You are on page 1of 37

Pagsulat ng

Panukalang
Proyekto
Ang paggawa ng
panukalang proyekto
ay sistematiko at
pinag-aaralan.
Ayon kay Dr. Phil
Bartle ng The Community
Empowerment Collective,
isang samahang tumutulong
sa mga nongovernmental
organization
(NGO)
sa paglikha ng mga mag-
aaral sa pangangalap ng
pondo, ang panukala ay
isang proposal na
naglalayong ilatag ang mga
plano o adhikain para sa
isang komunidad o samahan.
Kaya ang panukalang proyekto
ay nangangahulugang isang
kasulatan ng mungkahing
naglalaman ng mga plano ng
gawaing ihaharap sa tao o
samahang pag-uukulan nitong
siyang tatanggap at
magpapatibay nito.
Ayon naman kay Besim
Nebiu, may-akda ng Developing
Skills of NGO Project Proposal
Writingl, ang panukalang
proyekto ay isang detalyadong
deskripsiyon ng mga inihahaing
gawaing naglalayong lumutas ng
isang problema o suliranin.
Mahalang maging maingat sa
pagpaplano at pagdidisenyo ng
panukalang proyekto. Kaya
naman masasabing ang
paggawa nito ay
nangangailangan ng kaalaman,
kasanayan, at maging sapat na
pagsasanay.
Una sa lahat, ito ay
kailangang maging tapat na
dokumento na ang
pangunahing layunin ay
makatulong at makalikha
ng positibong pagbabago.
Ayon kay Bartle (2011),
kailangan nitong magbigay ng
impormasyon at makahikayat ng
positibong pagtugon mula sa
pinag-uukulan nito. Walang lugar
sa sulating ito ang pagsesermon,
pagyayabang, o panlilinlang, sa
halip, ito ay kailangang maging
tapat at totoo sa layunin nito.
MGA DAPAT GAWIN SA
PAGSULAT NG
PANUKALANG PROYEKTO
Ayon kay Jeremy Miner at Lyn
Miner (2008) sa kanilang aklat na A
Guide to Proposal Planning and
Writing, sa pagsasagawa ng
panukalang papel, ito ay kailangang
magtaglay ng tatlong
mahahalagang bahagi at ito ay ang
sumusunod:
A.Pagsulat ng Panimula ng
Panukalang Proyekto
B.Pagsulat ng Katawan ng Panukalang
Proyekto
C.Paglalahad ng Benepisyo ng
Proyekto at Mga Makikinabang Nito
A.Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
Bago mo lubusang isulat ang
panukalang proyekto, ang unang
mahalagang hakbang na dapat isagawa
ay ang pagtukoy sa pangangailangan ng
komunidad, samahan o kompanyang
pag-uukulan ng iyong project proposal.
Tandaan na ang pangunahing dahilan ng
pagsulat ng panukalang proyekto ay
upang makatulong at makalikha ng
positibong pagbabago.
Higit na maging tiyak,
napapanahon, at akma kung
matutumbok mo ang tunay na
pangangailangan ng pag-uukulan
nito. Sa madaling salita, ang
pangangailangan ang magiging
batayan ng isusulat na panukala.
Maaaring magkaroon ng maraming
solusyon para sa isang suliranin. Ngunit
higit na makakabuti kung magbigay-
tuon lamang sa isang solusyon na sa
palagay mo ay higit na mahalagang
bigyang-pansin. Dito ngayon iikot ang
iyong isusulat na proyekto. Mula rito ay
maari mo nang isulat ang panimula ng
panukalang proyekto kung saan ito ay
naglalaman ng suliraning nararanasan
ng
ng pamayanan, kompanya, o
organisasyong pag-uukulan nito
at kung paanong makatutulong
sa kanilang pangangailangan ang
panukalang proyektong iyong
isasagawa. Tinatawag ang
bahaging ito ng sulatin sa
Pagpapahayag ng Suliranin.
B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto

