;

f. Pag-aralan at aprubahan ang gabay na ito hingin sa Sangguniang Bayan ang


kinakailangang lokal ordinansa na sasaklaw sa pagpapatupad ng gabay na ito at sa
operasyon ng CFLC;

g. Pangunahan ang pagbubuo ng Co-management body o ng operations committee ng


CFLC;

Section 4 – Ang DA-BFAR ay may mga tungkulin tulad ng mga sumusunod:

a. Pumasok sa kasunduan sa pamahalaang bayan ng Unisan, Quezon kaugnay ng


kakailangang suporta para sa operasyon at pamamahala ng CFLC;

b. Magpalabas ng kinakailangang kautusan matapos makonsulta ang steering and review


committee alinsunod sa section 4 FOO 78;
c. Maglunsad ng kinakailangang aktibidad para panlipunang paghahanda at
pagpapalakas ng kakayanan ng maliliit na mangingisda at ng kanilang samahan sa
pakikipagtulungan sa NAPC;

Section 5 – NAPC – Ang NAPC sa pakikipag-koordinasyon sa BFAR ay may tungkulin


sa monitoring at ebalwasyon kung and silbi at layunin ng proyekto ay nakakamit;

Section 6 – Iba pang ahensya ng pamahalaan

a. DILG – suporta at probisyon ng counterpart at aktibong sa pagtatatag ng CLFC;


b. DENR – teknikal na tulong at probisyon ng kinakailangang impormasyon kaugnay ng
mga kinakailangang clearance at permit sa paggamit ng foreshore area, environmental
impact ng operasyon ng pasilidad, bulnerabilidad ng lugar sa natural na panganib
atbp;
c. DSWD – probisyon ng angkop na suportang pangkabuhayan at insentibo sa mga
maliliit na mangingisda;
d. DTI – probisyon ng teknikal na tulong sa pagsasanay sa pagnenegosyo, value adding,
packaging, labeling at marketing ng mga yaring produktong pampangisdaan at
paglalagay ng Timbangang Bayan sa pasilidad;
e. CDA – pagbibigay ng tulong teknikal para sa organisasyunal na pagpapaunlad,
pagpaparehistro at akreditasyon ng kooperatiba ng maliliit na mangingisda;
f. Philippine Crop Insurance Corporation – pagbibigay ng insurance sa CFLC, sa mga
bangka, kagamitan sa pangingisda ng maliliit na mangingisda, alagaang isda o
seaweeds at iba pa.
g. National Fishery Research and Development Institute – para sa mga aktibidad sa “
fish catch monitoring and stock assessment” kabilang na ang pagpapalakas ng
kakayanan ng maliliit na mangingisda sa pagtaya ng “stock”.
h. DOLE – pagrerehistro ng mga samahan ng maliliit na mangingisda at pagkakaloob ng
mga programang pangkabuhayan;

Chapter 4 ANG ORGANISASYON NG MGA MALILIIT NA MANGINGISDA


Section 1- Sa kasalukuyan ay may mga samahan ng mga maliliit na mangingisda sa
Unisan, Quezon at may nakatayong organizing committee na ang tungkulin ay tumulong na
itatag ng mga mangingisda ang kanilang samahan ng maliliit na mangingisda sa mg coastal
barangay ng munisipalidad. Tungkulin din ng nasabing organizing committee na itatag ang
pambayang pederasyon ng mga samahan ng mga maliliit na mangingisda sa munisipyo.

Section 2- Tungkulin ng lokal na pamahalaan ng Unisan, Quezon, sa kanilang inisyal na


pamamahala ng CFLC sa pamamagitan ng Project Management Committee na maglatag ng mga
programang makakatulong sa mga naturang mga samahan upang mapangunahan ang pag-
aangkat ng kanilang pagkakaisa sa municipal na antas kasama ang iba pang samahan ng maliliit
na mangingisda sa munisipalidad.

