You are on page 1of 6

Si 

Genoveva Edroza-Matute (He·no·bé·ba Ed·ró·za Ma·tú·te) ay isang kilaláng kuwentista, mananaysay, at guro sa Filipino.
Isinilang siya sa Maynila noong 3 Enero 1915 kina Anastacio Edroza at Maria Magdalena Dizon. Naging asa- wa si Epifanio Gar. Matute, ang lumikha ng
sikat na programa sa radyo at serye sa telebisyon na Kuwentong Kutsero noong dekada 50. Nag-aral siyá sa Manila North High School (ngayon ay
Arellano High School), Philippine Normal School (PNS), Philippine Normal College (PNC na Philippine Normal University ngayon), at University of Santo
Tomas. Nagturo siyá nang 46 taon sa mga eskuwelahang Cecilio Apostol Elementary School at Arellano High School, at naging tagapangulo ng
Kagawaran ng Filipino sa PNC.
Ang ilan sa mga kinatha niyang maikling kuwento ay “Leave-taking” at “Land of the Bitter” na nailathala sa Manila Post Sunday Magazine at sa Manila
Post Monthly. Ngunit higit siyáng kinagiliwan sa kaniyang mga kuwen- tong nagsusuri sa sikolohiya ng batà at hinggil sa karanasan ng guro, gaya ng
“Walong Taong Gulang,” “Noche Buena,” “Kuwento ni Mabuti,” at “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata.” Nailathala ang kaniyang antolohiya ng maiikling
kuwento at sanaysay sa Ako’y Isang Tinig noong 1952; ang ilan pang sumunod na koleksiyon ay nasa Piling Mga Maiikling Kuwento 1939–1992, Sa
Anino ng EDSA at Iba Pang Mga Kuwento, at Tinig ng Damdamin. Nakapaglathala din siyá kasama ng kaniyang asawa sa Mga Pagpapahalagang
Pilipino sa Mga Akda: Mga Kuwento, Mga Sanaysay, Mga Dula noong 1992.
Kinilala ang husay ng kaniyang pagsusulat at dedikasyon sa pagtuturo ng mga timpalak ng Don Carlos Palanca Memorial Awards 1950s–1960s;
Outstanding PNS-PNC Alumna Award noong 1966; Patnubay ng Sining at Kalinangan Award ng Maynila noong 1967; Gawad Pambansang Alagad ni
Balagtas ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas noong 1988; at Gawad CCP Para sa Sining noong 1992.
Namatay siyá sa edad na 94 noong 21 Marso 2009 habang natutulog. Inilibing siyá sa Manila North Cemetery. (KLL)

Fanny Garcia- Ang Awtor


Fanny A. Garcia ay ipinanganak noong Pebrero 26, 1949 sa Malabon, Rizal na sa kasalukuyan ay Malabon City na. Isa siyang guro, manunulat,
mananaliksik, editor, at tagapag- salin. Nagtapos ng Bachelor of Science sa edukasyon sa Unibersidad ng Pilipinas. Nakamit din niya ang kanyang
Master of Arts at Ph.D.sa Filipino sa Malikhaing Pagsulat sa nasabing pamantasan.

MGA GAWAD PARANGAL NA NATANGGAP


Siya rin ang kauna-unahang nagtapos sa programang Malikhaing Pagsulat sa antas masterado at doktorado sa Unibersidad ng
Pilipinas-Diliman. Scriptwriter ng pelikulang ”Saan Darating Ang Umaga?” (Viva Films, Inc., 1983) na nominado sa kategoryang Best
Story at Best Screenplay. Nalathala ang dulang pampelikula nito sa "Apat na Screenplay" na kaniyang inedit kasama si Armando Lao,
kapwa premyadong mandudula sa pinilakang tabing. Premyadong manunulat din siya sa Carlos Memorial Palanca Awards para sa
mga kategoryang maikling kuwento, sanaysay, iskrip, at kuwentong pambata. Nakapaglathala na siya ng anim na libro: Sandaang
Damit at Iba Pang Maikling Kuwento (1994); Apartment 3-A Mariposa St. (1994); Pitong Teleplay (1995), co-editor; Apat na
Screenplay (1997), co-editor; Erik Slumbook Paglalakbay Kasama Ang Anak Kong Austistic (2004), Family Album (2005). Kasama rin
siya sa mga manunulat na nasa CCP Encyclopedia of Philippine Art, VolumeIX, Literature at kasalukuyang nagtuturo sa Pamantasang
De La Salle. Naglilingkod din siya bilang Tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa nasabing unibersidad. Tang ina wala yung
kwentong Ang Huling Regalo ni Nanay kaya hirap na hirap ang mga studyante! Pinakatagumpay niya sa pagsusulat ang magwagi ng
National Book Award para sa Autobiography ng Manila Crtics' Circle para sa librong "Erick Slumbook".
“Oo, ako ay magiging isang manunulat at bubuhayin ko kayo ulit sa aking mga salita.” – Carlos Bulosan, America is in the Heart: A Personal
History