Matapos na mailahad ang


panimulang naglalahad ng
suliranin ng gagawing panukalang
proyekto ay isunod na gawin ang
pinakakatawan ng sulating ito. Ito
ay binubuo ng layunin, planong
dapat gawin, at badyet.
1. Layunin – Sa bahaging layunin
makikita ang mga bagay na gustong
makamit o ang pinaka-adhikain ng
panukala. Kailangang maging tiyak ang
layunin ng proyekto. Kailangang isulat
ito batay sa mga inaasahang resulta ng
panukalang proyekto at hindi batay sa
kung paano makakamit ang mga
resultang ito. Ayon kina Jeremy Miner at
Lynn Miner (2008), ang layunin ay
kailangang maging SIMPLE.
Specific – nakasaad ang bagay na nais
makamit o mangyari sa panukalang
proyekto.
Measurable – may basehan o patunay na
naisakatuparan ang nasabing proyekto.
Practical – nagsasaad ng solusyon sa
binaggit na suliranin.
Logical – nagsasaad ng paraan kung paano
makakamit ang proyekto.
Evaluable – masusukat kung paano
makatutulong ang proyekto.
2. Plano ng Dapat Gawin – Matapos maitala
ang mga layunin ay maari nang buoin ang
talaan ng mga gawain o plan of action na
naglalaman ng mga hakbang sa isasagawa
upang malutas ang suliranin. Mahalagang
maiplano itong mabuti ayon sa tamang
pagkasunod-sunod ng pagsasagawa nito
kasama ang mga taong kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng mga gawain. Ito rin ay
dapat na maging makatotohanan o realistic.
Kailangang ikonsidera rin ang badyet sa
pagsasagawa nito.
Mas makakabuti kung isasama sa
talatakdaan ng gawain ang petsa kung
kailan matatapos ang bawat bahagi ng
plano at kung ilang araw ito gagawin.
Kung hindi tiyak ang mismong araw na
maaaring matapos ang mga ito ay
maaaring ilagay na lamang kahit ang
linggo o buwan. Makatutulong kung
gagamit ng chart o kalendaryo para
markahan ang pagsasagawa ng bawat
gawain.
Plano ng Paggawa ng Breakwater o
Pader para sa Ilog ng Barangay Bacao
1.Pagpapasa,pag-aaproba, at paglalabas ng
badyet (7araw)
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga
contractor o mangongontrata sa
pagpapagawa ng breakwater o pader (2
linggo)
*Ang mga contractor ay inaasahang
magpapasa o magsusumite ng kani-kanilang
tawad para sa pagpapatayo ng breakwater
kasama ang gagamiting plano para rito.
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay
para sa pagpili ng contractor na gagawa
ng breakwater (1 araw)
*Gagawin din sa araw na ito ang opisyal
na pagpapahayag ng napiling contractor
para sa kabatiran ng nakararami.
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim
ng pamamahala ng konseho ng Barangay
Bacao (3 na buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng
breakwater (1 araw)
3. Badyet – Isa sa pinakamahalagang bahagi
anumang panukalang proyekto ay ang wasto at
tapat na paglalatag ng kakailanganing badyet para
dito. Ito ay talaan ng mga gastusin na
kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.
Maaaring magsagawa ng bidding sa mga
contractor na kadalasan ay may mga panukalang
badyet na para sa gagawing proyekto. Maaring
magkaroon din ng tatlo o higit pang bidders na
pagpipilian. Huwag ding kaligtaang isama sa
talaan ng badyet ang iba pang mga gastusin tulad
ng suweldo ng mga manggagawa, allowance para
sa mga bantay sa pagsasagawa nito, at iba pa.
Mahahalagang bagay na dapat tandaan sa
pagsasagawa ng badyet para sa panukalang
proyekto ayon sa datos mula sa modyul
tungkol sa pagsulat ng panukalang proyekto
na may pamagat na “ Paghahanda ng Isang
Simpleng Proyekto.”
A.Gawing Simple at malinaw ang
badyet upang madali itong
maunawaan ng ahensiya o sangay
ng pamahalaan o institusyon na
mag-aaproba at magsasagawa nito.
B.Pangkatin ang mga gastusin ayon
sa klasipikasyon nito upang
madaling sumahin ang mga ito.
C. Isama sa iyong badyet maging ang huling
sentimo. Ang mga ahensiya, sangay ng
pamahalaan, o maaaring kompanya na
magtataguyod ng nasabing proyekto ay
kadalasang nagsasawa rin ng pag-aaral para
sa itataguyod nilang proposal.
D. Siguraduhing wasto o tama ang
ginagawang pagkukuwenta ng mga
gastusin. Iwasan ang mga bura o erasure
sapagkat ito ay nangangahuluan na
integridad at kadapat-dapat na pagtitiwala
para sa iyo.
C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at
Mga Makikinabang Nito
Maaring ang makinabang nito ay mismong
lahat ng mamamayan ing isang pamayanan,
ang mga empleyadi ng isang kompanya, o
kaya naman ay miyembro ng isang samahan.
Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na
grupo ng tao o samahang makikinabang sa
pagsasakatuparan ng magsasaka, mahihirap na
pamilya, mga negosyante, at iba pa.
Maari na ring isama sa bahaging
ito ang katapusan o kongklusyon ng
iyong panukala. Sa bahaging ito ay
maaaring ilahad ang mga dahilan
kung bakit dapat aprobahan ang
ipinasang panukalang proyekto.
Maraming balangkas ng pagsulat ng
panukalang proyekto ang maaring gamitin,
depende sa may-akda na naghahain nito. Sa
ibang sanggunian, tulad ng isinulat ni Besim
Nebiu sa kayang akdang Developing Skills &
NGO’s Project Proposal Writing (2002), bahagi
ng panukalang proyekto ang Abstrak o executive
summary ng panukala lalo na kung medyo may
kahabaan ang isinulat na papel. Ito ay
makatutulong sa mga abalng opisyal na
kailangang magbasa ng maraming mga panukala
kung kaya kadalasan ang executive
Summary na lamang ang kanilang binabasa.
Sa ibang pormat naman ay naglalagay rin ng
mga kalakip o appendices. Ang mahahalagang
sipi ng datos o domumento na kailangan sa
panukala ay inilalagay na lamang sa mga
kalakip sa dulo ng panukala upang higit na
maging sistematiko at organisado ang
presentasyon ng panukala. Kadalasang
isinasama sa kalakip (appendix) ang mga liham
na ginagamit para sa pagpapahintulot o
pagpapatibay ng panukala, ang detalye ng
badyet tulad ng pinanggalingan ng pondo atbp.
Maari mong idagdag ang mga bahaging ito
kung sa tingin mo ay kinakailangan itong
gamitin. Ngunit para sa higit na payak na
balangkas para sa pagsulat ng panukalang
proyekto ay maaaring gamitin ang sumusunod:

