You are on page 1of 43

PANUKALANG

PROYEKTO
Panukalang Proyekto
Isang kasulatan ng mungkahing
naglalaman ng mga plano ng gawaing
ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan
nito na siyang tatanggap at magpapatibay
nito.
Pangalan/
Pamagat
ng
Proyekto

Nagpanukala o
nanguna sa
proyekto

Lugar kung saan isinagawa


o ipinatupad

Petsa ng Pagpapatupad

Tao/ mga taong nagpapatupad/nagsasagawa ng


proyekto

Pakinabang o magandang dulot ng proyekto


Mga Dapat Gawin sa
Pagsulat ng
Panukalang Proyekto
Jeremy Miner at Lyn Miner
A Guide to Proposal Planning and
Writing
• Pagsulat ng Panimula ng Panukalang
Proyekto
• Pagsulat ng Katawan ng Panukalang
Proyekto
• Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga
Makikinabang Nito
A. Pagsulat ng Panimula ng
Panukalang Proyekto

• Tukuyin ang pangangailangan ng


komunidad, samahn o kompanyang
pag-uukulan ng iyong project
proposal.
A. Pagsulat ng Panimula ng
Panukalang Proyekto
• Tandaan na ang pangunahing
dahilan ng pagsulat ng panukalang
proyekto ay upang makatulong at
makalikha ng positibong pagbabago.
A. Pagsulat ng Panimula ng
Panukalang Proyekto
• Higit na magiging tiyak, napapanahon at
akma kung matutumbok mo ang tunay na
pangangailangan ng pag-uukulan nito.

• ANG PANGANGAILANG ANG MAGIGING


BATAYAN NG ISUSULAT NA PANUKALA.
Gabay na Tanong
• Ano – ano ang pangunahing suliranin na
dapat lapatan ng agarang solusyon?

• Ano – ano ang pangangailangan ng


pamayanan o samahang ito na nais mong
gawan ng panukalang proyekto?
Halimbawa
Sa Barangay Pagkakaisa, ang dalawang
suliraning nararanasan ng mga mamamayan ay
ang sumusunod:

1. Paglaganap ng sakit na dengue


2. Kakulangan sa suplay ng tubig
Halimbawa
1. Paglaganap ng sakit na Dengue
a. Pagtuturo sa mga mamamayan tungkol sa
pangangalaga sa kalinisan ng kapiligiran
upang maiwasan ang paglaganap ng dengue.
b. Pagsagawa ng fumigation apat na beses sa
isang taon
Halimbawa
2. Kakulangan sa suplay ng tubig
a. Pagtuturo sa mga mamamayan sa wastong
paggamit at pagtitipid ng tubig
b. Paggawa ng poso para sa bawat purok ng
barangay.
Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na
umuunlad na barangay ng bayan ng
General Trias sa Cavite. Ito ay nanatiling
pamayanang agrikultural bagama’t unti-
unti na ring nagsusulputan ang mga
pabrika sa lugar rito.
Pagpapahayag ng Suliranin
Isa sa mga suliraning nararanasan ng
Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang
malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan.
Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga
mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang
mga bahay, kagamitan, at maging ng mga
pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha
ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na nangagaling
sa bundok.
Pagpapahayag ng Suliranin
Dahil dito, nangangailangan ang barangay
ng isang breakwater o pader na pipigil sa
mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog.
Kung ito ay maipapatayo tiyak na di na
kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan
sa ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din
ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng
ilog. Kailangang maisagawa na ang proyektong
ito sa madaling panahon para sa kapakanan at
kaligtasan ng mga mamamayan.
B. Pagsulat ng Katawan ng
Panukalang Proyekto

• Layunin
• Plano na Dapat Gawin
• Badyet
B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto

1. Layunin
Makikita ang mga bagay na gustong
makamit o ang pinaka-adhikain ng panukala.
Kailangang maging tiyak ang layunin ng
proyekto. Kailangang isulat ito batay sa mga
inaasahang resulta ng panukalang proyekto at
hindi batay sa kung paano makakamit ang mga
resultang ito.
Jeremy Miner at Lyn Miner (2005)
SIMPLE
 Specific
 Immediate
 Measurable
 Practical
 Logical
 Evaluable
SIMPLE
Specific
- nakasaad ang bagay na nais
makamit o mangyari sa panukalang
proyekto.
Immediate
- nakasaad ang tiyak na petsa
kung kalian ito matatapos
SIMPLE
Measurable
- may basehan o patunay na
naisakatutuparan ang nasabing
proyekto.
Practical
- nagsasaad ng solusyon sa
binaggit na suliranin
SIMPLE
Logical
- nagsasaad ng paraan kung
paano makakamit ang proyekto
Evaluable
- masusukat kung paano
makatutulong ang proyekto
LAYUNIN:
Makapagpagawa ng breakwater o pader
na makatutulong upang mapigilan ang
pag-apaw ng tubig sa ilog upang matiyak
ang kaligtasan ng mga mamamayan at
maging ang kanilang mga ari-arian at
hanapbuhay sa susunod na mga buwan.
2. Plano na Dapat Gawin
Matapos maitala ang mga layunin ay
maaari nang buoin ang talaan ng mga
gawain o plan of action na naglalaman ng
mga hakbang na isasagawa upang malutas
ang suliranin.
2. Plano na Dapat Gawin
• Maiplano ng mabuti ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod ng pagsagawa nito
• Makatotohanan o realistic
• Ikonsidera ang badyet sa pagsagawa
2. Plano na Dapat Gawin