Section 3- Ihanda ng lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng PMC, bilang bahagi ng


pamamahala sa CFLC ang mga kondisyon at mga pangangailangan para itatag ang pambayang
pederasyon ng maliliit na mangingisda na magsisilbing pandayan ng mga lider at kasapi ng mga
samhan para manguna sa operasyon ng CFLC sa hinaharap;

Section 4- Pagbubuo ng lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng PMC ng programa para


mga kinakailangang pagsasanay teknikal kaugnay ng mga ispesipikong aktibidad na
kinakailangang asikasuhin sa CFLC upang ihanda ang mga samahan ng maliliit na mangingisda
at mga kasapi nito sa ganap na paglilipat ng pamamahala ng CFLC mula sa pamahalaang bayan
ng Unisan,Quezon patungo sa itatatag na pederasyon ng samahan ng amliliit na mangingisda sa
munisipalidad;

Section 6- Paglalaan ng 30%-50% ng kita ng CFLC para sa mga aktibidad pang


organisasyon, pagsasanay sa pamamahala at mga pagsasanay teknikal na kinakailangan ng mga
lider at kasapi ng samahan ng maliliit na mangingisda para sa ganap na pagsasalin sa kanila ng
pamamahala at operasyon ng CFLC.

Chapter 5 – Ang CFLC Operations Committee

Section 1 – Ang CFLC operations Committee ay sasailalim sa direktang pangangasiwa


ng Project Management Committee.
PROJECT
MANAGEMENT
COMMITTEE

CFLC OPERATIONS
COMMITTEE

Section 2 – Ang Project Management Committee ang hihirang ng mga taong bubuo ng sa
CFLC Operations Committee, mga pinuno nito at maging ng kinakailangang tauhan sa araw-
araw na pamamahala at operasyon ng CFLC. Gagawin ito sa pamamagitan ng pakikipag-
ugnayan sa mga nakatayong mga samahan ng maliliit na mangingisda o sa pederasyon ng
samahan maliliit na mangingisda, at batay sa nakasulat na rekomendasyon ng huli kung saan
pipili ang PMC. Ito rin ang magtatakda ng kaukulang sahod at benepisyo ng mga personnel ng
CFLC at mga kinakailangang pagbabago rito. Tungkulin din nilang magdesisyon kung
kinakailangang magtanggal at / o magdagdag ng mga personnel;

Section 3 – Titiyakin ng Project Management Committee, na may kinatawan ang maliliit


na mangingisda sa CFLC Operations Committee na bubuuhin para sa operasyon ng CFLC.

Section 4. Ang CFLC Operations Committee ay bubuuhin ng mga sumusunod;

a. Administrador ng CFLC;
b. Kalihim;
c. Ingat-Yaman;
d. Internal auditor;
e. Book keeper;
f. Record Keeper;
g. Cashier;
h. Collection Officer;
i. Project Development Officer; at,
j. Fisherfolks Organizational Development Coordinator;
Section 5 – Ang istruktura ng pamamahala ay makikita gaya ng mga sumusunod:
PMC

OPERATIONS
COMMITTEE CFLC-ADMINISTRATOR;

KALIHIM;

INGAT YAMAN;

INTERNAL AUDITOR;

BOOK KEEPER;

RECORD KEEPER;

ISTAP SA FISH
ISTAP SA KALINISAN TRADING ISTAP SA
AT MAINTENANCE KALIGTASAN AT
SEGURIDAD

Section 6 – Ang CFLC Operations Committee – Ang CFLC operations Committee ay


may tungkuling magdesisyon at mag apruba ng mga panukalang programa, plano at patakaran
kaugnay ng pang araw-araw na operasyon ng CFLC.