Si Carlos Bulosan ay ipinanganak sa isang bukid malapit sa bayan ng Binalonan sa probinsya ng Pangasinan sa isla ng Luzon. Siya ay anak ng
magsasaka at lumaki sa bukid kasama ang kanyang pamilya. Katulad ng maraming pamilya sa Pilipinas, ang pamilya ni Carlos ay nagsumikap sa
mga panahon ng paghihirap ng ekonomiya. Maraming pamilya ang nahirapan at mas marami ang nagdusa dahil sa kundisyon ng Pilipinas gawa
ng pagsakop ng Amerika. Ang mga pamilya sa probinsya, tulad ng pamilya ni Carlos, ay dumanas ng matinding hirap dulot ng hindi
pagkakapareho ng ekonomiya. Sa panahong ito, lumalaki na ang kayamanan at kapangyarihan sa kamay ng mga pang-ekonomiya at
pampulitikang piling tao. Determinadong matulungan ang kanyang pamilya at ipagpatuloy ang kanyang edukasyon, napag-isipan ni Carlos na
pumunta sa Amerika sa pangarap matupad ang kanyang mga layunin.

Sa pamamagitan ng barko, nakarating si Carlos sa Seattle noong ika-22 ng Hulyo, 1930 sa edad ng 17. Sa tatlong taon lamang na pag-aaral sa
Pilipinas, si Carlos ay nahirapan makipag-usap sa Ingles at kaunting pera nalang ang natira sa kanya. Disididong mabuhay, nag-umpisa siyang
magtrabaho ng mga manwal na trabaho, tulad ng serbisyo sa mga hotel, pag-aani sa mga taniman, at paglalata sa Alaska. Sa loob ng
kanyang mga paghihirap sa paghahanap ng trabaho, naranasan ni Carlos ang buhay na hirap sa pera at puno ng kalupitan sa mga pangkat na
panlahi na nagsira sa kanyang kalusugan at nagbago sa kanyang pag-unawa sa Amerika.

Mula sa ilang taon ng mga rasistang pag-aatake, pagkakagutom, at pagkakasakit, si Carlos ay kinailangang ma-operahan para sa tuberculosis sa
Los Angeles. Kinailangan niya ng tatlong operasyon habang sya ay may tuberculosis, kung saan halos nawala ang kanang bahagi ng kanyang
buto-buto at andar ng isang baga. Ngunit gumaling din si Carlos at siyang nanirahan sa ospital sa loob ng tatlong taon, kung saan inubos nya ang
kanyang oras sa pagbabasa at pagsusulat.

Ang diskriminasyon at epekto ng hindi kaaya-ayang kondisyon habang nagtatrabaho na naranasan ni Carlos ay naghikayat sa kanyang makisali sa
pag-ayos ng unyon kasama ang mga ibang Pilipino at iba’t ibang mga manggagawa. Si Carlos ay naging isang kilalang manunulat kahit na
tinuruan niya lang ang sarili niya. Naging determinado siyang bigyan ng boses ang paghihirap na kanyang pinagdaanan bilang isang Pilipino na
pumunta sa Amerika at ang pakikibakang kanyang nakita sa mga ibang tao. Katulad ng maraming Pilipino sa kanyang panahon, si Carlos ay
hindi nabigyan ng pagkakataong umuwi sa Pilipinas. Pagkatapos ng ilang taon ng paghirap and paglaban, pumanaw si Carlos sa Seattle sa dusa
ng masulong na yugto ng bronchopneumonia. Siya ngayon ay nakaburol sa Queen Anne Hill sa Seattle.
What is the meaning of America is in the heart?
In America is in the Heart, America symbolizes hope and the promise of advancement out of the dire circumstance into which Carlos Bulosan, the
author and protagonist, is born. ... Even when Carlos immigrates to America and experiences brutal racism and economic exploitation, he does not
lose hope in American ideals.
What is the theme of the novel America is in the Heart Written Carlos bulosan?
Carlos Bulosan's book is about pursuing a better life, first in the Philippines and then in America. He finds that education is the key to escaping the
deprivations of want and ignorance
Who is the main character in America is in the heart?
The main characters are Allos (the narrator), his father, and his four brothers. The book's opening scene describes the return of Allos's brother
Leon from fighting in World War I. Allos's father is in disbelief when they both see Leon walking slowly toward them, as he had believed his son
may have been killed.

