You are on page 1of 8

FILIPINO SA PILING LARANGAN

ARALIN 4: PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

-Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective, isang
samahang tumutulong sa mga non-governmental organization (NGO) sa paglikha ng
mga pag-aaral sa pangangalap ng pondo, ang panukala ay isang proposal na
naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan. Kaya
ang panukalang proyekto ay nangangahulugang isang kasulatan ng mungkahing
naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samhang pag-uukulan nito na
siyang tatanggap at magpapatibay nito.
-Ayon naman kay Besim Nebiu, may-akda ng Developing Skills of NGO Project
Proposal Writing, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga
inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.
-Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdedesisyon ng panukalang
proyekto. Kaya naman, masasabing ang paggawa nito ay nangangailangan ng
kaalaman, kasanayan, at maging sapat na pagsasanay. Ayon kay Bartle (2011),
kailangan nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon
mula sa pinag-uukulan nito. Walang lugar sa sulating ito ang pagsesermon,
pagyayabang, o panlilinlang, sa halip ito ay kailangang maging tapat at totoo sa layunin
nito.
Mga dapat gawin sa pagsulat ng panukalang proyekto
-Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008) sa kanilang aklat na A Guide to
Proposal Planning and Writing, sa pagsasagawa sa panukalang papel, ito ay kailangang
magtaglay ng tatlong mahahalagang bahagi at ito ay ang mga sumusunod:
A. Pagsulat ng panimula ng panukalang proyekto.
 Bago mo lubusang isulat ang panukalang proyekto, ang unang mahalagang
hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa pangangailangan ng
komunidad, samahan, o kompanyang pag-uukulan ng iyong project
proposal. Tandaan na ang pangunahing dahilan ng pagsulat ng panukalang
proyekto ay upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago. Higit
na magiging tiyak, napapanahon, at akma kung matutumbok mo ang tunay
na pangangailangan ng pag-uukulan nito. Sa madaling salita, ang
pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala.
 Maisasagawa ang unang bahaging ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa
pamayanan o kompanya. Maaaring magsimula sa pagsagot sa sumusunod na
mga tanong:
1. Ano-ano ang pangunahing suliraning dapat lapatan ng agarang
solusyon?
2. Ano-ano ang pangangailangan ng pamayanan o samahan na nais
mong gawan ng panukalang proyekto?
 Mula sa mga sagot na makukuha sa mga nakatalang tanong ay makakakalap
ka ng mga ideyang magagamit sa pag-uumpisa ng pagsulat ay panukalang
proyekto. Ilang halimbawa nito ay ang sumusunod:
Sa Brgy. Pinili, ang dalawang suliraning nararanasan ng mga mamamayan ay ang sumusunod:
1. Paglaganap ng sakit na dengue
2. Kakulangan sa suplay ng tubig
Mula sa mga nabanggit na suliranin ay itala ang mga kailangan ng Barangay Pinili upang malutas ang kanilang
suliranin.
1. Paglaganap ng sakit na dengue
 Pagtuturo sa mga mamamayan tungkol sa pangangalaga sa kalinisan ng kapaligiran upang
maiwasan ang paglaganap ng dengue.
 Pagsasagawa ng fumigation apat na beses sa isang taon.
2. Kakulangan sa suplay ng tubig
 Pagtuturo sa mga mamamayan sa wastong paggamit at pagtitipid ng tubig
 Pagpapagawa ng poso para sa bawat purok ng barangay

-Mula sa mga nakatalang halimbawa, mapapansing maaaring magkaroon ng maraming


solusyon para sa isang suliranin. Ngunit higit na makabubuti kung magbigay-tuon
lamang sa isang solusyon na sa palagay mo ay higit na mahalagang bigyang-pansin.
Dito nagyon iikot ang iyong isusulat na proyekto. Mula rito ay maaari mo nang isulat
ang panimula ng panukalang proyekto kung saan ito ay naglalaman ng suliraning
nararanasan ng pamayanan, kumpanya, paaralan, o organisasyong pag-uukulan nito at
kung paanong makatutulong sa kanilang pangangailangan ang panukalang proyektong
iyong isasagawa. Tinatawag ang bahaging ito ng sulatin na Pagpapahayag ng Suliranin.
Tunghayan at suriin ang halimbawang nakatala sa ibaba.
Isa ang Barangay Bacao s amabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng General Trias sa Cavite. Ito
ay nananatiling pamayanang agricultural bagama’t unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar
nito.

Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking pagbaha
tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira
ng kanilang mga bahay, kagamitan, at maging ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang
pag-apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok.

Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil s amabilis nap ag-
apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipatatayo, tiyak na di na kakailanganin pang ilikas ang mga
mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng
ilog. Kailangang maisagawa na ang proyekttong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng
mga mamamayan.

-Kapansin-pansing malinaw, maikli, at direkta o hindi paligoy-ligoy ang pagkakalahad


ng panimula. Makikita rito ang maikling paglalarawan ng pamayanan, ang suliraning
nararanasan nito, at ang pangangailangan nito upang masolusyunan ang nabanggit na
suliranin. Nakapaloob din dito ang mga benepisyo o mga kabutihang maaaring idulot
nito kung maisasakatuparan ang panukalang proyekto.
B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
 Matapos na mailahad ang panimulang naglalahad ng suliranin ng gagawing
panukalang proyekto ay isunod na gawin ang pinaka-katawan ng sulating ito
na binubuo ng layunin, planong dapat gawin, at badyet.
1. Layunin. Sa bahaging layunin makikita ang mga bagay na gusting makamit o ang
pinaka-adhikain ng panukala. Kailangang maging tiyak ang layunin ng proyekto.
Kailangang isulat ito batay sa mga inaasahang resulta ng panukalang proyekto at
hindi batay sa kung paano makakamit ang mga resultang ito. Ayon kina Jeremy
Miner at Lynn Miner (2008), ang layunin ay kailangang maging SIMPLE.
Specific – nakasaad ang bagay nan ais makamit o mangyari sa panukalang
proyekto.
Immediate – nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito matatapos.
Measurable – may basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing proyekto.
Practical – nagsasaad ng solusyon sa binanggit an suliranin.
Logical – nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto.
Evaluate – masusukat kung paano makatutulong ang proyekto.
-Balikan ang halimbawang nakasaad sa ginawang paglalahad ng suliranin
hinggil sa kalagayan ng Barangay Bacao. Dito, malinaw na nakasaad na ang suliranin
ng barangay ay ang pagbahang nararanasan tuwing panahon ng tag-ulan. Kailangan ng
barangay ng breakwater o pader na pipigil sa pag-apaw ng tubig sa ilog. Mula rito ay
maaaring makabuo ng layuning tulad nito.

LAYUNIN: Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-


apaw ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at maging ang kanilang mga ari-
arian at hanapbuhay sa susunod na mga buwan.

-Mula sa nakatalang layunin, makikitang malinaw na naipahayag ang paraan kung


paano at kailan makakamit ang panukalang proyekto. Ito rin ay nagbibigay ng dahilan
kung bakit mahalagang maisakatuparan ito.
2. Plano ng Dapat Gawin. Matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang buoin
ang talaan ng mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang na
isasagawa upang malutas ang suliranin. Mahalagang maiplano itong Mabuti ayon
sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa nito kasama ang mga taong
kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga gawain. Ito rin ay dapat na maging
makatotohanan o realistic. Kailangang ikonsidera rin ang badyet sa pagsasagawa
nito.

-Mas makabubuti kung isasama sa talakdaan ng gawain ang petsa kung kailan
matatapos ang bawat bahagi ng plano at kung ilang araw ito gagawin. Kung hindi tiyak
ang mismong araw na maaaring matapos ang mga ito ay maaaring ilagay na lamang
kahit ang linggo o buwan.
-Makatutulong kung gagamit ng chart o kalendaryo para markahan ang pagsasagawa ng
bawat gawain. Suriin ang plnao ng mga gawain sa pagpapatayo ng breakwater o pader
para sa Barangay Bacao.