Makakabuti kung isasama sa


talatakdaan ng gawain ang petsa kung
kailan matatapos ang bawat bahagi ng
plano at kung ilang araw ito gagawin.
2. Plano na Dapat Gawin

Kung hindi tiyak ang mismong


araw na maaaring matapos ang mga
ito ay maaaring ilagay na lamang kahit
ang lingo o buwan.
Plano ng Paggawa ng Breakwater o Pader para
sa Ilog ng Barangay Bacao
1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet (7
araw)
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o
mangongontrata sa pagpapagawa ng breakwater o
pader. (2 linggo)
- Ang mga contractor ay inaasahang magpapasa o
magsusumite ng kani-kanilang tawad para sa
pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamiting
plano para ito.
Plano ng Paggawa ng Breakwater o Pader para sa
Ilog ng Barangay Bacao
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa
pagpili ng contractor na gagawa ng breakwater (1
araw)
- Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na
pagpapahayag ng napiling contractor para sa
kabatiran ng nakararami.
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng
pamamahala ng konseha ng Barangay Bacao (3 na
buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabagbas ng breakwater (1
araw)
3. Badyet
Isa sa pinakamahalagang bahagi ng
anumang panukalang proyekto ay ang
wasto at tapat na paglalatag ng
kakailanganing badyet para dito.
3. Badyet
• Ang talaan ng mga gastusin na
kakailanganin sa pagsasakatuparan ng
layunin.
• Maaaring magsagawa ng bidding sa mga
contractor na kadalasan ay may mga
panukalang badyet na para sa gagawing
proyekto.
3. Badyet
• Ibigay o pagkatiwala ang proyekto sa
contractor na magbibigay ng
pinakamababang halaga ng badyet.
• Huwag kaligtaan isama ang talaan ng
badyet ang iba pang mga gastusin tulad
ng suweldo ng mga manggagawa,
allowance para sa mga magbabantay sa
pagsasagawa nito.
Paghahanda ng Isang Simpleng Proyekto

• Gawing simple at malinaw ang badyet


upang madali itong maunawaan ng
ahensiya o sangay ng pamahalaan o
institusyon na mag-aaproba at
magsasagawa nito.
Paghahanda ng Isang Simpleng Proyekto

• Pangkatin ang mga gastusin ayon sa


klasipikasyon nito upang madaling
sumahin ang mga ito.
Paghahanda ng Isang Simpleng Proyekto

• Isama sa iyong badyet maging ang huling


sentimo. Ang mga ahensiya, sangay ng
pamahalaan, o maaaring kompanya na
magtataguyod ng nasabing proyekto ay
kadalasang nagsasagawa rin ng pag-
aaral para sa itataguyod nilang proposal.
Paghahanda ng Isang Simpleng Proyekto

• Siguraduhing wasto o tama ang


ginawang pagkukuwenta ng mga
gastusin. Iwasan ang mga bura o erasure
sapagkat ito ay nangangahulugan ng
integridad at karapat-dapat na
pagtitiwala para sa iyo.
Badyet na maaaring gamitin sa pagpapagawa ng
breakwater ng Barangay Bacao.
Mga Gastusin Halaga

I. Halaga ng pagpapagawa ng breakwater Php 3, 200,000.00


batay sa isinumite ng napiling
contractor(kasama na rito ang lahat ng
materyales at suweldo ng mga trabahador)

II. Gastusin para sa pagpapasinaya at Php 20,000.00


pagbabasbas nito

Kabuoang Halaga Php 3,220, 000.00


C. Paglalahad ng Benepisyo ng
Proyekto at Mga Makikinabang
Nito
1. Pamagat ng Panukalang
Proyekto
- kadalasan, ito ay hinango
mismo sa inilahad na
pangangailangan bilang tugon sa
suliranin.
2. Nagpadala
- naglalaman ito ng tirahan ng
sumulat ng panukalang proyekto.
3. Petsa
- o araw kung kalian ipinasa ang
panukalang papel. Isinasama rin sa
bahaging ito ang tinatayang panahon
kung gaano katagal gagawin ang
proyekto.
4. Pagpapahayag ng Suliranin
- dito nakasaad ang suliranin at kung
bakit dapat maisagawa o maibigay ang
pangangailangan.

5. Layunin
- naglalaman ito ng mga dahilan o
kahalagahan kung bakit dapat isagawa
ang panukala.
6. Plano ng Dapat Gawin
- dito makikita ang talaan ng
pagkakasunod-sunod ng mga gawaing
isasagawa para sa pagsasakatuparan ng
proyekto gayundin ang petsa at bilang ng
araw na gagawin ang bawat isa.

7. Badyet
- ang kalkulasyon ng mga guguling
gagamitin sa pagpapagawa ng proyekto
8. Paano Mapakikinabang ng
Pamayanan/ Samahan ang
Panukalang Proyekto
-kadalasan, ito rin ang nagsisilbing
kongklusyon ng panukala kung saan
nakasaad dito ang mga taong
makikinabang ng proyekto at benipisyong
makukuha nila mula rito.

You might also like