Panitikan Hingging sa Diaspora/ Migrasyon Ang palihan hinggil sa aming seminar-worksyap patungkol sa Diaspora at Migrasyon ay nagsimula
sa pagtalakay ng tagapagsalita hinggil sa paksang “Pamilya, Migrasyon at Disintegrasyon” ni Fanny Garcia. Ipinakilala si Fanny bilang
may-akda na kauna-unahang nakapagtapos sa programang Malikhaing Pagsulat sa antas masterado at doktorado sa Unibersidad ng
Pilipinas-Diliman. Siya ay nagtuturo at namamahalang tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa Pamantasan ng De La Salle. Siya ay
nakasulat ng anim na aklat. Ang aklar na ito ay patungkol kay o para kay Genoveva Matute o Aling Bebang. Ito ayon sa palihan na ginawa ay
isang personal na regalo ni Fanny para kay Bebang. Isang proyektong makakasama ng iba pang proyektong nagbibigay-pugay at halaga sa
manunulat at gurong tulad niya. Natalakay sa palihan ang ilan sa mga pagbabagong naganap sa pananaliksik bago ito nailathala.
Nagkaroon ng pag-apdeyt ng ibang istatistiks (ang Philippine Overseas Employment Administration ay naglabas ng bagong datos. Ang aklat na ito
ay may kalakasan ayon sa tagapagsalita. Ang librong ito ay kombinasyon ng dalawang larangan o anyo: malikhaing pagsulat at teknikal at
iskolarling pagsulat. Dramatikong nabigyan ng buhay ang disintegrasyon ng pamilyang Pilipino nang dahil sa kawalan ng magandang oportunidad
sa loob ng Pilipinas. Isang matagal ng problema ng bansa na hindi malutas-lutas. Ipinakita rito ang isang pamilya. Ipaliwanag din sa palihan ang
mga dahilan ng migrasyon gaya ng dahil nais lamang nilang makapagpatayo ng sarili at maayos na tirahan, mapagtapos ng pag-aaral ang
anak. Mabayaran ang lupang kinatitirikan ng bahay. Ang disintegrasyon naman ay may mga epekto rin gaya ng pagkakawatak-watak ng pamilya,
napapariwara ang mga anak. Sa palihan na naganap napag-usapan din ang pagtalakay sa Isang Kasaysayan ng Buhay Nasa Puso ang Amerika
ni Carlos Bulosan. Kilala siya bilang si “Allos” Labing siyam na taong gulang siya ng umalis ng Pilipinas. Mula sa pamilyang magsasaka, maagang
napasabak si Bulusan sa mga gawaingb bukid kasama ang kanyang Tatay. Produkto si Bulusan ng kolonyal na edukasyon ng Amerika. Ito ang
unang dominanteng larawan na sinagap ng kamalayan ni Bulosan at ng kanyang mga kahenerasyon tungkol sa Amerika. Sa palihang ito
ipinakita ang katangian ni at mga impormasyon hinggil kay Genoveva Matute. Ipinakita rin dito ang mga katangian ng kuwento ni
Matute. Ilan sa mga nabanggit ay ito raw ay may guni-guni, may maayos na pamamaraan, damdamin at iba pa. Ang kuwento ay
kapana-panabik sa mga mambabasa. Mala detective ang istorya sa naglalahad ng karanasan. Ipinakita rin ng tagapagsalita ang mga
layunin, uri ng maikling kuwento. Nabanggit din dito ang Kuwento ni Mabuti ang buod ng kuwento at aral nito. Ang isa pa ay ang
“Yumayapos ang Takipsilim”, ipinakita rin dito ang buod ang kuwento. Realisasyon ang mga magulang natin ang nagpapalaki sa atin. Pagdating
ng panahon ang anak na kanilang inalagaan at pinalaki ay siya namang magsisilbing magulang. Ang mga anak naman ang mag-aalaga sa
magulang. Ang simbolismo ng takipsilim ay isang yugto n gating buhay na bahagi ng kuwento, ang pagtanda. Ikatlong ipikata ay ang “Parusa” ito
ay kuwento tungkol sa pag-iibigan na tinatawag na “Love Triangle”. Ang mga tauhan ng kuwento ay sina Big Boss, Salamin, Ventura at Neneng,
Ang kuwento ay may aral na taglay ito ay nagsasabi na matuto tayong humingi ng tawad sa lahat ng ating nasaktan kung ito man ay sinasadya o
hindi. Matuto tayong magpatawad sa mga taong nakagawa sa atin ng hindi maganda. Sa bandang huli ipinapakita lamang dito na aanihin natin
ang kabutihan kapag tayo ay nagpakita ng kabutihan sa ating kapwa. Sa kabuuan masasabi ko na naging makabuluhan ang pagtalakay sa
paksang ito sapagkat patunay lamang ito na ang mga Pilipino ay may malalim na dahilan kung bakit pinipili nila na makipagsapalaran sa ibang
bansa. Ito ay nagbukas sa aking mga mata at kaisipan na bilang isang Pilipino na nananahan sa bansang ito marapat lamang na dapat
nating pahalagahan ang mga dakilang OFW ng ating bansa sapagkat pikit mata nilang iniiwanan ang kanilang mga mahal sa buhay para
lamang maitaguyod ang kanilang pamilya at higit sa lahat maibigay ang pangangailangan ng kanilang mga anak magkaroon lamang sila ng
maayos na buha

