You are on page 1of 7

Lesson Exemplar sa Filipino 12

Panukalang Proyekto

Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang
anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan (Akademik)
Pamantayang Pagganap:
Nakabubuo ng malikhaing portfplio ng mga orihinal na sulating akademik
ayon sa format at teknik

I. Mga Layunin
A. Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga
piniling akademikong sulatin (CS_FA11/12PU-0d-f-92)
a.1 Nakasusulat ng panukalang proyekto para sa pamayanan o
paaralan.
a.2 Natutukoy ang mahalagang bahagi ng panukalang proyekto.

B. Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa


pamamagitan ng mga binasang halimbawa (CS_FA11/12PB-0m-o-
102)
b.1 Nakapagsasagawa ng pananaliksik at ng palitang pangkritik sa
isang panukalang proyekto

Paksa : Panukalang Proyekto

Mga Kagamitan:

 Pinagyamang Pluma nina Ailene Basa Julian at Nestor B. Lontoc


 https://www.youtube.com/watch?v=APXyx-H6Kmc
 https://www.youtube.com/watch?v=Jcod7donA60
 at kagamitang biswal, video clip, laptop, projector

II. Pagpapalawak ng aralin


A. Pagganyak

Pagpapanood ng video clip ( Mga Suliranin sa loob ng


Paaralan)

Ipasagot ang mga sumusunod na tanong:

1. Anong isyung pampaaralan ang mayroon sa inyong


paaralan batay sa inyong napanood na video clip?

2. Batay sa nabanggit na isyung pampaaralan, magmungkahi


ng posibleng solusyon.

3.Sa inyong palagay paano ito maiuugnay sa paggawa ng


panukalang proyekto?
B. Pagbasa
Unang hakbang sa pagsasakatuparan ang pagbibigay ng
solusyon sa isang suliraning pampamayanan ay ang pagsulat ng
Panukalang Proyekto. Ano nga ba ang panukalang proyekto?

Panukalang Proyekto

 Ito ay nangangahulugang isang kasulatan ng mungkahing


naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o
samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at
magpapatibay nito
 Ayon kay Besin Nebiu, may akda ng Developing Skills of NGO
Project Proposal Writng , ang panukalang proyecto ay isang
detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing
naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.

 Ipapanood sa klase ang video clip tungkol sa “Mga Dapat


Isaalang-alang sa Paggawa ng Panukalang Proyekto”.
https://www.youtube.com/watch?v=APXyx-H6Kmc

Matapos malaman ang paraan ng paggawa ng panukalang


proyekto basahin naman ang halimbawa nito.

PANUKALANG PAGPAPAGAWA NG KONGKRETONG TANGKE NG


TUBIG AT PAGLALAGAY NG MGA TUBO MULA SA KABUNDUKAN
HANGGANG SA BARANGAY SAN JUAN, MA. AURORA, AURORA

Mula kay Renato D. Soriano


Bragy. San Juan, Ma. Aurora, Aurora
Ika-24 ng Abril 2017
Haba ng Panahong Gugulin: 7 buwan
Dito nakatala ang
I. Pagpapahayag ng Suliranin
mga suliraning
Isa ang Barangay San Juan sa bayan ng Ma. Aurora, Aurora sa mga
nararanasan ng
umuunlad na bayan ng Aurora. Ito ay nananatiling pamayanang
mga mamamayan,
gayundin ang
agrikulural.
mungkahing Isa sa mga suliranin ng Barangay San Juan, Ma. Aurora,
solusyon. Aurora ang kakulangan sa maiinom na malinis na tubig. Ito ay
nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng
pagkatuyo ng kanilang mga panananim at pagkakasakit ng mga tao
dulot ng pag-inom ng maruming tubig.
Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng kongkretong
tangke at pitong (7) kilometrong haba ng mga tubo na ilalagay mula
sa kabundukan pababa sa pamayanan.
Makikita ang mga
Kailanagang maisagawa ang proyektong ito sa lalong
bagay na gustong
madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga
makamit o ang
pinaka-adhikain ng
mamamayan.
panukala. Kailangang
maging tiyak ang II. Layunin
layunin ng proyekto. Makapagpapagawa ng tangke ng tubig mula sa kabundukan
hanggang sa pamayanan upang makapagpadaloy nang maiinom na
malinis na tubig.
Pagkasunod-sunod
III. Plano ng Dapat Gawin
ng pagsasagawa
kasama na rito ang
1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet (1buwan)
mga taong 2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mangongontrata sa
kakailanganin sa pagpapagawa ng tangke ng tubig at paglalagay ng mga tubo
pagsasakatuparan ng (3 linggo)
mga gawain. Ito ay 3. Pagpupulong ng konseho ng barangay tungkol sa pagpili ng
dapat ding maging contractor na gagawa sa proyekto. (1 araw)
makatotohanan o 4. Aktuwal na pagpapatayo ng tangke ng tubig at pagkakabit ng
realistic. mga tubo sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay
San Juan, ma. Aurora, Aurora (5 Buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng tangke (1 araw)
IV. Badyet
Talaan ng mga
Mga Gastusin Halaga
gastusin na Halaga ng pagpapagawa Php 900,000.00
kakailanganin sa ng tangke ng tubig at
pagsasakatupar pagsasaayos sa mga tubo
an ng layunin. (kasama na rito ang lahat
ng materyales at suweldo
ng mga trabahador)
Gastusin para sa Php 20,000.00
pagpapasinaya at
pagbabasbas nito
Kabuuang Halaga Php 920,000.00

V. Kapakinabangan ng Proyekto

Nakatala dito Ang pagpapatayo ng tangke ng tubig at paglalagay ng linya ng tubo


kung sino ang mula sa bukal sa kabundukan hanggang sa Barangay San Juan ay
matutulungan magiging kapaki-pakinabang sa mga mamamayan ng Barangay San Juan,
ng proyekto at Ma. Aurora, Aurora. Ang panganib na dulot ng maruming tubig ay
kung paano ito napipinto sa buhay ng mga mamamayan.
makatutulong Mababawasan din ang pagkatuyot ng kanilang mga panananim.
sa kanila Maiiwasan ang pagkagutom at pagkamatay ng kanilang alagang hayop
tulad ng baboy at iba pa.
Higit sa lahat magkakaroon ng kapanatagan ng loob ang bawat
mamamayan sa tuwing sasapit ang tag-araw.

