You are on page 1of 16

PANUKALANG PROYEKTO

PANUKALANG PROYEKTO
LAYUNIN
• Nabibigyang-kahulugan ang
mga terminong akademiko
na may kaugnayan sa piniling
sulatin
• Nakapaglalahad ng
reyalistikong mungkahi
para sa panlipunang
pangangailangan base sa
Panukulang Proyekto
PANUKALANG PROYEKTO

Ayon kay Phil Bartle ito ay


isang kasulatan ng
mungkahing naglalaman ng
mga plano ng gawaing
ihaharap sa tao sa
samahang pag-uukulan
nitong siyang tatanggap at
magpapatibay into.
PANUKALANG PROYEKTO

Ayon kay Besim Nebio, ito


ay isang detalyadong
deskripsyon ng mga
inihahaing gawaing
naglalayong lumutas ng
isang problema o suliranin.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PANUKALANG
PROYEKTO

1. Pagsulat ng panimula mula sa Panukalang


Proyekto.
2. Pagsulat ng katawan ng Panukalang
Proyekto.
3. Paglalahad ng benepesyo ng proyekto at
mga makikinabang nito
A. PAGSULAT NG PANIMULA
• Isaalang-alang ang mga sulinarin at
pangangailangan ng kumonidad.
• Magtala ng posibleng solusyon sa nabanggit na
suliranin at pangangailangan.
• LAYUNIN : SIMPLE
( specific, Immediate, Measurable, Practical,
Logical, Evaluable )
B. PAGSULAT NG KATAWAN
• Binubuo ito ng planong dapat gawin at badyet.
✓ PLANO : Makatotohanan at ikonsidera ang
badyet
✓BADYET : Talaan ng gastusin, maaaring
gawin ang bidding, maging tiyak sa kalkulasyon.
C. PAGLALAHAD NG BENEPISYO AT
MAKIKINABANG

• Maging ispesipiko sa tiyak na grupo o


samahan na makikinabang.
• Maaaring ilahad Ang dahilan bakit dapat
aprubahan ang panukala.
HALIMBAWA NG PANUKULANG PROYEKTO
1.PAMAGAT AT BATAYANG
IMPORMASYON
PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG BREAKWATER PARA BARANGAY
BACAO
( Panukala + solusyon + Lugar O kumunidad )
Mula kay Leah Grace L. Delgado
324 Purok 10, Tiburcio Luna Avenue
Barangay Bacao
General Trias, Cavite
Ika-11 ng Disyembre, 2015
Haha ng panahong Gugulin: 3 buwan at kalahati.
2. SULIRANIN
I. PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN
• Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na Barangay General Trias sa Cavite.
Ito ay nananatiling pamayanang agrikultural bagama’t unti-unti na ring nagsulputan
ang mga mga pabrika sa lugar nito. Isa SA mga suliraning nararanasan ng Barangay
Bacao sa kasalukuyan ang malaking pagbaha sa panahon ng tag-ulan. Ito ay
nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng
kanilang mga Bahay, kagamitan, at maging ang mga pananim.Ang pangunahing
sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok.
Dahil dito nangangailangan ang Barangay ng isang breakwater opader na pipigil sa
mabilis na pag apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipapatayo tiyak na di na
kailangan Ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar.Higit sa lahat, maiwasan din
ang patuloy na pagguho ng lupa sa tabi ng ilog.Kailangang maisagawa na ang
proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga
mamamayan.
3. LAYUNIN

II. LAYUNIN
Makapagpawa ng breakwater o pader na makatutulong upang
mapigilan ang pag apaw ng tubig sa ilog at matiyak ang
kaligtasan ng mga mamamayan, maging ang kanilang ari-arian
at hanap-buhay sa susunod na buwan.
4. PLANO
III. PLANO NG DAPAT GAWIN
1. Pagpapasa, pag aapruba at paglabas ng badyet (7 araw).
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangunguntra sa
pagpapagawa ng breakwater o pader (2 linggo)
-ang mga contractor ay inaasahang magsumite ng kani- kanilang
tawad para sa pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamitinf plano para rito .
3. Pagpupulong ng konseho ng Barangay para sa pagpili ng contractor na
gagawa ng breakwater (1 araw)
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay
Bacao ( 3 na buwan )
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater ( 1 araw )
6.
5. BADYET
IV. BADYET
● MGA GASTUSIN ● HALAGA

● I. Halaga ng pagpapagawa ng breakwater ● Php 3,200,000.00


batay sa isinumite ng napiling
contractor( kasama na rito ang lahat ng
materyales at suweldo Ng mga
trabahador )
● II. Gastusin para sa pagpapasinaya at ● Php 20,000.00
pagbabasbas nito.

● KABUUANG HALAGA ● Php 3,220,000.00


6. BENEPISYO AT MAKIKINABANG

V. BENEPISYO NG PROYEKTO AT MGA MAKIKINABANG NITO

Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-pakinabang sa


lahat ng mamamayan ng Barangay Bacao. Ang panganib sa pagkakawala ng buhay
dahil sa panganib na dulot ng baha ay masosolusyunan. Hindi na makararanas ang
mga mamamayan ng pagkasira Ng kanilang tahanan at mga kagamitan na tunay na
nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroon
ng kapanatagan ang puso Ng bawat isa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang
Hindi agad agad aapaw ang tubig sa ilog sa tulong ng breakwater o pader .

Mababawasan din ang trabaho at alalahanin Ng mga opisyales at Barangay SA


paglilikas ng mga pamilyang higit na apektado Ng pagbaha sa tuwing lumalaki Ang
tubig sa ilog. Gayundin maiiwasan Ang pagkasira Ng pananim Ng mga magsasaka na
karaniwang pinagkukunan ng hanap-buhay ng mamamayan dito.

You might also like