You are on page 1of 22

Panukalang

Proyekto
Ang panukalang proyekto ay isang
akademikong sulatin na
karaniwang isinusulat ng mga
nanunungkulan sa gobyerno o
pribadong kompanya. Isinusulat ito
upang maghain ng bagong
programa na may layuning
magbigay ng dagdag kita, trabaho,
kaayusan sa komunidad, at iba pa.
Bigyang-pansin ang mga
sumusunod na tanong sa
pagsulat ng panukalang
proyekto:

1. Ano ang nais mong maging


proyekto?
2.Ano ang layunin mo sa
panukalang proyekto?
3.Kailan at saan mo dapat ito
isagawa?
4. Paano mo ito isasagawa?

5. Gaano katagal mo itong


gagawin?

6. May sapat bang puhunan


o kapital para sa proyekto?
Tandaan

❑Mahalaga na makatotohanan
ang panukalang proyekto.

❑Makabuluhan ang
panukalang proyekto.
❑Huwag kalimutang ilahad
ang mga pakinabang
makukuha rito.

❑Hindi maligoy ang paglalahad


ng mga detalye.

❑Nahahati sa tatlong bahagi,


ang panimula, katawan at
kongklusyon.
Mga bahagi ng panukalang proyekto

PANIMULA
❑Pamagat
Tiyaking malinaw at maikli ang
pamagat.

❑Proponent ng proyekto
Tumutukoy ito sa tao o
organisasyong nagmumungkahi ng
proyekto. Inilalagay rin dito ang
contact number o email address ng
nagpapanukala.
❑Kategorya ng proyekto

Ang proyekto ba ay
seminar o kumperensiya,
palihan, pananaliksik,
pananaliksik, patimpalak,
konsyerto, o outreach
program?
❑Petsa
Inilalagay dito ang inaasahang
haba ng panahon upang
maisakatuparan ang proyekto.

❑Rasyonal
Ilalahad dito ang mga
pangangailangan o
pagsasakatuparan ng
proyekto
KATAWAN

❑ Deskripsyon ng proyekto

Nakadetalye rito ang


mga pinaplanong paraan
upang maisagawa ang
proyekto at ang
inaasahang haba ng
panahon upang
makompleto ito.
❑Badyet

Itatala dito ang detalye


ng lahat ng gagastusin sa
pagsasagawa ng proyekto.
KONGKLUSYON

❑Pakinabang

Inilalagay dito ang


pakinabang sa proyekto at
kung sino ang makikinabang.
Halimbawa ng Panukalang Proyekto

Panukalang Proyekto (Pamagat): DULSAWIT 2016


Proponent ng Proyekto: Samahan ng mga
Kabataang Nueva Ecijano
skne@yahoo.com
/09058874567
Kategorya ng Proyekto: Patimpalak sa Pagsasagawa
ng dula, sayaw, at awit
Petsa: Abril 23, 2016 hanggang Mayo 1, 2016
Rasyonal ng Proyekto:

Bago lubusang mawalan ng


pagpapahalaga ang mga
kabataan sa ilang mga uri ng
sining ay nilalayon ng Samahan
ng mga Kabataang Nueva Ecijano
na magsagawa ng patimpalak sa
pagsasagawa ng dula, sayaw at
awit. Layunin ng proyektong ito
ang sumusunod:
1.Napahahalagahan ng mga
kabataan ang dula, sayaw, at
awit bilang mahahalagang
bahagi ng panitikan at sining
na Pilipino;

2.Nakapagsasagawa ng sariling
dulsawit na itatanghal na
nagpapakilala ng kanilang
kultura.
Deskripsyon ng proyekto:

Ang DULSAWIT ay isang uri


ng pagtatanghal na kinapapalooban
ng dula, sayaw at awit. Tatlong uri
ng sining na pinagsanib upang
maging isang uri ng proyekto,
ipinamamalas dito ang mga
angking kasanayan ng mga
kabataan sa nabanggit na gawain.
Ang panukalang proyekto ay isasagawa sa
ika-15 ng Hunyo 2016, ganap na 1:00 pm
hanggang 4:00 pm sa Bulwagan ng Gapan
City Hall.
Narito ang mga paraan sa pagtatanghal ng
DULSAWIT.

1. Binubuo lamang ng 15 kabataang nasa


edad 12 hanggang 21 na kahit ano pa ang
kanilang kasarian ay tinatanggap na
lumahok.
2. Ipinapaubaya sa mga kalahok ang
kanilang gagawin sa paksa, ang tanging
mahalaga ay maipamalas ang
pagmamahal sa kuturang kinagisnan.
3. Tanging mga awiting Pilipino
lamang ang maaaring gamiting
musika. Kapag gumamit ng awiting
Ingles, ang pangkat na kalahok ay
hindi na magpapatuloy sa
kmpetisyon.

4. Labinlimang minuto lamang ang


ilalaang oras sa pagtatanghal.
Bawat minutong kalabisan ay may
katumbas na 2 puntos na kabawasan
sa kabuuang puntos.
5. Hindi pinahihintulutang magdala
ng anumang kagamitan para sa
pagtatanghal. Ang gagamitin lamang
na props ay ang kanilang mga sarili
mismo (human props).

6. Ang anumang desisyon ng mga


hurado ay pinal at siyang dapat na
sundin.
Kinakailangang Badyet sa Proyekto
(PHP 45,000)
Dekorasyon (pagsasaayos ng 1,000
bulwagan
Tarpaulin para sa advertisement 1,200
Paggawa ng programa (invitation, 1,200
ink ng printer)
Token para sa limang hurado 10,000
Mga Tropeo
Unang gantimpala (w/cash) 5,750
Ikalawang gantimpala 3,550
(w/cash)
Ikatlong gantimpala 2,400
Pagkain para sa 15,000
pangkalahatang darating
(200)
Upa sa sound system 3,500
Token para sa emcee 1,400
Kabuuang Halaga Php 45,000
Pakinabang ng proyekto:

Sa pamamagitan ng proyektong
DULSAWIT ay maipapaalala at
mapapahalagahan ang mga
panitikang dula,sayaw at awit sa
mga kabataan. Sa pamamagitan
nito’y mapepreserba ang ating
kultura. Ang mga makikinabang
sa proyekto ay ang mga
kabataang Nueva Ecijano.

You might also like