You are on page 1of 5

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang

(Akademik)
Kuwarter 1 - Modyul 6:
Akademikong Sulatin: Pagsulat ng
Panukalang Proyekto
Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto

Naisasagawa ng mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling akademikong sulatin.
CS_FA11/12PU-0d-f-92
Nakasusunod sa istilo at tekinikal na pangangailangan ng akademikong sulatin. CS_FA11/12PU-0d-f-93
Nakasusulat ng panukalang proyekto batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika .
CS_FA11/12WG-0p-r-93

Tuklasin

Pagsulat ng katawan ng Panukalang Proyekto Ito ay binubuo ng:


1.Layunin -Kailangang maging tiyak at isulat batay sa inaasahang resulta ng panukalang proyekto. Ayon kina
Jeremy Miner at Lynn Miner (2005) , ang layunin ay kailangang maging SIMPLE.
• Specific – bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto
• Immediate – tiyak na petsa kung kailan ito matatapos
• Measurable – may basehan o patunay na naisakatutuparan ang nasabing proyekto
• Practical - solusyon sa suliranin
• Logical - paraan kung paano makakamit ang proyekto
• Evaluable – nasusukat kung paano makatutulong ang proyekto.
2.Plano ng Dapat Gawin- Matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang buoin ang talaan ng mga gawain
o plan of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin. Mahalagang
maiplano itong mabuti ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsagawa nito kasama ang mga taong
kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga gawain. Dapat maging makatotohanan at kailangang ikonsidera
ang badyet sa pagsasagawa nito. Makakatulong kung gagamit ng tsart o kalendaryo para markahan ang
pagsasagawa ng bawat gawain.
Suriin ang plano ng mga gawain sa pagpapatayo ng breakwater o pader para sa Barangay Bacao sa
ibaba.

Plano ng Paggawa ng Breakwater o Pader para sa Ilog ng Barangay Bacao


1.Pagpapasa ,pag-aaproba ,at paglabas ng badyet (7 araw )
2.Pagsasagawa ng bidding mula sa mga kontraktor o mangongontrata sa paggawa ng breakwater o
pader (2 linggo)
▪ Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kanikanilang tawad para
sa pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamiting plano para rito.
3.Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng kontraktor na gagawa ng breakwater. (1
araw )
▪ Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling kontraktor para sa
kabatiran ng nakararami.
4.Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Bacao .
(3 buwan)

3.Badyet – pinakamahalagang bahagi ito ng anumang panukalang proyekto. Ang badyet ay ang talaan ng
mga gastusin ( tulad materyales at sweldo sa manggagawa ,allowance sa magbabantay at iba pang
kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin. Mahalagang ito ay mapag-aralang mabuti upang makatipid
sa mga gugugulin. Maaaring magsagawa ng bidding sa mga kontraktor na kadalasan ay may panukalang
budget para sa gagawing proyekto. Maaaring magkaroon ng tatlo o higit pang bidder na pagpipilian.Ibigay o
ipagkatiwala ang proyekto sa kontraktor na magbibigay ng pinakamababang halaga ng badyet.Sa mga
karagdagang kagamitan o materyales ,mas makabubuti kung maghahanap muna ng murang bilihan para
makatipid din sa mga gastusin. Huwag ding kaligtaang isama sa talaan ng badyet ang iba pang mga gastusin
tulad ng sweldo ng mga manggagawa ,.allowance para sa mga magbabantay sa pagsasagawa nito.
Mga dapat tandaan sa paggawa ng badyet para sa panukalang proyekto ayon sa mga datos mula sa
modyul tungkol sa pagsulat ng panukalang proyekto na may pamagat na “ Paghahanda ng Isang Simpleng
Proyekto “ https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02

Narito ang halimbawa ng badyet na maaaring gamitin sa pagpapagawa ng breakwater ng


Brgy.Bacao.

Mga Gastusin Halaga


I.Halaga ng pagpapagawa ng breakwater batay sa isinumeti ng napiling Php 3,200,000.00
kontraktor (kasama na rito ang mga materyales at sweldo ng mga
trabahador )
II.Gastusin para sa pagpapasinaya at pagbabasbas nito Php 20,000.00
Kabuoang Halaga Php 3,220,000.00

Ano ang natutuhan mo sa paghahanda ng isang panukalang badyet? Sa palagay mo ba ay mahirap


itong gawin? Hindi ito mahirap kung isasaisip mo ang mga sumusunod:
1. Gawing simple at malinaw ang iyong badyet. Dapat na malaman agad ng ahensiyang
magtataguyod ang mga bahagi nito. Ang mahahalagang detalye ng gastusin ay dapat na malinaw ang
pagkakasaad.
2. Ayusing mabuti ang iyong panukala. Pagpangkat-pangkatin ang mga gastusin ayon sa
klasipikasyon ng mga ito. Siguraduhing nakahanay ang mga halaga upang madaling sumahin ito.
3. Gumawa ng pag-aaral ng mga ahensiyang nagtataguyod ng mga proyekto at alamin ang mga
bagay na kailangan sa panukala at ang halagang kanilang tinutustusan upang makasama ang iyong panukala
sa kanilang itataguyod. Sa ganitong paraan mas malaki ang tsansang maaprobahan ang iyong proyekto.
Maaari ka ring manghingi ng kopya ng mga naaprobahan nilang mga proyekto upang maikumpara ang gawa
mo.
4. Ihanda ang iyong badyet hanggang sa huling sentimo. Ang mga ahensiyang nagtataguyod ng mga
proyekto ay kadalasang gumagawa ng pag-aaral para sa itataguyod nilang proposal.
5. Siguraduhing tama ang lahat ng kukuwentahin. Mangangahulugan ito ng iyong integridad at
karapat-dapat na pagtitiwala para sa iyo.

Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito


Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa
pagsasakatuparan ng layunin hal. Mga bata, mamamayan,kababaihan ,magsasaka,mahihirap na
pamilya,mga negosyante at iba pa.Maaari na ring isama sa bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ng
iyong panukala. Sa bahaging ito, ay maaaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang
ipinasang panukalang proyekto .Tunghayan ang halimbawang nakasulat sa ibaba.

Paano Mapakinabangan ng Barangay Bacao ang panukalang proyekto?


Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng
mamamayan ng Brgy.Bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay
masosolusyunan. Di na makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga
kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang pamumuhay.Higit sa lahat, magkakaroon
na ng kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw
ang tubig sa ilog sa tulong ng mga opapatayong mga pader.

Balangkas ng Panukalang Proyekto


1. Pamagat ng Panukalang Proyekto - hinango sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa
suliranin
2. Nagpadala- tirahan ng sumulat ng paanukalang proyekto
3. Petsa- araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel isinama na rin kung gaano katagal gagawin
ang
proyekto.
4. Pagpapahayag ng Suliranin- nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang
pangangailangan,
5. Layunin – dahilan o kahalagahan kung bakit isagawa ang panukala
6. Plano na dapat gawin- talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing para pagsasakatuparan ng
proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.
7. Badyet- kalkulasyon ng mga guguling gagamiti sa pagpapagawa ng proyekto
8. Paano mapakinabangan ng pamayanan o samahan ang panukalang proyekto- konklusyon ng
panukala kung saan nakasaad dito ang mga taong makikinabang ng proyekto at benepisyong
makukuha nila mula rito.

Gawain 1

Suriin

PAGBIBIGAY-DESISYON:
Panuto: Balikan ang “Plano ng Paggawa ng Breakwater o Pader para sa Ilog ng Barangay Bacao ” .
Kung ikaw ang tagapagtaguyod at batay sa plano ng mga gawain, aaprobahan mo ba at
susuportahan ang panukalang proyekto para sa barangay? Bakit ? at Bakit hindi? .Isulat ito sa
sagutang papel.

Gawain 2

PANANALIKSIK:
1.Magsaliksik ka ng panukalang proyekto mula sa silid-aklatan , websites at iba pang paghahanguan.
2.Magpasa ka ng kopya nito.(hard copy)
3. Ihambing ang pagkakatulad at pagkakaiba sa kabuoang obserbasyon mo sa nasaliksik at sa iyong
natutunan sa araling ating natalakay. Isulat ito sa sagutang papel.Gamitin ang venn diagram para sa
kasagutan.

Gawain 3

Tayahin

AYOS KRONOLOHIKAL SA PANUKALANG PROYEKTO :


Panuto: Isaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ang panukalang proyekto. Isulat ang titik A-J sa sagutang
papel.
______1. 324 Purok 10,Tiburcio Luna Avenue Barangay Bacao General Trias ,Cavite
______2. Haba ng Panahong Guguglin: 3 buwan at kalahati
______3. Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-apaw
ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at maging ang kanilang mga ari-
arian at hanapbuhay sa susunod na mga buwan.
______4. PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG BREAKWATER PARA SA BARANGAY BACAO
______5. Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng General Trias sa Cavite. Ito
ay nananatiling pamayanang agrikultural bagamat unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar
na ito. Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking pagbaha tuwing
panahon ng tag-ualn Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng
kanilang mga bahay ,kagamitan,at maging ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-
apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok. Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang
breakwater o pader na pipigil sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog . Kung ito ay maipatatayo , tiyak na
di na kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat ,maiiwasan din ang
patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling
panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.
_______6. Mula kay Leah Grace L. Delgado
_______7 .Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng
mamamayan ng Brgy.Bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay
masosolusyunan. Di na makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga
kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang pamumuhay.Higit sa lahat, magkakaroon
na ng kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw ang
tubig sa ilog sa tulong ng mga opapatayong mga pader.
_______8.
Plano ng Paggawa ng Breakwater o Pader para sa Ilog ng Barangay Bacao
1.Pagpapasa ,pag-aaproba ,at paglabas ng badyet (7 araw )
2.Pagsasagawa ng bidding mula sa mga kontraktor o mangongontrata sa paggawa ng breakwater o
pader (2 linggo)
▪ Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani-kanilang tawad para sa
pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamiting plano para rito.
3.Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng kontraktor na gagawa ng breakwater. (1
araw )
▪ Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling kontraktor para sa kabatiran
ng nakararami.
4.Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Bacao (3 buwan)
5.Pagpapasinaya at pababasbas ng breakwater ( 1 araw)
________9. ika-11 ng Disyembre 2015
________10.

Mga Gastusin Halaga


I.Halaga ng pagpapagawa ng breakwater batay sa Php 3,200,000.00
isinumeti ng napiling kontraktor (kasama na rito ang mga
materyales at sweldo ng mga trabahador )
II.Gastusin para sa pagpapasinaya at pagbabasbas nito Php 20,000.00
Kabuoang Halaga Php 3,220,000.00

You might also like