You are on page 1of 3

PANUKALANG PROYEKTO

I. Pamagat : PAGLILINIS NG DALAMPASIGAN SA COYO

II. Proponent ng proyekto

Pangalan Telepono Lagda


De lara, Rachel L. 09454295946
Delos Reyes, Johanna D. 09079485878
Delos Reyes, Maoui D. 09634431603
Delos Reyes, Nelkris P. 09631596569
Docto, Irish Jade L. 09276880527
Yap, Angelica N. 09481329922
Yap, Steffany N. 09810405118

III. Kategorya
Ang kalinisan ay kayang protektahan ang kalusugan. Ang proyektong
ito ay tungkol sa paglilinis ng dalampasigan sa COYO na matatagpuan sa
Barangay Problacion Tagkawayan, Quezon. Ang mga basurang
nakatambak sa dalampasigan ay posibleng maging sanhi ng pagkakaroon
ng sakit sa mga mamamayan na malapit sa COYO.

IV. Pagpapahayag ng Suliranin


Maraming mamamayan ng bayan ng Tagkawayan ang nakakaranas ng
sakit ng dengue dahil sa mga basura at mga makikipot na lugar. Dahil sa
mga basura, nagkakaroon ng pagbara sa mga canal at pagkakaroon ng
maraming lamok sanhi ng mga basurang naiipon sa dalampasigan. Isa din
sa suliranin ay dahil sa hindi kaaya – ayang amoy dulot nito.

V. Layunin
Layunin ng proyektong ito na umayos, lumuwag, at mabawasan ang
mga namamahay na lamok sanhi ng mga nakatambak na basura sa
dalampasigan ng COYO tulad ng bunot, plastik, at mga damit na naipon
sa tabi ng dagat. Layunin din nito na magkaroon ng maayos na daanan
ang mga mangingisda at mga taong dumadaan dito. Maari din nila doon
ilagay ang mga bangka na kanilang ginagamit sa pang araw-araw na
hanapbuhay. Sa pamamagitan nang paglilinis ng tabing dagat ay
makakatulong ito upang ang mga basura ay hindi maka perwisyo sa mga
mamamayan ng Barangay Poblacion at sa mga isda na malayang
lumalangoy sa karagatan.

VI. Plano ng Dapat Gawin/Petsa

Petsa Mga Gawain Lugar/Lokasyon


Nobyembre 28, 2023 Pagpupulong ng Tagkawayan NHS
magkakagrupo para sa
isasagawang proyekto
Nobyembre 29, 2023 Paggawa ng Panukalang Tagkawayan NHS
Proyekto
Disyembre 04, 2023 Pag aaproba ng Tagkawayan NHS
Panukalang Proyekto

VII. Badget :
Lahat ng ginastos o pinagkagastusan sa ginawang proyekto

Pagsasalarawan ng Presyo ng bawat Presyong


Bilang ng Aytem Aytem aytem pangkalahatan
(php)
6 Sako 10 60
4 Walis Ting-ting 30 120
Kabuuan 180

VIII. Benepisyo ng Proyekto at Makikinabang Nito:


Sa paglilinis ng dalampasigan tumpak na maraming magiging
benepisyo nito sa mga taong naninirahan malapit sa COYO. Halimbawa
nalamang dito ang mga mamamayang tumatambay sa dalampasigan
upang makalanghap ng sariwang hangin. Mas makakapag isip ito ng
tama dahil bukod sa sariwang hangin ay masarap din sa mata ang malinis
na dalampasigan. Hindi ito madadapuan ng sakit sapagkat wala ng mga
lamok na naninirahan dito. Maraming tao ang makikinabang sa
proyektong ito. Katulad nalamang ng mga taong may sakit na nag papa-
araw ng kanilang katawan, mga mangingisdang nagsusumikap na
makahuli ng mga malulusog na isda. At marami pang iba. Kaya panatilihin
nating malinis ang dalampasigan ng COYO, sapagkat malaki ang ambag
nito hindi lang sa mamamayan ng Barangay Poblacion, kundi na din sa
buong mamamayan ng Tagkawayan, Quezon.

You might also like