You are on page 1of 25

PANUKALANG

PROYEKTO
12-2 STEM
Aragon, Joraine
Aquino, Francheska Marie
Aquino, Rhean Joy
Balinas, Xyvel Ma.
Beltran, Pauline
Buenaflor, Daneza
Caampued, Annie
KAHULUGAN, URI AT
KATANGIAN
Kahulugan
Ayon kay Nebiu (2002), ang panukalang proyekto...

• Ay detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga


aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak na
problema
• Dito makikita ang detalyadong pagtatalakay sa dahilan at
pangangailangan ng proyekto (project justification),
panahon sa pagsasagawa ng proyekto (activities and
implementation timeline), at kakailanganing resorses
(human, material, and financial resources required).
Katangian
Ayon kay Nebiu (2002), hindi ito maituturing na
panukalang proyekto kung...

• Ito ay dati ng aktibidad na nauulit sa eksaktong


pamamaraan at periodikong isinasagawa
• Ang mga aktibidad na walang depinido at malinaw na
layunin
• Ang mga aktibidad na maaaring maulit o mailipat kahit
saan at sa ano mang oras
• Ang mga regular na aktibidad ng organisasyon
Uri
Ang isang panukalang proyekto ay kadalasang nakasulat;
minsan ito ay sa anyong oral na presentasyon, o kaya ay
kombinasyon ng mga ito. Ang panukalang protekto ay
maaaring:

• Internal - inihahain sa loob ng kinabibilanhang


organisasyon
• Eksternal - isang panukala para sa organisasyong di -
kinabibilangan ng proponent
• Solicited - isang panukalang proyekto na isinasagawa
dahil may pabatid ang isang organisasyon sa kanilang
pangangailangan ng isang proposal. Tinatawag din itong
invited o imbitado.
Uri
• Unsolicited - isang panukalang proyekto na kusa o
nagbaka - sakali lamang ang proponent. Tinatawag din
itong prospecting.

• Maikling Panukalang Proyekto - mayroon lamang dalawa


hanggang sampung pahina na kadalasan ay nasa anyong
liham lamang.
• Mahabang Panukalang Proyekto - naglalaman ng mahigit
sa sampung pahina.
MGA TAGUBILIN SA
PAGSULAT NG PANUKALANG
PROYEKTO
Ayon sa American Red Cross (2006), kapag susulat
ng isang panukalang proyekto, kailangang gawin
ang sumusunod:
1. Magplano ng maagap.
2. Gawin ang pagpaplano nang pangkatan.
3. Maging realistiko sa gagawing panukala.
4. Matuto bilang isang organisasyon.
5. Maging makatotohanan at tiyak.
6. Limitahan ang paggamit ng teknikal na jargon.
7. Piliin ang pormat ng panukalang malinaw at madaling
basahin.
8. Alalahanin ang prayoridad ng hihingian ng suportang
pinansyal.
9. Gumagamit ng mga salitang kilos sa pagsulat ng
panukalang proyekto.
MGA DAPAT GAWIN BAGO
ANG PAGSULAT NG
PANUKALANG PROYEKTO
Binalangkas ni Besim Nebiu sa kanyang aklat na
Developing Skills of NGOs Project Proposal Writing
(2002) ang mga hakbang na kailangang isagawa ng
isang indibidwal o organisasyong nagnanais gumawa
ng isang panukalang proyekto.
Ayon sa aklat, kailangan ang:
1. Pag - interbyu sa dati at inaasahang tatanggap ng
benepisyo.
2. Pagbalik - tanaw sa mga naunang panukalang proyekto.
3. Pagbalik - tanaw sa mga ulat sa ebalwasyon ng mga
proyekto.
4. Pag organisa ng mga focus group.
5. Pagtingin sa mga datos estadistika.
6. Pagkonsulta sa mga eksperto.
7. Pagsasagawa ng mga sarbey at iba pa.
8. Pagsasagawa ng mga pulong at porum sa komunidad.
MGA BAHAGI NG
ISANG PANUKALANG
PROYEKTO
I. Titulo ng Proyekto
• Ang pahina para sa titulo ay kailangan kung ang
proposal ay mas mahaba sa tatlong pahina.
Kasama sa pahinang ito ang titulo ng proyekto,
pangalan ng nagpapanukalang organisasyon,
lugar at petsa ng preparasyon ng panukala at
ahensyang pinaglalaanan ng panukala.