Section 7 – Ang Administrador ng CFLC ang pangkalahatang tagapangasiwa sa araw-


araw na operasyon ng CFLC. Kaugnay nito, tungkulin niya ang mga sumusunod:

a. Pamunuan ang istap sa fish trading para matiyak ang madalas na daloy ng mga
transaksyon at natutupad ang mga umiiral na patakaran kaugnay nito;
b. Pamunuan ang istap sa kalinisan at maintenance para matiyak na mahusay na
naipapatupad ang mga umiiral na mga patakaran sa kalinisan at pangangalaga ng
pasilidad;
c. Pamunuan ang istap sa fish trading at tiyaking sapat ang kinakailangang personnel
para ditto;
d. Pamunuan ang istap sa kaligtasan at seguridad para matiyak na mahusay na
naipapatupad ang mga umiiral na patakaran sa kaligtasan at seguridad;
e. Pamunuan ang istap pang-administratibo para matiyak na ang mga uniiral na
patakarang pang-administratibo ay naipapatupad;
f. Tiyakin na may sapat na personnel na may kakayanang gampanan ang mga nauukol
na gawain sa CFLC;
g. Magpatawag ng kinakailangang pagpupulong ng Operations Committee at sa mga
istap nito upang pag-usapan ang mga bagay na may kinalaman sa pang araw-araw na
operasyon ng CFLC at gumawa ng mga kinakailangang desisyon at mga patakaran
alinsunod sa mga patakarang pinapairal ng PMC at / o gumawa ng mga
kinakailangang rekomendasyon o panukala para sa nauukol at kailangang desisyon ng
PMC;

Section 8 –Ang Kalihim – Ang Kalihim ang mangunguna sa dokumentasyon ng mga


pagpupulong ng komite sa operasyon at mga pagpupulong sa pamamagitan ng administrador ng
CFLC at iba pang personnel ng CFLC at nga istap nito;

Section 9.Ingat-Yaman- Ang Ingat-Yaman ang mangangasiwa sa daloy pampinansyal at


magsisislbing property costudian ng CFLC.

Section 10. Internal Auditor- Magsilbing tagatuos ng mga panuntunang pampinansya at


daloy ng mga transaksyong pampinansya ay nasususnod;

Section 11. Bookkeeper – Ang Bookkeeper ay ang magsisislbing tagatala ng mg


pampinansyang transaksyon ng CFLC. Kaugnay nito, tungkulin niyang tiyakin na may angkop at
kinakailangang dokumentong katibayan ng mga transaksyon sa CFLC gaya ng mga resibo
atbp.Upang magampanan niya ang kanyang tungkulin, maaari siyang komunsulta sa isang
accountant o sa municipal accountant at dumalo sa kinakailangang pagsasanay;

Section 12. Record Keeper- Ang Record Keeper ang magsisislbing filing clerk ng CFLC.
Kaugnay nito, tungkulin niyang magdisenyo at magpatupad ng maayos na pag-iingat ng mga
dokumento ng CFLC. Tungkulin niyang dumalo sa kinakailangang pagsasanay kaugnay nito o
komunsulta sa nauukol na mga taong may kasanayan sa kaparehong gawain;
Section 13. Cashier- Ang Cashier ang magsisislbing disbursing officer ng CFLC.
Kaugnay nito ay tungkulin niyang tiyakin na binabayaran ng CFLC ang lahat ang lahat nitong
obligasyon kabilang na ang sahod at benipisyo ng mga personnel ng CFLC, buwis at iba pa;

Section 14. Collection Officers- Magsisislbing tagakolekta ng lahat ng bayarin sa


serbisyo ng CFLC kabilang na ang koleksyon ng komisyon sa fish trading, mga pautang at
interes nito

Section 15. Project Development Officer- Ang Project Development Officer ay may
tungkulin na mangunguna sa pagpaplano at paglulunsad ng iba pang mga proyekto para
mapalawak ang serbisyong maipagkakaloob ng CFLC sa mga kliyente nito, labas pa sa mga
kaugnay na serbisyo sa fish trading activity. Ang mga proyektong ito ay naglalayong mapalahok,
hindi lamang sa mga pangkabuhayang aktibidad ang mga indibidwal na kasapi at/ o samahan ng
maliit na mangingisda kundi maging sa mga aktibidad o proyektong may kinalaman sa
pangangalaga ng rekurso sa pangisdaan at maging sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga mangingisda
habang nasa laot;

