You are on page 1of 18

ARALIN 4:

ANG PANUKALANG
PROYEKTO
OVERVIEW
Sa mundong ating ginagalawan ay may mga bagay na
kinakailangang pag-ukulan ng pansin lalo na at ito ay
nagdudulot ng suliranin sa mga tao. Ito ay maaaring kakulangan
sa isang bagay na nangangailangan ng agarang pagtugon,
paglulunsad ng pagbabago ukol sa naghaharing sistema o
patakaran.

Sa araling ito, mararanasan mong maglahad ng isang panukala


para sa paglulunsad o kaya naman ay para malutas ang isang
suliranin. Matututuhan o ring magsulat at gumawa ng
panukalang proyekto.
ANO ANG PANUKALANG
PROYEKTO?
Ayon kay Dr. Bartle ng Community Empowerment Collective, isang samahang
tumutulong sa mga (NGO) sa paglikha ng mga mag-aaral sa pangangalap ng
pondo, ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga
plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan. Kaya ang panukalang
proyekto ay nangangahulugan na isang kasulatan ng mungkahing
naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa mga tao o samahang
pag-uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito.

Ayon naman kay Besim Nebiu,may-akda ng Developing Skills of NGO Project


Proposal Writing, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong
deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang
problema o suliranin.
MGA DAPAT GAWIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG
PROYEKTO

Ayon kina Jeremy Miner at Lyn Miner (2008), sa pagsasagawa ng


panukalang papel, ito ay kailangang magtaglay ng tatlong
mahahalagang bahagi:

a. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto


b.Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
c. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito
A.PAGSULAT NG PANIMULA NG PANUKALANG PROYEKTO

Bago mo lubusang isulat ang panukalang proyekto, ang unang


mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa pangangailangan ng
komunidad, samahan, o kompanyang pag-uukulan ng iyong project proposal.
Maisasagawa ang unang bahaging ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa
pamayanan o kompanya. Maaaring magsimula sa pagsagot sa sumusunod na
mga tanong:
1. Ano kaya ang mga problemang kinakaharap na dapat bigyan-pansin at
solusyunan?
2. Ano kaya ang pangangailangan ng pamayanan na nais kong gawan ng
panukalang proyekto?
Mula sa mga sagot na makukuha sa mga nakatalang tanong ay
makakaisip ka ng mga ideyang magagamit sa pag-uumpisa sa pagsulat ng
panukalang proyekto. Ilang halimbawa ay ang sumusunod:

Sa Barangay Pagkakaisa, ang dalawang suliraning nararanasan ng mga


mamamayan ay ang mga sumusunod:
1. Paglaganap ng sakit na dengue
2. kakulangan sa suplay ng tubig

Mula sa nabanggit na suliranin ay itala ang mga kailangan para malutas


ang kanilang suliranin.
1. Paglaganap ng sakit na dengue
a. Pagtuturo sa mga mamamayan tungkol sa pangangalaga ng
kalinisan ng kapaligiran
b. pagsasagawa ng fumigation
Mula sa mga ito, maaari mo nang isulat ang panimula ng panukalang proyekto at kung paano makakatulong
sa kanilang pangangailangan. Tinatawag ang bahaging ito bilang PAGLALAHAD NG SULIRANIN.

Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng General Trias sa Cavite.Ito ay
nanatiling pamayanang agrikultural bagama’t unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar nito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking pagbaha tuwing
panahon ng tag-ulan.Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng
kanilang mga bahay,kagamitan,at maging ng mga pananim.Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-
apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok.
Dahil dito,nangangailangan ang barangay ng isang breakwater pader na pipigil sa mabilis na pag-
apaw ng tubig mula sa ilog.Kung ito ay maipatatayo tiyak na di na kakailanganin pang ilikas ang mga
mamamayan sa ligtas na lugar.Higit sa lahat,maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng
ilog.Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng
mga mamamayan.
B.Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto

Ito ay binubuo ng sumusunod:


a. Layunin--- Sa bahaging ito makikita ang mga bagay na gustong makamit o ang pinaka-adhikain ng
panukala.Kailangang maging tiyak ang layunin ng proyekto.Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner,ang
layunin ay kailangang maging SIMPLE.

Specific­—nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto.

Immediate—nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito matatapos

Measurable—may basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing proyekto.

Practical—nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin

Logical—nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto

Evaluable—nasusukat kung paano makatutulong ang proyekto


B. Plano ng Dapat Gawin—Matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang
buoin ang talaan ng mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga
hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin.Mahalagang maiplano itong
mabuti ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa nito kasama ang
mga kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga gawain.Ito rin dapat na maging
makatotohanan o realistic.

C. Badyet—Isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto


ay ang wasto at tapat na paglalatag ng kakailanganing badyet para rito.Ang
badyet ay ang talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng
layunin.Maaaring magsagawa ng bidding sa mga contractors na kadalasan ay
may mga panukalang badyet na para sa gagawing proyekto.Maaaring
magkaroon ng tatlo o higit pang bidders na pagpipilian.
C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito

Maaaring ang makinabang nito ay mismong lahat ng mamamayan ng isang


pamayanan,ang mga empleyado ng isang kompanya,o kaya naman ay miyembro ng isang
samahan.Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang
makikinabang sa pagkakatuparan ng layunin.
BALANGKAS NG PANUKALANG PROYEKTO
1.Pamagat ng Panukalang Proyekto – kadalasang ito ay hinango mismo sa
inilahad na pangangailanagn bilang tugon sa suliranin.
2.Nagpadala – naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
3.Petsa – o araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin sa
bahaging ito ang tinatayang panahon kung gaano katagal gagawin ang
proyekto.
4.Pagpapahayag ng Suliranin – dito nakasaad ang suliranin at kung bakit
dapat maisagawa o mainigay ang pangangailangan.
5.Layunin – naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat
isagawa ang panukala.
6.Plano ng Dapat Gawin – dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod
ng mga gawaing isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto gayundin
ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang abwat isa.
7.Badyet – ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagpapagawa ng
proyekto.
8.Paano Mapapakinabangan ng Pamayanan/Samahan ang Panukalang
Proyekto – kadalasan, ito rin ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala
kung saan nakasaad dito ang mga taong makikinabang ng proyekto at
benipisyong makukuha nila mula rito.
PERFORMANCE TASK: PANUKALANG PROYEKTO

Panuto: Bumuo ng isang panukalang proyekto patungkol sa isang


napapanahong isyu.

MGA DAPAT TANDAAN:


1. Ang bawat grupo ay binubuo ng limang miyembro.
2. Magbigay ng printed na kopya sa guro bago ito ipresenta sa klase.
3. ipresenta ito sa harap ng klase sa pamamagitan ng powerpoint
presentation
4. ang bawat presentasyon ay mamarkahan sa pamamagitan ng rubrik
Ang pag-uumpisa ng presentasyon ay magsisimula sa LUNES, OKTUBRE 23,
2023

You might also like