You are on page 1of 1

Lazaro Francisco

Si Lazaro Francisco (22 Pebrero 1898 – 17 Hunyo 1980) ay pang-apat na anak ni Eulogio


Francisco at Clara Angeles. Siya ay isinilang sa Orani, Bataan ngunit pumunta at tuluyang namalagi
sa Nueva Ecija.

Siya ay itinuturing na isa sa matibay na haligi ng panitikang Filipino. Ilan sa mga isinulat niyang mga
nobelang ay ang Singsing na Pangkasal, Bayang Nagpatiwakal, Sa Paanan ng Krus, Ilaw sa Hilaga,
Binhi at Bunga, Cesar, Sugat ng Alaala, Ama, Maganda Pa Ang Daigdig, at ang pinakahuli niyang
nobela, ang Daluyong. Maliban sa Bayang Nagpatiwakal, lahat ng kanyang nobela ay nalathala sa
Liwayway.

Makikita sa kanyang mga nobela na pinayaman niya ang panitikan ng bansa at sinubukan niyang
pagandahin ang Pilipinong daigidig sa pamamagitan ng kanyang pambihirang kakayahan sa wika at
pakikisangkot sa kapakanan at mithiin ng mga Pilipino.

Si Lazaro Francisco o "Saro" ay isa sa apat na napiling parangalan ng 2009 Gawad Pambansang
Alagad ng Sining (Panitikan). Kinikilala rin siya na ama ng Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang
Pilipino (KAWIKA). Iginawad sa kanya ang mga karangalang ”Patnubay ng Lahi” ng Maynila.
”Dangal ng Lahi” ng Lungsod ng Quezon, at noong 1970 ay ipinagkaloob sa kanya ang ”Republic
Cultural Heritage Award” sa Panitikan. Ang nobelang _Ama_ ay isinalin sa wikang Pranses ni Jean-
Paul G. Potet sa ilalim ng pamagat na _Maître Tace_.

You might also like