Section 15- Fisherfolks Organization Development Coordinator- Ang Fisherfolks


Development Coordinator ang mangunguna sa pakikipag-ugnayan sa mga samahan ng maliliit na
mangingisda kaugnay ng hakbang upang palakasin ang kakayanan ng mga samahan hindi
lamang sa paglahok sa operasyon ng CFLC kundi upang ihanda sila sa lubusang pamamahala sa
CFLC. Kaugnay nito tungkulin niya ang sumusunod:

a. Tumulong sa pag-oorganisa ng mga samahan ng mga maliliit na mangingisda;


b. Magtukoy ng mga kinakailangang pagsasanay, planuhin at ilunsad ito, upang ihanda
ang mga kasapi at lider ng mga mangingisda na pamunuan ang pamamahala at
operasyon ng CFLC;

Section 16- Ang Istap sa Fish Trading- Ang istap sa fish trading ay ang mga sumusunod:

a. Boat Parking Attendants- tumitiyak sa pila ng mga dumarating na Bangka at nag-


aasikaso sa pagdaong nila sa daungan sa CFLC;
b. Land Vehicle Attendants- tumitiyak sa pila ng mga sasakyan at sa pagpaparada nila
sa lote ng CFLC;
c. Laborers/Porters- katulong ng mga mangingisda at ng mga trader para sa
pagdididskarga at pagkakarga ng mga huling isda;
d. Fish Classifiers- katulong sa pagka-classify batay sa laki at uri ng mga isda;
e. Fish Catch Monitors- tagapagtala sa mga uri at volume ng isda at tumitiyak na ang
mga isda ay huli sa mga lehitimong paraan;
f. Fish Trade Facilitators- tagapamagitan ng mangingisda at mga fish trader sa
negosasyon sa bentahan ng isda;
g. Collection Officers- tagakolekta ng maga bayarin ng mga kliyente ng CFLCl;

Section 17. Ang istap sa kalinisan at maintenance- Ang istap sa lainisan at maintenance
ay binubuo ng mga sumusunod:

a. Janitors- tungkulin nila ang pagpapanatili ng kalinisan sa loob at paligid ng CFLC


b. Tubero- tungkulin niya ang pagpapanatiling maayos ang daloy ng malinis na tubig na
kinakailangan sa pasilidad;
c. Electrician- tungkulin niyang tiyakin ang tuluy-tuloy, maayos at ligtas na daloy ng
kuryente sa pasilidad;

Section 18. Ang istap sa kaligtasan at seguridad ay binubuo ng mga taong may
kakayanan hindi lamang para pangalagaan ang kaayusan at kaligtasan ng mga tao sa loob
at paligid ng pasilidada kundi maging ang kaligtasan ng mga mangingisda sa laot.
Kaugnay nito, sila ang mangunguna sa mga sumusunod:

1. Pagmamatyag at pagpigil sa sinumang gagawa ng anumang kaguluhan sa loob at


paligid nd CFLC;
2. Pagmamatyag at pagpigil sa sinumang gagawa ng anumang hakbang na
makapipinsala sa mga tao at ari-arian sa loob at paligid nd CFLC;
3. Pagmamatyag at pagpigil sa sinumang gagawa ng anumang paglabag sa mg a
patakarang panseguridad at pangkaligtasang pinapairal sa loob at paligid ng CFLC;
4. Pagpaplano at pagpapatupad ng mga hakbang pangkaligtasan para sa mga maliliit na
mangingisda na nangingisda sa laot;
Chapter 6 – OPERASYON NG CFLC

Section - Ang CFLC sa Unisan, Quezon ang tanging lisensyadong pasilidad sa fish
landing sa Munisipyo ng Unisan;

a. Lahat ng isda at iba pang produktong pampangisdaan na buhat at / o nahuli sa


katubigang municipal ay dapat dumaan o maipaalam sa naturang mga pasilidad ng
CFLC para sa nauukol at kinakailangang pagtatala at pagpoproseso.
b. Ang mga isda o produktong pampangisdaan na buhat at / o nahuli labas sa katubigang
munisipal ng Unisan na idadaong o ibababa alinmang bahagi ng aplayang saklaw ng
munisipalidad Unisan ay dapat dumaan sa CFLC o maipaalam ditto para sa
kinakailangang pagtatala at pagpoproseso;

