You are on page 1of 34

PAGSULAT NG PANUKALANG

PROYEKTO
PAGSULAT NG NG PANUKALANG
Sa mundong ating ginagalawan sa kasalukuyan ay may
PROYEKTO
mga pangyayaring dapat pag-ukulan ng pansin lalo na
kung ito ay nagdudulot ng suliranin sa maraming tao . Ito
ay maaaring mga kakulangan sa isang bagay na
nangangailangan ng agarang pagtugon, paglulunsad ng
pagbabago ukol sa maghaharing sistema o patakaran,
maaari ding pagsasagawa ng isang pograma upang higit
na mapabuto ang kondisyon ng isang samahan o gawain o
kaya naman ay pagpapamukha ng sulosyon para sa
nararanasang suliranin.
ANG PANUKALANG PROYEKTO
Ano nga ba ang panukalang proyekto?
Marahil ay nararamo nang gumawa ng feasibilty study para sa
programa o proyekto sa inyong club, tudent organization, o
barangay council.
Halos ganoon din ang ang paggawa ng panukalang proyekto
ngunit ito ay higit na sistematiko at pinag- aralan .
Ayon kay Dr. Phil barle ng the community empowerment
collective, isang samahang tumutulong sa mga plano Non
Governmental Organization(NGO) sa paglikha ng mga pag-
aaral sa pangangalap ng pondo,
Ang panukalang ay isang prosposal na
naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain
para sa isang komunidad o samahan.
Kaya ang panukalang proyekto ay
nangangahulugang isang kasulatan ng
mungkahing naglalaman ng mga plano ng
gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-
uukulan nitong siyang tatanggap at
magpapatibay nito.
Ayon naman kay Besin Nebiu, may-akda ng
development skills of NGO project proposal
writing , ang panukalang proyekto ay isang
detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing
gawaing naglalayong lumutas ng isang problema
o suliranin
Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at
pagdidisenyo ng panukalang proyekto. Kaya
naman, masasabing ang paggawa nito ay
nangangailangan ng kaalamn , kasanayan, at
maging sapat na pagsasanay. Una sa lahat, ito ay
kailanagang maging tapat na dokumento na ang
pangunahing layunin ay makatulong at
makalikha ng positibong pagbabago.
Ayon kay Bartle (2011), kailangan nitong magbigay
ng impormasyon at makahikayata ngb positibong
pagtugon mula sa pinag-uukulan nito. Walang lugar
sa sulating ito ang pagsesermon, pagyayabang, o
panlilinlang, sa halip, ito ay kailangang maging at
totoo sa layunin nito.
Mga Dapat Gawiin Sa Pagsulat Ng Panukalang
Proyekto
Ayon Kina Jeremy Miner At Lynn
Miner(2008) sa kanilang aklat na A Guide To
Proposal Planning And Writing, sa pagsaggawa
ng panukalang papel, ito ay kailang magtaglay
ng tatlong mahahalagang bahagi at ito ay
sumusunod:
a. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang
Proyekto
b. Pagsulat ng katawan ng panukalang
proyekto
c. Paglalahad ng Benipsiyo ng proyekto at
mga Makikinabang Nito.
A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang
Proyekto
Bago mo lubusang isulat ang panukalang
proyekto, ang unang mahalagang hakbang
na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa
pangangailangan ng komunidad, samahan,
o kompanyang pag-uukulan ng iyong
project proposal.
Tandaan na ang pangunahing dahilan ng
pagsulat ng panukalang proyekto ay u- pang
makatulong at makalikha ng positibong
pagbabago. Higit na magiging tiyak,
napapanahon, at akma kung matutum bok mo
ang tunay pangangailangan ng pag-uukulan nito.
Sa madalaing salita, pangangailangan ang
magiging batayan ng isususlat na panukala.
Maisasagawa ang unang bahaging ito sa
pamamagitan ng pagmamasid sa pamayanan o
kompanya. Maaaring magsimula sa pagsagot sa
sumusunod na mga tanong.
1. Ano-ano ang pangunahaing suliraning dapat
lapatan ng agarang solusyon?
2. Ano-ano ang pangangailangan ng
pamayanan o samahan na nais mong gawan