BALANGKAS NG SANAYSAY
PAMILYA MIGRASYON DISINTEGRASYON
Fanny A. Garcia
I. PAKSA
Ang paksa ng sanaysay na aming nasaliksik ay tungkol sa mga OFW
o Overseas Filipino Workers.
II. TEMA
Ang tema ng sanaysay ay ang migrasyon at disintegrasyon ng pamilya.
III. PANIMULA
Sa panahon ng batas militar ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ginawang state policy ang pagluluwas ng lakaspaggawa. Sa mga kritiko
gayunman, tiningnan ito bilang isang paraan ng pagpigil sa pagputok ng isang panlipunang bulkan (lubhang mapanganib kung maraming walang
trabaho sa isang bansang may diktadura), at bilang pagsuhay na rin sa pambansang ekonomiya sa pamamagitan ng mga remitans.
IV. NILALAMAN
OCW o Overseas Contract Workers ang kauna unahang tawag sa mga migranteng Pilipino, at sa di kalaunan nang dahil sa patuloy na pagdami
taon-taon ay nagging mas tumbok ang Overseas Filipino Workers o mas kilala bilang OFWs. Ang OFWs ay magsisilang naman ng bagong
termino: pamilyang migrante/OFW/transnasyonal bilang pagtukoy sa consistent na pagdami ng mga pamilyang nawawalan ng kapamilyang
kinailangang mag- OFW, karaniwan nang ang ama o ina. Patuloy ang paglaki ng padalang salapi ng OFWs, sa labis na katuwaan ng gobyerno,
gayong kapalit ng pakikinabang na ito sa mga remitans na nagpapasigla sa pambansang ekonomiya ay ang disintegrasyon ng mga pamilyang
migrante/OFW/transnasyonal.
V. KONKLUSYON
Dahil sa patuloy na pagdami taon taon ng mga Overseas Filipino Workers, siyang pagdami rin ng mga naulilang pamilya, sinamantala ito ng mga
namamahala o ng mga opisyales ng gobyerno. Napakarami nang pag-aaral at pagsasaliksik sa isyu o konsern na ito, pero sa karaniwan, nagiging
datos na lamang ang mga miyembro ng pamilya. ngunit hindi naglaon nagkaroon ng pagkakataon ang isang pamilya na makapagsalita at
mailahad ng buong puso ang kanilang saloobin.
Pamilya Migrasyon Disintegrasyon
by 
Fanny A. García

K.D. Absolutely's review


Apr 05, 2013
really liked it

bookshelves: pinoy, grant, writing-grant, non-fiction, interview

Sayang lang. Walang picture sa internet ang librong ito. Hindi masyadong magandang tingnan dito sa GR. Sana may mag-magandang loob na kunan ang
pabalat ng book at i-post dito sa GR. Wala man lamang ginagawa ang publisher (paging De La Salle University) para i-promote ito sa cyberspace. Sayang
kasi maganda ang book.

Bihira pa namang may nagla-like ng rebyu ko pag Tagalog ang book dito sa GR. Tapos ngayon, wala pang picture ang cover ng libro. Malamang bokya
itong rebyung ito. Walang magla-like nito. O ni walang magbabasa. Minsan, pakiramdam ko, nagsasayang lang ako ng oras pag nagiisip kong anong
masasabi ko sa Pinoy book na nabasa ko. Kahit mga taga-PRPB, walang interesado sa opinyon ko sa Tagalog books lalo na kung di sikat kagaya nitong
libro na ito ni Fanny Garcia. Well, anyway, advocacy ko kasi na suportahan ang mga Pinoy books (writers and publishers) kahit man lang sa pagbabasa ng
mga local books at lalong lalo na sa pagsusulat ng rebyu para magkaroon na interes ang mga Pinoy readers. Lalo na ang mga kabataan dahil sila ang
madalas gumamit ng internet. Kaya bahala na. Siguro di naman ako nagsasayang ng panahon. Definitely, may mga natututunan naman ako sa mga Pinoy
books na nababasa ko. Kung di man, nage-enjoy rin dahil natatawa o namamangha.