Section 2 – Ang CFLC ay pasilidad sa pagbebentahan ng isda sa Unisan sa pagitan ng


mga maliliit na magingisda at mga konsyumer at ganundin sa pagitan ng mga mangingisda at
mga fish trader. Kung gayon, ang tagapamahala ng CFLC ay magsisilbing fish broker at
magpapatakbo ng fish auction at / o fish aggregation. Kaugnay nito, ipagkakaloob ng CFLC ang
mga sumusunod na serbisyo at mga kaukulang bayarin:

SERBISYO MGA PERSONNEL NA BAYARIN ( Fee)


MAGKAKALOOB
Daungan ng Bangka Boat Parking Attendants Docking Fee
Paradahan ng sasakyang Land vehicle parking Parking fee
panlupa attendants
Pagdiskarga ng isda Laborer / porter Unloading fee
Fish Classification Fish Classifiers Free of Charge
Fish Catch Monitors Auxilliary invoice / LGU
receipts
Fish Auction
( bulungan) Fish Trade Facilitator 7 % Commission
Pagtitimbang ng Isda
Payment of Fish Collection Officers / cashier
Pagkarga ng isda Laborers / Porters Loading Fee

Section 3 – Ang mga nauukol na halaga ng bayarin sa fish trading ay ang mga
sumusunod:

KOMISYON 7 % ng halaga ng isda sa trading


DOCKING FEE Php 5.00
PARKING FEE Tricycle:
Kotse:
Jeepney:
Mini Truck:
Truck:
Karga / diskarga Per Kilo:

Section 4. Alinsunod sa rekomendasyon ng Komite sa Operasyon ng CFLC at batay sa


kapasyahan ng Project Management Committee, ang mga nauukol na halaga ng bayarin ay
nararapat na may nauukol na kapasyahan at pinagtibay ng nauukol na ordinanasang
pangmunisipal;

Section 5. Upang tiyakin na makakapag-ipon ang bawat maliliit na mangingisda para sa


kanyang pangangailangan sa hinaharap, titiyakin ng Komite sa Operasyon na karagdagang 3 %
ng halaga ng isda sa fish trading ay kakaltasin at itinuturing na savings ng maliliit na
mangingisda at ipapasok sa isang trust account na i-withdraw ng mangingisdang may karapatan
dito sa batay sa resibo o dokumentong I-issue ng CFLC kaugnay nito. Kailangang gumawa ang
PMC ng nauukol na panuntunan kaugnay nito;

Section 6 – Sa kalagayang nangangailangan ang pagsasamasama ng huli ( fish


aggregation) ng maliliit na mangingisda upang makakuha ng mas paborableng halaga, sa
pagsang-ayon ng mangingisda, iipunin ng CFLC ang huling isda ng maliliit na mangingisda,
bibigyan ang mga mangingisda ng resibong magpapatunay sa klase ng isda at dami nito at
pansamantalang ilalagak sa pamamahala ng CFLC, sa pamamagitan ng Fish Trade Facilitator,
lalagyan ng yelo at maghihintay ng mas mataas na presyo o ibibyahe ito patungo sa ibang fish
trading facility na napag-alamang makakakuha ng mas paborable ang presyo. Kaugnay nito,
kailangang kumuha at magmantini ang tagapamahala ng CFLC ng direkta at maasahang network
at directory ng iba pang fish trading facility sa labas ng munisipyo upang makakuha ng mga
kinakailangang impormasyon sa presyuhan ng isda at iba pang produktong pampangisdaan
maging ng mga nauukol na bagay kaugnay nito. Kaugnay nito, maaring magpaluwag ang CFLC
ang mangingisda ng hindi bababa sa 50% ng halaga ng kanyang isda sa kasalukuyang presyuhan.
Maari ding gawin ng mga maliliit na mangingisda, sa pamamagitan ng kanilang mga lokal na
samahan sa barangay na ipunin ang kanilang nahuhuling isda, pagsamasamahin ito, bago dalhin
sa mga pasilidad ng CFLC. Ang mga nauukol na samahan ay marapat na gumawa ng kanilang
nauukol na panuntunan kaugnay ng pag-iipon at pagsasama-sama ng kanilang huling isda;
Section 7 – Bahagi rin ng mga serbisyo na maaring ipagkaloob ng CFLC at mga
kaukulang bayarin ay ang mga sumusunod:

