You are on page 1of 3

I.

Tungkol sa May-Akda

Si Lazaro Francisco (Pebrero 22, 1898 - Hunyo 17, 1980) ay


pang-apat na anak ni Eulogio Francisco at Clara Angeles.
Siya ay isinilang sa Orani, Bataan ngunit pumunta at
tuluyang namalagi sa Nueva Ecija.

Siya ay itinuturing na isa sa matibay na haligi ng panitikang


Filipino. Ilan sa mga isinulat niyang mga nobelang ay ang
Singsing na Pangkasal, Bayang Nagpatiwakal, Sa Paanan ng
Krus, Ilaw sa Hilaga, Binhi at Bunga, Cesar, Sugat ng Alaala,
Ama, Maganda Pa Ang Daigdig, at ang pinakahuli niyang
nobela, ang Daluyong. Maliban sa Bayang Nagpatiwakal,
lahat ng kanyang nobela ay nalathala sa Liwayway.

Makikita sa kanyang mga nobela na pinayaman niya ang


panitikan ng bansa at sinubukan niyang pagandahin ang
Pilipinong daigidig sa pamamagitan ng kanyang pambihirang
kakayahan sa wika at pakikisangkot sa kapakanan at mithiin
ng mga Pilipino.

Si Lazaro Francisco o "Saro" ay isa sa apat na napiling


parangalan ng 2009 Gawad Pambansang Alagad ng Sining .
Kinikilala rin siya na ama ng Kapatiran ng mga Alagad ng
Wikang Pilipino . Iginawad sa kanya ang mga karangalang
”Patnubay ng Lahi” ng Maynila. ”Dangal ng Lahi” ng
Lungsod ng Quezon, at noong 1970 ay ipinagkaloob sa
kanya ang ”Republic Cultural Heritage Award” sa Panitikan.
II. Tungkol sa Akda

Ang Maganda Pa Ang Daigdig ay sinulat ni Lazaro Francisco


noong 1955 at lumabas ito sa Liwayway Magazine bilang
isang serye. Ito ay napublish bilang libro noong 1982. Usapin
sa repormang agraryo at panunulisan ang nobelang ito, at
tumatanaw sa pag-asa sa kabila ng kabulukan at karimlan ng
paligid. Tungkol ito sa problema at mga isyung mula sa
agrikultura sa ating bansa at epekto sa buhay ng isang tao
na si Lino Rivera.
IV. Buod

Nagsimula ang storya sa Kiyapo kung saan nahablot ang bag


ni Bb. Sanchez. Nabawi naman agad ang bag ng isang taong
di kilala. Binugbog pa niya ang mga magnanakaw. Nahuli ang
mga suspek at nalaman ni Bb. Sanchez na ang pangalan ng
tumulong sa kanya ay Lino.

You might also like