• Tandaan na ang titulo ng proyekto ay dapat na


maiksi at tuwiran, at dapat na tumutukoy sa
pangunahing aktibidad o inaasahang resulta ng
proyekto.
II. Nilalaman

• Mahalaga ang pahinang ito upang madaling


mahanap ang mga bahagi ng proposal.
Naglalaman ito ng titulo ng bawat seksyon at ang
panimulang pahina ng mga ito.
III. Abstrak
• Ito ang huling ginagawa na bahagi ng panukala.
Makikita rito ang pagtalakay sa suliranin,
layunin, organisasyon na responsable sa
implementasyon, pangunahing aktibidad ng
proyekto at ang kabuuang badyet.

• Ginagawa ito upang magkaroon ng buod ang


buong panukala at mabigyan ng masaklaw na
pagtingin ang nagbabasa nito. Tiyaking maikli
lamang ang abstrak.
IV. Konteksto

• Ito ay naglalaman sa sanligang sosyal,


ekonomiko, politikal, at kultural ng panukalang
proyekto. Naglalaman ito ng mga kaugnay na
datos mula sa mga pananaliksik na naitala mula
sa pagpaplano sa proyekto, o ng mga datos na
nakolekta mula sa iba't ibang mga sors.
V. Katwiran ng Proyekto
• Ito ang pinakarasyonal ng proyekto. Nahahati ito
sa apat na sub - seksyon.

1. Pagpapahayag sa Suliranin.
Tinatalakay sa bahaging ito ang tiyak na suliraning
pinagtutuunang solusyunan ng panukala.
2. Prayoridad na Pangangailangan.
Pinagtutuunan ng bahaging ito ang pagpapaliwanag sa
pangangailangan ng mga target na makikinabang dahil sa
pagkakaroon ng suliranin. Ipinaliliwanag din sa bahaging ito
kung paano napagdesisyunan ang mga isasad na
pangangailangan.

3. Interbensyon.
Ilalarawan sa bahaging ito ang estratehiyang napili kung
papaano sosolusyunan ang suliranin at gayon din tatalakayin
kung papaanong magdadala ng pagbabago ang gagawing
hakbang.

4. Mag - iimplementang Organisasyon.


Ilalarawan ang kapabilidad ng nagpapanukalang
organisasyon upang tugunan ang suliranin inilahad. Isinasama
sa seksyong ito ang mga nakaraang rekord ng kapasidad sa
pagresolba ng mga suliranin.
VI. Layunin

• Ilalahad sa bahaging ito ang masaklaw na


layon ng panukalang proyekto. Iisa - isahin
din ang mga tiyak na layuning nais
makamit ng panukala.
• Ikinokonsidera ang mga sumusunod sa
pagbuo ng isang layunin:

1. Dapat isa lamang ang masaklaw na layunin ng


panukala;
2. Dapat konektado ang masaklaw na layunin sa
bisyon ng pagpapaunlad o pagpapabuti; at
3. Dapat napatutunayan ang merito ng
kontribusyon ng layon sa bisyon.
VII. Target na Benepisyaryo

• Ipinapakita sa bahaging ito kung sino ang mga


makikinabang sa panukalanh proyekto at kung
paano sila makikinabang dito. Isasama rito ang
detalyadong deskripsyon ng laki at katangian ng
mga benepisyaryo.
VIII. Implementasyon ng Proyekto

• Ipakikita sa bahaging ito ang iskedyul at


alokasyin ng resorses. Mahalagang maipakita rito
kung sini ang gagawa sa mga aktibidad, at kailan
at saan ito gagawin. Mahahati sa dalawang sub -
seksyon ang bahaging ito:

1. Iskedyul.
Ang detalye ng mga plinanong aktibidad ay dapat
maipakita. Magagamit ang mga talahanayan at Gantt Chart
sa pagpapakita ng nga ito.
2. Alokasyon.
Ipapakita dito ang mga kakailanganin upang
isagawa ang mga aktibidad ayon sa iskedyul.
Tinutukoy sa bahaging ito ang iba't ibang
kategorya ng gastusin upang magkaroon ng buod
ng impormasyon ukol sa gastusin na kakailanganin
para sa pagbabadyet.

3. Badyet.
Ito ang buod ng mga gastusin at kikitain ng
panukalang proyekto.
4. Pagmonitor at Ebalwasyon.
Dito malalaman ang metodo na gagamitin sa
pagmonitor at pag - evaluate at sa kung sino ang
magsasagawa ng pagmonitor at ebalwasyon.
5. Pangasiwaan at Tauhan.
Naglalaman ito ng maikling deskripsyon ng
bawat miyembro ng grupo na gumawa ng
panukalang proposal.
6. Mga Lakip.
Ito ang mga karagdagang dokumento o sulatin na
kakailanganin upang lalong mapagtibay ang
panukalang proyekto. Isasama rin sa bahaging ito
ang ano mang papeles na hihingiin ng
organisasyon o indibidwal kung saan
ipinapanukala ang proyekto.
Halimbawa ng Panukalang Proyekto

You might also like