SERBISYO BAYARIN
Paggamit ng C.R. P5.00
Pagparada ng sasakyan Parking Fee
Yelo Halaga ng Yelo
Gasolina Halaga ng palengke
Pag-iimbak / Storage Storage Fee
Sari-Sari and Fishing Supply Store Halaga ng paninda
Coffee Shop and Carinderia Halaga ng pagkain
Credit Facility Interest at charges
Tubig Halaga ng tubig kada container

Group 1

SERBISYO SINGIL PERSONNEL


1. Parking Single:P 5.00 Parking Personnel
Tricycle:P 10.00
Jeep: P 15.00
Truck: P 20.00
2. Canteen P 500.00 per month Collector
3. Groceries P 500.00 per month Collector
4. Fish Stall P 20.00 per day Collector
5. Credit Facility 2% Collector
6. C.R I hi: P 5.00
Dumi: P 10.00
Ligo: P 15.00

Group 2

SERBISYO SINGIL PERSONNEL


1. C.R Ihi: P 5.00 Janitor/Janitress
Dumi: P 10.00
Ligo: P 15.00
2. Parking Tricycle: P5.00 Parking attendant
Jeep: P 10.00
Van: P 10.00
Single: P 5.00
3. Lending Facility 3% CFLC Staff
Group 3

SERBISYO SINGIL PERSONNEL


1. Parking Tricycle: P 10.00 Parking Attendant
Jeep: P 20.00
Truck: P 30.00
2. C.R Dumi: P 10.00 Janitor
Ihi: P 5.00
Ligo: P 10.00
3. Fish Stall Karatelya: P 20.00 Staff
Staff: P 70.00 per day
Bota: P 10.00
4. Canteen Kape/Tinapay: P 15.00 Collector
Tapsilog: P 30.00
Lugaw: P 10.00

Group 4

SERBISYO SINGIL PERSONNEL


1. Kainan P 150.00 per day ang sweldo Member
sa staff
2. C.R Ihi: P 4.00 Janitor
Dumi: P 8.00
Ligo: P 9.00
3. Parking Tricycle: P 5.00 Member
Single: P 5.00
4 Wheels: P 20.00
4. Groceries Kinsenas Members

Section 8 – Magplano at magpapatupad ang Komite sa Operasyon, sa pag sang-ayon ng


Prooject Management Committee ng mga patakaran sa pagbibigay ng kaukulang diskwento para
sa pagtangkilik ng maliliit na mangingisda sa mga serbisyo ng CFLC;

Section 9 – Bahagi rin ng serbisyo ng CFLC ang pagpapatupad ng isang


komprehensibong programang pangkalinisan sa loob at paligid ng CFLC, at kaugnay nito ay ang
pagpapatupad ng mga sumusunod na patakaran:
A. PATAKARAN SA PALIKURAN AT PAGGAMIT NITO
a. Kailangan na may maayos na daloy ng tubig
b. Tiyakin na laging may kumpletong kagamitan sa paglilinis ng C.R
c. Tiyakin na may nakatalaga bantay sa C.R
d. Kailangan din na laging may nakalaang basurahan at albatross
e. Maglaan o maglagay ng tsinelas na pamasok sa C.R
f. At dapat na imaintain ang kalinisan ng C

B. PATAKARAN SA PAGPAPANATILI NG KALINISAN NG FISH TRADING


AREA

a. Dapat palaging may nakahandang drum na may lamang tubig alat upang
pangbuhos sa sahig ng area.
b. Palaging baldeyuhin pagkatapos ng operasyon.
c. Ang mga basura ay itapon sa tamang tapunan(segregation).
d. Banlawan ang lahat ng mga ginagamit at isalansan sa tamang lagay.