Kuwento ito ng isang pamilya na ang tatay na si Romy, 50y/o, ay isang galapatero o karpintero ng mga bangka o barkong pangisda. Ang trabahong iyong
ay di permanente. Kapag may dumadaong lang na bangka o barko para ayusin tsaka lang may trabaho si Romy. Ang nanay ay si Nenita, 44-y/o, na isang
mananahi. Siya yong nag-abroad para ipagawa ang bahay at matapos sa pag-aaral ang kanyang dalawang mas nakakatandang anak na sina Sarah, 21-y/o
at Luis, 19-y/o. Parehong working student ang mga ito dahil kailangan pa ring mag-part time dahil kapos pa rin ang ipinadadalang pero ni Nenita. Tapos
si Sarah ay may kasintahang nagbabanda si Luis naman ay madalas uminom kagaya ng tatay niyang si Romy. Yong dalawang nakakabatang kapatid na
si Jay, 17-y/o ay mahilig mag-basketball. Tapos si Tricia, 15-y/o ang gumawa ng mga trabahong bahay na iniwan ni Nenita. Si Tricia na palasagot sa
kanyang ama. Pero kahit ganoon, si Tricia pa rin ang paborito ni Romy sabi ng tatlong magkakapatid dahil madalas ibili ng step-in.

Writing grant ito ng De La Salle kay Garcia na isang professor sa nasabing unibersidad. May mga published books (novels and the like) at movies na kasing
tumatalakay sa OFW pero wala yong malalim na pagtalakay at pakikipagusap sa lahat na miyembro ng pamilyang ang isa (o dalawa) sa mga magulang ay
OFW. Dito sa book na ito ni Garcia, ininterview niya separately ang anim na miyembro ng pamilya o separate occasion. May mga revelations dito kaya
nang di alam ni Nenita na nagtatampo rin pala si Jay dahil sya na lang ang walang cellphone sa magkakapatid. Buong akala ni Nenita na di mapaghanap si
Jay. Di siya aware sa tinatawag na "middle-child syndrome." Tapos lahat ng magkakapatid ay di masyadong mahal si Romy dahil pala-inom at iniisip pa
ng mga anak na babae na may dinadayo itong prostitute habang wala ang ina nila. Kaso sa interview ni Garcia, umiyak si Romy na tanda ng hirap na
dinadanas niya bilang asawang malayo sa kabiyak na si Nenita.

Kahit base ito sa actual interviews na boring kung iisipin. Yong mga ganoong revelations o realizations na mararanasan mo habang binabasa ang libro,
masaya na. I mean, para kasing nagkaroon ng mukha ang kahirapan ng pangkaraniwang pamilya na hikahos sa buhay kaya ang isa sa mga magulang o
anak ay nakaisip mag-OFW. Wala akong masyadong karanasan sa ganito o walang kaibigang ganito kaya wala akong first-hand experience. Kaya habang
binabasa ko yong book, nakakaaliw lang. Trabaho lang ako ng trabaho sa office. Basa na basa ng libro sa bahay, parang minsan di na ako aware sa mga
nangyayari sa labas ng mundo ko.

At salamat sa ganitong libro. Kahapon napadaan ako sa STI Munoz. Naala-ala ko sina Sarah at Jay. Doon sila nag-aral.

Si Fanny A. Garcia (ipinanganak noong Pebrero 26, 1949 sa Malabon, Rizal na ngayon ay Malabon City) ay siyang guro, manunulat, mananaliksik,
editor, at tagapag- salin. Nagtapos siya sa University of the Philippines-Diliman. Siya ay nagwagi ng 2005 National Book Award para sa Autobiography ng
Manila Critics Circle para sa librong Erick Slumbook: Paglalakbay Kasama ang Anak Kong Autistic (2004).
Si Fanny A. Garcia ay isa ring premyadong manunulat sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa mga kategoryang maikling kwento, sanaysay,
iskrip, at kuwentong pambata. May labindalawa na siyang libro kasama na ang bersyong Ingles na "Journeys with My Autistic Son (2009)." Sa
kasalukuyan (2012), nagtuturo siya sa De La Salle University-Manila at sa University of the Philippines-Diliman. Nakapagturo na rin siya noon sa
Philippine Science High School.

You might also like