1. Pamagat ng Panukalang Proyekto –


Kadalasan, ito ay hinango mismo sa inilahad
na pangangailangan bilang tugon sa
suliranin.
2. Nagpadala - Naglalaman ito ng tirahan ng
sumulat ng panukalang proyekto.
3. Petsa – o araw kung kailan ipinasa ang
panukalang papel. Isinasama rin sa
bahaging ito ang itinatayang panahon kung
gaano katagal gagawin ang proyekto.
4. Pagpapahayag ng Suliranin – Dito
nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat
maisagawa o maibigay ang
pangangailangan.
5. Layunin – Naglalaman ito ng mga
dahilan o kahalagahan kung bakit dapat
isagawa ang panukala.
6. Plano ng Dapat Gawin – Dito makikita
ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga
gawaing isasagawa para sa pagsasakatuparan
ng proyekto ng proyekto gayundin ang petsa
at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.
7. Badyet - Ito ang buod ng mga gastusin at
kikitain ng panukalang proyekto.
8. Pagmonitor at Ebalwasyon - Dito
malalaman ang metodo na gagamitin sa
pagmonitor at pag - evaluate at sa kung sino
ang magsasagawa ng pagmonitor at
ebalwasyon.
9. Pangasiwaan at Tauhan - Naglalaman
ito ng maikling deskripsyon ng bawat
miyembro ng grupo na gumawa ng
panukalang proposal.
6. Mga Lakip - Ito ang mga karagdagang
dokumento o sulatin na kakailanganin upang
lalong mapagtibay ang panukalang proyekto.
Isasama rin sa bahaging ito ang ano mang
papeles na hihingiin ng organisasyon o
indibidwal kung saan ipinapanukala ang
proyekto.
Halimbawa ng Panukalang Proyekto

You might also like