You are on page 1of 25

Pagsulat ng Panukalang Proyekto!

MR. NORIEL M. BANDA, LPT


FACULTY FOR SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT ARELLANO UNIVERSITY, PROCTOR
AT PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION, PART-TIME LECTURER/PROFESSOR
Ang Panukalang Proyekto!
Isang kasulatang mungkahing naglalaman ng mga
plano sa gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-
uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay
nito.
Ayon naman kay Besim Nebiu, may-akda ng
developing skills of NGO project proposal writing, ang
panukalang proyekto ay isang detalyadong
deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong
lumutas na isang problema o suliranin.
Mahalaga ang maging maingat sa pagpaplano at
pagdidisenyo ng panukalang proyekto, Kaya naman
masasabing ang paggawa nito ay nangangailangan
ng kaalaman, kasanayan, at maging sapat na
pagsasanay.
Una sa lahat ito ay kailangang maging tapat na
dokumento na ang pangunahing layunin ay
makatulong at makalikha ng positibong pagbabago.
Ayon kay Bartle (2011). Kailangan nitong magbigay
ng impormasyon at makahikayat ng positibong
pagtugon mula sa pinag-uukulan nito. Walang lugar
sa sulating ito ang pagsesermon, pagyayabang o
panlilinlang, sa halip ito ay kailangang maging tapat
at totoo sa layunin nito.
Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner sa kanilang
aklat na A Guide to proposal planning and writing, sa
pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay
kailangang magtaglay ng tatlong mahahalagang
bahagi at ito ay ang sumusunod.
A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
B. Pagsulat ng katawan ng panukalang Proyekto
C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga
makikinabang nito.
Pangalan/ Pamagat ng
Proyekto

Lugar kung saan isinagawa o


Petsa ng pagpapatupad
ipinatupad

Nagpanukala o nanguna sa
proyekto

Tao/ mga taong


Pakinabang o magandang
nagpapatupad/nagsasagawa
dulot ng proyekto
ng proyekto
Pagsulat ng Panimula ng
panukalang Proyekto
Bago mo lubusang isulat ang
panukalang proyekto, ang
unang mahalagang
hakbang na dapat isagawa
ay ang pagtukoy sa
pangangailangan ng
komunidad, samahan, o
kumpanyang pag-uukulan
ng iyong project proposal.
Pagsulat ng katawan ng panukalang
proyekto
- Matapos mailahad ang panimulang
naglalahad ng suliraning ng gagawing
panukalang proyekto ay isunod na gawin
ang pinaka- katawan ng sulating ito. Ito ay
binubuo ng layunin, plano na dapat gawin
at badyet.
1. Layunin – Sa bahaging
layunin makikita ang mga
bagay na gustong makamit o
ang pinaka adhikain ng
panukala. Kailangang maging
tiyak ang layunin ng proyekto.
Kailangang isulat ito batay sa
kung paano makakamit anng
mga resultang ito.
Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner
(2005)
ang Layunin ay kailangang maging simple.
-Immediate – Nakasaad ang tiyak na petsa
kung kailan ito matatapos.
-Specific – nakasaad ang bagay na nais
makamit o mangyari sa panukalang
proyekto.
Measurable – May
Practical – Logical – Nagsasaad
basehan o patunay
Nagsasaad ng ng paraan kung
na naisasakatuparan
solusyon sa binanggit paano makakamit
ang nasabing
na suliranin ang proyekto
proyekto