B. Pagpapayaman ng Talasalitaan
Gamit ang Bulaklak ng Talinghaga, ibigay ang kahulugan
ng mahahalagang termino sa pagsulat ng panukalang proyekto.
Isulat ito sa petal ng bulaklak. Pagkatapos ay gamitin sa
pangungusap.

Panukala

Balangkas Badyet

Panukalang
Proyekto

Suliranin Solusyon
C. Pag-unawa sa binasa
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Anong katangian ng isang mahusay na panukalang proyekto?
2. Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng panukalang
proyekto?
3. Bakit mahalaga ang pagsulat ng panukalang proyekto?

III. A. Mga Gawain

1. Suriin ang katangian ng panukalang proyektong binasa


“PANUKALANG PAGPAPAGAWA NG KONGKRETONG TANGKE NG TUBIG
AT PAGLALAGAY NG MGA TUBO MULA SA KABUNDUKAN HANGGANG SA
BARANGAY SAN JUAN, MA. AURORA, AURORA” batay sa napanood na video
clip “DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGGAWA NG PANUKALANG
PROYEKTO”.

Pamagat

Layunin

Rasyonal Pakinabang

Badyet

2. Pangkatang Gawain
 Pangkatin ang klase sa 5 grupo. Magkaroon ng
brainstorming: Ano-anong suliranin sa inyong silid-aralan
ang nais ninyong bigyan ng solusyon?
 Sumulat ng balangkas ng gagawing panukalang proyekto
upang masolusyunan ang mga suliranin gamit ang Ladder
Diagram sa ibaba.
Pak
maga inabang o
ndang
d
proye ulot ng
kto
Mg
nagp a taong
apatu
proye pad ng
kto
Petsa
ng pag
papatu
pad

Lugar kung saan


isinagawa

Nagpanukala o nanguna
sa sa proyekto

Pangalan/Pamagat
ng Proyekto

3. Magsaliksik ng mga panukalang proyekto sa inyong paaralan.


Ihambing ang panukalang proyektong nasaliksik sa nasaliksik ng
isa mong kamag-aral gamit ang compare and contrast diagaram

Paano ito
Panukalang Panukalang
nagkatulad?
proyektong proyektong
aking nasaliksik ng
nasaliksik aking kamag-
aral

________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
__
Paano ito
nagkaiba?

Pakinabang
Panahon
Layunin
Suliranin

Badyet

Plano

B.Paglalahat

Gamit ang fruit basket, sagutin ang sumusunod:

Bakit mahalaga
ang pagsulat ng Paano ito
Ano –ano ang dapat panukalang makatutulong
isaalang-alang sa pagbuo proyekto? sa iyo bilang
ng panukalang proyekto? mag-aaral?
C. Paglalapat
 Pangkatin ang klase sa 5 grupo. (Pangkatin ang mag-aaral
batay sa barangay na kinabibilangan)
 Magsagawa ng panayam sa inyong barangay.
 Itanong ang mga suliraning kinahaharap ng inyong
barangay.
 Itala ang 3 pangunahing suliraning nakalap mula sa
panayam.
 Mula rito pumili ng isang suliraning nais gawan ng
panukalang proyekto..

Rubriks

Pamantayan Puntos
Nakasusulat ng organisado, malikhain at 15
kapani-paniwalang panukalang proyekto
Makatotohanan at katanggap-tanggap ang 15
panukalang proyektong naisulat
Nakasusulat ng panukalang proyektong 10
batay sa maingat, wasto at angkop na
paggamit ng wika
Nasalamin sa kabuuan ng sulatin ang 10
pagsasaalang-alang sa etika sa binubuong
akademikong sulatin
Kabuuan 50

D. Pagtataya
Isulat ang tinutukoy na bahagi ng panukalang proyekto. Isulat
ang tamang sagot sa patlang.

___________1. Panahon kung kailan ipinasa at matapos ang


panukalang proyekto..
___________2. Makikita rito ang dahilan kung bakit dapat
isagawa ang proyekto.
___________3. Sa bahaging ito nakatala ang kalkulasyon ng
mga gugugulin sa pagapapagawa ng proyekto.
___________4. Dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-
sunod ng mga gawaing isasagawa para sa pagsasakatuparan
ng proyekto.
___________5. Nakassad ang mga taong makikinabang sa
proyekto at benipisyong makukuha nila mula rito.

Sagot: 1. panahon 2. Suliranin 3. Badyet 4. Plano 5. pakinabang

Geraldine N. Bullanday-Deped Nueva Ecija


Marissa M. Maglaque – DepEd Nueva Ecija
Andres G. Pascual- Deped Bulacan
Renato D. Soriano –Deped Aurora
Cristina L. Abobo – DepEd Nueva Ecija
Thelma Q. Alamon - DepEd Nueva Ecija

You might also like