You are on page 1of 3

Stefhanie Jhoyce G.

Mora
STEM 12-B St. John Mary Vianney

Lazaro Francisco

Eulogio Francisco and Clara Angeles gave birth to Lazaro Francisco on February 22, 1898 in
Orani, Bataan. He spent his childhood in Cabanatuan, Nueva Ecija. He attended Central Luzon
Agricultural College (now Central Luzon State University), but was unable to complete his
studies due to financial constraints. Lázaro Francisco y Angeles, also known as Lazaro A.
Francisco, died on June 17, 1980. He was a Filipino novelist, essayist, and playwright. Francisco
was posthumously honored as a National Artist of the Philippines for Literature in 2009. His
masterpiece novels—Ama, Ilaw sa Hilaga, Bayang Nagpatiwakal, Maganda Pa Ang Daigdig,
and Daluyong—confirm his legacy. prominent place in Philippine literature. Francisco
established the social realist tradition in Philippine fiction. His eleven novels, which are now
considered classics of Philippine literature, exemplify the author's commitment to nationalism.
Amadis Ma. Guerrero wrote, "Francisco championed the cause of the common man, particularly
the oppressed peasants. During his lifetime, he received several prestigious literary awards and
accolades, including the Balagtas Award (1969), the Republic Cultural Heritage Award (1970),
and the Patnubay ng Sining at Kalinangan Award from the Manila government.
ILAW SA HILAGA

Ang nobelang Ilaw sa Hilaga ay sinulat noong 1930s ngunit ang kapanahunan inilalarawan ay 1920s. Ito
ang panahong nauso ang negosyong transportasyon (bus) na hinawakan at pinamumuhunan halos ng mga
Amerikano. Ito ang panahon na minimal na lang ang mga labanan sa pagitan ng rebolusyonaryong
Pilipino at hukbong Amerikano. Panahon ng ‘Peace Time.’ Sa katunayan, hindi na nababanggit sa nobela
ang mga labanan pang nangyayari maliban sa trace nito sa isang tauhan na siyang amain ng pangunahing
tauhan na kinilala sa tawag na ‘Si Heneral’ dahil nakapaglingkod sa dalawang rebolusyon, ang laban sa
Kastila at sa Amerikano. Ito rin ang panahon na inilagak ang batas Tydings-McDuffie na nagbibigay sa
mga Amerikano ng karapatang mamuhunan at magnegosyo sa bansa.

Sa nobela, ang pangunahing karakter na si Javier Santos/Rei Vajt Ossan ay kinalaban ang namumuhunang
Amerikanong si Hansen sa kanilang bayan ng San Carlos. Ang Amerikano ay suportado ng lokal na
aristokrasiya. Ang pakikipagsabayan niya sa negosyo ay nauwi sa kalugian. Sinunog niya ang ari-arian at
naglaho sa bayan para lamang bumalik sa isang bagong katauhan ala Simoun sa El Fili ni Jose Rizal.
Tinumba niya ang lahat ng negosyong dayuhan, kasama na ang mga bodegerong Intsik, at sinimulan ang
planong panggigipit sa mga kababayan hanggang sa mga ito ay magising at matutong magkaisa para
labanan ang puhunang dayuhan. Nagtagumpay si Javier sa kanyang hangad na pag-ibayuhin ang kaisipan
at damdaming makabayan ng mga taga-San Carlos.

Ang San Carlos bilang Pook

Ang San Carlos ay isang fiksyonal na bayan na sinasabing malapit lamang sa Maynila (magagawang
lakbayin papunta-pabalik sa loob ng isang araw). Ito ay may malapit na pisikal, ekonomikal at ideolohikal
na relasyon sa Maynila---ang Sentro. Nasa Maynila ang bangko at ang pamunuang pang-gobyerno. Ang
tagasagisag na ‘bus’ ang araw-araw na nakakapaglikha ng kahulugang ito.

Bilang pook na hiwalay (kahit hindi din) sa Maynila, ang San Carlos ay tagatanggap at tagasunod sa mga
ekonomiko at politikal na praktis mula sa Sentro. Ang pagpasok ng puhunang Amerikano sa San Carlos
ay resulta at aktwasyon ng batas Tydings-McDuffie na konektado rin sa ‘benevolent assimilation’ at
‘white mens’ burden’ na prinsipyo ng bagong kolonisador na Amerikano. Ang presensya ng anak at
tagapagmana ng matandang Hansen sa bahay ng pinakamayamang aristokrat sa bayan ay taga-akda ng
bagong hirarkiya: ang Amerikano ang sa pinakamataas, sunod ang aristokrato at ang sa pinakaibaba ay
ang mga manggagawa at magsasaka.