Evaluable –
Masusukat kung
paano
makatutulong ang
proyekto.
2. Plano ng dapat gawin - Matapos maitala
ang mga layunin ay maari ng buoin ang
talaan ng mga gawain o plan action na
naglalaman ng mga hakbang na isasagawa
upang malutas ang suliranin. Mahalagang
maiplano itong mabuti ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa nito
kasama ang mga taong kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng mga gawain.
3. Badyet - Isa sa
pinakamahalagang bahagi
ng anumang panukalang
proyekto ay ang wasto at
tapat na paglalatag na
kakailanganing badyet para
dito. Ang badyet ay ang
talaan ng mga gastusin na
kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng
layunin. Mahalagang ito ay
mapag-aaralang mabuti
upang makatipid sa mga
gugugulin.
Narito ang ilang mahahalagang bagay na
dapat tandaan sa paggawa ng badyet
para sa panukalang proyekto ayon sa
datos mula sa modyul tungkol sa pagsulat
ng panukalang proyekto na may pamagat
na paghahanda ng isang Simpleng
Proyekto.
A. Gawing Simple at malinaw ang badyet
upang madali Itong maunawaan ng
ahensiya o sangay ng pamahalaan o
institusyon na mag-apruba o
magsasagawa nito.
B. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa
klasipikasyon nito upang madaling sumahin
ang mga ito.
C. Isama sa iyong badyet maging ang huling
sentimo – Ang mga ahensiya sangay ng
pamahalaan, o maaaring kompanya na
magtataguyod ng nasabing proyekto ay
kadalasang nagsasagawa rin ng pag-aaral
para sa itataguyod nilang proposal.
D. Siguraduhing wasto o tama ang ginawang
pagkukwenta ng mga gastusin. Iwasan ang
mga bura o erasure sapagkat ito ay
nangunguhulugan ng integridad at karapat-
dapat ng pagtitiwala para sa inyo.
C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at
mga makikinabang nito.
- Kadalasan ang panukalang proyekto ay na-
aprubahan kung malinaw na nakasaad dito
kung sino ang matutulungan ng proyekto at
kung paano ito makatutulong sa kanila.
Maaaring makinabang nito ay mismong lahat
ng mamamayan ng isang pamayanan, ang
mga empleyado ng isang kompanya o kaya
naman ay miyembro ng isang samahan.
Balangkas ng Panukalang Proyekto
- Ang pagsulat ng panukalang proyekto ang maaaring
gamitin depende sa may akda na naghain nito. Ayon
kay Besim Nebiu sa kanyang akdang developing skills &
NGO's Project Proposal Writing 2002, Bahagi ng
panukalang proyekto ang abstrak o executive summary.
Ang mahahalagang sipi o datos o dokumento na
kailangan sa panukala ay inilalagay na lamang sa mga
kalakip sa dulo ng panukala upang higit.
 Balangkas ng Panukalang Proyekto
1. Pamagat ng Panukalang proyekto –
kadalasan, ito ay hinango mismo sa
inilahad na pangangailangan bilang tugon
sa suliranin.
2. Nagpadala – Naglalaman ito ng tirahan
ng sumulat ng panukalang proyekto.
3. Petsa-
O araw kung kailan ipinasa ang panukal
ang papel. Isinasama rin sa bahaging ito
ang tinatayang panahon kung gaano ka
tagal gagawin ang proyekto.
4. Pagpapahayag ng Suliranin – dito
nakasaad ang suliranin at kung bakit
dapat maisagawa o maibigay ang
pangangailangan.
5. Layunin – Naglalaman ito ng mga
dahilan o kahalagahan kung bakit dapat
isagawa ang panukala.
6. Plano ng dapat gawin – Dito makikita
ang talaan ng pagkakasunod sunod ng
mga gawaing isasagawa para sa pagsasa
katuparan ng proyekto gayundin.
7. Badyet – Ang kalkulasyon ng mga
guguling gagamitin sa pagpapagawa ng
proyekto.
8. Paano mapapakinabangan ng
pamayanan/samahan ang panukalang
proyekto – kadalasan, Ito rin ang
nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung
saan nakasaad dito ang mga taong
makikinabang ng proyekto at benepisyong
makukuha nila mula rito.
Magsaliksik ng mga Panukalang
Proyekto sa inyong paaralan o
pamayanan. Ihambing ang panukalang
proyektong nasaliksik sa isa mong kamag-
aaral gamit ang compare and Contrast
Diagram sa ibaba.
Panukalang
Proyektong aking
nasaliksik

Panukalang
Paano ito Proyektong
magkatulad? nasaliksik ng aking
kamag-aral
PAGTATAPOS NG
ARALIN

You might also like