C. PATAKARAN SA PAGPAPANATILI NG KALINISAN SA DAUNGAN NG MGA


BANGKA AT SA PALIGID NG CFLC

a. Maglagay ng malinaw na patakaran at alituntunin.


b. Paglalagay ng basurahan,hiwalay ang nabubulok sa hindi nabubulok.
c. Ang lumabag ay pagmumultahin.
d. * 1st. offense paglilinisin ng CFLC.
e. * 2nd offense pagmumultahin-P 500.00.
f. Maglaan ng pondo para sa magbabantay lalo na sa gabi.

D. MGA ALITUNTUNIN SA SEGURIDAD SA CFLC


a. Magkaroon ng service na Bangka para sa mga masisiraan ng Bangka sa laot
b. Magtalaga ng security guard at CCTV sa loob at paligid ng CFLC.
c. Magtalaga ng fish monitoring para maiwasan ang pagpasok ng mga iligal na huli
d. Magkaroon ng ligtas na pondohan o daungan.

Section 9 – Bahagi rin ng serbisyo ng CFLC ang pagpapatupad ng mga patakarang may
kinalaman sa Occupational Health ang Safety. Kaugnay nito dapat matiyak ang mga sumusunod:
a. Na ang mga nagtatrabaho sa CFLC ay may kaukulang health clearance mula sa
MHO;
b. Na may pamantayang pangkalusugan at pangkalinisan ipinalabas ang MHO kaugnay
ng operasyon ng CFLC;
c. Na may mga patakarang pangkaligtasan batay sa mga pamantayang itatakda ng
MDRRMO kaugnay ng operasyon ng CFLC;
d. Na ang mga mangingisda, habang sila ay nangingisda ay may direktang
komunikasyon sa CFLC upang mabilis na magkaroon ng ugnayan sa kanila kung may
mga sitwasyong emergency o panseguridad;

Section 10 – Upang mapahaba ang serbisyo ng pasilidad at mga kagamitan ng CFLC


dapat magtalaga ng tiyak na personnel na may kakayanan sa mga gawain sa pag-aayos ng mga
personnel na may kakayanan sa mga gawain sa pag-aayos ng mga nasirang bahagi at kagamitan
ng CFLC. Maglalaan din, mula sa kita ng CFLC ng tiyak na pondo para sa repair and
maintenance. At, ganoon din dapat maisa-alang-alang sa chart of accounts ang depreciation at
accumulated depreciation upang mabalik ang sasapat na halaga para pamalit sa mga magreretiro
nang mga kagamitan at pasilidad ng CFLC.

Chapter 7 – Iba pang probisyon

Section 1 – Ang pagsasalin ng pamamahala ng CFLC sa samahan ng maliliit na


mangingisda sa Unisan o sa kanilang itinatag na pederasyon ay alinsunod sa itinatakda ng FOO
78 at marapat na lagi itong tasahin at isa-alang alang ng lokal na pamahalaan ng Unisan at ng
PMC;

Section 2 – Ang ilang probisyon ng gabay na ito ay nangangailangan ng particular na


patakaran o panuntunan sa pagpapatupad. Maaring ihanda ito ng CFLC Operation Committee at
hingin ang pagsang-ayon ang PMC. Maari din naming ang PMC ang bumalangkas ng particular
na patakaran o panuntunan at kung kinakailangan ay hingin ang pagsang-ayon ang Sangguniang
Bayan sa pamamagitan ng isang resolusyon o ordinansa. Maari din naming balangkasin ang
isang particular na patakaran o panuntunan sa bias ng isang resolusyon o ordinansa ng
Sangguniang Bayan;
Section 3 – Marapat na pana-panahong tasahin ang kaangkupan ng mga probisyon ng
Gabay na ito sa praktikal na kalagayan at operasyon ng CFLC at kung kinakailangan ay gumawa
ng mga kinakailangang pagbabago.

Section 4 – Ang mga probisyon ng Gabay sa Operasyon ng CFLC na ito ay


nangangailangan ng nauukol na ratipikasyon ng Sangguniang Bayan ng Unisan sa pamamagitan
ng pagpapasa ng isang ordinansang sumasakop sa operasyon ng CFLC.

You might also like