Bilang pook, at dahil na rin sa pagpasok ng impluwensyang Amerikano, ang kultural na arketipo ng San
Carlos ay nagbago. Ang San Carlos ay naging lunan ng pakikipagnegosasyon sa parehong wika at kultura
ng mga katutubong Pilipino. Ayon nga kay Javier, sa kaniyang pakikipag-usap sa batang Hansen:

Nagkaroon kami, Ginoong Hanzen, ng dalawang uri ng kabihasnan: ang kabihasnang pamana ng aming
ninuno, at ang kabihasnang inihatid dito ng mga dayuhan! Salit na ginagamit namin ang bihisang sarili at
ang bihisang dayuhan upang ipakilala lamang na natuto kaming mabuhay sa dalawang uri ng
kabaihasnang iyan.

Kahit na sa paggamit ng wika (ang wika Ingles ang naging wika ni Javier sa pakikipagtalastasan kay
Hanzen) ang katutubo ay kailangang mag-aral at matuto ng wikang dayuhan para hindi lang maintindihan
ang kausap ngunit pati na ang kakausaping nakararami na inaasahan g makakaintindi rin ng wikang
banyaga.

dito’y kailangang manghiram ng wikang dayuhan upang magkasundo ang lahat sa isang wikang
pambansa at pampamahalaan! Makalilibong masarap sa amin ang mapailalim kaming lahat sa wikang
banyaga kaysa masabing sinahis ng Tagalog ang Ilokano, ang Bisaya, ang Bikol, ang Kapampangan, at
iba pa, o iyon kaya ng alin man sa mga ito!

Ang San Carlos bilang pook ay naging paitlogan (hatchery) ng kultural na paghalo-halo, ng panggagaya
at ng pangongopya. Nariyang kopyahin ni Javier ang Simoun ni Rizal sa El Fili, o ang pagkadayuhan
mismo sa pangalang Ossan; ng matandang tagapayo ng heneral si Pilosopo Tasyo, ng mga lokal na
aristokrato ang pananamit at gawi ng mga Amerikano. Subalit ang panggagaya at pangongopya ay
nagiging sobra o kulang din---at dito naimamarka ang isa nang bagong katauhang Pilipino.
Katauhang Pilipino sa Panahong Amerikano

Ang bagong katauhang Pilipino na diktado ng pook at kapanahunang Amerikano ay inilalarawan ni Javier
Santos/ Rei Vajt Ossan. Ang katauhang Javier Santos ay luma at mula sa tradisyong katutubo at Kastila.
Ang katauhang ‘katutubo’ sa pagnanais na maibalik ang kaginhawahan noong panahon bago dumating
ang Kastila ay nakipaglaban sa mga Kastila at nang malapit na itong makamit ay dumating naman ang
bagong kolonisador na Amerikano. Ang ‘katutubo’ ay muling nakitagpo sa katauhang ‘Kastila’ (gamit
ang moral at etiko ng Kastila) para palakasin ang sarili para labanan ang Amerikano. Magkagayunpaman,
ang tradisyunalismo ni Javier Santos ay hindi nagtagumpay. Kailangan niyang ireimbento ang kanyang
sarili sa isang di pa naaakdang katauhan, isang pangalan na nalikha bilang puzzle ng kanyang
pangalan---ang pagbaliktad ng ‘Javier’ sa ‘Rei Vaj’ at ‘Santos’ sa ‘t Ossan.’ Enigmatiko at mapanlinlang
na katauhan ang inangkin ng katutubong Pilipino para ipantapan sa dayuhang Hanzen.
Magkagayunpaman, ang pangalang imbento ay markado ng pagiging dayuhan pa rin. Sa katunayan ang
‘Ossan’ ay salitang Hapon na ang ibig sabihin ay ‘matanda.’

May pagbulwak at pag-alpas ang akto ng pangongopya ng Pilipino sa dayuhan para tumbahin ang
dayuhan. Kahit na naging patas sa larang ng paggamit ng parehong ‘dayuhang’ puhunan (sa pananaw ng
mga tao) ang ginawa ni Javier ay isa pa ring paraan para malikha ang ‘iba’ niya na walang iba kundi ang
kanyang pagkadayuhan. Nalebel lamang ito nang sa bandang katapusan ng kuwento ay magtagumpay si
Javier/Ossan na pagbuklurin ang kapital ng mahirap at mayaman at pag-isahin sila sa adhikaing maitumba
ang ekonomikong interes ng mga dayuhan.

You might also like