You are on page 1of 8

PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG

BREAKWATER PARA SA BARANGAY


BACAO

Mula kay Leah Grace L. Delgado


324 Purok 10, Tiburcio Luna Avenue
Barangay Bacao
General Trias, Cavite
Ika – 11 ng Disyembre, 2015
Haba ng Panahong Gugulin: 3 buwan at
kalahati

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang Barangay Bacao sa
mabilis na umuunlad na barangay
General Trias sa Cavite. Ito ay
nananatiling pamayanang
agricultural bagama’t unti – unti na
ring nagsulputan ang mga pabrika
sa lugar nito.
Isa sa mga suliraning
nararanasan ng Barangay Bacao sa
kasalukuyan ay ang malaking
pagbaha tuwing panahon ng tag –
ulan. Ito ay nagdudulot ng
malaking problema sa mga
mamamayan tulad ng pagkasira ng
kanilang mga bahay, kagamitan, at
maging ng mga pananim. Ang
pangunahing sanhi ng pagbaha ay
ang pag – apaw ng tubig sa ilog na
nanggagaling sa bundok.
Dahil dito nangangailangan ang
barangay ng isang breakwater o
pader na pipigil sa mabilis na pag –
apaw ng tubig mula sa ilog. Kung
ito ay maipatatayo tiyak na di na
kailanganin pang ilikas ang mga
mamamayan sa ligtas na lugar.
Higit sa lahat, maiiwasan din ang
patuloy nan a pagguho ng mga lupa
sa tabi ng ilog. Kailangang
maisagawa na ang proyektong ito
sa madaling panahon para sa
kapakanan at kaligtasan ng mga
mamamayan.

II. Layunin
Makapagpagawa ng
breakwater o pader na
makatutulong upang mapigilan
ang pag – apaw ng tubig sa ilog
upang matiyak ang kaligtasan ng
mga mamamayan at maging ang
kanilang mga ari – arian at hanap
buhay sa susunod ng mga buwan

III. Plano ng Dapat Gawin


1. Pagpapasa, pag – aaproba, at
paglalabas ng badyet (7 araw)
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa
mga contractor o mangongontrata
sa pagpapagawa ng breakwater o
pader (2 lingo)
 ang mga contractor ay
inaasahang magpapasa o
magsumite ng kani – kanilang
tawad para sa pagpapatayo ng
breakwater kasama ang
gagamiting plano para rito.
3. Pagpupulong ng konseho ng
barangay para sa pagpili ng
contractor na gagawa ng
breakwater (1 araw)
 gagawin ang opisyal na
pagpapahayag ng napiling
contractor
4. Pagpapatayo ng breakwater sa
ilalim ng pamamahala ng konseho
ng Barangay Bacao (3 araw)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng
breakwater (1 araw)
IV. Badyet

Mga Gagawa Halaga


I. Halaga ng Php
pagpapagawa 3,200,000.00
ng breakwater
batay sa
isinumite ng
napiling
contractor
II. Gastusin Php 20,000.00
para sa
pagpapasinaya
at
pagbabasbas
nito
Kabuuang 3,220,000.00
Halaga
V. Benepisyo ng Proyekto at Mga
Makikinabang Nito
Ang pagpapatayo ng breakwater o
pader sa ilog ay magiging
kapakipakinabang sa lahat ng
mamamayan ng Barangay Bacao.
Ang panganib sa pagkawala ng
buhay dahil sa panganib na dulot ng
baha ay masosolusyunan. Di na
makararanas ang mga mamamayan
ng pagkasira ng kanilang tahanan at
mga kagamitan na tunay na
nagdudulot na malaking epekto sa
kanilang pamumuhay. Higit sa lahat,
magkakaroon ng kapatanagan ang
puso ng bawat isa tuwing sasapit ang
tag – ulan dahil alam nilang hindi
agad aapaw ang tubig sa ilog sa
tulong ng mga ipatatayong mga
pader.
Mababawasan din ang trabaho at
alalahanin ng mga opisyales ng
barangay sa paglilikas ng mga
pamilyang higit na apektado ng
pagbaha sa pananim ng mga
magsasakang karaniwang
pinagkukunan ng hanapbuhay ng
mga mamamayan nito.

You might also like