Plano ng Paggawa ng Breakwater o Pader para sa Ilog ng Barangay Bacao

1. Pagpapasa, pag-aabroba, at paglalabas ng badyet (7 araw)


2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa pagpapagawa ng breakwater
o pader (2 linggo)
 Ang mga contractor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani-kanilang tawad para
sa pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamiting plano para rito.
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng breakwater (1
araw)
 Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling contractor para sa
kabatiran ng nakararami.
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Bacao (3 buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw)

3. Badyet. Isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay


ang wasto at tapat na paglalatag ng kakailanganing badyet para dito. Ang badyet
ay ang talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.
Mahalagang ito ay mapag-aralang Mabuti upang makatipid sa mga gugugulin.

-Maaaring magsagawa ng bidding sa mga contractor na kadalasan ay may mga


panukalang badyet na para sa gagawing proyekto. Maaaring magkaroon ng tatlo o higit
pang bidders na pagpipilian. Ibigay o ipagkatiwala ang proyekto sa contractor na
magbibigay ng pinakamababang halaga ng badyet. Sa mga karagdagang kagamitan o
materyales, mas makabubuti kung maghahanap muna ng murang bilihin para makatipid
din sa mga gastusin.

-Huwag ding kaligtaang isama sa talaan ng badyet ang iba pang mga gastusin tulad ng
suweldo ng mga manggagawa, allowamce para sa mga magbabantay sa pagsasagwa
nito, at iba pa.

Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng badyet para sa
panukalang proyekto:
a. Gawing simple at malinaw ang badyet upang Madali itong maunawaan ng
ahensiya o sangay ng pamahalaan o institusyon na mag-aaproba at
magsasagawa nito.
b. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito upang madaling
sumahin ang mga ito.
c. Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo. Ang mga ahensiya,
sangay ng pamahalaan, o maaaring kompanya na magtataguyod ng
nasabing proyekto ay kadalasang nagsasagawa rin ng pag-aaral para sa
itataguyod nilang proposal.
d. Siguraduhing wasto o tama ang ginawang pagkukuwenta ng mga gastusin.
Iwasan ang mg abura o erasure sapagkat ito ay nangangahulugan ng
integridad at karapat-dapat na pagtitiwala para s aiyo.

Narito ang halimbawa ng badyet na maaaring gamitin sa pagpapagawa ng breakwater


ng Barangay Bacao.
Mga Gastusin Halaga
I. Halaga ng pagpapagawa ng breakwater batay sa
isinumite ng napiling contractor (kasama na rito
ang lahat ng materyales at suweldo ng mga Php 3, 200, 000. 00
trabahador)
II. Gastusin para sa pagpapasinaya at pagbabasbas
Php 20, 000. 00
nito.
Kabuoang Halaga Php 3, 220, 000. 00

C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito


 Kadalasan ang panukalang proyekto ay naaaprubahan kung malinaw na
nakasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito
makatutulong sa kanila. Maaaring ang makinabang nito ay mismong lahat
ng mamamayan ng isang pamayanan, ang mga empleyado ng isang
kompanya, o kaya naman ay miyembro ng isang samahan. Mahalagang
maging espisipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa
pagsasakatuparan ng layunin. Halimbawa ng mga makikinabang ay ang mga
bata, kababaihan, mga magsasaka, mahihirap na pamilya, mga negosyante,
at iba pa.
 Maaari na ring isama sa bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ng iyong
panukala. Sa bahaging ito ay maaaring ilahad ang mga dahilan kung bakit
dapat aprobahan ang ipinasang panukalang proyekto. Tunghayan ang
halimbawang nakasulat.

Paano Mapakikinabangan ng Barangay Bacao ang Panukalang ito?

Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng mamamayan


ng Barangay Bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay
masosolusyunan. Di na makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga kagamitan
na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroon na ng
kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw ang tubig sa
ilog sa tulong ng mga ipapatayong mga pader.
BALANGKAS NG PANUKALANG PROYEKTO
-Maraming balangkas ng pagsulat ng panukalang proyekto ang maaaring
gamitin depende sa may-akda na naghahain nito. Sa ibang sanggunian, tulad halimbawa
ng isinulat ni Besim Nebiu sa kanyang akdang Developing Skills & NGO’s Project
Proposal Writing (2002), bahagi ng panukalang proyekto ang Abstrak o executive
summary ng panukala lalo na kung medyo may kahabaan ang isinulat na papel.
-Sa ibang pormat naman ay naglalagay rin ng mga kalakip o appendices. Ang
mahahalagang sipi ng datos o dokumento na kailangan sa panukala ay inilalagay na
lamang sa mga kalakip sad ulo ng panukala upang higit na maging sistematiko at
organisado ang presentasyon ng panukala. Kadalasang isinasama sa kalakip (appendix)
ang mga liham na ginamit para sa pagpapahintulot o pagpapatibay ng panukala, ang
detalye ng badyet tulad ng pinanggalingan ng pondo o donor, at iba pa.
-Maaari mong idagdag ang mga bahaging ito kung sa tingin mo ay
kinakailangan itong gamitin. Ngunit para sa higit na payak na balangkas para sa
pagsulat ng panukalang proyekto ay maaaring gamitin ang sumusunod:
1. Pamagat ng Panukalang Proyekto – kadalasan, ito ay hinango mismo sa
inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin.
2. Nagpadala – naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
3. Petsa – o araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin sa
bahaging ito ang tinatayang panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto.
4. Pagpapahayag ng Suliranin – dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat
maisagawa o maibigay ang pangangailangan.
5. Layunin – naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat
isagawa ang panukala.
6. Plano ng Dapat Gawin – dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng
mga gawaing isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang
petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.
7. Badyet – ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagpapagawa ng
proyekto.
8. Paano Mapakikinabangan ng Pamayanan/Samahan ang Panukalang
Proyekto – kadalasan, ito rin ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung
saan nakasaad dito ang mga taong makikinabang ng proyekto at benepisyong
makukuha nil amula rito.

HALIMBAWA

PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG BREAKWATER PARA SA BARANGAY BACAO

Mula kay Leah Grace L. Delgado

324 Purok 10, Tiburcio Luna Avenue

Barangay Bacao

General Trias, Cavite

Ika-11 ng Disyembre, 2015

Haba ng Panahong Gugugulin: 3 buwan at kalahati

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Isa ang Barangay Bacao s amabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng General Trias sa Cavite. Ito ay
nanatiling pamayanang agrikultural bagama’t unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar nito.

Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking pagbaha tuwing
panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang
mga bahay, kagamitan, at maging ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa
ilog na nanggagaling sa bundok.

Dahil dito nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil s amabilis na pag-apaw ng
tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipapatayo tiyak na di na kailangan pang ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na
lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na
ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.

II. Layunin

Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-apaw ng tubig sa ilog
upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at maging ang kanilang mga ari-arian at hanapbuhay sa susunod
na mga buwan.

III. Plano ng Dapat Gawin

1. Pagpapasa, pag-aabroba, at paglalabas ng badyet (7 araw)


2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa pagpapagawa ng breakwater o pader
(2 linggo)
 Ang mga contractor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani-kanilang tawad para sa
pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamiting plano para rito.
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng breakwater (1 araw)
 Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling contractor para sa kabatiran
ng nakararami.
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Bacao (3 buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


I. Halaga ng pagpapagawa ng breakwater
batay sa isinumite ng napiling contractor
Php 3, 200, 000. 00
(kasama na rito ang lahat ng materyales
at suweldo ng mga trabahador)
II. Gastusin para sa pagpapasinaya at
Php 20, 000. 00
pagbabasbas nito.
Kabuoang Halaga Php 3, 220, 000. 00

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito

Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng mamamayan ng


Barangay Bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay masosolusyunan. Di na
makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng
malaking epekto sa kanilang pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroon na ng kapanatagan ang puso ng bawat isa
tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw ang tubig sa ilog sa tulong ng mga ipapatayong mga
pader.

Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga oipsyales ng barangay sa paglilikas ng mga pamilyang
higit na apektado ng pagbaha sa tuwing lumalaki ang tubig sa ilog. Gayundin, maiiwasan din ang pagkasira ng
pananim ng mga magsasakang karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mamamayan nito.

Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng Barangay Bacao. Ipagawa ang breakwater o pader na
kanilang magsisilbing proteksiyon sa panahon ng tag-ulan.

You might also like