ng panukalang proyekto?
Mula sa mga sagot na makukuha sa mga nakatalang
tanong ay makakalap ka ng mga ideyang magagamit
sa pag-uumpisa ng pagsulat ng panukalang proyekto.
hal.
Sa Barangay pagkakaisa, ang dalawang suliraning
nararanasan ng mga mamamayanan ay mga
sumusunod:
1. Paglaganap ng sakit na dengue
2. Kakulangan sa suplay sa tubig
Mula sa mga nabanggit na suliranin ay itala ang mga
kailanagn ng Barangay.Pagkakaisa upang malutas
ang kanilang mga suliranin.
1. Paglaganap ng sakit sa dengue
a. Pagtuturo sa mga mamamayan tungkol sa
pangangalaga kalinisan ng kapaligiran
upang maiwasan ang paglaganap dengue.
b. Pagsasagawa ng fumigation apat na beses
sa isang taon.
2. Kakulangan sa suplay ng tubig
a. Pagtuturo sa mga mamamayanan sa
wastong paggamit at pagtitipid ng tubig.
b. Pagpapagawa ng posos para sa bawat purok
ng barangay
Maraming suliranin ang maaaring Makita sa
isang pamayanan, kompanya, o samahan. Sa
mga pamayanan ,ito ay maaaring kakulangan sa
maayos na mga ilaw sa kalsada, kawalan ng
basketball court para sa mga kabataan,
kakulanagan ngb mga health center sa mga
makabagong gamit at gamot, at iba pa.
Sa mga kompanya naman o sa mga institusyon,
Maaaring ang mga suliranin ay kakulangan sa
conference room, kakulangan sa maayos na
daloy ng komunikasyon sa bawat opisina,
kakulangan ng pondo para sa mga proyekto, at
iba pa.
Mula sa mga nakatalang halimbawa sa
nagdaang pahina, mapapansing maaaring
magkaroon ng maraming solusyon para sa isang
suliranin. Ngunit higit na makabubuti kung
magbigay-tuon lamang sa isang solusyon na sa
palagay mo ay higit na mahalagang bigyang-
pansin. Dito ngayon iikot ang iyong isusulat na
proyekto.
Mula rito ay maaari mo nang isulat ang
panimula ng panukalang proyekto kung saan ito
ay naglalaman ng suliraning nararanasan ng
pamayanan, kompanya, o organisasyong pag-
uukulan nito at kung paanong makatutulong sa
kanilang pangangailangan ang panukalang
proyektong iyong isasagawa. Tinatawag ang
bahaging ito ng sulatin na Pagpapahayag ng
Suliranin.
Tunghayan at suriin ang hal. Nakatala sa ibaba.
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na
umuunlad na barangay ng bayan ng General
Trias sa Cavite.
Ito ay nananatiling pamayanang agricultural
bagama` t unti- unti na ring nagsusulputan
ang mga pabrika sa lugar nito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay
Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking
pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay
nagdudulot ng malaking problema sa mga
mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang
mga bahay, kagamitan, at maging ng mga
pananm. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay
ang pag-apaw ng tubig sa ilang nanggagaling sa
bundok.
Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang
breakwater on pader na pipigil sa mabilis na pag –
apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay
maipapatayo, tiyak na di kakailanganin pang likas
ang mga mamamayanan sa ligtas na lugar. Higit sa
lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng
mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na
ang proyektong ito sa mdaling panahon para sa
kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.
Kapansin-pansin malinaw, maikli, at direkta o hindi
paligoy-ligoy ang pagkakalahad ng panimula.
Makikita rito ang maikling paglalarawan ng
pamayanan, ang suliraning nararanasan nito, at ang
pangangailangan nito upang masolusyunan ang
nabanggit na suliranin. Nakapaloob din ditto ang
mga benepisyo o mga kabutihang maaaring idulot
nito kung maisasaktuparan ang panukalang
proyekto.
B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang
Proyekto

Matapos na mailahad ang panimulang


naglalahad ng suliranin ng gagawing
panukalang proyekto ay isunod na gawin ang
pinakakatawan ng sulating nito.
Ito ay binubuo ng layuni, planong dapat gawin,
at badyet.
Layunin- sa bahaging layunin makikita ang mga
bagay na gusting makamit o ang pinaka-
adhikain ng panukala. Kailangang maging tiyak
ang layunin ng proyekto. Kailangan isulat ito
batay sa mga inaaasahang resulta ng
bpanukalang proyekto at hindi batay sa kung
paano makakamit ang mga resultang ito. Ayon
kina Jeremy Miner at Lynn Miner(2008), ang
layunin ay kailanagang maging SIMPLE.
Specific- nakasaad ang bagay na nais makamit o
mangyari sa panukalang proyekto
Immediate- nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian ito
matatapos
Measurable- may basehan o patunay na naisakatutuparan
ang nasabing proyekto
Practical- nagsasaad ng solusyon sa binanggit na
suliranin
Logical-nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang
proyekto
Evaluate- masusukat kung paano maktutulong ang
Balikan ang hal. nakasaad sa ginawang
paglalahad ng suliranin hinggil sa kalagayan ng
Barangay Bacao. Dito, malinaw nakasaad na
ang suliranin ng barangay ay ang pagbahang
nararanasan tuwing panahon ng tag-ulan.
Kailangan ng barangay ng breakwater o pader
na pipigil sa pang-apaw ng tubig sa ilog. Mula
rito ay maaaring makabuo ng layuning tulad
nito:
Layunin: Makapagpagawa ng breakwater o
pader na maktutulong upang mapigilan ang
pag-apaw ng tubig sa ilog upang matiyak angb
kaligtasan ng mga mamamayanan at maging
ang kanilang mga ari-arian at hanapbuhay tulad
nito:
Mula sa nakatalang layunin, makikitang
malinaw na naipahayag ang paraan kung paano
at kalian makakamit ang panukalang proyekto.
2. Plano ng dapat gawin- Mtapaos maitala ang mga
layunin ay maaari nang buoin ang talaan ng mga
gawain o plan of action na naglalaman ng mga
hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin.
Mahalagang maiplano ito Mabuti ayon sa
pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa nito kasama
ang mga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan
ng mgagawain.Ito rin ay dapat na maging
makatotohanan o realistic. Kailangang ikonsidera
rin ang badyet sa pagsasagawa nito.
2. Plano ng dapat gawin- Mtapaos maitala ang mga
layunin ay maaari nang buoin ang talaan ng mga
gawain o plan of action na naglalaman ng mga
hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin.
Mahalagang maiplano ito Mabuti ayon sa
pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa nito kasama
ang mga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan
ng mgagawain.Ito rin ay dapat na maging
makatotohanan o realistic. Kailangang ikonsidera
rin ang badyet sa pagsasagawa nito.
Mas makabubuti kung isasama sa talatakdaan ng
Gawain ang petsakung kalian matatapos ang bawat
bahagi ng plano at kung ilang araw ito gagawin.
Kung hindi tiyak ang mismong araw na maaaring
matapos ang mga ito ay maaarn ilagay na lamang
kahit ang lingo o buwan
Mas makabubuti kung isasama sa talatakdaan ng
Gawain ang petsakung kalian matatapos ang bawat
bahagi ng plano at kung ilang araw ito gagawin.
Kung hindi tiyak ang mismong araw na maaaring
matapos ang mga ito ay maaarn ilagay na lamang
kahit ang lingo o buwan
Makatutulong kung gagamit ng chart o kalendaryo
para sa markahan ang pagsasagawa ng bawat
gawain. Suriin ang plano ng mga Gawain sa
pagpapatayo ng breakwater o pader para sa
Barangay Bacao
Plano ng Paggwa ng Breakwater o Pader para sa Ilog ng Barangay Bacao
1. Pagpapasa, pag-aaproba , at paglalabas ng badyet( 7 araw)
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrta sa
pagpapagawa ng breakwater o pader(2 lingo)
• Ang mga contractor ay inaasahnag pagpapasa o magsusumite ng kanil-
kaniolang twad para sa pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamiting
plano para nito.
3. pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na
gagawa ng breakwater(1 araw)
• Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapapahayag ng napiling
contractor para sa kabatiran ng nakararami.
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng
Barangay Bacao(3 na buwan)
5.Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw).

You might also like